Nagising ako dahil sa ingay nila Howie at Flurrel, tila may pinagtatalunan ang dalawa at hindi magkasundo. Pipikit pikit pang mga mata kong nanlalabo na hinagilap ko ng tingin ang dalawa.
"Bakit sinama mo pa yang si Buggles dito ha? Kala ko ba ayaw mo sa langaw na yan kasi mabunganga?" Tinig ni Flurrel.
"Kuu... yang bunganga mo ang walang tigil kakadakdak dyan eh! nakakarindi." Boses ni Howie.
"Tama na nga yang pagtatalo nyong dalawa dyan! mahiya naman kayo kay Vega oh!" Boses naman ni Buggles.
'Sinong Vega naman kaya yun?' Palipat lipat ang tingin ko sa tatlong nag uusap, hanggang sa may lumilipad na pulang paroparo sa'king harapan. Inilahad kong aking nakabukang palad sa kanya, dumapo dun ang paroparo saka malapad na ngumiti sa'kin.
"Ang cute mo naman... Ikaw ba si Vega?"
"Ako nga yun, kaibigang Jp!'
"Uy.. Galing naman... nagsasalita ka rin pala!"
"Nasa Engkantadya ka Tagalupa, lahat ng makakasalamuha mo dito sa'ming mundo, ay nakakapagsalita."
"Sabi ko nga! Nakalimutan ko lang.. pasensya na, kaibigan"
"KAIBIGAN?"
Napabaling ang tingin ko sa tatlong insektong nakataas ng mga kilay na nakatingin sa'min ni Vega.
"Lahat kayo kaibigan ko, kaya umayos kayo ha! wala ng pagtatalo at pag aaway okay! May misyon tayo kaya yun na lang ang asikasuhin natin."
"Tama ka Jp! Kaya maghanda kana at maglalakbay na tayo, pero bago yun.. may ibibigay sa'yong bagay si Vega.. Malaking tulong para sa'yo ng hindi ka mapahamak." Ani Flurrel
Bahagya akong nagulat sa biglang paghampas ni Howie ng hawak na stick at may lumitaw na isang salamin sa mata na lumulutang sa hangin, agad nyang sinuot yun at tinuro si Vega na kaagad namang ngumiti at may inabot sakin.
"Kaibigan, isuot mo ito sayong braso, wag na wag mong tatanggalin hangga't naglalakbay pa tayo patungong kaharian ng Umbra."
Kinuha kong isang maliit na tila tali na kulay Brown, saka pinakatitigan yun. Napapiksi pako ng gumalaw yun sa'king pagkakahawak, kaya inilagay ko na lang sa'king palad. Gumapang ang tali na parang uod paakyat saking braso, ng malapit na bandang kilikili pumalibot na ito dun saka dumikit na naging parang pulseras na may asul na dyamante sa pinaka gitna nito. Napapikit akong bigla ng maramdaman kong may dumikit din saking nuo.
"Waaahh... parang tunay syang kauri natin ngayon!!" Boses ni Howie.
"Wagi!.. bagay kang maging munting Diwata, kaibigan." Boses ni Flurrel.
"Whoow.. Buti na lang, tamang tali ang nakuha ko." Boses ni Vega.
"Oo nga, Vega! Dahil kung nagkamali kana naman sa bagay na yan.. Aba'y sobrang katangahan na yan.. hahaha." Boses ni Buggles.
'Abah! Bakit parang nag ibang aking pakiramdam? Tila tumalas ang aking pandinig, hindi lang yun.. kahit ang pang amoy at pag iisip ko ay parang nag iba, bakit naman kaya?'
Napadilat akong bigla ng may maramdaman akong kakaiba saking katawan. Nagkagulatan pa kaming lima ng magtama tamang aming mga paningin. Nakangiti ang apat na insektong nakatingin sakin.
'Teka lang... Bakit pakiramdam ko may nag iba sakin?'
Mas luminaw kasing tingin ko sa kanila, di gaya dati na kelangan ko pa silang sipatin para makita ko lang ang mga mukha ng mga ito. Napaisip ako ng malalim.. 'Parang may kakaiba?'
Sinipat kong aking sarili. Mula saking mga paa na natatakpan ng mahabang pulang damit, Napahawak pa ako saking likuran para haplusin ang ngayon ay hanggang bewang kong kulay brown na buhok. Nakita kong ikinumpas ni Howie ang hawak nitong stick, may lumitaw na isang salamin saking harapan, nanlalaking aking mga mata ng makita kong aking sarili sa salaming lumulutang sa hangin.
"Waahh... Bakit tila nag ibang aking hitsura ha? Anong ginawa nyo sakin, Flurrel?"
Magkahalong kaba at pag aalala ang aking nadarama habang palipat lipat ang aking tingin sa paro parong si Vega, sa langaw na si Buggles, kay Howie na palakang butiki at sa tutubing si Flurrel. Lahat sila ay nakangiti sa'kin na tila ba masaya at kontento na sa kanilang nakikitang pagbabago mula sa'kin.
"Kaibigang Jp, maaari bang ilahad mo sa'kin ang nakabuka mong palad? May nais pa akong ibigay sa'yo.."
May kalituhang inilahad ko naman kay Vega ang aking palad. Lumipad sya't dumapo sabay lagay ng isang tali na kulay itim naman ngayon at gintong mapusyaw na kulay sa pinakagitna ng aking palad.
"Ano naman 'to Vega?"
Lumipad saka bahagyang lumayo si Vega sa'kin, nakisalamuha sya sa tatlong insekto nyang kasamahan na pare parehong nakangiting nakatingin sa'kin.
"Ibaon mo sa lupa ang taling hawak mo Jp, para masagot ang katanungan mo. Sige na.."
Nagtataka man ako sa mga ikinikilos at pananalita ng aking mga kasamahang insekto, dina ako nagtanong pa. Basta sinunod at ginawa ko na lang ang sinabi ni Vega. Tatayo na sana ako mula sa bahagyang pagluhod ko sa lupa ng biglang may unti unting lumalabas na espada mula sa pinaglibingan ko ng taling bigay sa'kin ni Vega.
"Kunin mo ang espada, Jp! Magagamit mo yan sa pagtatanggol mo sa'yong sarili. Sa gagawin mong paglalakbay dito sa Engkantadya, marami kang pagsubok na kelangang lampasan bago marating ang Palasyo ng Umbra, ang tahanan at kanlungan ng mga makapangyarihang Diwata."
"Tamang lahat ng tinuran ni Vega, Jp! Maraming panganib at masalimuot ang daan na ating tatahakin.. Maraming makapangyarihang Engkanto, Bampira, itim na mga Anghel, itim na mga Mangkukulam ang makakasagupa natin, kaya dapat handa ka sa bawat pagpatak ng bawat segundon - "
"Tumigil kana nga Buggles, tinatakot mo ng Tagalupa nyan eh! Imbis na palakasin mong loob nya lalo mong pinapahina."
"Bakit? Totoo namang lahat ng sinasabi k - "
"Sshh... Ayos lang, wag na kayong magtalo, kasi pareho naman kayong may punto. Naiintindihan ko ang bawat nais nyo, saka para din naman sa'kin yun kaya okay lang."
'Diko na napigilang mamagitan kila Howie at Buggles. Pareho lang naman sila ng nais at hangarin.. Yun ay ang makatulong sa'kin, kaya nagpapasalamat talaga ako dahil nandyan sila para gumabay at samahan ako sa'king paglalakbay.
"Jp, yang nasa nuo at braso mo ang magkukubli ng yung tunay na pagkatao, habang suot mo yan at nakadikit sa'yong balat walang makakaalam at makakatuklas na isa kang Tagalupa. Kaya pakaingatan mong wag mawala at matanggal yan sa'yong balat dahil kapag nangyari yun , kukuyugin ka ng masasamang elementong naninirahan dito sa Engkantadya buhay man o yumao na. Pakatandaan mo rin na ang espadang hawak mo ay may taglay na kapangyarihan, para malabanan mong iyung makakalaban."
Naluluhang napapangiti kong ibinuka ang aking kaliwang palad, saka isa isa kong pinadapo si Vega, Flurrel at Buggles, pagkatapos nun ay umuklo naman ako para makasampa si Howie na palihim na nagpupunas ng kanyang mga luha sa mata.
"Salamat mga munti kong kaibigan. Maraming salamat sa inyong apat, malaking tulong ang presensya nyu sa'kin para lumakas at maging matatag ako."
"Kaya natin ito, Jp! Sama sama tayong maglalakbay patungo sa Kaharian ng Umbra" nakangiting sabi ni Vega.
"Magtutulungan tayong gapiin ang sinumang hahadlang sa dadaanan natin." Ani Flurrel.
"Tiwala sa isa't isa at respeto para sa'ting pagkakaibigan." nakataas ang kamay ni Howie na may hawak sa stick nitong may lumalabas na iba't ibang kulay ng ilaw.. Kumikinang ito na kumakalat sa buong paligid.
"Ang gandaaa..." Tanging nasabi ko na lang habang sinusundan ko ng tanaw ang mga ilaw na kaykikinang na tinatangay ng hangin pakalawakan.
"Whoozzz...."
"Huh! Ano yun?"
Pilit kong sinisipat ang mabibilis na galaw ng mga aninong aking nasulyapan na dumaan sa'ming harapan.
"Vizard!"
Kasabay ng pagbigkas nun ni Howie ang pagkumpas ng kamay nitong may hawak ng stick.. Kaagad na binalot kami ng mala crystal na pananggalang.
"Vizard? Anu yun Vega?"
"Ang samahan ng mga babaeng Bampira, pulutong ng kababaihang Bampira na nananalanta sa bawat Kaharian na sinasagupa nila, walang tinitirang buhay iniiwang walang hininga ang kanilang biktima... Madalas silang nag papang-abot ng mga Mangkukulam, parehong di nagpapatalo ang dalawang kupunan, para sa kanila ang matira ay siyang panalo't nagtagumpay sa labanan, kapag nangyari na yun kusang lumilisan ang talunan." Sagot sakin ni Howie.
Nagsiliparan mula saking palad sina Vega, Flurrel at Buggles.
"Handa kana ba, Jp?"
"Handa naman para saan, Flurrel?
"Sa pakikipagdigmaan sa mga Bampirang yan, saan pa nga ba?" Sarkastikong sagot sakin ni Buggles.
'Kuu.. nakakaubos ng pasensya talagang langaw na'to huuu...'
"Sa bilang na tatlo, magsipaghanda na kayo!"
Seryosong sabi ni Howie na nakatutok ang tingin sa mga Bampirang naglalaway ng nakatingin samin.
"Isa!" Sigaw ni Howie
"Dalawa!" Si Flurrel
"Tatlo!" Si Vega
"Ta - dah!!!" Si Buggles
Nasamid pako saking paglunok ng laway dahil sa pagkisapmata ko ay biglang nagbagong anyo ang apat na insektong kasa kasama ko.
"Watdapak!"
"Handa kana ba, kaibigang Jp?"
Sabay sabay pa nilang sabi.
?MahikaNiAyana