ANDREA HERNANDEZ
FLASHBACK
Ako naman ang pinauwi nila Papa sa bahay para makapahinga. Pero magdamag din naman akong halos ‘di nakatulog dahil sa pag-aalala kay Mama at sa pag-iisip kung sino ba ang Alfred Garcia na ‘yun at kung anong pinagsasabi niya. Sana nandito si Jake sa tabi ko. Alam niya kung paano pagaaanin ang loob ko. I want to hear his voice. Sana naman ay sagutin na niya ang tawag ko.
“Hello hon!” Kanina pa nagriring ang phone niya pero hindi niya sinasagot kaya sobrang excited ko na finally makakausap ko na siya.
“Kanina pa kita tinatawagan. Nabasa mo ba ‘yung mga messages ko? Nasa Bolinao ako ngayon kasi si Mama---“Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero napatigil ako nang marinig ang malakas na hilik nito.
“Pagod ka na siguro, hon. Magpahinga ka muna. Tawagan mo ako bukas ha. I- I miss you” Gustong gusto ko siyang makausap. Gustong gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari ngayong araw na ‘to. Gusto kong magsumbong at iiyak sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Katulad ng dati na para akong batan nagmamaktol sa tuwing hindi maganda ang araw ko. At siya naman ay nilalambing ako to make me feel better. Pero alam kong pagod din siya. Sa mga nakalipas na buwan ay naging nakapabusy ni Jake. May mga araw na hindi na kami nagkikita. Hanggang pati sa tawag at text ay mahirap na siyang makausap. Pero naiintindihan ko naman siya. Nasa point siya ng kagandahan ng career niya. At tuwing iisipin kong lahat ng efforts na ginagawa niya ay para sa future namin ay nawawala na ang tampo ko.
-END OF FLASHBACK-
***************************
MIKEE SANTILLAN
“Stop that,” naiinis na naman siya.
“What? I’m not doing anything,” lalong kumunot ang noo niya. How I love teasing him. Napakapikon!
“Stop looking at me like that. It’s so annoying,” Hindi ko na napigilang matawa sa kanya.
“We’ll be late if you’ll eat that slow,” seryoso pa rin.
“Ayokong machoke noh. Baka mamatay pa ko,” lalo ko pa siyang inasar.
“Ano daw bang pag-uusapan niyo?” I asked. We’re having a quick lunch before heading to the office of Mr. Garcia. He asked for a meeting at hindi ko alam kung bakit kailangan akong kaladkarin ni Jake para samahan siya.
“About business,” matipid na sagot nito.
“Then why do I have to go with you? Kayang kaya mo na ‘yon,” Sanay naman kaming mag joint call ni Jake before. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ayaw niyang magpunta mag-isa sa opisina nila na parang masusunog siya.
“Sinamahan ko na lang sana ‘yung ibang managers na mas kailangan ang tulong ko,” He didn’t answer pero halos nahiwa na ko sa matalim nitong tingin. I’m just teasing him, my gosh!
“Don’t tell me kinakabahan kang makita siya?” He didn’t answer. Well he didn’t have to state the obvious. I know him so well.
“Why would I? Kasi bilyonarya na siya?” he glared at me.
“Luh? Kairita.” Pati ako dinadamay sa init ng ulo niya.
**********
JAKE ARELLANO
Nasa loob na kami ng conference room ni Mr. Garcia. Ipinatawag niya ako dahil may gusto daw siyang idiscuss sa akin about a certain project. Hinatak ko si Mikee na samahan ako ngayon because honestly, I don’t feel comfortable meeting them today. After the confrontation with Andrea on his brother’s birthday party ay ngayon ko lang ulit siya makakaharap. Having Mikee around would at least lessen the weight of the atmosphere.
Agad nagtama ang mga mata namin nang makapasok sila ni Mr. Garcia sa conroom. Kaming apat lang ang nandito dahil simpleng meeting lang naman daw. As usual ay nagbeso sila ni Mikee. Mr. Garcia is still welcoming. After his birthday party ay biglang naglaho ang anumang inis na nararamdaman ko sa kanya dati.
“May papatapos na akong townhouse project sa Antipolo. In less than a month ay mag-oopen na ang showroom and I would like to get you as the accredited bank para sa mga kliyente that would buy a unit using bank financing. Is it possible?” Napangiti kaagad si Mikee sa narinig.
“And I still want Mr. Arellano to handle it. I was really impressed on your prompt service last time kaya if you can still handle this project, I would be glad,”
“Of course, Mr. Garcia” Hindi pa ako nakakasagot ay si Mikee na ang nagsalita para sa akin. Sh*t! Alam kong alam na niya kung anong iniisip ko kanina pa lang kaya pinangunahan na niya ako.
“How about you Jake? Can you help me with this?” Ilang Segundo bago ako sumagot. “Of course, Sir.””
Mikee did all the talking because she knew I why I brought her with me. While me, I tried to avoid looking at her. I knew she did the same.
*************************
ANDREA HERNANDEZ
“Ang tahimik mo yata,” Mula sa pagiging abala sa mga reports ay napabaling ako sa tanong ng kapatid ko.
“I’m working,” Obvious naman na may ginagawa ako kaya alam kong may pinupunto na naman siya.
“Let me guess, dahil ba kay Mr. Arellano? I noticed that you two were avoiding each other during the meeting earlier,” Tss. I knew it. San ka makaakita ng CEO na tsismoso?!
“Nagtatrabaho lang ako, Alfred.” Mariin kong sagot sa kanya. Ang aga-aga nagsisimula na naman siya.
“I saw you talking to him on the night of my party,” Napahinto ako sa binabasa kong sales report sa muli niyang sinabi.
“You two we’re fighting,” Kahit kailan ay hindi niya pinakialaman ang personal issues ko especially if it’s about my relationships. But he knew everything that happened. He came into my life nung mga panahon na kailangan ko ng masasandalan.
“Wala lang ‘yon,” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na siya muling nagsalita pa dahil alam niyang ayoko ng pag-usapan pa ang nakaraan.
“So okay lang sa’yo na ikaw ang maghahandle ng project sa Antipolo?” There was a smirk on his face. Grrr! He’s so annoying.
“Why me? You said you will handle that,”
“Hindi pa ba ako pwedeng magbakasyon?” Aniya na may paglalambing sa mukha. Ano siya lang ang pwedeng magbakasyon?
“Kaya mo ba ginawa ang announcement para ipasa na sa akin ang trabaho mo?”
“Of course not, sister. Pero baka naman pwede ko ng pagtuunan ang love life ko ngayon na kilala ka na ng board?” Gosh! Alam na alam niya talaga kung paano magpaawa.
“Fine!”Napangiti na lang kaming parehas knowing na hindi ko siya matitiis.
JAKE ARELLANO
“And what was that?” Nasa sasakyan na kami after the meeting.
“What do you mean?” Nagmamaang-maangan pa talaga siya.
“You knew why I brought you here with me. So bakit ako pa rin ang ipinain mo, Mikee?”
“Yes. Kahit hindi mo sabihin, alam kong isinama mo ako ngayon dahil balak mong iturn over ang account di’ba? Gusto mong nandito ako para alam ko kung sino ang tamang manahger na ipapalit ko sa’yo dahil ayaw mo ng i-handle sila ‘di ba?” She’s right. I’m no longer comfortable handling their company. I’m no longer comfortable working with her. After the things that she said to me that night, ni hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya.
“E bakit ako pa din? Alam mo naman pala?”
“Didn’t you hear Mr. Garcia? He specifically wants you,”
“Tss. Ang daming mas magaling sa akin,”
“Dahil ba kay Andeng?” Asked Mikee. I didn’t answer.
“I know you’re not comfortable with this, Jake. But please be professional. Do this for yourself,” Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong mali ang dahilan ko.
Wala na rin akong magagawa dahil napasubo na ako at alam kong hindi papayag si Mikee. I guess I really have to deal with her.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.