ANDREA HERNANDEZ
“Maya-maya nandiyan na si Boss Mikee, tago naman bigla si Sir Oliver kasi baka malaman ni Boss na kumukuha siya ng tips sa amin kung paano siya manliligaw,” Natatawang kwento ni Carisse tungkol kay Mikee at Oliver.
“Pero the best pa rin ‘yung birthday ni Boss na may dumating na mga nanhaharana,” Singit naman ni Ms. Vina.
Masaya kaming nagkukwentuhan ngayon sa isang table kung saan sama-sama kaming mga kasamahan sa bangko ni Mikee.
“Nakita mo na kung gaano ka kapatay na patay sa akin?” Biro ni Mikee sa asawang si Oliver.
“Nako, pinaalala niyo pa ‘yun. Papalakpak na naman ang tenga ng asawa kong to!” ani Oliver na bahagyang kinurot ni Mikee.
“Bakit, hindi ba?” Tanong naman nito.
“Aw! Oo naman love. Hanggang ngayon patay na patay pa rin ako sa’yo,” Niyakap nito ang asawa. Nakakatuwa na hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang sweetness nila sa isa’t isa. Lalo na si Oliver na kitang kita kung gaano niya kamahal si Mikee sa tuwing tinititigan niya ito.
“Teka, nakakalimutan niyo ‘yung dalawa dito sa gilid natin,” ani Carisse na nakatingin sa aming dalawa ni Jake.
“Hindi ba halos langgamin na din silang dalawa sa sobrang kasweetan dati? Aba’y araw-araw hatid-sundo itongsi Andeng,” dugtong pa nito. Parehas kaming natahimik ni Jake. Maging ang mag-asawang Mikee at Oliver ay natahimik din.
“Bakit natahimik kayo diyan?” Natatawa pang dugtong ni Carisse na siya lang yata ang hindi nakahalata na iniiwasan naming pag-usapan ang tungkol sa amin.
“Kukuha lang ako ng pagkain,” Tumayo si Jake mula sa kinauupuan at nagpunta patungo sa kusina.
“Ikaw kasi eh,” bahagyang siniko ni Ma’am Vina si Carisse.
“S-sorry Andeng ha. Akala ko kasi okay na kayo ni Sir Jake,” paghingi niya ng paumanhin na sinuklian ko lang ng matipid na ngiti. Bumalik din kaagad si Jake nang makakuha ng pagkain. Mas naging cautious naman na ang lahat sa mga sasabihin nila.
“Sir Jake, pwedeng sumabay sa’yo mamaya pag-uwi?” Basag ni Carisse sa katahimikan.
“Sure, along the way naman eh,” sagot naman ni Jake.
“Yehey! Buti na lang talaga lumipat ka na din sa Antipolo,” napalingon ako sa sinabi ni Carisse. I thought he still lives in his condo?
“Jake, pakitulungan mo nga muna ako dito pare,” tawag ni Oliver sa kanya nang lumapit sa amin. Sila Vina at Carisse naman ay nagpunta muna sa CR.
“Mikee,” nag-aalangang tawag ko sa kanya. Kaming dalawa lang ang naiwan dito sa table.
“Hmm? Ano ‘yun, Andeng?”
“Curious lang ako sa sinabi ni Carisse na—na sa Antipolo na nakatira si Jake,” napangiti siya sa tanong ko.
"Nung umalis ka, dun na tumira si Jake. Akala niya kasi babalik ka pa din at ayaw niyang mabakante ‘yung dream house niyo. Dapat maayos daw ‘yun para pagbalik mo ready na para tinahan mo,” Tinapik niya ang balikat ko at tumayo.
“Maiwan muna kita sandali Andeng. Asikasuhin ko lang ang ibang bisita,” paalam nito.
Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa nalaman ko.
“Okay ka lang?” tanong niya sa akin nang bumalik siya sa table namin. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit tumira siya sa bahay na ‘yun? Gusto kong malaman kung bakit naghintay pa siya? Kung bakit umasa pa siyang babalik ako? Pero parang napipi ako.
“O-okay lang,” tanging naisagot ko sa kanya.
“B-bakit ganyan ka makatingin?” tanong nito sa akin nang nanatili akong nakatingin sa kanya.
“Yesterday, bakit hinatid mo pa ako sa opisina eh nasa Antipolo na tayo. Naabala ka pa na bumiyahe pabalik. Malapit ka na sana sa bahay mo,” Hindi ko alam kung bakit para akong nahypnotize ng mga mata nito. I saw how confused he is by how I look at him. But I just can’t help it.
“I can’t leave you just like that. I know you need to get back to your office. Hindi kita kayang pabayaan. Isa pa, hindi naman masyadong matraffic pabalik kaya okay lang,” kailangan ba talagang ganito kabilis ang tahip ng dibdib ko? Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kabila ng mga lumipas na taon?
“O games naman tayo para sa mga matatanda!” nabasag ang titigan nang magsalita ang host ng party ni Ethan.
Author’s Note:
Short update lang po muna. Buong weekend po akong may sakit. Bukas po ay babawi ako.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.