Chapter 20

1284 Words
ANDREA HERNANDEZ "Janna, nakaready na ba 'yung mga documents na dadalin natin sa--" napahinto ako nang magtama ang mata naming dalawa. I shouldn't be surprised anymore kung sakaling magkikita kami ng madalas dahil sila ang pinili ni Alfred na maging accredited bank ng project na ito. But until now, hindi pa rin ako sanay sa presensya niya.  "Hi," I could feel the hesitation in him. Simula ng confrontation namin nung party ni Alfred ay naging mailap na din siya. I knew I hurt his feelings and his ego.  Hi," I greeted him in return careful not to show any smile.  " Ito na po 'yung hinihingi nyo, ma'am," Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong ialis ang tingin ko sa kanya. Maybe a part of me wants to tell him that I didn't meant what I said that night. Nakakainis lang kasi siya sa binibintang niya. "Thanks," aalis na sana ako matapos maibigay sa akin ni Janna ang kailangan kong report pero bigla itong nagsalita. "I'm here to get the documents for the accreditation," habol niyang saad. "O-okay. Janna, please assist Mr. Arellano on the documents that he needs," Hindi ko gustong talikuran siya pero sa tuwing nandiyan siya sa malapit ay hindi ako makaakto ng maayos and my only escape is to turn away from him. I still feel uncomfortable with his presence. Hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangan kong tapusing trabaho. I amhandling this project for the mean time dahil gusto munang magbakasyon ni Alfred for a few weeks.  Agad kong inayos ang mga folders sa table ko at iniligpit ang laptop ko. Kailangan ko pang bumalik sa Main Office para sa meeting with the directors. Nang makalabas ako ng opisina ay nakita kong naghihintay pa din si Jake.  "Hindi pa ba naibigay ni Janna 'yung mga kailangan mo?" tanong ko sa kanya dahil may isang oras na rin simula nung makita ko siya kanina. Sasagot na sana siya pero bumaling ako kay Janna na bagong dating. "What's with the delay, Janna? Kanina pa naghihintay si Mr. Arellano sa documents. I already advised you yesterday on the needed forms. Bakit hindi pa rin handa ngayon?" Hindi ko naiwasang mapagsabihan si Janna. Hindi ito ang unang beses na nakakaligtaan niyang gawin ang mga ibinibilin ko sa kanya. Katulad na lang kanina, maaga kong inutos sa kanya na ihanda na ang mga kailangan kong reports pero nakaligtaan na naman niya. "May mga hiningi lang akong additional pa pero kailangan pa daw niya kasing kunin 'yun sa kabilang department kaya hinihintay ko pa," "Hindi ba nasa listahang ibinigay ko naman sa'yo ang lahat ng requirements? Bakit kulang pa din Janna?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jake at patuloy pa ding bumaling  sa aming sekretarya. "E kasi po Ma'am----" Nag-iisip na naman siya ng ikakatwiran niya. Ang hindi niya alam ay kanina ko pa siya napapansing panay ang hawak sa cellphone kahit sa gitna ng trabaho. Nakarating na rin ang sumbong sa akin ng Project Manager dito  sa pagiging pabaya ni Janna. "Okay lang hindi naman ako nagmamadali," Sabat ni Jake. Hindi ko naiwasang mainis sa pakikialam niya. I took a deep breath to release the irritation. "I'll go ahead," malamig na paalam ko sa kanila. Nakasakay na ako sa kotse ko pero hindi pa rin mawala ang inis ko sa kanya. I don't tolerate negligence in my office. Lalo na kung paulit ulit na lang iyon despite several and repeated reminders.  Nakita ko siyang naglalakad sa parking area dahil malapit lang din pala ang pinagparadahan niya ng kanyang kotse sa puwesto ko. Nagtama ang mga mata namin pero agad ko siyang inirapan dahil naiinis ako sa pakikialam niya. Ang bait naman yata niya. Samantalang nung siya ang boss ko napakasungit niya at laging nakasigaw. Binuksan ko na ang makina ng sasakyan ko pero kung mamalasin ka nga naman talaga at kung kailan nagmamadali ka. Sh*t! Ayaw magstart. Ilang beses kong sinubukang buhayin ang makina pero ayaw pa din.  Napasandal na lang ako sa backrest ng driver's seat sa sobrang iritasyon nang mapansin kong may bulto ng taong nakatayo sa mismong side ng kotse ko. Kinatok nito ang bintana kay ibinaba ko iyon.  "You want me to check?" Napapikit na lang ng mariin ang mga mata ko dahil alam kong kahit ayoko ay wala akong choice kung hindi hingin ang tulog nito. "Bad news, hindi ko kayang gawin 'to. Kailangan mo talaga ng mas maalam na mekaniko," aniya matapos paulit ulit na kalikutin ang makina ng sasakyan. Gosh! "If you want, may kakilala ako na malapit na pwedeng---" "Never mind. Hindi mo rin naman pala kayang gawin, sana kanina mo pa sinabi para nagpasundo na lang ako sa driver," Iritableng sagot ko sa kanya. I really need to go now pero puro kamalasan naman ang inabot ko. "I said I can check you car. I didn't promise that I can fix it," mukhang nainis siya sa naging reaksyon ko. I didn't mean to be rude. Sobrang stressed lang talaga ako, dadagan pa that I'm on my period kaya mas lalo akong iritable. "Whatever," I murmured and gave him a sullen glance. "Mauna na ako sa'yo. PASENSYA ka na kung hindi ko naayos ang kotse mo," Ipinagdiinan pa talaga niya para ipamukha sa akin na ungrateful ako. "Fine," Ayaw patalong sagot ko sa kanya. Nakita ko itong pumasok na sa kotse niya. "Manong, pwede niyo po ba akong masundo?" hindi ko na siya pinansin at tinawagan ko na lang ang company driver. JAKE ARELLANO  F*ck! Napakasungit naman niya. Meron ba siya?  Hindi naman niya kailangang pagalitan si Janna. Hindi pa naman ako masyadong matagal na naghintay. Tapos ngayon sa kotse niya. Nagmagandang loob na nga akong icheck ang sasakyan niya ako pa ang sinungitan. Hindi ko tuloy mapigilang matawa nang makita ko ang inis na inis na mukha niya.  Ibinaba ko ng bahagya  ang bintana ng kotse ko kaya kahit papaano ay naririnig ko ang boses niya at frustrations. Rush hour na. Matatagalan pa kung hihintayin niyang masundo siya ng company driver nila. Nabigla siya ng businahan ko siya dahil nakaharang siya sa daan. Nakita ko na naman kung paano ako tinaliman at inirapan ng tingin nito. I somehow felt amused with her reaction. Ang sarap din niya minsang asarin. Nalagpasan ko  na siya pero kita ko mula sa side mirror ang pagsipa niya sa gulong ng kotse. Mainitin na ang ulo niya ngayon. Isa 'yun sa mga nagbago sa kanya. Balak ko na talaga sanang umalis pero tumingin muna akong muli sa side mirror. D*mn! Pasalamat ka talaga hindi kita matiis.  Pinaandar ko pareverse ang kotse para makabalik sa pwesto niya.   "Sumabay ka na. Mamumuti ang mata mo kung hihintayin mo pa ang sundo mo," seryosong sabi ko sa kanya. Pinilit kong itago ang pinipigil kong ngiti dahil sa pagiging iritable niya.  i really find it cute.  Mukhang naghahati ang isip niya kung sasakay ba siya ng kotse o hindi. "Nagmamadali din ako. Bibilangan kita ng tatlo para sumakay sa kotse ko o hindi. Nasa sa'yo 'yan," Lalo lang niya akong tinaaasan ng kilay.  "Ayoko," tanggi niya.  "Isa," Wala siyang reaskyon. "Dalawa," nagpatuloy ako sa pagbibilang. Nakita ko na nagdalawang isip din siya matapos mabasa ang message sa cellphone niya. Marahil ay kanina pa siya hinahanap sa Main Office nila. "Tatlo. Okay" Pinaandar ko ng bahagya ang kotse just to tease her. "Fine, fine. Sasabay ako," atubiling saad nito. Napangiti ako nang umikot siya sa kabilang side para makasakay sa passenger's seat. Agad ko ding inalis ang ngiting 'yun dahil baka makita pa niya. "Tss! Sasakay ka din naman pala ang dami mo pang arte," komento ko. "I just don't have a choice," parang gusto niyang gilitan ako sa matalim na tinging ibinabato niya sa akin. She's still cute just liekbefore. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD