ANDREA HERNANDEZ
FLASHBACK
“Hindi ka ba napapagod? Sa umaga ihahatid mo ko sa opisina. Buong araw kang nasa labas at may mga kameeting. Tapos sa gabi susunduin mo pa ako ulit at ihahatid sa boarding house,” Kinuha niya ang kamay ko dinampian ito na halik.
“I will never get tired of loving you, hon” laging may dalang init sa puso ko kapag sinasabi niya ito. Kahit gaano kabusy ang araw niya ay hindi niya nakakalimutan na isama ako sa araw araw na schedule niya. Muli niyang hinalikan ang kamay ko.
“I will never get tired of holding this hand,”
Napawak ako sa kamay kong napaso kanina.
**************
“Papasok ka na ba anak?” Kahit halos madaling araw na akong nakatulog ay nagawa ko pa ring bumangon ng maaga. Kailangan kong matapos ngayong araw ang mga nakabinbin kong trabaho upang ang huling tatlong araw ko dito ay mailaan ko para sa pamilya ko.
“Opo, Ma. Si Andy po? Aalis na kami,”
“Nako wala ang kapatid mo, maaga silang umalis ng Papa mo para kunin ang mga order kong supplies ng tindahan,”
“Huh? Bakit hindi nagsabi. Sana nakapagpasundo ako sa company driver,” nayayamot na usal ko. Hays!
“E di sumabay ka na lang kay Jake. Doon din naman siya papunta,” saktong suhestiyon ni Mama nang lumabas siya sa pinto ng kanyang inuokupang kwarto. Nagtama agad ang paningin namin. Kakaligo ko lang naman pero parang pinagpapawisan ako sa mga tingin niya.
“Jake, isabay mo na itong si Andeng ha,” utos sa kanya ni Mama na agad naman niyang sinang-ayunan. Gusto ko pa sanang tumutol ngunit agad akong pinagalitan ni Mama. “Aarte ka pa ba eh male-late ka na,” aniya habang tinataasan ako ng kilay.
“Kamusta na ang kamay mo,” mahinang tanong nito na tila nag-aalangan kung dapat bang magbukas siya ng conversation sa pagitan naming dalawa.
“Okay na,” tipid na sagot ko na hindi lumilingon sa kanya.
Nanatili kaming tahimik habang nasa biyahe hanggang makarating sa hotel. Dumiretso ako sa opisina ko.
“Ma’am, eto na po ang reports na hinihingi niyo galing sa Finance Department,” abot sa akin ni Luis ng folder.
“Eto naman po yung proposal ng car plans na napagkasunduan ng head ng Finance at ni Mr. Arellano,” muli niyang abot ng folder.
“Thanks,” hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa kanya at kinuha na lamang ang folders na Ibinibigay niya. I was so eager to finish everything today so I can spend the rest of my stay here with my family.
“Nakakasad naman, tapos na ang business ni Papa Jake dito. Ibig sabihin babalik na siya ng Manila,” napahinto ako sa pinipirmahan kong report dahil sa sinabi ni Luis
“Of course, kailangan niyang bumalik dahil doon niya itutuloy ang deal.” Matamlay na sagot ko kay Luis at muling itinuloy ang ginagawa ko kanina.
“Sayang, may bakante pa naman na room. Sabi ko sa kanya irereserve ko na sa kanya pero tumanggi na siya kasi uuwi na din daw siya ngayong araw. Ang sad talaga—“ sentimiyento pa nito habang nagmamartsa palabas ng opisina.
Ngayon din siya aalis? Sobrang nagmamadali ba siya? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungot sa kaalamang aalis na siya. Iyon naman ang usapan. As soon as he finishes the deal, babalik na siya sa Manila. I should be…happy, right? Iyon naman ang gusto mo, Andeng di’ba?
Pasado alas siyete na ng gabi nang makauwi ako. Bago pumasok ay lumingon ako sa garahe. Sasakyan na lamang namin ang nandon. Wala na ang kotse niya. Kanina pa siguro siya nakaalis. Napabuntong hininga na lamang ako. Si Andy ang sumalubong sa akin. Napalibot ang paningin ko sa sala. Dito ko siya madalas naabutan habang kakwentuhan si Papa o kaya naman ay kasamang naggigitara ni Andy. Buong araw yata akong wala sa mood. Bakit ba kasi naapektuhan ako kung umalis na siya. Mas maigi nga ‘yon dahil sa una pa lang naman ay ayaw kong makasama siya.
“Andiyan ka na pala anak,” Ani Papa na kakapasok lang ng bahay.
“San po kayo galing?” tanong ko sa kanya pagkatapos kong magmano.
“Sa talyer anak,” sagot nito na ipinagtaka ko. Nakita ko ang kotse sa garahe bago ako pumasok sa bahay. Akmang tatanungin ko na siya ngunit nagsalita naman si Mama galing sa kusina at may dalang mga pagkain.
“Tamang tama at nandiyan na kayo. Maghahapunan na tayo,”
Naupo na kami sa hapag. Wala akong ganang kumain. I hate to admit it but I’m really affected. Hindi man lang siya nagpaalam? Hindi ba business etiquette iyon? Ako ang naghahandle ng project niya dito pero hindi man lang siya nagpaalam ng matapos ang pakay niya dito. I hate him! No, I hate him even more!
“Mukhang masarap po ang niluto niyo ah,” I was lost in my thoughts when I heard him speak. My heart pounded so loud just by hearing his voice. Napaangat ako ng tingin at mas lalo lang lumakas ang tahip ng dibdib ko nang makita siya na nakaupo sa silyang nasa harapan ko. All smile while talking to my mother. He’s here. He’s still here. Hindi ko naiwasang ituon ang paningin ko sa kanya. Marahil naramdaman niya ang mga mata kong hindi makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon kaya humarap siya sa akin.
“Hi,” nakangiting bati niya sa akin. Parang nanunuyot ang lalamunan ko.
“Y-you’re still h-here,”’ nauutal na sabi ko. I wanted to scold myself for stuttering but I just don’t find myself right now.
“May kumakalampag sa kotse niya kanina, kaya dinala ko sa talyer ni Ka Ambo. Mahirap ng matirikan siya sa gitna ng biyahe,” paliwanag ni Papa. That explains why I didn’t see his car when I arrived earlier.
“Isa pa’y kapistahan na bukas. Inimbitahan ko na siya dahil taun-taon naman siyang nandito,” dugtong ni Papa. Taun-taon?
“Sorry, hindi na ako nakapagpaalam kanina. Ang bilin mo daw kasi kay Luis ay huwag munang tumanggap ng bisita,” ni hindi ko man lang nagawang sagutin ang paliwanag niya. Mas lalo lang akong napipi sa ibinibigay niyang ngiti sa akin. D*mn this heart!