Alitaptap

1991 Words
Pambihira naman tong si Rosy oo, alas singko ng hapon ang usapan dumating alas syete ng gabi na. Aba'y pinapak nako ng lamok kakaantay sa babaetang yun ah! Tapos uutangan pako ng kanyang pamasahe pauwi? Sobra sya. kapag nagyaya sya ulit saking lumabas dina talaga ako sasama, bahala syang maghanap ng mauuto nya. Ginabi tuloy ako, mahirap pa naman ang daan pauwi samin, maraming tambay ang nakakalat sa daan, na kahit saang tabi nagkukumpulan lang. "Psst...!" 'Abah! talaga namang mga tambay na'to, walang pinipiling bastusin ah! teka nga muna..' Yumuko ako't naghagilap ng kahoy na panghampas sa mga lokong tambay. "Psst!" 'Aba! aba! Inulit pa! Nasan na bang pamalo ko ah!' Ng may mahawakan akong malambot at mahaba na inakala kong baging dahil nasa mahalaman na daan ako napadpad at napahinto. Kumbaga short cut kasi itong daan pauwi samin. Isa pang pagsitsit ang aking narinig, sa sobrang inis ko, pinwersa kong hatakin ang hawak kong pamalo. 'Teka lang! bakit parang gumagalaw?' Mabilis kong itinaas ang aking hawak na pamalo at tiningnan, ng maka face to face ko na ito.. "Hissss.," "Ay! pucha! Ahasss!!... waaa..." Sabay hagis ko ng ahas kung saan lang, saka kumaripas ako ng takbo. Walang lingon lingon at walang dereksyon, nabangga, natapilok, nagkandatalisod at nadapa, mabilis akong bumangon at nagpatuloy sa pagtakbo, hanggang sa mapansin kong naliligaw na yata ako. "Hala! anong lugar 'to? hindi naman 'to ang daan pauwi samin ah? Ay! teka lang! parang ito din ang lugar kung saan ko noon nakita ang diwatang si Ayana ah" "Zera, kumusta ng pakiramdam mo kaibigan? ayos kana ba ha? Ano makakauwi na ba tayo sa Engkantadya? kaya mo na ba?" 'Tweet.. tweet... 'Maayos ng aking pakiramdam, Kamahalan.' "Ha!" napalingon ako dun sa pinanggalingan ng malamyos na boses na aking narinig. "Talaga! kaya mo ng lumipad, Zera? Yeheey.. makakauwi na rin tayo sa wakas! sigurado akong magkakagulo na naman sa palasyo ng Umbra kapag nalaman ni Ina na nawawala tayo." Isang napakagandang Dilag ang aking nakikita sa gitna ng kagubatan, may manipis na pakpak ito sa likod na katulad ng hinuhuli kong tutubi sa hardin ni Inay. Hinahaplos haplos pa nito ang balahibo ng dambuhalang ibon na kulay abuhin na may halong itim. Nakakaaliw silang tingnan, nag uusap na parang nagkakaintindihan, kahit na puro 'tweet.. tweet' lang naman ang lumalabas na salita mula sa tuka ng dambuhalang ibon na Zera ang pangalan, yun ang narinig kong tawag sa kanya ng magandang Dilag. "Hello!" magiliw kong bati ng hindi ko na matiis ang mga lamok na pumapapak sa balat kong napakakinis.. Charot! harharhar naka pants kaya ako. "Kalaban! Zera, maghanda ka!" Namamanghang napasunod ang tingin ko mula sa mabilis na pagkilos ng ibon hanggang sa pagbuka ng pakpak nito at pinalibot sa magandang dilag na ngayon ay nakatitig na sakin. "Kalma lang po kayo, magandang Dilag... hindi ako kalaban." Kaagad kong itinaas ang dalawang kamay ko sa ere para makita nilang wala akong hawak na kahit ano. Ng maalala ko bigla ang malaking ahas na nadampot at nahawakan ko kanina, bigla na naman akong kinilabutan at naibaba ko biglang aking mga kamay. 'Nyemas! na ahas yun, pakalat kalat lang sa daan.' "Zera!" Nagulat na lang ako ng biglang bumuga ng nagyeyelong malalaking nyebe ang dambuhalang ibon patungo sakin. Kaagad akong napa dive sa lupa, na inisip ko na lang dagat para diko maramdaman ang tigas at maugat na nilandingan ng malambot kong katawan. "Araykupoo! ang sakit naman ng coca cola body ko.. ahuhuhuuyy!" Sinulyapan ko pa saglit ang kinatatayuan ko kanina.. Umuusok pa yun na tila ba'y nalulusaw sa tapang ng muriatic acid na tumama dun. Ng umihip ang hanging habagat tinangay nitong usok na bumabalot dun sa lupang tinamaan ng nagyeyelong malalaking nyebe. "Yuck! Anu naman yang nalulusaw na yan? At ang amoy... Huuuu... napakasangsang ha!" Kala ko talaga! Para sakin yung nakakalusaw na nyebe, hindi pala! Napabaling ang tingin ko sa magandang Dilag ng magsalita ito. Kala ko pa naman akong kinakausap nya hindi pala. "Gaelin! Paanong nasundan nila tayo dito, Zera?" "Tweet.. tweet... 'Maaring matagal na nila tayong minamanmanan, Kamahalan'. "Kung ganun! Nasa panganib ang aking kapatid, Zera! Kelangang matagpuan natin sya kaagad. Halika na!" "Tweet... 'Tayo na po, Prinsesa Alitaptap.' Ng makita kong sumampa sa likod ng dambuhalang ibon ang magandang Dilag, kaagad kong tinakbo ang pagitan namin. "Opss! Teka lang sandali! Time first muna, magandang Dilag." Sa biglang paglingon sakin ng magandang dilag, naglaho na lang ito sa isang kisapmata ko lang, pero bago pa nangyari yun ay narinig ko pang boses nya. "Zera! Protektahan ang tagalupa!" Nanlalaking aking mga mata ng bumalot saking katawan ang pakpak ni Zera. "Hisss... magpakita kana sakin! wag kang magtago! duwag! Hisss..." 'Teka lang!! Kanino namang boses yun? ang pangit ha! parang galing sa hukay. At sinong tinatawag nyang duwag, ako ba? Aba'y teka lang sandali, duwag pala ha' Sinikap kong hawiin ang pakpak ni Zera na nakaharang saking harapan, pero sa kapal at laki nito hindi man lang ito natinag, kaya inilusot ko na lang ang aking braso palabas para magkaroon man lang ng konting siwang at masilip kong sinong epal ba yung nanlalait sakin. "Oleva! naligaw ka yata.. hindi ito ang daan patungong Gaelin." 'Oleva? Baka Olekba? namali lang ako ng dinig.. haha' "Wag kang magpatawa Prinsesa Alitaptap, alam mo kung anong sadya ko dito sa mundo ng mga tao." "Mukha ba akong nagpapatawa sa lagay na'to? ba't dimu pauwiin yang mga laruan mong ahas, nakakairitang boses nila... maiingay, wala namang kakwenta kwentang mga sinasabi." Lalo akong nataranta ng marinig kong boses ni magandang Dilag at yung Oleva. Gusto kong makita ang kaganapang nangyayari kaya kaagad kong inalis ang braso ko saka dali daling sumilip sa nahawing balahibong pakpak ni Zera. Kitang kita ko ang isang babaeng kalahati ng katawan ay ahas tapos yung kalahati naman ay pangit na hitsurang tila naaagnas na. Napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng makamandag na ahas. "Naykupo! ba't napakaraming ahas, anubang ganap dito ngayon? Panu pako makakauwi sa lagay na'to? siguradong rumaratatat na naman ang bunganga ni Inay, kasi dipa nakakauwi ang sutil nyang anak ahuhuhuyy..." "Bakit Prinsesa? apektado kaba sa kanilang presen - " "Zera!" Yun lang narinig kong sinabi ng Prinsesa Alitaptap. Lahat ng ahas na nagkukumpulan ay nalusaw sa isang buga lang ni Zera ng nagyeyelong malalaking nyebe. "Ang galing galing mo naman Zera! bet na bet na kita" Sabay haplos ko sa balahibong pakpak ni Zera na nakapalibot sakin. "Anuna Oleva? babalik kaba sa pinanggalingan mo o tatapusin na kita dito, oramismo?" "Hah! ang angkan ng mga Gaelin, kahit kelan ay hindi sumusuko sa laban, hanggang kamata - ." Isang kumpas lang ng kamay ni Prinsesa Alitaptap , naging abo na lang bigla si Oleva. at sa pagkampay ng kabilang pakpak ni Zera nilipad ng hangin ang abo nito palayo samin. Saka ko naramdaman ang pag atras ni Zera at ang pagtiklop ng kanyang mga pakpak. "Maraming salamat, Zera! ang lambot ng balahibo mo, in fairness mabango ka ha! amoy na amoy kong halimuyak ng rosas sayo hehe" "Tweet..." "Nakakatuwa ka naman Zera, eh! ano ba yung sinabi mo? sana maintindihan ko rin kung anong nais mong sabihin sakin nuh? " "Ang sabi ni Zera, tungkulin daw nyang pangalagaan ang sinumang nangangailangan ng tulong." "Weh! Di nga? ganun ba yun? tweet lang naman ang sinabi nya ah! bakit napakahaba naman yata ng eksplinasyon mo?" Banat ng matabil kong dila. Nawala sa isip ko na isang Prinsesa ang aking kaharap at may taglay itong kapangyarihan. At ng mapagtanto kong aking mga sinabi nasapo kong bigla ang aking bibig. 'Naku! panu kapag pinarusahan ako nito? baka kagaya ng Olekba na yun.. este, Oleva pala, maging abo rin ang beauty ko? Nonono...' Malakas na tawa ang nagpahinto sa mga agam agam kong nararamdaman. "Hahaha.. wag kang mag alala Tagalupa! hindi ako basta basta nagpaparusa ng walang matibay na dahilan." "Ha! Panu mo naman nalaman ang iniisip ko?" "Dahil isa akong Diwata" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Natawa na lang ako dahil sa kashungaan ko. Aba'y obvious naman talagang isa syang Diwata, dahil sa kanyang hitsura.. Mula sa makulay nitong buhok, mga pakpak, sa naggo glow nitong makinis na katawan. idagdag pang nasaksihan kong taglay nyang kapangyarihan. At higit sa lahat sa dambuhalang ibon nyang kasama na may taglay ring kapangyarihan.. Walang duda isa nga syang engkantadang Diwata. Naman! Kaswerte ko, dahil nakadaupang palad ko ang magandang Dilag na ito. "Eh, Prinsesa Alitaptap! Pedeng magtanong?" Malapad ang pagkakangiti ko bakasakaling sagutin nya ako. "Oo naman! Sige, Tagalupa anubang tanong mo?" "Bakit kayo nandito sa lugar namin? Anubang sadya nyo dito?" "Dahil hinahanap kong aking kapatid na naninirahan dito sa mundo nyo." Kapatid? May kapatid syang naninirahan dito? Abah! Saan naman banda kaya yun? "Ahm.. Pede ko bang malaman ang kanyang pangalan, Prinsesa Alitaptap? Baka lang kasi kilala ko sya o baka naman sya yung nakita ko noong kabilugan ng buwan." "Talaga may nakita kang katulad ko noong kabilugan ng buwan nyo dito? Kumikislap ang mga mata ng Prinsesa sa saya. ang ganda ganda naman nya, lalo na kapag nakangiti. Bakit kaya ang mga katulad nlia perpektong perpekto ang mga hitsura? Kahit nga ang ibon nya napakakinis ng balahibo at kaybango pa ha! Nahiya naman ang balat kong alaga ng gluta! Charot!.. hahaha. "Ang pangalan nya ay Diwatang Ayana." "Tweet.. tweet. 'Totoong sinasabi nya Kamahalan! nababasa ko sa dugong dumadaloy mula sa kanyang puso.' Ayan na naman si Zera, siguradong ang "Tweet" na lumabas sa tuka nito ay mahabang salita na,, haha nakakatuwa talaga sya. At base sa nakikita kong reaksyon ng mukha ni Prinsesa Alitaptap, nag uusap ang dalawa. "Sinong kasama ni Ayana? Si Heneral Ixoe ba?" "Heneral Ixoe? wala naman akong nakitang Heneral, ang kasama nya ay isang dambuhalang Leon." Natutop kong aking bibig ng mapagtantong.. "Wag mong sabihin sakin na ang Leon na yun ay ang sinasabi mong Heneral Ixoe?" 'Nak ng tahong! akalain mo yun, isang Heneral palang dambuhalang Leon na yun? buti hindi ako nilapa! Goodness..' Bahagya pa akong napatawa saking naisip na kaagad kong pinigilan ang aking sarili. Mahirap na't mga Engkanto pa naman tong kaharap ko. Saka ayokong maparusahan. "Saan mo sila nakita Tagalupa?" Tinuro kong mataas na burol bandang kaliwa namin. Nakita ko pang bumaling ang mga mata ni Zera doon. Saglit lang nyang tiningnan ang lugar na tinuro ko, saka sya umakyat sa putol na punong kahoy at nilingon ang Prinsesa Alitaptap nya. Nagtinginan na naman sila na tila nag uusap ang kanilang mga mata. maya maya sumampa ng padapa sa likod nito ang Prinsesa. Pero bago pa sila umalis... "Tagalupa! Ano nga palang pangalan mo?" Matamis akong ngumiti, akala ko kasi, hindi na nya aalamin ang pangalan ko eh.. sumaludo pako sa kanyang harapan, sabay sabing... "Jp! ako si JP, Prinsesa Alitaptap." "Hmmm... Kay gandang pangalan! Salamat, Jp! Hanggang sa muli nating pagkikita... Paalam!" 'Hala! Ibig sabihin, magkikita pa ulit kami? Wow... like na like ko talaga yun.' Hindi talaga ako kumurap kasi gusto kong makita ang paglipad ni Zera. "Paalam... Prinsesa Alitaptap! Paalam... Zera! Hanggang sa muli nating pagkikitaaa!.. Yuhoooo..!" Napasuntok pako sa hangin ng makita kong kumaway at kumumpas ang kamay ni Prinsesa Alitaptap bago sila naglaho. Sayang! Akala ko pa naman lilipad si Zera, yun pala maglalaho lang silang dalawa. "Uy.. Uy... Uy..." Maagap kong sinalo ang isang itlog na bigla na lang lumitaw saking harapan. 'Alagaan mo ang itlog na yan, hanggang sa kusang mapisa.. Isang gantimpala ko sayo kaibigang Jp!' "Huh! kala ko umalis na sila? pero bakit naririnig ko pa rin ang boses ng Prinsesa? Hmmm.. anong klaseng itlog ba ito at ang laki naman? Ay teka! baka itlog to ng ahas? Nyayy! ayoko sa ahas..." Akmang itatapon ko na sana ang itlog ng makarinig ako ng mga kaluskos saka mga yabag, kaagad kong niyakap ang itlog saka kumaripas ng takbo pauwi samin. Mahirap na, baka kung anu na naman ang makita ko. Ayoko na! Sobra sobra ng kababalaghan ang naranasan ko ngayong gabi. Bukas naman... Laspag ng beauty ko! Dyoskolourd..... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD