Chapter 10

973 Words
ANDREA HERNANDEZ   “Anak, bakit ngayon ka lang?’’ Salubong na tanong sa akin ni Papa. It’s already six o’clock in the evening. Masyado akong kinain ng mga trabaho sa opisina kaya hindi ko na namalayan ang oras. “Marami ho akong tinapos sa opisina, Pa. ’’ Halos hindi ko na mabuhat ang paa ko sa sobrang pagod ko. “Ang Mama ho?” Sanay akong makita si Mama na nakaupo sa sala at nanunuod ng paborito niyang teleserye ng ganitong oras.   “Nasa kusina, Ate.  Nagluluto ng hapunan,” Si Andy ang sumagot sa akin na abalang naggigitara sa tabi ng bintana. Agad kong nalanghap ang mabangong amoy ng niluluto ni Mama. Hindi ko na napigilang puntahan ang kusina dahil sa pagkatakam. “Ma, ano pong niluluto ninyo? Bigla tuloy akong nagutom--” natagpuan ko si Mama na prenteng nakaupo at ngiting ngiting nanunuod sa lalaking malayang kumikilos sa aming kusina. Agad silang napalingon sa akin. Ako naman ay hindi na nagawang makapagsalita. Gusto kong bawiin ang papuri ko sa masarap na amoy ng niluluto nito pero alam kong huli at masyadong magiging obvious kung bigla ko itong pabubulaanan.   “Mabuti naman at nakauwi ka na, anak. Sakto at tapos nang magluto si Jake,” bati sa akin ni Mama habang sarap na sarap sa kinakaing masanas.   “Akala ko ho kayo ang nagluluto,” pinalis ko ang ngiting namumutawi sa akin kanina bago ko pa malaman kung sino ang salarin sa masarap na amoy sa kusina. “E nagpumilit itong si Jake eh,” sagot ni Mama at nagpalitan sila ng ngiti. My favoritism talaga itong nanay ko.   “Maghahain na ako sa hapag ha. Anak, tulungan mo muna si Jake na dalin ang pagkain sa lamesa,” utos ni mama bago nagpunta sa dining area. Naiwan kaming dalawa sa kusina. Kumuha ako ng mga bowl na paglalagyan ng pagkain.  Hindi talaga ako komportable sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa. Isasalin ko na sana ang sinigang na niluto niya sa bowl pero kung mamalasin ka nga naman ay nakalimutan kong gumamit pot holder kaya malakas akong napasigaw sa pagkapaso ng kamay kong inihawak sa kaldero na wala man lang gamit na sapin. Nasaan ba ang isip mo, Andeng? Pagalit ko sa sarili. Agad na dumalo si Jake sa tabi ko at inagaw ang kamay kong napaso. Namumula iyon pero mas ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hawak niya ang kamay ko. Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan iyon. Hinatak niya ako papunta sa sink at isinahod ang kamay sa bukas na gripo. The cold water eases the pain. Hindi niya binitawan ang kamay ko. “Tss, hindi ka kasi nag-iingat. You’re still clumsy,“ There was no irritation on his voice but more on concern. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakahinga ng maayos gayung sobrang lapit ng mga katawan naming sa isa’t isa. Two years have passed. Pero ang pakiramdam ko sa tuwing nasa malapit siya ay hindi pa rin pala nagbago. Nawala nga ang hapdi ng paso pero mas nakakapaso ang nararamdaman ko ngayon just by being this close to him. I stiffened at the feel of his breath touching my face. Marahil ay naramdaman niya ang reaksyon ng katawan ko kaya napatitig siya sa akin. Unti-unti din akong nagtaas ng tingin sa kanya and when our eyes met, mas lalong bumilis ang tahip ng dibdib ko. I knew I had to do something. Marahas kong binawi ang kamay ko at tinalikuran siya. Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga niya.   Dumiretso na ako sa dining area dahil hindi ko na matagalan na makasama pa siya sa iisang lugar. Feeling ko aatakihin ako sa puso. Nagtaka sila Mama dahil hindi ako sumunod sa utos niya. Pero maya-maya ay nasa likod ko na rin si Jake at dala ang mga pagkain. Iritable akong naupo sa dining ay siya naman ay naupo sa katapat kong silya matapos ihain sa mesa ang mga niluto niya.   “Hmmm… grabe ang bango kuya. Mukhang masarap ah,” papuri ni Andy. Pakakainin naman siya, hindi na niya kailangan pang mambola. Tuwang tuwa naman sa galak ang nagluto sa papuri ng kapatid ko.   “Kumain ka na anak, di nga ba’t paborito mo ang sinigang,” baling sa akin ni Papa. Ngunit mas pinili kong kumain ng saging. “Kumain ka na,” napatingin ako nang magsalita siya. Mahinahon at nakangiti. “Busog pa ako,” malamig sa sagot ko sa paanyaya niya. Ang totoo ay ginutom naman talaga ako sa amoy pa lang ng niluto niya.  Kanina pa nga pala ako walang kain na maayos dahil sa dami ng trabaho sa opisina.    Ngunit sadyang sarili ko rin talaga ang magtataksil at manglalaglag sa akin. Biglang kumulo ng malakas ng tiyan ko at napatingin silang lahat sa akin.   “Ano ‘yon,ate?” nanunudyong tanong ni Andy na malawak ang nakakabwisit na ngisi sa mukha niya. Si Jake naman ay pilit na itinikom ang bibig upang pigilin ang pagtawa.   “I said, I’m not hungry,” pagsisinungaling ko ulit pero sa pangalawang pagkakataon ay ipinahamak na naman ako ng sarili ko. This time ay mas malakas ang ingay na ginawa ng pagkalam ng sikmura ko.  Parang gusto ko na lang bumuka ang lupang kinatatayuan ako at lamunin na lang ako nun sa labis na kahihiyan. D*mn stomach! “Ehem,” tumukhim si Jake upang pigilan na tuluyang matawa. Pero ang pamilya ko ay hindi mapigilan ang nakakairitang pagngisi nila.   “Alam mo anak, tikman mo ang sinigang na niluto ni Jake,” ani Mama habang naglalagay ng kanin sa aking pinggan at sinigang sa mangkok. “di hamak na mas masarap ito kesa sa pagkain mo ng pride mo,” dugtong ni Mama. Napayuko na lang ako at nagpanggap na nagkakamot ng ulo para pagtakpan ang namumula kong mukha sa hiya. Gosh! Pati pamilya ko ay inilaglag ako. Bahagya akong lumingon sa kanya na nakatingin din pala sa akin. I composed myself and acted normal. Fine! Kakain na para wala na lang masabi. I saw him smile when I started eating. Jerk! I rolled my eyes.   Author's Note:      Double update dahil nawala ako ng ilang araw. Happy reading :)   P.S.   Huy, Andeng! Nakakataba ang pride, huwag mo masyadong kainin. :P      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD