Amihan

3175 Words
"Talasan mong iyong mga mata kaibigang Jp, mag iingat ka sa bawat paghakbang mo at baka makaapak ka ng maliliit na nilalang at ika'y kanilang parusahan." 'Naman! isang babala ba yun ni Flurrel sakin o tinatakot nya lang ako?' Nangilabot naman ako bigla ng may maramdaman akong dumikt saking binti. "Waaa... Flurrel! dali tulungan mo ako huhu.." Nanigas na'ko saking kinatatayuan, natatakot akong ihakbang pang aking mga paa, baka kung anuna naman ang dumikit sa paa ko. "Bakit? Anong nangyayari sayo?" Lumipad mula sa pagkakadapo nya saking balikat si Flurrel, sinipat nyang aking mukha na pawis na pawis at may ilang luha na ring pumapatak saking pisngi. "Flurrel.... may dumikit sa binti ko... malamig sya.. Huhuy.. baka ahas na naman ituuuu..." "Teka! lang saglit.." At lumipad na nga ito pababa. Maya maya may narinig akong matinis na boses, kasunod nun ang tawanan. Kaya napilitan akong umuklo para maki usyuso syempre. "Anong....?" "Jp, sya si Howie, kaibigan kong makulit pero mabait." "Yeekss! Anong klaseng insekto yan? Bakit kahaba naman ng kanyang dila?" Lalong pumulupot saking binti ang dila ni Howie, lalo tuloy akong nanlamig. Sinundot sundot pa ng hawak nitong stick ang balat ko. "Isa akong palaka na may halong butiki, 'wag mokong maliitin baka gawin kitang uod at ika'y aking kainin. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko, kaya walang personalan trabaho lang." 'Putik ke liit liit pero ang angas... Eh! isang pitik ko lang dito talsik nato sa malayo eh.' "Pasensya kana samin Howie, makikidaan lang naman kami eh..." "Sakin, walang kaso yun Flurrel, pero sa kanya.." Napasunod naman ang tingin namin ni Flurrel sa inginusong dereksyon ni Howie. Napaatras ako ng makita kong isang maganda na namang Dilag na nakaupo sa isang malaking kabute. Itim ang kanyang suot na damit, pula ang kulay ng kanyang mahabang buhok. pero bakit itim ang kulay ng kanyang pakpak? bakit naiiba ang kanyang anyo kila Ayana, Alitaptap at Mayumi? Di kaya isa syang masamang Diwata? Naku naman! Tingin pa lang nya nakakatakot na... "Anong ginagawa ng isang Tagalupa dito sa Engkantadya?" Kahit boses nya nakakapangilabot, anuba yaaann.. "Paumanhin Diwatang Amihan, kung nagambala namin ang inyong pamamahinga." Naramdaman kong pagdapo ni Flurrel saking balikat. Nabaling ang tingin ko sa kanya ng biglang lumiwanag ang kanyang pakpak. Kahit si Howie nagliliwanag ang buntot nito ng aking sulyapan. Nagulat na lang ako ng bigla nitong tusukin ang aking binti. "Araayyy... Anubang problema mo sakin Howie? Bakit kaba nananakit ha? Tirisin kita dyan eh.." Nagpapadyak kong singhal dito. Itinuro ng hawak nitong stick yung Amihan na nakatitig na sakin ngayon. "Ssss.... Jp, magbigay galang ka sa Prinsesa ng Nahara." "Ha!" Nagpa process pang utak ko ng tapikin ni Flurrel ng kanyang pakpak ang aking leeg. "Bilisan mo na.. kung ayaw mong maparusahan ng itim na Diwatang yan." Parusahan? Aba'y wag naman.. "Hello! Ako nga pala si Jp, Ahm.. ang ganda ganda mo naman, kahit na seryoso ang yung mukha, anupa kaya kung ngumiti ka? Naku! siguradong kagaya nila Diwatang Ayana, Alitaptap at Mayum -- " "Bakit alam mong mga pangalan nila?" Dumagondong ang boses ni Amihan na napatayo na lang bigla at sa isang iglap ay nasa harapan ko na't hawak hawak ng mahigpit ang aking braso. Napasinghap ako ng biglang mahirapan akong huminga. 'Hangin... bakit tila yata walang umiihip na hangin?' "Hah.. haah.. h - hindi.. ak -- kooo.. mak -- ka.. hingaaaa..." Nasapo kong aking dibdib dahil naninikip na ito.. tuluyan ng napapikit aking mga mata ng marinig kong boses ni Howie. "Kamahalan, pakiusap po! huminahon muna kayo.." "Prinsesa Amihan! mga kaibigan po ng Tagalupang ito sina Prinsesa Ayana, Prinsesa Alitaptap at Diwatang Mayumi, pakiusap wag nyo na po syang pahirapan." Sa sinabing yun ni Flurrel, nakaramdam ako ng ginhawa, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, na nanlalabo pa dahil sa luhang namuo. huminga pa'ko ng malalalim at sunod sunod, saka sinulyapan ang Diwatang may gawa nito sakin. Iba ng kanyang aura ngayon, malinaw at maliwanag na kulay asul ang ngayon ay nakapalibot sa kanya, ibang iba kaninang aura nito na maitim at halos kadiliman ang nakikita ko sa kanyang mga mata. "Anong sadya mo dito saming mundo?.bakit ka pakalat kalat sa'king lupain?" 'Hala! Grabe sya kung makaangkin ng lugar.. lupain talaga? Sabagay ibang mundo ito at sigurado akong ibang pamamalakad dito.' "Pasensya kana sakin ha! Nandito ako, para sana kumustahin ang aking mga kaibigan. Kung nakaabala man kami sayo at nakatuntong ngayon sa'yong lupain.. patawarin mo na kami, Prinsesang Amihan. Aalis na kami ngayon din ni Flurrel, asahan mong hindi kana namin gagambalain pa." Taray! sabay talikod ko't nagmamadali nakong naglakad paalis sa lugar na yun. pero dipa nga ako tuluyang nakakalayo narinig ko na naman ang boses ng Diwatang itim na yun. "Bakit tila ika'y nagmamadali? Hindi ka basta basta makakaalis sa lugar na ito habang laganap ang dilim.. Maraming panganib ang nakaabang sa'yo sa oras na lumampas ka sa harang ng lupaing pag aari ko." Napabalik ako bigla ng marinig ang kanyang mga sinabi. Sabagay mas mabuti ng dito muna kami manatili, kesa kung anu na naman ang makasagupa namin ni Flurrel sa kagubatang ito. Paunti unti kong nilapitan si Diwatang Amihan, nakaupo na naman sya sa malaking kabute at seryosong nakatingin sa kawalan. Umupo ako sa katabi nyang kabute at tumingala din sa kawalan, ng biglang gumalaw ang inuupuan kong kabute. "Ay! palakang malaking bunganga!" napatayo akong bigla, nanlalaking aking mga mata ng mabilis na tumakbo palayo samin ang kabuteng inupuan ko kanina. "Pucha! anu yun? Isang malaking joke na naman ba ito sa kainosentihan ko dito? Naman! Kalorke kayo ha!." "Mailap ang mga kabuteng yan, saka namimili ng mga nilalang na pinapayagang maupo sa kanila." Napasulyap ako kay Amihan at kitang kita ko ang makahulugan nyang ngiti, na kahit pa ikinubli nya kaagad sakin, huli na't nakita ko na. "Ganun? Napaka choosy naman pala ng mga kabute nyo dito, samantalang sa mundo namin, wala silang choice, kasi kinakain namin sila .. harharhar! Bagay lang sa kanila ang ganun, diba Flurrel?" Palihim kong sinulyapan ulit si Amihan, kahit na si Flurrel ang kunwaring kinakausap ko. Napaismid na lang ako ng makita kong malapad na pagkakangiti nito. 'Hmp! Echosera, kala mo ha! magpapatalo ako sayo? kung may pagkamaldita ang Diwatang itim na'to. Pwes! tatapatan ko ng kalokohan ang style nito. Ibang iba talaga sya sa mga Diwatang nakasalamuha ko na, grabeh..' "Kaibigan, wag kang basta basta maniniwala sa'yong mga nakikita.. ang mundong ito ay mahiwaga.. puno ng mahika at matalinhaga." Napataas biglang kilay ko ng si Howie ang sumagot sakin at hindi si Flurrel. 'Teka! Nasaan na si Flurrel?' Nagpalinga linga ako sa paligid, pero wala naman akong makita dahil napakadilim saan ko man ibaling ang aking paningin, wala akong makitang tutubi na lumilipad. "Flurrel?" Tawag ko... "Flurrel..." tawag ko ulit sa kanyang pangalan.. "Flurreeellll..." sigaw kong natataranta na dahil sa hindi ko na alam ang aking gagawin kapag iniwan ako ni Flurrel. Tatakbo na sana ako ng biglang higitin ni Amihan ang aking bag na dala dala. Napa upo tuloy ako sa kanyang tabi. "Kalma ka lang, hindi na kelangang magsisisigaw ka't magtatatakbo ng walang dahilan." "Anong walang dahilan? Nawawala si Flurrel! Panu ng paglalakbay ko patungong Umbra kung wala nakong guide?" Napahilamos na lang ako ng aking mukha dahil sa inis na nararamdaman.. Wala sa sariling napayuko ako sa lupa at napasulyap kay Howie. Napamulagat ang aking mga mata ng masulyapan kong kanyang bibig, kakaibang liwanag ang nakikita kong lumalabas sa bibig nito, kaya pinakatitigan ko pang maigi. "Nak ka ng palaka! bweset ka!.." Nanggagalaite ako sa galit ng makita kong nakalawit ang pakpak ni Flurrel sa bunganga ni Howie na namumuwalan at hirap ng ngumuya. Hinablot ko ito saka inilapag sa nakita kong malapad na bato saking tagiliran. s*******n kong ibinukang makipot na bibig nito at hinila ang kinakain nitong insekto na tanging pakpak na lang ang natira. "Peste! kang palaka ka! Bakit mo nagawa yun kay Flurrel? Kala ko ba magkaibigan kayo? Bakit mo sya nilafaaanngg...?" Pinitik pitik kong palakang butiki na aking bihag, hinila hila ko pang mga kamay, paa at buntot nito, habang walang tigil ang aking bunganga kakadada sa kanya. "Panu na'ko ngayon nito? Sino ng makakasama ko papuntang palasyo ng Umbra? haaaa..." Gigil na gigil kong pinag kukurot ang katawan ni Howie. Hanggang sa sabay sabay na tumulo ang aking mga luha. Dalang dala na talaga ako sa pinaghalong inis, kaba, takot, pangamba at awa sa'king sarili. Panu ng magiging buhay ko ngayon dito sa Engkantadya? Panu ko pa makikitang aking mga kaibigan, eh ni hindi ko pa naman alam ang pasikot sikot dito sa mundo nila? "Flurreelll.... Panu na'ko ngayong wala kana? huhu" Napahagulgol na'ko ng iyak.. Wala na'kong pakialam kung nakatingin man sakin si Amihan o hindi. Ng biglang marinig kong boses ni Flurrel mula saking likuran. "Huuyy.. Jp! Anong ginagawa mo?" Dahan dahan akong napalingon, kahit nanlalabo pang aking paningin, kaagad kong hinuli ang tutubing lumilipad saking harapan, saka inilagay saking mga palad. Hinawakan kong laylayan ng suot kong T-shirt, saka pinunasan kong aking luha pati na rin ang aking sipon. Napangiti ako ng malinaw ko ng nakikita ang kaibigan kong tutubi. "Flurrel! buhay kaaa! huuuu... " Natigilan akong bigla ng may maalala. "Ay teka! sino naman yung tutubing kinain ni Howie?" Bumaling ako ng tingin kay Howie, nabaghan ako sa nakita kong kalagayan nito. Halos magutay gutay ng katawan nitong lamog lamog sa ginawa kong pagbugbog dito. "Howie! Sorry... sorry talaga... Howie!." Naiiyak na naman akong dinampot ng may pag iingat si Howie, saka palupasay akong umupo sa lupa at inilapag ko sya saking hita. Lumipad naman si Flurrel at lumapag sa tabi ni Howie. Nagulat na lang ako ng bigla nya itong hampasin ng kanyang pakpak, malakas narinig ko pang pagsinghap ni Howie ng tamaan ito. "Lentek ka! Tama na yang pag arte mo! kung hindi! ako ang magtatanggal ng lahat ng balat mo sa katawan! Isa...." Umawat na'ko sa dalawa kesa lumala pang sitwasyon. "Flurrel, tama na yan! dimu ba nakikitang kalagayan ni Howie? Nakakaawa na sya, oh!" "Eh, hindi naman yan si Howie eh! si Buggles yan! ang mapagbalatkayong langaw na matakaw." "Huh!" 'Abah! bongga.. mapagbalatkayong langaw? Susme! dina ko magtataka kapag may nakita't nalaman pa'kong lamok na nagsasayaw.. pambihira..' Natampal kong aking noo ng biglang bumalik sa tunay nyang anyo si Buggles. Maayos ng kalagayan nito, ni wala ngang makikitang bakas ng mga sugat sa katawan nito. "Panira ka talaga sa diskarte ko kahit kelan Flurrel.. Yun na eh! Nandun na'ko sa rurok ng tagumpay ko eh! Tapos bigla mong sisirain? kainis k--" Natawa na lang kaming dalawa ni Flurrel ng tumalsik sa malayo si Buggles, dahil sinipa ito ni Howie na kararating lang. Kung san man ito nanggaling yun ang hindi ko alam. "Napakaingay ng langaw na yun.." Nakasimangot na sabi pa ni Howie, saka bumaling samin ni Flurrel. "O, halina kayong dalawa, handa ng pahingahan nyo." 'Bah! ambait naman ng palakang butiki na'to. Di gaya ng itim na Diwatang Amihan na yan, parang walang kasama at kung makaasta para lang nag iisa.' "Salamat Howie, napakabuti mo samin ni Flurrel.. Sana all.. haha.. Bff na tayo gusto mo?" "Bff? anu naman yun?" "Ay tange! forget ko, hindi pala kayo nakakaintindi ng salita namin. Ang Bff ay magk-- " "Magkaibigan habang buhay." Sabi ni Amihan bago ito naglaho. "Hala! Bakit alam nyang ibig sabihin ng bff ha?" Nagtataka kong tanong sa dalawa kong kasama. Na malapad naman ang pagkakangiti sa'kin. "Kasi ang Prinsesa Amihan ay isa sa mga kaibigang matalik ni Prinsesa Ayana." "At ang Prinsesa Ayana ay dun lumaki sa mundo nyo, kaya hindi na nakapagtatakang maraming alam na salita nyo si Prinsesa Amihan.. naiintindihan mo na ba kami, Jp?" Napatango na lang ako sa dalawa. "Howie, pwede bang magtanong ako sa'yo, tungkol sa Prinsesa Amihan nyo?" Huminto sa paglalakad nya si Howie saka nilingon ako't tiningnan ng may pagdududa. Malapad akong ngumiti para di sya magduda na isa akong dakilang chismosa haha. "Sige, magtanong kana, habang wala pa sya dito. Anuba yun ha?' Wala ng patumpik tumpik at isip isip na sunod sunod akong nagtanong kay Howie. "Sadya bang ganun ang pag uugali ni Prinsesa Amihan?" "Anong pag uugali ba nyang tinutukoy mo?" Hininaan kong aking boses mahirap na at baka nasa paligid lang namin si Amihan, ma tsugi ako bigla. "Kasi, parang nakakatakot syang kasama, masyadong seryoso at tahimik. Sadya bang ganun talaga sya?" Nagkatinginan muna sila Howie at Flurrel, tila nag uusap ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga mata.. "Uy! Anuna! Ilang minuto paba kayo magtititigang dalawa, bago nyo sagutin ang tanong ko ha?" Sabay pang nag iwas ng tingin ang dalawa sa isa't isa. 'Aba! parang may something 'tong dalawang 'to ah!' "Kelan lang kasi bumalik ang alaala ni Prinsesa Amihan. At kelan lang din namin nalaman na sya pala ang nawawalang Prinsesa ng kahariang Nahara." 'Wow! Nagka amnesia pala sya.. Siguro magulo pang isip nito, kaya ganun ang pag uugali ng Amihan na yun. Sige na nga e fren ko na rin sya, kagaya nila Ayana, Alitaptap at Mayumi.. para lahat pantay pantay at masaya.' "Pagpasensyahan mo na lang sana sya, kaibigan. Mabait naman yan eh! sa katunayan nga, ikaw pa lang ang kauna unahang nilalang na pinayagan nyang manatili dito sa kanyang Palasyo." 'Ha! Palasyo! saan?' Luminga linga ako sa paligid, 'Wala naman akong makitang Palasyo. Anu kaya yun? Baka naman invisible kaya diko makita? hahaha.' "Howie, salamat" "Salamat? para saan naman Flurrel?" "Sa pagtulong mo sa'kin, para ipagtanggol ang Tagalupang ito" "Kaibigan kita Flurrel, alangan namang pabayaan kita." "Kaya nga, salamat sa'yo, Howie." 'Abah! Parang invisible lang ako sa dalawang ito kung mag moment ah! Teka nga sandali, makapagparamdam nga sa kanila.' "Aham! Hello sa inyo! Nandito pako kasama nyooo.." "Ssshh.." Sabay pang napalingon sa'kin ang dalawa at sumenyas. Umuklo ako, saka binuhat si Howie at inilagay saking balikat, kasabay sa pagdapo rin ni Flurrel, nagkatitigan kaming tatlo. "Bakit, anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ko sa dalawa. Sinundan ko ng tingin ang itinuro nilang dalawa. Napaawang aking labi ng makita kong isang di kalakihang palasyo na napapalibutan ng mga paniki. Akala ko pa naman kanina maitim na ulap lang, pero dahil siguro sa ingay naming tatlo nabulabog ang mga ito, kaya ngayon nagkukumpulan na silang lumilipad patungo saming tatlo. "Inaykupooo!" Pumihit ako pabalik sa pinanggalingan namin at akma ng tatakbo palayo sa lugar na yun ng biglang lumitaw si Amihan saking harapan. Kumumpas ang kanan nitong kamay na naglabas ng isang di kalakihang ipo ipo na tumangay sa lahat ng itim na mga paniki palayo samin. Namamanghang nakamasid lang ako sa malakas na daluyong habang ang dalawa ko namang kasama ay panay ang tapik saking pisngi. Hanggang sa may narinig akong malamyos na boses saking isipan. 'Tayo na!' "Ha! Anu daw?" "Bilisan mo na Jp, sundan mo na si Prinsesa Amihan.. dali!' 'Diyatat ang boses na narinig ko saking isipan ay walang iba kundi si diwatang Amihan? Anong nangyari ba't parang bumait yata sya sakin? At ang kanyang boses... napakalamyos, magaan saking pandinig.' Umihip ang malamig na hanging panggabi at dumapyo sa'king balat, napapikit na lang ako ng aking mga mata ng makaramdam ako ng kaginhawahan.. kasunod nun ang pagkawala ng takot, agam agam at pangambang aking nararamdaman. Ang pumalit ay pag asa, pagkasabik at walang katulad na kaligayahan. "Mabuti na bang pakiramdam mo Tagalupa?" Napadilat akong bigla ng aking marinig ang boses ni Amihan. Kunot nuo kong pinagmasdan ang maaliwalas at marangyang kapaligiran. 'Saan ako naroroon? Kaninong bahay ba itong kinatatayuan ko?' "Ito ang aking Kaharian, ang Palasyong Nog" "Nog? haha.. anong ibig sabihin ng Nog, Prinsesa Amihan?" Ang kaninang maaliwalas na mukha nito ay napalitan ng inis. Sinulyapan ni Amihan si Howie na kanina pang tahimik saking balikat. "Howie, bukas, bago sumapit ang pagbukang liwayway.. samahan mo silang dalawa sa kanilang paglalakbay." "Ha! Ako po, Kamahalan?" Halatang panginginig ng boses ni Howie, na ikinatawa ng bahagya ni Flurrel. Nakikinig lang ako sa usapan nila. "Bakit? may iba pa bang Howie dito?" Matalim ang mga matang sinulyapan pa ni Amihan si Howie na napayuko kaagad. "Sabi ko nga po, sasamahan ko sila bukas, Kamahalan" "Parang labag naman sa kalooban mong samahan kami ni Jp, Howie eh!" Nandidilat ang mga matang hinampas ni Howie ng hawak na kahoy si Flurrel, pero hindi ito tinamaan ng maliksi itong lumipad palayo. Kaya ang ending sa leeg ko dumapo ang stick nitong hawak. Bahagya kong hinimas ang nasaktan kong leeg. Sinulyapan ko si Amihan na naglalakad palayo samin. "Ah! Prinsesa Amihan! saglit lang... may nais sana akong sabihin sayo!" Pumihit naman sya paharap sakin. "Ano yun? Magpapasalamat kana ba sakin?.. hmm?" Lihim akong napangiti sa kanyang sinabi. "Hindi! Gusto ko lang malaman kong bakit mo kami tinutulungan? Iniisip ko na baka bandang huli ay singilin mo'ko at hindi ko kayang bayaran ang hihingiin mong kapalit sa lahat ng ito." Tuluyan na nitong pinakawalan ang tinitimping tawa. Kayganda nyang pagmasdan habang malayang humahalakhak saming harapan. Lumalabas ang kulay asul na liwanag sa buo nitong katawan. may kaiga igayang hangin na umiihip saming kapaligiran. Ibang iba pala si Amihan, kapag ganitong masaya sya, gumagaan ang aming pakiramdam. At ng mahimasmasan ito sa katatapos lang na usapan sa pagitan namin... "Wag mo ng alalahanin pa ang bagay na yun, dahil umpisa pa lang na magtagpo ang ating paningin, nabayaran mo ng lahat ang pagkakautang mo sakin.. Humayo kayo at maglakbay ng payapa bukas.. Si Howie ng bahalang magtanggol sa inyong dalawa ni Flurrel." 'Naman! nagkamali yata ako sa pagkakakilala sa kanya. Totoo ngang kasabihan sa eat bulaga na "Bawal judgmental". Siguro front nya lang yung pagmamaldita para itago ang tunay nitong pagkatao.. Mabait din pala sya kagaya nila Ayana, Alitaptap at Mayumi.' Ng makita kong pagtalikod nya ulit samin, mabilis akong tumakbo sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit, kahit na nakatalikod sya sakin, ramdam kong pagkagulat at pagpiksi ng kanyang katawan. "Maraming salamat sayo, Prinsesa Amihan. Simula sa gabing ito, ay Bff na rin kita.. At wala kang karapatang tumanggi at magreklamo." Tinapik tapik nyang aking braso na nakayakap sa kanyang tiyan. Mas lalo ko pa tuloy hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Ang kaibigan nila Ayana at Mayumi ay kaibigan ko rin, kaya nararapat lang na protektahan kita. At salamat din, sa sayang idinulot mo sakin." Yun ng huling beses na narinig kong kanyang boses, kasi, naglaho na lang itong bigla. "Lam mo Jp? Napaka swerte mo talaga! Isipin mo yun ha!.. sa loob lang ng isang gabi, napalambot at nakuha mo na agad ang loob ni Prinsesa Amihan? Bilib ako sayo... Ang tapang ng amoy mo.. hahaha." Kaagad namang inamoy kong aking sarili.. 'Hindi pa naman ako mabaho ah? Letcheng, Howie na'to lakas makapang asar' "Ahhhh..." Talsik sa malayo si Howie ng pitikin ko.. Buti nga sa palakang butiki na yun.. Nakakainis kasi sya. "Binabati kita, kaibigang Jp, tamang kutob ko na isa kang mabuting Tagalupa.. Napakalinis at napakalambot ng yong puso, katulad ka rin ni Diwatang Mayumi.. Busilak ang puso." "Salamat, Flurrel! maraming salamat sa inyong lahat." Napapikit ako ng maramdaman ang paghalik ni Flurrel saking pisngi. Napakapalad ko, dahil mabubuting Engkanto ang nakadaupang palad ko dito sa mundo ng Engkantadya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD