Chapter 18
JACOB ARELLANO
“You mean she’s a billionaire?” The night is still not over for me. I wanted to get myself drunk kaya sinamahan naman ako ni Gab at Andrew.
“Who would’ve thought na ‘yung damsel in distress mo dati ay isa palang lost princess. Woah, don’t ell me ikaw ‘yung prince charming na nagsave sa kanya sa tower?” Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. I’m really not in the mood para makipag-asaran.
“So, you think, iniwan ka talaga niya dahil dun?” Seryosong tanong ni Andrew.
I honestly don’t know.
“That’s what she said,” malamig na sagot ko.
**************************************
ANDREA HERNANDEZ
“Okay ka lang?” Days after the announcement ay lumabas na kaagad sa mga local newspapers ang identity ko. Mayroong mga magazines na gustong kumuha ng exclusive interview dahil sa istorya daw ng buhay naming magkapatid. Duh?! I would rather keep it in private but Alfred insisted to tell the truth. Hindi na niya nagugustuhan ang mga tsismis na kumakalat sa office na may relasyon daw kami. That I am a gold digger, a slut, and all other sh*ts na wala namang katotohanan.
“You know I hate too much attention,” sagot ko sa kanya habang pilit na nagpofocus sa mga reports na binabasa ko.
“Get used to it, dear sister. At least now that everyone knows who you are, wala na silang masasabi.”
I can still remember my first day here in the company. I started as his secretary. He wanted to give me a higher position but I declined. I just needed a new job,after resigning from the bank. May dati na siyang sekretarya pero kinuha pa din niya ako dahil gusto niyang mas mapalapit kami sa isa’t isa. I’m his only family. Maraming tumaas ang kilay sa akin kung bakit kailangan ng isa pang sekretarya gayung matagal na sa company si Gail, her secretary. Siya lang din ang nakakaalam kung sino talaga ako. Mas lalo pang lumakas ang ugong nang mapromote ako at ginawa niya akong executive assistant niya. Naging malapit din kaming magkapatid na binigyan nan man ng meaning ng iba. Kung gusto ko silage personalin ay nungkang ilista ko lahat ng pangalan ng mga taong nagkalat ng maling balita tungkol sa amin. Pero wala naman talaga akong pakialam. I know the truth. Bahala na lang silang kabahan ngayon na alam na nila kung sino ba talaga ako.
FLASHBACK
The subscriber you are calling is currently unavailable. The subscriber you are calling is currently unavailable.
Makailang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi ko pa rin siya makausap. Kanina naman nagriring ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Pero ngayon out of reach na. Kailangan kong umuwi ng Bolinao dahil inatake daw si Mama. Alam kong hindi ako pababayaang umuwi ni Jake mag-isa at mas mabilis akong makakarating kung gagamitin namin ang kotse niya kesa mag bus ako.
Hon, san ka na ba? The subscriber you are calling is currently unavailable.
Hindi na ako pwedeng maghintay pa ng matagal. Kailangan ako ni mama.
“Ate!” agad akong sinalubong ni Andy sa lobby pa lang ng ospital. Madaling araw na nang makarating ako dahil maraming stop over ang bus.
“Kamusta si mama?”
“Under observation pa siya anak,” Si papa ang sumagot sa akin. Inatake sa puso si Mama. May heart condition na siya dati pa pero matagal na nung huli siyang inatake.
“Ano po ba’ng nangyari?” Nagkatinginan si Papa at Andy na tila hindi alam kung sino ang dapat magpaliwanag ng nangyari. Akmang magsasalita pa lamang si Papa pero naagaw ang atensyon niya sa lalaking lumapit sa amin. “Are you Andrea?” Nakasuot ito ng formal suit at mukhang kagalang galang.
“Ano ba’ng ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi kong tigilan mo na kami? Napakamak ang asawa ko dahil sa’yo!” Ngayon ko lang nakita si Papa na magalit. All my life lagi lang siyang nakangiti at nagpapatawa. Napapagalitan nga siya ni Mama dahil kinukunsinti daw kami nito sa mga kalokohan namin. Pero ang totoo, napapagsabihan naman niya kami pero sa malumanay na pakikipag-usap. Hindi lang talaga siya katulad ni Mama na napapalo kami kapag matigas ang ulo namin nung bata pa kami ni Andy.
Balak pang sugurin ni Papa ang lalaki pero pinigilan namin siya ni Andy.
“Sino ka ba?” Tanong ko sa lalaki.
“I’m Alfred Garcia. I’m you’re bother,” Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi nito. Paanong nangyari ‘yun? May anak ba si Papa sa labas? O si Mama?
“Umalis ka na!” Singhal ni Papa sa nagpakilalang kapatid ko daw.
“Hindi ko po intension na biglain ang asawa niyo. Gusto ko lang pong mabawi ang kapatid ko,” Parang ayaw iproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Kapatid?
Nabaling ng atensyon namin nang lumabas ng doctor mula sa ICU.
“Doc, kamusta po ang asawa ko,” Lahat kami ay lumapit dito.
“Stable na ho ang pasyente. Kailangan na lang po muna niyang magpahinga,” Narelieve kami na okay naman na si Mama. Pinauwi ko muna si Papa at Andy para kumuha ng mga gamit sa bahay. Nasa waiting area ako nang lumapit muli sa akin si Mr. Garcia.
“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo pero hindi ako ang kapatid na hinahanap mo,” Mariing sabi ko sa kanya.
“I know this is not the right time. Kapag maayos na ang kalagayan ng Mama mo, just call me.” Aniya at inabot sa akin ang isang papel.
“Matagal kitang hinanap,” Napatingin ako sa kanya at alinlangang ibanot ang binibigay na calling card.
Author's Note:
Hi! Missing in action ako for a couple of days. Daming ganap sa life. Will update again later. Stay safe :)
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.