Chapter 9

1446 Words
 ANDREA ARELLANO   “Bakit ba hindi ka na lang kasi sumabay kay Kuya Jake, e sa hotel din naman ang punta ni Kuya?” I’m on my way to the hotel. Madami akong tambak na trabahong kailangang harapin. Jake offered me a ride since he’ll be going to the hotel as well para kausapin ang HR at ang Finance regarding sa mga kotseng kukunin para sa car plan ng mga account executives. But I refused. Hindi pa din ako komportableng makasama siya sa iisang space. Kung hindi nga lang wala talaga siyang makukuhang hotel na matutuluyan ay hindi ko siya hahayaang tumuloy sa amin.   “Huy! Ate,” muling tawag ni Andy at bahagyang tinapik ang braso ko. “What?” iritable kong tanong sa kanya. “Hindi ka na sumagot diyan,” minsan talaga parang tukmol itong kapatid ko. Kailangan pa bang itanong ‘yun?   “Sabihin mo lang kung ayaw mong ihatid ako. Sasabihin ko kay Papa na huwag ipagamit sa’yo ang kotse ng isang buwan,” masungit na banta ko sa kanya imbes na sagutin ang tanong nito.   “Halaaaa… ang seryoso mo naman, Ate. Nagtatanong lang eh!” Sinamaan ko lamang siya ng tingin at muli ng bumaling sa daan. Saglit lang siyang nanahimik at nagtanong na naman.   “Alam ba ni Kuya Alfred na magkasama kayo dito ngayon?” I just sighed.   “Siya mismo ang nag-utos,” tamad na sagot ko sa tanong ni Andy. Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako kay Alfred. Pakiramdam ko ay sinusubok niya ako.   “Seryoso?” nagtatakang tanong muli nito. I just looked at him and he got my answer to his question. Even I, don’t understand Alfred’s intention.  Silence filled the air. Pero sadyang makulit ang isang ‘to.   “Obvious ka masyado, ate. Akala ko ba hindi ka na affected kahit makita mo siya?” He really won’t stop.   “Kilig na kilig pa naman si Mama. Akala niya nagkabalikan na kayo nung makita kayong magkasamang dumating kahapon,” I remained silent though he’s starting to annoy me. Parang enjoy na enjoy pa siya sa pagkukwento niya.   “Nako kung alam mo lang ate, nung wala ka---“   “Bawasan ko kaya ang allowance mo?” Mabilis na napatikom ang bibig niya sa sinabi ko. Kilalang kilala ko ang kapatid ko. Madaling suhulan.   “Sabi ko nga ate kahit araw-araw pa kitang ihatid. Kahit sa Manila pa yan!” Biglang bawi nito.  I smirked at him. Parang bata pa din talaga ang bunso namin.   ********** “Good Morning, Ma’am,” Magiliw na bati ni Luis, manager ng hotel namin dito.   “Good Morning” Diretso akong pumasok sa office. Gosh! Napakarami kong kailangang gawin na reports and meetings with the investors. “Here’s your schedule for today, Ma’am.” Agad ko itong sinilip. My day is full. Bumaling ako sa mga report na nasa table ko. I have to start working kung gusto kong makapagpahinga kahit papaano. I promised Mama and Papa that I will spend my time with them while I’m here. Kaya kailangang matapos ko ang mga dapat kong gawin so I can spend the rest of my stay here with them.   “Ma’am, dumating na rin po si Mr. Jacob Arellano. Nauna lang po siya ng konti sa inyo,”   “Where is he?” I had to asked. Of course, malay ko ba kung ginagawa ba talaga niya ang sadya niya dito o baka naman nakikipag harutan lang ito sa mga staff ng hotel.   “Hinatid ko na po siya sa HR,” Luis answered. Mabuti naman.   “May bakante na bang room na pwede nating ibigay sa kanya?”   “Wala pa din, Ma’am. Fully booked po talaga tayo hanggang matapos ang linggo dahil sa festival,” napahilot ako sa aking sintido. This is all your fault, Alfred! “Just make sure you’ll immediately give him the next available room kung may maagang magcheck out,” I don’t plan on making him stay in our house for the whole week.   “Okay po Ma’am,” Mabilis na sagot nito at lumabas na ng opisina.   “Ay Ma’am, magbreakfast daw po muna kayo,” Muling pumasok si Luis sa office at naglagay ng pancakes, French toasts at coffee sa table ko.   “I haven’t order anything,” Ngumiti lang ito sa akin.   “Eh, yan po ang bilin ni Mr. Arellano pagdating niya kanina dito. Hindi pa daw kayo nagbe-breakfast kaya handaan daw po kayo ng pagkain. He even paid for it,” Makahulugan ang ngiti ni Luis. Tinitigan ko siya at hindi na rin siya nakatiis.   “Ma’am, ang pogi at ang yummy naman ni Mr. Arellano! Muntik na akong bumigay kanina, buti nakapagpigil ako!” Right. Luis is gay. And he’s a closet. Hindi pa daw tanggap ng family niya kaya ayaw na muna niyang ipaalam sa iba. Maybe naging kampante at magkapalagayan ng loob kami sa isa’t isa tuwing nandito ako kaya ang malanding bakla ay umamin din sa akin. “Is that the reason why you immediately obey him without asking me?” Malamig na tanong ko then fixed my eyes on the reports. “Hala siya, hindi naman. Siyempre concerned ako sa’yo. Ayokong nalilipasan ka ng gutom,” nangingising palusot nito.   “I’m not hungry. Ikaw na lang ang kumain niyan, Luis.” Inurong ko ang mga plato palapit sa kanya. Napasimangot ito at muling kinuha ang mga pagkain at ang kape naman ay hinigop.   “Sheeeet! So bitter!” aniya na parang naduduwal pa sa ininom na kape.   “What?” I asked. Napangisi siya sa akin.   “Sabi ko ‘yung kape, ang bitter. Mapakla, sino ba ang nagtimpla nito? Teka pupuntahan ko nga sa kitchen.” Reklamo nito habang nagmamadaling lumabas ng opisina.   *********   I was busy the whole day na kahit maglunch ay hindi ko man lang nagawa. I had coffee, though.  Pumasok si Luis sa opisina ko pagkatapos ng tatlong mahinang katok.   “Ma’am, Mr. Arellano is waiting outside,” aniya na may pigil na kilig sa labi. Malandi talaga. “Let him in,” malamig na sagot ko. Maya-maya ay naramdaman ko na ang presensiya niya. I tried not to look at him. Pero sinasakop ang ilong ko ng mabangong amoy nito. I still remember that scent. It is a mixture of his favorite body wash and his natural smell. I remembered how I used to bury my face on his neck just to---shut it out, Andeng! I scold myself. “Ehem,” He softly cleared his throat to get my attention.   “Luis said, you’ve already met Ms. Alice of HR,” Nagtaas ako ng tingin dito saglit at muli ding bumalik sa binabasang report. “Yes. I’ve already talked to her regarding the account executives who will get the car plan,” sagot nito at humakbang papalapit sa table ko. Nanatili itong nakatayo. I felt that I had to address him.   “Have a seat,” I said and he immediately followed.   “Then, I guess you’re done with your business here. I’m sure Mikee will be glad,” I said still not looking at him.   “Actually, I haven’t finish talking with all of the account executives. Kailangan ko kasi silang makausap regarding sa preferred units nila. And I also have to meet Mr. Alvarez of Finance, according to Ms. Alice.” “I’ll inform him to meet you tomorrow,” seryosong sabi ko na tinanguan lamang nito. “Wala pa ring bakanteng room dito sa hotel. But don’t worry, nakaabang naman si Luis. Naibilin ko na din na sa’yo agad ireserve  kapag may available na,”I said to open a topic. Masyadong nacoconsume ng presence niya ang focus ko. Kahit tahimik lang siya ay hindi ako mapakali.       “Okay. Thanks. Aren’t you done with your work?” Tanong nito sa akin. Hindi ba niya nakikitang tambak pa ang mga papeles sa harapan ko?   “Not yet,” I answered not meeting his gaze. I just can’t stand looking at those eyes. “Do you want me to wait for you? Sabay na tayong umu—“   “No need. Mauna ka na, ihahatid ako ng company car,” I immediately cut him. “Okay,” malungkot na tugon niya at tumayo na upang lumabas ng opisina. Saglit kong pinagmasdan ang malapad na likod nito. Mas lalong naging maganda ang pangangatawan at tindig nito. Mukhang hiyang, Tss!   “I know you’re busy,” muli siyang nagsalita bago buksan ang pinto. Napatingin akong muli sa kanya Our eyes met when he looked back. “But at least don’t skip your meal. Baka magkasakit ka na naman,” His eyes are full of emotion. Like he really cares. Concerned ba talaga siya? Last time I checked he was so busy with all his endeavors. “I’m fine,” malamig na sabi ko at agad nag-iwas ng tingin. Tumuloy na ito sa pag-alis. He used to remind me not to skip my meal. Minsan na akong nagkasakit dahil sa pagpapalipas ng gutom. At dahil OA siya, dinala niya ako sa ospital dahil sa hyper acidity. Mabuti na lamang at hindi pa Ulcer. Napagalitan pa niya si Mikee dahil pinapabayaan daw akong magpalipas ng gutom. Siraulo talaga. Hindi naman si Mikee ang gumagawa ng schedule ko. Sadyang mas madami lang kliyente ang branch ni Mikee kaya hindi ko basta maiwang mag-isa ang kapartner kong teller. Since then, hindi siya pumayag na hindi kami sabay mag-almusal at walang palyang nagpapadala ng pagkain para sa aki. Not until—d*mn! Just forget it, Andeng! Hindi mo na kailangang balikan pa ‘yon!                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD