"Hoy! Jp, gumising kana! Aba'y! wala ka bang pasok ngayon sa trabaho at tanghali na'y nakahilata kapa rin dyan.. ha?"
Naman! Nakalimutan kong i off ang alarm clock ko kanina.. Haayyysss...
"Lentek! na bata 'to, kayhirap gisingin.. teka nga sandali, san ko nga ba nailagay ang pang spray ko sa halaman?"
At may ambon na ngang bumasa saking mukha.
"Waaaa! Inay, naman eh! ba't pati po ako dinidiligan nyo?"
Napahilamos ako ng mukha at papikit pikit pang bumangon mula saking wonder bed, saka naglakad patungong banyo. Nakapikit akong pinihit ang pinto, kaso diko mabuksan buksan.
'Hmm.. bakit naman kaya? Nagpalit ba ng doorknob si Inay, bakit tila yata nag iba ng hawakan nito? Imbis na bilog naging pahaba ng porma.'
"Hoy! Hindi yan banyo! Aparador mo yan!"
Napadilat ang mga mata ko bigla ng marinig ang boses ni Inay.
"Haha.. kaya pala diko mabuksan.."
Hinablot kong tuwalya sa sampayan saka pahikab hikab pang lumabas ng kwarto. Kasunod kong sermon ni Inay na hindi ko lang alarm clock kundi parang breakfast ko na rin haha.
"Ikaw na bata ka ha! palagi kana lang gabing gabi na kung umuwi. Saan kaba nagsusuot at inaabot ka ng hating gabi sa labas?..."
Isa lang yan sa mga paglalambing ni Inay sakin. Everyday routine ko na yan kumbaga. Ng makatapos maligo at maihandang lahat ng gamit sa trabaho. Tinungo ko ng kusina, hindi para mag almusal, kundi para kuhanin ang binalot na pagkain ni Inay para sakin. Dumampot pako ng isang pandesal na may palamang ham & egg, 'flavor lang ng lady's choice spread yun, sadyang echosera lang ako kaya iniimagine kong totoong ham & egg ang kinakain ko haha.. ininom ko rin ang kapeng 3n1 na kopiko creamy latte flavor, sa paborito kong tasa na kulay black and white na bigay pa sakin ng dati kong Boss. Abah! five years ko na kayang gamit 'to!
"Narinig mo bang sinabi ko ha, Jp?"
"Opo, Nay! Hayaan nyo po, hindi nako uuwi ng gabi o hating gabi."
Kumagat ako sa pandesal kong hawak, saka ngumunguyang sinulyapan si Inay na nakangiti.
"Aba'y! di mabuti kung ganun, para dina ko mag aalala say - "
"Kasi, sa umaga na po ako uuwi Inaayy!... hahaha."
Sabay takbo ko palabas ng bahay habang naririnig ko pang pahabol na sermon ni Inay.
"Lentek! kang bata ka! pasaway ka talaga! Nakuuu... mamaya ka sakin..."
"Lab you Nay! Babye..."
Sumakay nako sa nakaparadang wonder tricycle ni Dude. Sya ang service ko papasok ng trabaho. Isang lingon pa saming bahay, napangiti ako ng makita ko si Inay sa terrace namin na nagdidilig na ng mga halaman ni Manager, ang apo nyang isang Serena.
"Saan tayo patungo ngayon Ma'am? dun pa rin ba sa daan patungong Engkantadya?"
"Aakkk...!"
Nabulunan naman ako ng pandesal dahil sa tanong na yun ni Mr. Peniero. Aba'y paano naman nya nalaman ang tungkol sa Engkantadya? Wala naman akong pinagsasabihan ng mga kahibangan ko ah.. Hala! Di kaya isa syang espiyang nag babalatkayo at galing sa mundo ng Engkantadya?
Sinilip kong mukha ni kuyang driver, seryoso lang sya at nakatutok ang kanyang mga mata sa daan.
"Ahh.. Dude! Anubang sinasabi nyong Engkantadya?"
"Ha! wala naman akong sinasabing ganun ah? ang tanong ko... sa karenderya kaba ulit bababa?"
May bahid ng ngiting sabi pa nya sakin. Siguro namali lang ang dinig ko, kasi palagi na lang yun ang nasa isipan ko, kaya napa praning na tuloy ang utak ko.
"Paraaa!!! dito na lang ako, Dude."
Nagtatakang napalinga linga naman sa paligid si kuyang driver. Panu ba naman, malayo pang lugar na'to sa karenderya ng mag asawang Ruj at Ging, na isa sa mga paborito kong tambayan dito sa lugar namin.. Kasi air-condition na, free wifi pa! san kapa diba? kaya, i love this place talaga! Pasyalan nyu rin ang 'Shanelle's Cool Place'. masarap ng mga food, ambabait pa ng mga serbedora nilang si Neneng at Inday... lalo ng mag asawang Jr at Verna, dagdag na taga aliw pang anak nilang si Sabrina at pinsan nitong si Faye at Dayan.. di lang magagandang bata, magagaling pang kumanta at sumayaw. at isama ko na rin ang kanilang mga cook na sina Arnold at Toto. Syempre ang kanilang baker na si Dodoy at Weng na paiba ibang dessert na sini serve at take note! libre na yung binibigay nila sakin ha! kasi kumbaga, number one suki na nila ako, kaya.. pasok sa budget ang pagkain ko dito.
"Sigurado ka bang dito kana bababa, Ne? Eh! kagubatan 'to ah! Anong gagawin mo dito?"
"Yeah! Pupunta kasi akong Engkantadya!.."
Ng makita kong pagkagulat sa mukha ni Mr. Peniero, sabay bawi ko agad sa nasabi kong ka weirduhan.
"Charot! hahaha.. Pakibigay na lang nitong folder kay Weng, nakalimutang idaan ni Nonoy kahapon sa inyo. Saka, pakidaan ng gamot ni Tatay sa bahay namin ha! maraming thank you, Dude."
Inabutan ko syang 500 pesos, saka ako naglakad papasok ng kakahuyan.
"Uy! Ne, wala pang katapusan bakit buo ng bayad mo sakin? Dika naba magpapa service sakin?"
"Magpapa service pa rin,, mas gusto kong sumakay sa wonder tricycle mo, kesa magje jeep pako papasok ng work ko!"
Napangiti ng malapad si Mr. Peniero. Kaagad nitong isinilid sa beltbag nyang pera.
"Naku! matutuwa nito si Misis, kasi may pang mahjong na naman sya. Salamat, Ne."
Kumaway ako't sinabing.. "Hoy! Dude, pakisabi kay Misis Nayon mo, paramihin nya yang limang daan ha! Tapos balatuhan nya ako.. hahaha."
"Areglado! kapag nanalo sya sa mahjong, free rides ang isang buwan mo!"
Pahabol nya pang sigaw sakin na ikinatawa ko na lang at nagpatuloy nakong naglakad papasok ng kakahuyan patungong burol, kung saan ko noon nakita ang Diwatang si Ayana.
'Sayaw kikay, ♪♪ sayaw kikay...lalalalala...♪♪'
Kanta sabay kembot habang inaakyat ko ng burol.. ng makaramdam ng sobrang hingal at pagod, naghanap ako ng mauupuan saka pumwesto sa putol na malaking punongkahoy. Inilabas ko kaagad ang baon kong tubig, akma ko ng bubuksan ang tumbler ko, ng biglang nahati ang punongkahoy na kinauupuan ko..
"Ahhhhhh...."
Yakap ang bag at tumbler ko, sabay napapikit na lang ako ng aking mga mata ng malakas at mabilis ang pwersang humahatak sakin pababa. Ayokong dumilat sa takot na baka kung anupang makita ko. Pahiga akong bumagsak sa mga malalapad na dahon. Kaagad akong napatayo sabay kapa saking buong katawan.
"Malaking himala ito! ni hindi man lang ako nagkasugat o kahit na nga galos wala man lang akong makita saking balat."
Nagpalinga linga ako sa paligid. Nagtataka lang ako, kung bakit kaya ni isang tao wala man lang akong makita, kahit hayop o mga ibon wala? eh, nasa kagubatan pa rin naman ako ah? Naglakad lakad pako.. hanggang sa may marinig akong hikbi. Sinundan kong iyak na aking naririnig, napatakip ako saking bibig saka agad na nagkubli sa halamanan ng may makita akong isang magandang Dilag na naman, paluhod itong nakaupo sa lupang may umaagos na tubig, namimitas ito ng bulaklak. May mga tutubi pang nagliliparan sa kanyang paligid. Kay ganda nya, kahit na side view pa lang ng kanyang mukha ang aking nakikita. Makulay ang kanyang mahabang buhok, ang kutis nyang mamula mula na kumikinang, ang damit nyang napaka cute na bagay na bagay sa kanya. At higit sa lahat... ang kanyang pakpak na kagaya ng isang tutubi na kaynipis at napakalinaw. Walang kaduda duda isa rin syang Diwata.
'Ang magandang Dilag bang ito ang narinig kong humihikbi? parang hindi naman yata sya, kasi, bakit naman sya iiyak kung namimitas lang naman sya ng mga bulaklak? Imposible namang iiyak sya, dahil lang sa tinik ng mga rosas diba?'
Eh, sa biglang tumingin sakin ang magandang Dilag, nagkatitigan kami ng ilang minuto, nakita kong lungkot sa kanyang mga mata, habang tumutulo naman sa kanyang pisngi ang mga luha nyang walang tigil sa pagpatak. Nababaghan akong lumapit sa kanya.
"Hello! ako nga pala si Jp, anong pangalan mo?"
Nakita kong kalituhan sa kanyang mga mata, napakurap kurap pa sya at sa isang kisapmata ko lang nakatayo na kaagad sya saking harapan at nakangiti, wala ng mga luha nyang kani kanila lang ay walang tigil sa pagpatak sa kanyang magkabilang pisngi.
"H-- Hello! ano yun?"
Ngumiti ako't inilahad sa kanya ang aking kanang kamay.
"Isang pagbati saming mundo! ako nga pala si Jp, ikaw anong pangalan mo?"
Inabot nyang kamay ko saka malapad syang ngumiti. 'Lentek na ngipin yan! Kayputi, ano naman kayang toothpaste ang ginagamit nila dito at kaypuputi ng kanilang ngipin?' Bigla tuloy akong nahiya sa ngipin kong naka braces.. 'Haha para sosyal, kelangan naka braces ang ngipin. Ganun!..'
"Ako si Diwatang Mayumi, maaliwalas na araw sayo, Jp."
Ng binitawan nyang aking kamay, napatingin pako sa hawak nyang rosas. Wala naman akong makitang sugat sa malambot nyang kamay. Pero naku curious talaga ako sa kanyang pag iyak kanina, kaya bilang isang dakilang chismosa.. nagtanong talaga ako sa kanya.
"Ahm... Diwatang Mayumi, bakit ka umiiyak kanina? Broken hearted ka ba?"
Napakunot naman ang kanyang noo dahil siguro sa tanong kong English.. Syempre, nagmamagaling ako sa English eh! Kaya bira! haha.
"Ibig kong sabihin ay... sinaktan kaba ng taong mahal mo? este, ng Engkantadong mahal mo?"
Ngumiti sya saka inilapit ang rosas sa kanyang ilong at sinamyo ang halimuyak nun, bumaling sya sakin na nakangiti pa rin.
"Hindi ako iniwan ni Daenyr, nagkalayo kami dahil sa nakaraang digmaan. Bigla na lang syang naglaho, pero alam kong magbabalik sya.. babalikan nya ako."
"Yan ang fighting spirit!"
Nakangiting tinapik tapik ko pang kanyang balikat, napahinto ako ng mapagtanto ko, kung saan ako napadpad ngayon. Pero, kelangan kong magtanong sa kanya para makasiguro ako na tamang hinala ko.
"Diwatang Mayumi, anong lugar ba ito?"
"Engkantadya."
Napapalakpak ang aking tenga pagkarinig ko ng 'Engkantadya'.
"Talaga ba! nasa mundo nako ng Engkantadya? Wow.. naman! Yeheeyy.. !"
Nagtatatalon ako sa tuwa, samantalang nakamasid lang sakin si Diwatang Mayumi. Alam kong nagtataka sya sa mga kilos ko. Ah! Basta, masaya lang ako. Ganito kasi ako kapag haping happy ang feeling ko.
"Bakit nandito ka sa mundo ng Engkantadya, Jp? Alam kong isa kang Tagalupa, anong sadya mo dito?"
Biglang naging seryoso ang mukha ni Mayumi. Kinabahan naman ako ng magliwanag ang kanyang aura, nagkaroon ng kulay asul na bumalot sa buo nyang katawan, saka may mga bilog na tubig ang lumulutang na nakapagitan saming dalawa. Siguro, isa ito sa taglay nyang kapangyarihan.
"Nandito ako, kasi, hinahanap ko si Diwatang Alitaptap. kaibigan ko sya... Ay! hindi lang pala sya, pati na rin si Diwatang Ayana."
Nakita kong unti unting paglaho ng kulay asul na aura na nakapalibot sa katawan ni Mayumi, kahit yung mga bilog na tubig, bumagsak ng isa isa sa lupa.
"Kaibigan mo kamu ang dalawang Prinsesa ng kahariang Umbra? Paano.. Bakit... Sa anong kaganapan kayo nagkakilala?"
Sunod sunod nyang tanong sakin, na parang hindi makapaniwala. Kaya nagpaliwanag agad ako, para maintindihan nyang lahat. Bakasakaling matulungan nya akong mahanap ang mga Diwatang pinapangarap kong makasama kahit na saglit lang.
"So.... Ganun ngang nangyari, Diwatang Mayumi.. maaari mo bang ituro sakin ang daan patungong Kaharian ng Umbra?"
"Nais mong pumunta sa Palasyo ng Umbra?"
Mabilis akong napatango sa kanya. Na excite agad ako ng hawakan nyang aking kamay, saka masuyo akong hinila patungo sa malagong halamanan. Hinawi nyang mga dahon. Napanganga ako sa nakikita kong kagandahan ng lugar na abot ng aking tanaw.
"Yan ang Kaharian ng Umbra."
Itinuro nyang pinakamalaking Palasyo na maraming hagdan.
"Wow! as in Wow na Woww!.... kaygandang Palasyo naman nyan!"
"Hindi madali ang tatahakin mong landas patungong Palasyo ng Umbra, kaya mag iingat ka sayong paglalakbay. Talasan mong iyong mga mata, tenga, isip at pakiramdam. At pakatandaan mo ito... Wag na wag kang basta basta magtitiwala sa mga bagong makikilala mo. Magtiwala ka sayong nararamdaman, hinding hindi ka mapapahamak kung susundin mong iyong isip at higit sa lahat ang iyong puso."
"Teka, lang naman! Diwatang Mayumi, hindi mo ba ako maaaring samahan patungo sa Palasyo?"
May pangambang naitanong ko bigla sa kanya. Aba'y sa mga ibinilin at paalala nya sakin, parang susugod nako sa gyera nito, eh! Nakakatakot naman kung iba't ibang Engkanto ang makasalubong ko dito. Buti sana kung kagaya nya lang na maganda at kaiga igayang hitsura, okay sakin yun.. Panu kung kagaya ang hitsura nung nakalaban ni Diwatang Alitaptap? Ay! wala na! deadbol nako pag nagkataon, eh! dun pa lang nga sa ahas naiihi na'ko sa nerbyos yun pa kayang mga nakakatakot na hitsura ng mga Engkantong makakasalamuha ko dito?
"Hindi pako maaaring bumalik ng Umbra, Jp. Dahil kelangan ko munang paghilumin ang sugatan kong damdamin, kelangang buo ulit ako, hindi lang ang diwa ko kundi maging ang aking isipan. Makakabigat lang ako saking mga kasamahang Diwata na mga tagapangalaga din, kapag pinilit kong aking sarili na makisalamuha at makiisa ulit sa kanilang tatlo. Pasensya kana! wala akong maitutulong sa iyong suliranin ngayon. Pero, may ibibigay akong gagabay sayong paglalakbay."
Napatingin ako sa nakalahad nyang kamay saking harapan, may dumapo dun na isang tutubi na napakaliwanag ng pakpak nitong taglay, kinausap nya pa ito saglit bago iniabot sakin. Ibinuka ko naman ang aking kanang palad at dun dumapo ang tutubi na lumipad galing sa kamay ni Mayumi.
"Sya si Flurrel! isa sa mga kaibigan ko.. Sasamahan at gagabayan ka nya hanggang sa Palasyo ng Umbra."
Nakangiti akong tinitigan ang maliit na tutubi saking palad.
"Hello, Flurrel, ang cute cute mo naman."
"Maaliwalas na araw, kaibigang Jp! karangalan kong samahan ka hanggang sa Palasyo ng Umbra."
Napatakip ako bigla saking bibig ng marinig kong nagsalita ang bulilit na tutubi, na ngayon ay palipad lipad na saking harapan.
"Hala! nagsasalita ka rin? Grabe! naman pala dito, samin ang mga tutubi lumilipad lang hindi nagsasalita."
"Nasa Engkantadya kana ngayon, Jp. Kaya ngayon pa lang masanay kana sayong mga makikita dito. Dahil ang Engkantadya ay mundo ng Mahika."
Nakangiting paliwanag ni Mayumi sakin.
"Maraming salamat sayo, Diwatang Mayumi. Napakabuti mo sakin. Wish ko para sa'yo... Sana magkatagpo kayong dalawa ni Daenyr, maniwala ka sa forever kasi totoo yun!"
"Salamat, maniniwala na ako, kasi sinabi mo eh! Kahit hindi ko maunawaan ang lahat ng sinasabi mo.. Nnaniniwala ako!'
Sa sobrang tuwa ko ay nayakap kong bigla si Mayumi, napabuntong hininga na lang ako ng maramdaman kong masuyo nyang yakap sakin. Ng maghiwalay kaming dalawa, hinawakan nyang aking kamay, sabay sabing....
"Mag iingat kayo ni Flurrel sa inyong paglalakbay. Ikinatutuwa kong nakilala kita Jp! Maraming salamat sayo... Paalam!"
Nakatitig pa rin ako sa kinatatayuan kanina ni Diwatang Mayumi, hanggang sa kanyang paglaho hindi man lang nawala ang kanyang magandang ngiti sakin. Hayyy... ngayon pa lang nami miss ko na sya.. sana magkita pa kaming muli! Sana!
"Tayo na! Jp, umpisahan na natin ang paglalakbay.. kelangan makahanap tayo ng masisilungan bago magtakip silim, dahil delikado kapag pagala gala pa tayo sa kadiliman."
"Ay! lab na kita Flurrel, napaka maalalahanin mo, salamat. O' halika! dito kana lang sa balikat ko, wag ka ng lumipad. Save your energy my friend."
"Salamat, kaibigan!"
Hinimas ko pa si Flurrel, ng makadapo na sya saking balikat. Ngayong narating ko ng mundo ng Engkantadya! Anong buhay kayang naghihintay sakin dito? Basta! Eenjoyen ko na lang ang pagkakataong ito, minsan lang sa buhay ko ang karanasang ganito, kaya susulitin ko na ito.
?MahikaNiAyana