Chapter 8

1099 Words
  JACOB ARELLANO “How long will you be gone?” Mikee asked with her meaningful look and smirk on her face.  Nasa bahay nila ako ngayon at and having a drink with Oliver pero nakikigulo ‘tong makulit na babeng ito sa amin. “Just a couple of days. As soon as mafinalize ang mga units na kukunin nila ay babalik na din ako. Don’t worry, I’ll keep you posted,” sagot ko sabay lagok sa beer na hawak ko. “Don’t give me that look, Mikes” Alam kong may kahulugan ang mga tingin niya na ‘yun. “What?!” natatawang sagot nito. “Pagsabihan mo nga ‘yang asawa mo,” baling ko kay Oliver. “Halika nga dito sa tabi ko, Love” lambing nito sa asawa at iginayang umupo sa kandungan niya. “You’re just too obvious, bro” Nagkampihan pa silang dalawang mag-asawa. “I’m just there for business. No more, no less.”” Mariing sagot ko sa kanila. “Isa pa ay sa hotel ako tutuloy at hindi sa bahay ng pamilya niya sa Bolinao,” “Hindi ka man lang ba bibisita sa kanila? After all, itinuring mo rin silang pamilya at ganun din sila sa’yo,” ani Oliver. I wasn’t able to answer. What can I say? Matagal ko na din silang hindi nakita. Hindi ko din alam kung anong idinahilan sa kanila ni Andrea tungkol sa nangyari sa amin. Last time I was there ay hindi rin nila alam kung bakit siya umalis.   “Malay mo, may iba ka pang maayos pagpunta mo ‘dun,” seryosong sambit ni Oliver at muling lumagok ng beer.   Malabo na siguro. She can’t even look me in the eye without that fuming hatred.   ******************* ANDREA HERNANDEZ   “What do you mean no reservation?!” Hindi ko naiwasang bahagyang magtaas ng boses kay Angelique, ang receptionist namin sa hotel dito sa Pangasinan. “E Ma’am, wala po talagang nakareserve para kay Mr. Arellano eh,” kita ko ang panginginig sa kanya dahil sa  pagsigaw ko. “That’s impossible. The CEO ordered the reservation himself,” Mariing kong sabi dito. Malinaw ang naging usapan namin ni Alfred.    “’P-pero Ma’am, kahit si Manager Luis po ay nagcheck na at wala po talagang reservation para sa kanya,” Napasapo ako ng kamay sa aking noo. Lumayo muna ako saglit at agad na tinawagan si Alfred.   “Alfred, I thought that you made the reservation for Mr. Arellano?’’ Dirediretso kong tanong nang sagutin niya ang tawag.   “Oops! I forgot, I’m sorry,” kahit nasa kabilang linya siya ay alam kong nanunuya ito. Sinabi kong ako na ang gagawa pero nagpresinta itong siya na mismo ang magsasabi kay Manager Luis upang ireserve ng kwarto si Jacob.   “Sana ako na lang ang gumawa kung kakalimutan mo rin naman pala,” hindi ko na napigilan ang inis ko. “Hey! Watch your words young lady,” maawtoridad na sagot nito. Minsan talaga may mga point na nagkakainisan kami. Napabuntong hininga na lang ako .   “He’s our guest. Be nice to him, Andrea.” Muling utos nito kaya wala na akong nagawa. Bumalik ako sa reception upang harapin sila.   “Alfred forgot to book your room, He said he’s sorry,” baling ko sa kanya.   “It’s okay, I’ll just book a room at the nearest hotel,” he answered. Mukhang nasindak din yata siya sa inasal ko.   “I’m sorry to say Sir, pero baka mahirapan po kayo dahil fully booked na po ang mga hotels dahil sa Mangunguna Festival. May nanggaling na din po kasing tourist dito at wala na daw po silang mabook sa ibang hotel,” Gosh! Sumasakit ang ulo ko.   “D*mn,”” I heard him cussed. Sh*t, Alfred! I thought to myself.   “I’ll just wait here, baka sakaling may mag check out.”   “K-kayo po, Sir”’ Sh*t, I thought again. Makailang beses ko sigurong namura si Alfred sa isip ko. That Guy! “You can stay in our house for the meantime,” I had no choice. Hindi naman ako ganoon kasama para pabayaan na lang siya. He’s our guest, sabi nga ni Alfred.   “Hindi na,” aniya. Duh? Nag-inarte pa. I just rolled my eyes on him.   “Angelique, make sure to reserve the next available room for Mr. Arellano,”” Huling utos ko at nagsimula ng maglakad papunta sa sasakyan niya.   “Thank you and sorry for causing trouble,” he said after hopping into the driver’s seat. “Don’t be. Kami ang may lapses,” malamig na sagot ko dito.   JACOB ARELLANO   Marami na din ang nagbago sa daan. May mga nadagdag ng kabahayan at may mga parte nang sementado. Pero siguro sa ilang beses kong sinadya ang lugar na ito ay nakabisado ko na. “How come you still know the way?” nagtatakang tanong nito dahil hindi ko na kinailangan ang instruction niya kung saan ang mga likuan papunta sa bahay nila.   “I-I was here, a year ago,” Silence filled the car. I saw how she became irritated on my answer. Bumuntong hininga ito at hindi ko pa naipaparada ng maayos ang kotse ay binuksan na nito ang pinto at bumaba.   ANDREA HERNANDEZ   I was about to tell him the way to my house pero bago ko pa maagawa ‘yun ay nauna na niyang iluko pakaliwa sa tamang daan. I was confused. Paano niya nalaman ang daan? Ang laki na ng pinagbago ng lugar na ito. Kahit ang nilikuan niyang kalsada ay last year lang naman naayos.   “How come you still know the way?” I asked him. Still confused. I saw how he clenched his fist on the driver’s wheel. “I-I was here, a year ago,” mahinang sagot nito. Hindi ko nagawang magkapagsalita. Bakit pumunta siya dito? Gusto kong itanong sa kanya ang dahilan pero naunahan ako ng galit. A year ago? For what? Too late. Pati ang mismong bahay namin na nag-iba na din ang hitsura after kong iparenovate ay alam niya. Hindi ko na hinintay na maiparada niya ng maayos ang kotse niya at dali-dali na akong bumaba. Mabuti na lamang at nakaabang na ang pamilya ko.   “Ate!” patakbo akong sinalubong ni Andy. Binata na pero parang bata pa rin kung umasta. Agad akong niyakap nito. Maging sila Mama at Papa. “Namiss ka namin anak,” ani Mama na hinalikan pa ang bukok ko. Ang tagal ko din hindi nakauwi dito.   “Namiss ko din po ka’yo,”   “Jake?! Ikaw ba talaga yan, anak?’’ narinig kong tawag ni Papa dito. “Kamusta po kayo?” " Ang tagal mo din na hindi nadalaw, Jake. Mas lalo kang naging gwapo ah," Maya-maya pa ang niyakap na din ito ni Mama. Maging si Andy ay sinalubong ito na parangw alang nagbago sa closeness nila.   “Aba’y bakit magkasama ka’yo?  Nagkabalikan na ba kayong dalawa ni Andeng?” nagliwanag ang mukha ni Papa. Hanggang ngayon ay boto pa rin siya kay Jacob. Nagkatinginan kaming dalawa. Agad akong nag-iwas ng tingin dito. Part of my heart can’t stand seeing those eyes. May kung anong kumukurot na sakit sa puso ko.   “Hindi po Papa, trabaho po ang ipinunta niya dito,” matamlay na sagot ko kay Papa at nauna na akong pumasok sa bahay.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD