Urduja

2224 Words
"Waaa!.. Trulala na ba itong mga nakikita ko ha? Hindi na kayo mga lnsekto ngayon kundi mga tao na kayo! Ay mali! Mga Engkantada at Engkantado na kayong apat? Wooohh..! Nakakatuwa naman... Ang saya sayaaa..." Napapalakpak pa'ko sa tuwa, manghang mangha talaga ako sa pagbabagong anyo ng mga kaibigan kong lnsekto. "Vega, ang ganda ganda mo naman.. grabeh." Panay pang kurot ko na may kasamang mahinang hampas sa braso nito. "Nahiya naman ako sa kinis ng balat mo Flurrel, at ang mga hair nyo ha! Parang bagong hot oil sa kintab... Sana all kagaya nyo.. di lang mabeauty, mababait pa!" Haplos at hila ng konti sa buhok ng dalawa ang ginagawa ko makontento lang ako. 'Grabeh! Ibang level na talaga itong mga nagaganap sa... Teka! Sino ang Diwata na yun? Bakit ganyan sya kung makatingin sa'kin?' Bumaba sa dahon na kinasasampahan nya ang Diwatang kulay Purple ang suot na damit. Nawala ang pansin ko sa kanya ng magsalita si Buggles. "Eh kami ba Jp, hindi mo ba kami pupurihin ni Howie? Nakakatampo kana ah! Puro kana lang Vega at Flurrel.. Panu naman kami ha?" "Sus! Wala namang nagbago sa'yo, kaya bakit pa kita pupurihin? sayang lang laway ko" Pang iinis kong lalo kay Buggles ng makita kong namumula ng mukha nito. "Ah! ganun!.." Ng makita kong biglang pagpihit nito papunta sa'kin, mabilis na'kong tumakbo palayo dito, pero kaagad ding napahinto ng marinig kong sigaw ni Howie. "Hoy! Tama ng harutan nyong dalawa at pasugod ng mga Bampiraaa..." "Bampira! oo nga pala, forget ko, sorry Howie!" Kitang kita ko ang paghaba ng stick na hawak ni Howie patungo sa unang Bampira na sumusugod sa'min. Sapul sa dibdib ang Bampira na biglang naging abo na lang at tinangay ng hangin palayo. Ramdam kong may tumabi sakin, akala ko si Vega, kaya nawala ang takot ko. Pero pagbaling ko dito ibang Diwata ang nakita ko. 'Hala! Sya yung nakita kong nakasampa sa mataas na puno kanina.. Yung pumipitas ng purple orchids.' "Huh! Vizard?..' Napapailing at bahagyang nangiti pa ito. Na tila ba hindi man lang kakikitaan ng konting pangamba sa magandang mukha nito. 'Sino naman ang isang magandang Dilag na ito? Prinsesa din sigurado ito, eh sa aurahan lang nito mas bongga pa kila Ayana, Alitaptap, Mayumi at Amihan, na mga simple lang.' "Bilib na talaga ako sa'yo Wilbur... magaling ang espiya mo, nasurpresa naman ako sa mga alagad mong sumugod dito. Pero, pasensya kana lang, dahil hindi ko hahayaang masaktan ang mga insekto at ang Tagalupang ito" 'Anuraw? Mga Insekto at Tagalupa?' Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa maganda nyang mukha. 'Kaibigan siguro sya nila Howie!' Habang pinagmamasdan kong seryoso nyang mukha, napansin kong may nagsusulputang mga paroparo na iba't ibang kulay at pumalibot sa kanya. "Nax! Protektahan nyu mula sa mga Bampirang yan ang apat na Engkanto na nakikita nyu ngayon, at lalo na itong Tagalupa sa tabi ko." "Masusunod po Prinsesa Urduja." 'Prinsesa Urduja? Dyata't isang Prinsesa rin pala ang magandang Dilag na ito? Wow! Bakit ba lahat ng mga Diwata eh, ang gaganda.. ang kikinis.. ang babait.. Haayy.. Sana all diba?' Nagpakawala ng bolang crystal yung Urduja pahagis sa himpapawid at ng sumabog na yun sa kalawakan, ay naging maliliit na tila bituin sa langit, lumiwanag ang kani kanina lang madilim na kapaligiran. "Ngayon, patas ng laban.. dina kayo makakapagtago sa dilim Vizard, wala na kayong takas ngayon." Hangang hanga akong napabaling ng tingin sa katabi kong nagmamasid sa mga kaganapang nagaganap saming paligid. "Wowwoww... Ang galing galing mo naman, Prinsesa Urduja! astig ang powers mo ha! Idol na kita mula ngayon!" Napapalatak pa'kong sinundan ng tingin ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Nang may biglang humablot saking braso. Masakit at mahigpit ang pagkakahawak nito, bumabaon sa balat ko ang mahahaba nitong kuku. Palibhasa nagulat at nasaktan, mabilis kong tinulak ang kung sinumang nakahawak sa'king braso ng hindi tinitingnan ito, saka kumaripas ako ng takbo palayo dito. Alam kong Bampira yun, kaya diko na pinagkaabalahan pang tingnan. "Jp! gamitin mong sandata mo, wag kang tumakbo, lumaban kaaa.." Napabaling ang tingin ko sa kaliwa ng marinig ang sigaw ni Vega. Habang nakikipaglaban ito sa mga Bampira, panay naman ang pagsigaw nito sa'kin. "Waaaa... Tulungan nyo kooo... Lalafangin ako ng mga aswang na 'tooo... waaa..." Namumutlang mabilis akong tumakbo papunta kay Buggles na pinakamalapit sa daraanan ko. "At nagtago kapa talaga sa likuran ko ha! Abah! Jp, anong silbi nyang espada mong hawak kung hindi mo gagamitin? Ano yan! dekorasyon lang ha?" Pang aasar pa ni Buggles sakin. Kainis talaga ang langaw na'to. "Hmp... Yabang mong langaw ka!" Sinipa kong binti ni Buggles bago hinawakan ng dalawang kamay ang espada. Sabay sugod sa isang Bampirang papunta sa'kin. Panay ang wasiwas ko sa hawak kong espada habang nakapikit ang dalawang mata. "Wala kang matatamaan ni isa sa mga kalaban mo, kung ganyang nakapikit naman ang yung mga mata, habang nakikipaglaban ka sa kanila, Tagalupa." 'Anuraw? Yabang nito ah! Eh! sa takot ako sa mga Bampirang ito eh! Pakialam ba nya! Hmp!' Napadilat akong bigla ng mapagtanto kong hindi pamilyar ang boses na aking narinig.. Bumulaga saking harapan ang isang Diwatang nakasuot ng purple na damit. "Urduja!" Napasinghap pa'ko ng masulyapan ang kanyang kulay puting pakpak, may bilog na malilit ito na kulay dilaw at kumikinang sa bawat paggalaw ng katawan nito. 'Kegandang pakpak.. Nakakaaliw namang tingnan, bagay na bagay sa kanyang kagandahan.' "Mamaya kana mangarap Jp! Makipaglaban ka kaya muna ng mabawasan naman ang mga kalaban natin." 'Pesteng langaw 'to, napakaingay ng bunganga kahit na nag anyong tao, talak pa rin ng talak! walang pinagbago.' Naiinis kong sinulyapan si Buggles na abalang nakikipaglaban sa mga Bampira. "Hoy! Jp! Galaw galaw... Wag puro tunganga kana lang dyan! Abah! Sayang ang talas ng hawak mong espada kung dimu gagamit - aahh... " Ngising demonyeta kong sinundan ng tingin si Buggles na tumalsik sa malayo matapos kong sipain ng ubod lakas. 'Wooahh! Bakit tila yata lumakas ako? Kamangha manghang napatalsik kong barakong langaw na yun sa malayo! wahaha..." "Dahil yan sa suot mong pulseras Jp, may taglay ka ng kapangyarihan ngayon, kaya wag kang matakot sa mga Bampirang yan, kayang kaya mo silang paslangin lahat kung gugustuhin mo." Napabaling ang tingin ko kay Vega, 'Hanep na ganda yan! Kahit pawis na pawis nangingibabaw pa rin ang taglay na kagandahan... Sana all diba? Para all masaya!' "Sya nga naman, Jp! Bakit dimu subukang gamitin ang taglay mong kapangyarihan? Para malaman natin ang lahat ng makakaya mong gawin." 'Isapa 'tong si Flurrel eh! Bakit naggo glow ang katawan ng mga 'to kahit puro sugat na? Kamangha manghang kagandahan.' "Sige na, Jp! Ikaw ng tumapos sa tatlong Bampirang yan para makapag pahinga na tayo." 'Kahit si Howie, matikas at gwapo pa rin kahit g**o g**o ng mahabang puting buhok nito. Kagalang galang pa rin ang dating! haaay...' "Hoy Jp! Bakit mo ginawa sakin yun ha? Dimu na'ko ginalang ah! Mas matanda ako sayo! pero kung tratuhin mo para lang akong paslit sa paningin mo! 'Dimu ba alam na sinasaktan mo nako sa ginagawa mo ha?" 'At kahit ang langaw na'to na puro talak lang ang ginawa, magandang lalake din... Hayy... Life is so unfair talaga!' Nabaling ang tingin ko kay Urduja, na papalapit sa'ming lima.. Nakakamangha syang tingnan habang naglalakad at nakasunod sa kanyang likuran ang maraming paroparo na iba't iba ang kulay. "Baka gusto mong tapusin ng digmaan? bago pa makatakas ang tatlong yan at makapag ulat sa kanilang Panginoon. Good luck, Tagalupa! Galingan mong pakikipaglaban para may maipagmalaki ka sa muli nyung pagkikita ng mga Diwatang naging kaibigan mo na dito sa Engkantadya." "Ha! Pa'nu mo nalaman na isa akong Tagalupa at may mga kaibigan ako dito?" Nagtatakang tanong ko sa purple Fairy na kaharap ko na ngayon. "Dahil isa yun sa mga kapangyarihang taglay nilang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyanteng makapangyarihan ni Bathalang Kaiser. Isa rin sya sa matatalik na kaibigan ni Prinsesa Ayana. Sya si Prinsesa Urduja ng Kahariang Inspra." Nanlalaking aking mga mata ng bumaling ako ng tingin kay Flurrel, dyatat ang magandang Dilag na ito ay matalik din na kaibigan ni Diwatang Ayana? Napakabait naman nya na halos lahat yatang Diwata na makadaupang palad ko dito ay kaibigan nya? Unbelievable! "Pst! Hoy Jp! Anuna? Tatakas ng mga kalaban oh!" Inis na pinandilatan ko ng mga mata si Buggles.. 'Bakit ba napakakulit ng langaw na'to? Sinasagad nya talagang pasensya ko ha! Sandali nga....' Bigla akong pumihit patalikod sabay tinakbo ang tatlong Bampira na pasalubong sakin. Tumalon ako't umikot sa ere sabay wasiwas ng hawak kong espada sa tatlong Bampira, tumalsik ang ulo ng isa, samantalang nasugatan sa leeg ang isa at sa mukha naman yung isa pa. Paluhod akong lumapag sa lupa, mabilis kong inundayan ng saksak sa dibdib ang pinakamalapit na Bampira sa'kin, hindi ko hinugot ang aking espada, hinigit ko ito pataas sa kanyang leeg saka ko hinugot at tinigpas ang leeg nya na parang puno lang ng saging. Napaigik ako sa sakit ng may mga kamay na dumakma saking leeg. "A - Arayko naman girl..." Sabay dakot sa buhok ng Bampira na nakapwesto saking likuran. Ubod lakas kong hinila ang buhok nito saka ako umuklo at sinuntok ko sya sa dibdib kaya nya ako nabitawan. "Lentek na kuku yan! napakatalas ah! Mabuti pang tanggalin ko na lang yan para dika na makapanakit pa ng iba!" Imbis na kamay lang sana ang aking tatanggalin sa kanya, pinutol ko na lang ang kanyang mga braso. "Tagal naman.. Wag mo ng patagalin Jp! Naiinip na kaming lahat kakaantay sa'yo.. Anuba naman yan?.." 'Nakuuuu! Pumutak na naman ang langaw na'to.. Kainisss....' Tinapon kong espada sa lupa saka tinalon kong huling Bampirang nakatayo pa, sumampa ako sa kanyang likuran kasabay ng paghawak sa ulo nito at malakas kong pinilipit yun. Pagkabagsak nya sa lupa kasabay ko, saka naman ako tuwid na tumayo at naglakad papunta kay Buggles na malapad ang pagkakangisi sa'kin. "Lam mo Buggles, ang kisig kisig mo.." Lumapad pang lalo ang pagkakangiti ng langaw, tila masayang masaya sa papuri ko... Isapa ngang hirit.. "Dika lang makisig.. gwapong Engkantado pa! Hehe." Nagniningning ng mga mata ni Buggles sa saya.. Nakikita ko naman ang mga palihim na ngitian ng mga katabi nitong nakaupo sa mga batong nakakalat sa lupa. At ng nasa harapan na'ko ni Buggles mas lalo ko pang tinamisan ang pagkakangiti ko dito, sabay angat ng kaliwang paa ko at ubod lakas ko syang sinipa. "Bagay sayong sipain ng ganitoooo... !!!" Palibhasa, di inaasahan ni Buggles ang binabalak kong gawin sa kanya, kaya di nya napaghandaan ang pag atake ko. Nasurpresa ko tuloy sya... Haha. "Waaaaahhh... Jpppp!... Napakasama mooo..." Malakas na nagkatawanan kaming lahat sa nakita naming hitsura ni Buggles habang tumatalsik ito palayo samin. "Magaling Jp! Napaka galing ng ginawa mo, hindi lang sa mga Bampira kundi higit na kay Heneral Buggles." Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi ng Diwatang si Urduja. "A - Anong sinabi mo Prinsesa Urduja? Isang Heneral ang langaw na yun? S - Saan at papanu naman nangyari yun?" Natataranta kong tanong kay Urduja. Nakita kong nagkatinginan muna sila ni Vega, na tila ba nag uusap sila sa pamamagitan lang ng kanilang mga mata. Ilang minuto rin ang lumipas bago humarap si Urduja sa'kin at sinagot ang tanong ko sa kanya kanina. "Si Vega ay sagradong paroparo ng Fairyland, ganun din si Buggles na Heneral ng Mother Golden Fairy. Ang nag iisang Bataluman ng Engkantadya." "Hala! Kung Heneral si Buggles, baka parusahan nya ako sa ginawa kong kalapastangan sa kanya? Ahuuhuuy.... Ayokong maparusahaannn.." Mangiyak ngiyak ko pang sabi, saka napayuko na lang ako dahil sa kabang aking nararamdaman. "Hahaha.. Malabong mangyari yun Tagalupa, lam mo kung bakit?" Iling lang ang naisagot ko kay Urduja na may himig kapilyahan ang tono ng boses nito. "Dahil gusto ka nya... At kapag nahumaling ang Heneral ng Fairyland.. " Tumingin pa muna ito kila Vega saka kumindat. "Daig mo pang isang Reyna kung pagsilbihan ka nya!" Sabay sabay pang sabi nilang lahat na ikinanganga ko na lang. "Ang swerte mo Jp! lam mo bang maraming nagkakagusto sa langaw na yun? Pero ni isa wala man lang nagtagumpay na mapaibig si Buggles, ikaw pa lang ang bukod tanging nilalang na nakakuha ng kanyang interes." "Ngeee... Ayoko sa langaw na yun, Vega! Please lang.. Gusto ko ng tahimik na buhay." Nagpapadyak ko pang sabi sabay irap sa kanilang lahat. "Wag kang mag alala Kaibigan, sigurado naman kaming sa inyong dalawa ni Buggles, ikaw ang masusunod at hindi sya... Hahahha." Nangilabot naman akong bigla sa sinabi ni Howie sakin.. Dyosmiyo marimar!.. Di'ko ma imagine na maging asawa ang langaw na yun.. No way.. "Abah! Hindi imposibleng magkatuluyan kayo Jp!.. Kasi tatlong Diwata ng nakapag asawa ng Tagalupa, kaya malaking pag asa sa'yo ni Buggles.." "Tama! At lahat sila masaya't maligaya na ngayon sa mga buhay buhay nila sa mundo nyo, Jp." "Kakainggit nga nila Heneral Ixeo, Diwatang Amber at Diwatang Alex... Hay.. Sana ako din nuh! makatagpo rin ako ng kabiyak na kagaya ng mga napangasawa nila." Tila nangangarap na nakatingin pa sa kalangitan si Vega, ganun din si Flurrel at Howie. Tanging si Urduja lang ang nakangiting nakatitig sakin.. At nababasa ko sa kislap ng kanyang mga mata ang kapilyahan. At ng ako'y kanyang kindatan.. bumigay ng aking katinuan. "Nyayyy! Ayoko nga sa langaw na yunnnn..." Nagtatatakbo na'kong palayo sa kanila.. Kung san man ako tutungo? Yun ang hindi ko rin alam... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD