Mga Itim Na Anghel

1990 Words
"Marunong ka bang lumangoy?" "Hindi?" Napatampal ng kanyang noo ang langaw, alam kong naiinis na sya sa'kin, kaya mas lalo ko pa syang iniinis harharar. "Ano lang bang alam mo?" "Ahm... Kumain, matulog, maglakwatsa saka magpasaway.." Inosente ko namang sagot. "Gusto mo pang mabuhay?" Nagtitimping tanong ni Buggles sa'kin. Ewan ko ba kung bakit ang dami nitong tanong sa'kin, samantalang tahimik lang at nagmamasid ang iba pa naming kasamahan. "Anubang klaseng tanong yan, Buggles? Syempre naman gusto ko pang mabuhay. Bakit kaba kasi aligaga dyan?" Napabuga pa ito ng hangin bago ako seryosong tiningnan. "Dahil hindi tayo pwedeng dumaan sa kalupaan masyadong mapanganib, kaya sa karagatan tayo dadaan." "Ha! Anu yung sinabi mo Buggles? Sa karagatan tayo dadaan? niloloko mo lang yata ako eh!" "Totoong sinabi ni Buggles, Jp! Sa karagatan tayo dadaan, dahil may nag aabang sa'tin na mga itim na Anghel paglabas natin sa tahanang ito." Kinillabutan na naman ako sa sinabi ni Flurrel. Nadagdagan pa ng takot ng si Vega naman ang sumunod na nagsalita. "Hindi natin sila makakayang gapiin, lalo na't pinamumunuan sila nina Abaddon, l**s at Athena." Napataas naman biglang aking kilay. "Bakit naman? Napaka powerful ba ng tatlong yun at hindi natin sila kayang tapatan?" Umiiling na napatayo mula sa kinauupuang silya si Howie, saka palakad lakad ito sa aming harapan habang malalim ang iniisip. Nakasunod naman ang tingin namin sa kanya. Halata sa mukha nito ang pangamba at pag aalala.. Maya maya nagsalita na rin ito. "Ang mga itim na Anghel, Isa sila sa mahigpit na katunggali ng mga Diwata, kahit sa mag kabilang dulo ng mundo di maiiwasang sila'y mag kasagupa, sa kadahilanang mga tuso at mapanlinlang ang mga itim na Anghel. Malakas na mahika ang ginagamit sa kanila para sila'y matalo at mapuksa. Sila ang mga makasalanang Anghel na mapang-hangad, gawain nilang puntahan ang Kaharian ng mga Puting Anghel at nakikisalamuha, kapag ang mga puting Anghel napa-ibig nila at tiwala ay nakuha, Pinapakinabangan muna nila saka pinapaslang isa isa.. Pero, mabigat naman ang kaparusahang ihahatol sa mga itim na Anghel, sa sandaling mapatunayan na sila nga'y nagkasala." Napaisip ako sa sinabing yun ni Howie. 'Panu nga namin magagapi ang mga Fallen Angels na yun, kung tanging si Diwatang Urduja lang ang kasama naming Diwata ngayon?' Napabaling ang tingin ko sa dalawang Anghel na kasama namin, kay Cassiel at Kahlil. 'Eh sila ba? Wala ba silang maitutilong samin?' Yun ang gusto ko sanang itanong kung di lang nagsalita ulit si Howie. "Si Athena, Diyosa ng digmaan at karunungan. Naniniwala si Plato na ang kanyang pangalan ay nangangahulugang "isip ng Diyos," habang ang iba ay nagmumungkahi na nagmula ito sa isang sinaunang salitang nangangahulugang "matalas." Ang parehong mga salitang ito ay tumuturo sa mahusay na kakayahang intelektwal ni Athena na makita ang totoong likas na katangian ng isang sitwasyon at upang makabuo ng mga matagumpay na diskarte." Ini imagine kong hitsura ni Athena, pero nakakatakot lang ang mga nakikita ko sa'king isipan. Kaya itinutok ko na lang ulit kay Howie ang buo kong atensyon. "Si Isis naman, Diyosa ng katotohanan at balanse. Pinipigilan niya ang paglikha mula sa paggalaw sa g**o at hinusgahan ang mga gawa ng patay sa kanyang balahibo. Ang pangalang Diyosa na ito ay nagmula sa salitang Mayet, nangangahulugang "tuwid." Ito ay sumasalamin ng kanyang tapat at likas na katangian sa pagpapanatili kung ano ang tama at makatarungan. At si Abaddon, isa syang destroyer, at tagapayo. sinasabi na pinuno ng mga demonyo. Minsan itinuturing na mapanirang Anghel." Nagtaas ako ng kamay para makuhang pansin ni Howie. Gustong gusto ko na kasing itanong sa kanya ang kanina pang gumugulo saking isipan. "Time first muna Howie" Ng tumango ito sa'kin, bumanat kaagad ako. "Eh, sila Cassiel at Kahlil, wala ba silang maitutulong sa'tin, Howie?" "Gustuhin man naming kayo'y tulungan, subalit wala na kaming karapatan na makialam sa kahit na anupa mang digmaan dito sa Engkantadya. Lalong lalo na kung ang digmaang magaganap ay sa pagitan ng mga kalahi naming mga Anghel" 'Ganun! Panu na kami ngayon nito?' Nais ko pa sanang magtanong kay Kahlil, kaso may biglang kumalabit sa'king braso, nalingunan ko si Diwatang Urduja, na nakatapat ang hintuturo sa kanyang bibig. Pinapatigil na nya akong magtanong pa.. Nakakaintinding tumango na lang ako sa kanya. "Pero maaari kong tawagin si Inanna para pigilan ang aking mga kalahi sa pagsalakay sa inyo. Yun lang ang magagawa ko para sa kaligtasan nyo." Kaylapad ng aking pagkakangiti ng marinig kong sinabi ni Kahlil, kahit na isa syang itim na Anghel, ramdam kong kabutihan at busilak ng kanyang puso. "Talaga Kahlil! gagawin mo yun para sa kaligtasan namin? Ambait mo, salamat! Eh teka! Sino naman si Inanna ba yun?" "Si Inanna, ang Diyosa ng pag-ibig, giyera, at pagkamayabong. Sya ang personipikasyon ng bituin sa umaga at gabi. Ang kanyang magandang pangalan ay nangangahulugang "Ginang ng Langit." Ang Diyosa na ito ay malapit na nauugnay sa lahat ng mga Anghel, puti man o itim. Higit sa lahat sya lang ang sinusunod ng lahat ng mga Anghel. Dahil sya ang itinakdang taga gabay at taga parusa ng angkan ng mga Anghel." 'Wow! Di'ko inakalang may ganito silang batas dito.. Yung sinasabi ni Kahlil na Inanna, ano kayang hitsura nya? Siguro nakakatakot, kasi mantakin mo ba namang sinusunod sya ng mga Anghel? Siguro napaka powerful nya? Nasasabik tuloy akong makita sya.' "Kahlil, pwede bang magrekwes?" Hirit ko pa, bakasakaling mapagbigyan.. malay natin swertehin din ako. "Ha?" Naguguluhang napatingin sya sakin. "Este! humiling pala, Kahlil! Pwede ba yun, ha? Sige na please!" "Ahh.. " Nagkamot muna ng batok saka sya humarap sa'kin ng nakangiti. 'Puchang ngipin na yan.. Kayputi eh!' "Anubang hiling mo Tagalupa?" 'Kaygwapo talaga ni Kahlil, Hayyy...' "Tagalupa talaga? Jp, ang pangalan ko Kahlil.. mag iisang buong araw na tayong magka chika dito ganun pa rin ang tawag mo sakin? Nakakatampo kana..." Nakairap ko pang sabi kay Kahlil. "Pagpasensyahan mo ng aking kabiyak Jp! Hindi kasi yan sanay na makisalamuha sa mga bagong nakikilala nya, kumbaga mahirap para sa kanya ang magtiwala kaagad, dahil sa masasakit at hirap na kanyang dinanas. Sa'kin mo na lang sabihin ang iyong kahilingan.. Anuba yun? hmm.." Napakabait talaga nitong si Cassiel, at napakaganda pa ha! Nakangiti akong humarap sa kanya. "Curious lang ako kay Inanna... Anubang hitsura nya? Baka naman pwede ko syang makita! May larawan ba kayo ng 'Ginang ng Langit' na yun?" Sabik na sabik akong naghintay ng sagot ni Cassiel. Nagkatinginan muna sila ni Kahlil bago sya tuwid na tumayo, dahilan kaya lahat kami nakatutok ang tingin sa kanya. "Pagmasdan mo akong mabuti Jp! Dahil ipapakita ko sa'yo ang tunay na kaanyuhan ni Inanna." "Yehey! Maraming salamat Cassiel..." Tanging nasambit ko na lang ng magsimulang magliwanag ang buong katawan ni Cassiel.. Sa paglaho ng liwanag iba na ang kanyang suot na damit, ang kaninang puting blazer lang, ngayon ay mahaba ng puting damit nito na kahit ang mga paa nya ay hindi na makikita pa. May pabilog na lumulutang at kumikislap sa kanyang uluhan.. Nakayuko syang nakatingin sa pulang rosas nyang hawak na unti unting nanlalagas ang petals. Sa bawat pagpatak ng petals sa semento., unti unti ring nag iiba ang anyo ng puting Anghel na aming kaharap. Kitang kita ng dalawang mata ko ng mag ibang anyo si Cassiel bilang Inanna. At sa huling pagpatak ng kapirasong petals ng pulang rosas, lumiwanag ang buong katawan nito. 'Grabeehh... Totoo ba ito o imahinasyon ko na naman..?' Isang napakagandang Anghel ang ngayon ay nakatingin sakin. Itim ang kanyang suot na damit na nakasayad sa sementong kinatatayuan nito, nakataas ang dalawa nyang braso sa magkabilang gilid at sabay na ipinitik ang magkabilang daliri. Napasinghap na lang ako ng biglang may lumitaw na dalawang kalapati sa magkabilang kamay ni Inanna. At ang nakakamangha pa ay ang magkaibang kulay ng mga Kalapati. Itim na kalapati ang nasa kanang kamay nya samatalang puti naman ang kulay ng kalapati sa kanyang kaliwang kamay.. Kagaya ng kulay ng kanyang mga pakpak na itim din sa kanan at puti naman ang kulay sa kaliwa. "Anong masasabi mo ngayong nakikita mo ng tunay na anyo ni Inanna, Jp?" Napakurap kurap ang aking mga mata kasabay ng paglunok ko ng laway. 'Bakit bigla akong nauhaw? Bakit iba ang pakiramdam ko habang nakikipagtitigan ako kay Inanna? eh, alam ko namang si Cassiel lang sya? Na ilusyon lang ang kanyang presensya?' "Hoy! Jp! Anong nangyayari sa'yo ha?" Isang tapik saking pisngi ang nagpagising sa'king diwang tila nakalutang sa kawalan. Bumaling ako ng tingin sa'king kanan kung saan nanggaling ang tumapik na yun sakin, at dun ko nakita ang pag aalala sa mukha ni Buggles at ng aking mga bagong kaibigan. "S - Sya si Inanna?" Ang tanging nasambit ko sa kanila. "Sya nga Jp" Sagot ni Cassiel na unti unting bumabalik sa tunay nitong katauhan. "No wonder na sinusunod nyu sya, kasi kitang kita naman sa hitsura pa lang nya na napaka powerful nya.. Anupa kaya kapag gumamit na sya ng taglay nyang kapangyarihan? Aba'y siguradong maglalaho kana lang sa mundong ito." Naantalang chikahan namin ng biglang yumanig ang paligid. Sabay sabay pa kaming nagkatinginang lahat. "Kelangan na nating lumisan.. Tara na!" Napasunod na lang ang tingin ko kila Howie, Vega, Flurrel at Diwatang Urduja na naglalakad patungong likurang bahagi ng bahay na bato nila Kahlil at Cassiel. "Anupang hinihintay mo dyan Jp? Galaw galaw na! dalian mo naman..." Papadyak padyak pang paa ni Buggles ng lumapit sakin. 'Tong langaw na ito! Nakuuu! Kakaubos ng pasensya talaga!' Diko nga sya pinansin.. Naglakad ako palapit kay Cassiel na natatawa na lang sa inaasta ni Buggles. "Salamat Cassiel, sa lahat ng naitulong mo, lalo na sa pagligtas mo sa'kin mula sa dalawang itim na Anghel na yun. Sana magkita pa tayong muli." Naluluhang niyakap ko pa sya ng mahigpit. "Ikinagagalak kong makilala ang Tagalupang kaibigan ni Ayana. Hanggang sa muli nating pagkikita, Jp! Mag iingat ka sa'yong paglalakbay." Nakita ko pang pagsulyap nya kay Buggles. "At magtiwala ka lang sa mga kasama mo ngayon, makakarating ka sa Kaharian ng Umbra ng ligtas, magkikita rin kayo ni Prinsesa Ayana." Nangingiting bumitaw na'ko sa pagkakayakap kay Cassiel. "Salamat, bff na rin kita mula ngayon, Angel Cassiel, kayo ng kabiyak mong si Angel Kahlil." Malapad ang pagkakangiti kong inabot ang kanyang kamay ng muling yumanig na naman ang paligid, nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Buggles ang kabila kong kamay sabay hila sa'kin patungo sa mga kaibigan naming kanina pa siguro naghihintay, napasunod na lang ako sa bawat paghakbang nito. "Paalam na muna sa inyo..! Mga bff ko!" Palingon lingong sigaw ko kila Cassiel at Kahlil na parehong nakangiti at kumakaway pa sa'kin.. 'Sino o anu na naman kayang makakaharap ko sa susunod na distinasyon naming ito?' Napasulyap ako sa mga kamay namin ni Buggles na magkahawak. Saka balik ulit ang tingin ko sa kanyang mukha. 'Napaka gwapo talaga ng lentek na langaw na'to! Kaya lang napakadaldal... Mas mabunganga pa kesa sakin eh!' "Bilisan mo naman Jp! Bagal bagal mong maglakad." Kitam! Dumadakdak na naman... Kung di lang 'to anyong tao ngayon at naging langaw lang... Kanina pa ito nadeadbol sakin... Pagkarating namin sa likurang bahagi ng bahay na bato, tanging si Howie na lang ang nandun naghihintay saming dalawa ni Buggles. Pagkakita nya samin saka sya humarap sa pader at itinapat dun ang dulo ng kanyang stick na hawak. "Ang galing naman..." Napatakbo ako palapit kay Howie ng makita kong nagkaroon ng tila lagusan sa pader. "Halina kayong dalawa.. Bilisan nyo!" "Salamat Howie." Nauna nakong pumasok sa lagusan.. At namangha ako saking nilabasan. "Woooowww!!!" Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Napakaganda ng view na aking natatanaw ngayon, kahit na medyo may kadiliman ng kapaligiran malinaw ko pa ring nakikita ang malawak na karagatan, ang maaliwalas na kalangitan, mga matatayog na punongkahoy, magagandang bulaklak... Ng mapadako ang aking paningin sa bandang batuhan sa dagat may nasulyapan ang aking mga mata, kinusot ko muna ito bago binalikan ng tanaw ang malalaking kumpulan ng mga bato di kalayuan sa kinatatayuan ko. "S - Sirena?" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD