"Hah.. Hahh.. Hoohh..! Nyemas.. gabing gabi nagja jogging pa'ko! Takteng langaw na yun kasi! Sobrang maka stress sa'kin huuu..."
Hinihingal akong huminto muna sa pagtakbo, luminga sa kanan, saka sa kaliwa.. sa likuran at napatingala sa madilim na kalangitan.
"Hala! Bakit ganyan naman ang buwan nila dito? Kung maka half moon, wagas! mas maliwanag pang bituin eh! Huh!" Ng may masulyapan akong kakaiba sa kalangitan. "Anu yung lumilipad na yun?"
Kahit madilim pilit ko pa ring sinisipat ang mga lumilipad na tila lawin sa himpapawid. 'Kaylalaki namang mga lawin ito, saka grabe! ang kulay itim na itim!' Nayakap kong aking sarili ng biglang makaramdam ako ng kakaiba.. 'Woohh.. Kinikilabutan naman ako!'
Ang kaninang madilim na kapaligiran ay unti unting nagkukulay pula.. Napabalik ang tingin ko sa buwan.
"Nyay! Bakit kaybilis namang mabuo ng buwan? Hindi na sya half moon, full moon naman? Saka ang kulay, bakit naiiba naman ngayon?"
Nag umpisang manindig ang aking balahibo sa buong katawan.. Bahagyang nanginig at nangatal rin ang aking labi ng makita kong tila may pulang kulay na nabuo sa loob ng bilog na buwan.. Kinapa kong bulsa ng suot kong pantalon.
'Inaayyy... hindi ko yata nailagay ang karmen karmen nyong ibinigay sakin huhu! Panu na'ko ngayon, Inayyy...? wala na po akong anting anting na panlaban sa mga maligno..'
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka nag umpisang magdasal, isa sa mga itinuro sakin ni Inay, na kapag nakaramdam daw ako ng takot, magdasal lang ako kay Lord at manalig.. Nag sign of the cross muna ako bago pinagsiklop ang aking dalawang kamay saka mariing ipinikit ang aking mga mata.
"I believe in one God..."
Napahinto ako sa pagdarasal ng makarinig ako ng pagaspas ng pakpak sa himpapawid.. Kasunod ang huni ng ibon..
"Kwak.. Kwak...!"
'Naku! Namaann.. bakit pakiramdam ko may nakatingin sakin? Ahuhuuyy... Didilat ba ako o mananatiling nakapikit? Kaya lang baka kapag dumilat ako himatayin na lang ako bigla sa'king makikita? Pero kapag nanatili naman akong nakapikit baka bigla na lang may lumafang sakin? Dyoskolord!.. anu ng gagawin ko ngayon? Helpppp...'
Umihip ang malamig na hanging pang gabi.. Napapiksi na lang ako ng may sumaging parang pakpak ng ibon saking likuran na ikinasabog ng mahaba kong buhok sa lakas ng hanging dumaan. Napadilat akong bigla.
"Susmaryosep!"
Napatakip ng bibig ang kaliwang kamay, sa dibdib naman ang kanang kamay ko, at halos lumuwa ng mga mata kong nakatingin ngayon sa dalawang nilalang na nakatitig sakin, na tila naantala ang pagde date nila sa ilalim ng pulang buwan dahil saking presensya. Kung bakit ko nasabi yun? Kasi may hawak pang pulang rosas ang babae, may dalawang maiitim na lawin pang lumilipad sa uluhan ng mga ito.
'Hala! Totoo na ba ito?' Napakurap kurap ang aking mga mata, baka kasi namamalikmata lang ako at imahinasyon ko lang ang mga nakikita ko ngayon.
"Mga itim na Anghel? Dyata't totoo nga kayo?.." Kinusot ko pang aking mga mata. Pero kahit na anupang gawin ko.. Hindi pa rin naglalaho ang dalawang itim na Anghel sa paningin ko. Seryoso pa rin ang mga mukha nilang nakatingin lang sakin.
"Hello!" Kumaway at ngumiti pa'ko sa kanila.. ng may maalala ako. ' Hala! Hindi pala ganun ang pagbati nila dito.. Faktay! ako sa mga ito kapag nalaman nilang hindi ako tagarito.'
Sa isang kisapmata ko lang, kaface to face ko ng dalawang itim na Anghel. Inaamoy amoy na ako ng mga ito na lalong ikinanginig ng mga laman sa buong katawan ko.
"Reza! May naaamoy akong kakaiba sa Diwatang ito."
Napatuwid ang pagkakatayo ko ng marinig kong magsalita ang Lalakeng Anghel, napabaling tuloy sa kanya ang aking nag aalalang tingin. Kitang kita ko ang pailalim nitong pagkakatitig sa'kin na tila ba sinusuri at may binabasa ito sa'kin.
"Ang daloy ng dugo nito sa buong katawan ay hindi normal, Kaleb. Malinaw ko ring nakikita ang panginginig ng kanyang mga laman."
Ibang pakiramdam ko sa dalawang ito, lalo na ng magtinginan at sabay pang napangisi.
'Naman...! Nababasa nya ba ako? Malakas ang power nyang taglay kung nagagawa nya nga akong basahin.. Takte! anuna ngayon ang gagawin ko Lord? Naiwan ko pa naman ang aking espada.'
Bahagya akong napaatras ng makita kong umangat ang kaliwang kamay ng lalakeng Anghel. Akmang hahablutin na nitong aking braso ng mabilis na umangat ang aking katawan mula sa lupa na para bang dinagit ako ng isang dambuhalang ibon. Nakita ko pang nanlilisik na mga mata ng dalawang itim na Anghel, habang nakasunod ang tingin sa'kin na patuloy ang pagtaas pahimpapawid.
'Anu na naman ba ito?' Magkahalong pagkalula at pagkahilo ang aking naramdaman habang nakatingin ako sa kalupaan. Kusang napapikit na lang ang aking mga mata sa sama ng aking pakiramdam, para akong hihimatayin ng halos kapantay ko ng ulap sa kalangitan, kung saan mahigpit pa rin ang kapit saking katawan ng isang nilalang na hindi ko man lang makita ang kanyang kaanyuhan.. Tanging pagaspas lang ng parang pakpak ang aking naririnig, alam kong sa ilang saglit lang ay hihimatayin na'ko, dahil takot ako sa matataas na lugar... May phobia kasi ako sa heights, pero bago pa'ko mawalan ng malay may narinig pa akong sumigaw.
"Cassielll...!!"
At dun na'ko nilamun ng kadiliman.. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba'kong walang malay, basta pagkagising ko ay nasa isang bahay na bato na ako..
"Kumain kana muna!"
Napakurap kurap ang aking mga matang napabaling ng tingin sa isang itim na Anghel na naglapag ng mga dalang prutas sa kaharap kong mesa. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito, ibang iba sa dalawang itim na mga Anghel sa kagubatan na nakita ko. Wala akong maramdamang panganib sa kanya.
"Ahm.. pwede ba akong magtanong sa'yo?"
Alanganin kong sabi sa kanya. Nangangamba kasi ako sa magiging reaksyon nito kapag nalaman nyang hindi nila ako kauri. Pero ng makita kong pagngiti nito at bahagyang pagtango, dun na'ko nakahinga ng maluwag at nakomportable sa kanyang presensya. Kusang rumatatat na naman ang aking bunganga.
"Ikaw ba yung nagligtas sa'kin dun sa kagubatan? Lam mo kala ko katapusan ko na eh! kasi ang sama ng pagkakatingin nung dalawang itim na Anghel sa'kin, na para bang gustong gusto na nila akong lamunin ng buong buo.. Buti na lang naglanding ka dun at ni rescue mo'ko,. kaya tenk you tenk you talaga sa'yo ha! Bff na tayo gusto mo?"
Ang kaninang pagkakangiti ng kaharap ko ay napalitan ng pagtataka at pagkalito.. Natampal ko na lang ang aking noo sa kashungaan ko.. Eh malamang hindi nito naintindihan ang ibang sinasabi ko, saka malamang nag iisip na itong hindi ako isang Engkanto na ako ay Tagalupa lang.
'Faktay na talaga ako nito kila Flurrel, naka strike two na ako eh! Talagang ako lang ang tanging nagpapahamak sa sarili kong buhay. Kasi naman itong bunganga ko eh! Basta't nakomportable wala ng tigil kakasalita... Hay buhay nga naman parang life lang....'
"Wag ako ang pasalamatan mo, kundi sya."
May pagsuyong tumingin ito sa'king likuran, kaya napalingon na din ako dun sa tinitingnan nya. Napatayo akong bigla ng makita ang isang puting Anghel na tahimik lang na nakaupo sa mga petals ng mapupulang rosas.
"Oh my God! Napakagandang Anghel naman nya.."
Mula sa mahaba nitong buhok na mamula mula at may highlights na puti, sa abuhing kulay ng mga mata nito, isama pang kanyang pilik mata na aakalain mong false eyelashes lang, sa matangos nitong ilong at sa makinis nitong pisngi, sa cute nitong tenga na may nakaipit na dalawang pirasong puting rosas at higit sa lahat ang makintab nitong puting puti na mga pakpak. At ng ikampay nito ang mga pakpak... may ilang hibla ng balahibo nitong nalagas na nilipad ng hanging panggabi.
"Wow!" Alam kong kumikinang na naman ang mga mata ko, ganito kasi ako kapag humahanga, natutuwa at higit sa lahat masaya sa mga nakikita.
Ang paghanga ko ay napalitan ng pagtataka ng mapansin kong walang suot na damit ang napagandang puting Anghel. "Huh! T - Teka lang...?" May blazer ngang puti pero nakababa naman ito sa kanyang balikat, kaya kitang kita ko ang kanyang cross na tatto sa kaliwang braso nito, ang maganda nyang dibdib na tayong tayo ay natatakpan ng mahaba nitong buhok ang sa kanan, samantalang ang nakatakip naman sa kaliwang dibdib nito ay ang isa sa mga nalagas nitong balahibo mula sa mga pakpak nito.
"Sya ang nagligtas sa'yo mula sa mga kamay nila Reza at Kaleb."
"Ha!" Napabaling aking tingin sa nakangiting itim na Anghel.
"Cassiel! Mahal, halika rito tulungan mo akong magkwento sa panauhin natin."
'Sya pala si Cassiel! Pangalan nyang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay. Ang ganda naman nya, bagay na bagay sa kagandahan nya ang kanyang pangalan.'
Nakasunod ang tingin ko mula sa pagtayo, paglalakad ni Cassiel patungo sakin. Para akong nasa langit habang nakatingin sa bawat galaw ng kanyang katawan, kumikislap ang kanyang buhok na nililipad ng hanging gabi. Kahit ngang kanyang mga mata ay kumikinang din saking paningin, kaytamis ng kanyang pagkakangiti sa'kin na tila ba matagal na nya akong kilala.
"Maaliwalas na araw sa'yo, Tagalupa! Ako nga pala si Cassiel, at sya naman si Kahlil, ang aking kabiyak."
'Kabiyak? Ibig sabihin mag asawa silang dalawa? Pwede pala yun... Ang magkatuluyan ang itim at puting Anghel? Sandali lang... Anong tawag nya sakin... Tagalupa? Hala!...'
"Tinawag mo akong Tagalupa? Panu mo nalaman na hindi nyu ako kauri?" Nag aalala kong tanong sa nakangiting mga Anghel saking harapan.
'Bakit kaydali lang para sa kanila na malaman ang tunay kong katauhan? Gayung nababalot ako ng mahika ni Vega? Ano bang nangyayari sa'kin? Diba tumalab ang mga suot kung pulseras? at bakit naman kaya? Lagot na talaga ako nito kila Flurrel huhu... '
Emote to the max na'ko, with matching teary eyed at konting singhot dahil patulo ng aking sipon, ng biglang marinig kong boses ni Cassiel..
"Ika'y wag matakot at mangamba Tagalupa, dahil tanging kami lang na mga mabubuting Anghel at Engkanto ang nakakabasa ng yung totoong pagkatao. Yan ang isa sa mga mahikang nakahalo sa mga pananggalang na nakadikit ngayon sa balat mo."
'Hala! Panu naman nya nalaman ang tungkol dun?' Sabay hila ko sa laylayan ng aking suot na t-shirt at mabilisang pinunasan ang aking mga mata at ilong.. Sisinga pa sana ako kaya lang naisip kong dyahe naman sa dalawang Anghel na kaharap ko.
"Dahil kaya naming pasukin ang yung isipan, Jp! At alam namin ang dahilan kung bakit naririto ka ngayon sa mundo ng Engkantadya."
Namamanghang palipat lipat ang aking tingin sa mag asawang Anghel. 'Grabeh! Umaapaw ang magic sa mundong ito! Kelangan puro magaganda lang ang iisipin ko, bawal ang kabastusan at kahalayan, baka maparusahan pang beauty ko dito..'
Sa pag ihip ng malakas na hangin, may isang puting balahibong pakpak ang sumasabay dito na hinuli ni Cassiel, saka nilagay sa nakabukang palad nito. Kitang kita ng dalawang mata ko kung panu unti unting naging isang puting kalapati ang kapirasong balahibong pakpak na yun. At ng maging ganap na itong kalapati, panay ang 'tweet tweet' nito kila Cassiel at Kahlil, kaya alam kong nag uusap usap silang tatlo, kagaya ng nakita ko noon kila Prinsesa Alitaptap at sa dambuhalang ibon nitong si Zera. Hindi man lang ako nainip sa pagmamasid sa kanila, kundi ako'y naaaliw na pagmasdan ang bawat pagkampay ng pakpak nung kalapati. Matapos ang kanilang pag uusap, bumalik sa pagiging balahibong pakpak yung kalapati, inihagis ito ni Cassiel sa kawalan at tinangay na lang ng hangin palabas ng bahay na bato patungong himpapawid.
"Bye bye! Mag iingat ka sa'yong paglalakbay puting kalapati..." Kumakaway kaway pa'kong sinundan ng tingin ang balahibong pakpak hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa'king paningin.
"Jp, hindi ka pwedeng lumabas sa lugar na ito, dahil nakakalat sa labas ng pananggalang na ito ang angkan nila Reza at Kaleb. Dito ka muna manatili hanggang sa dumating ang yung mga kasamahan sa'yong paglalakbay patungong Palasyo ng Umbra."
"Hala! Ibig mo bang sabihin Kahlil, nasundan ako dito ng mga masasamang Anghel na yun? Ngeee! Nakakatakot naman, parang ayoko na tuloy maglakbay..."
Natatawang nilapitan ako ni Cassiel, masuyong hinawakan nitong nanlalamig at nanginginig kong kamay.
'Bakit ganitong aking pakiramdam ng ako'y kanyang hawakan? mahirap ipaliwanag ang kaginhawahan at kaligayahang aking nararamdaman.. ginagamitan nya ba ako ng kanyang magic?"
Abala ako sa pag iisip kaya ni hindi ko man lang napansin ang pagdating ng aking mga kasamahan kasamang puting kalapati ni Cassiel. Nagulat na lang ako ng marinig kong nakakairitang boses ni Buggles.
"Jppp...! Pasaway ka talaga! Bakit mo kami pinahirapan sa paghahanap sa'yo ha?"
'Pinahirapan? Echoserang langaw na'to! Sarap sipain ulit.' Nakataas ang aking kilay na bumaling sa malaking pintuan ng bahay nila Cassiel at Kahlil. Naglahong bigla ang pagkainis ko kay Buggles ng makita sila Vega, Howie at Flurrel na naglalakad palapit sakin. At ng sabay sabay nila akong niyakap.. naging lubos ang sayang aking nararamdaman, dahil kasama ko na ulit ang aking mga kaibigang lnsekto. Kaya ibig sabihin lang nito, tuloy ang aming paglalakbay patungong Palasyo ng Umbra.
'Diwatang Ayana, malapit ng muli nating pagkikita.. Whooo... Excited na akoo...!'
?MahikaNiAyana