Xavier's POV "Aray ko! Dahan dahan naman!" Inis kong sita sa kanya ng bigla nalang niyang biglain yung pagdampi niya ng bulak sa pisngi ko. "Sus, e anu naman sayo? Ikaw na nga tong ginagamot ah!? Inis niya ring sabi. Napakunot lalo yung noo ko. "Sino ba kasing humampas sakin ng walis no?" Sarkastokong sabi ko. Bigla niyang itinigil yung pang gagamot sakin at tinitigan ako. "E sino naman ba kasi yung sumusunod sakin na kala mo kung sino??" Ganting turan niya habang nakakunot rin yung noo. Parehas lang kaming nanahimik at nakita kong umupo siya sa kabilang sofa. Nasa H.Q kami ngayon. Dito ko siya dinala kanina. Maya-maya lang ay napansin kong napapikit siya. Itatanong ko na sana kung anong problema niya kaso nagbago na yung isip ko. Baka mamaya dakdakan na naman ako ng pasaway nato. Lu