Third Person's POV Magkasamang pumasok sila Iziah at Izack sa eskwelahan na pagmamay-ari ng lalaking kinaiinisan ni Iziah. Nilingon ni Izack si Iziah na kasalukuyang nasa tabi niya. "Sigurado kabang kaya mo nang pumasok?" Nag aalalang tanong ni Izack kay Iziah. Biglang napatingin sa kanya si Iziah at ngumiti. "Oo nga. Kulit mo rin e." Tugon ni Iziah at tsaka nauna ng maglakad. "Hoy! Hintayin mo ako Iziah!" Pasigaw na sabi ni Izack habang pahabol na sinundan ang dalaga. Nang makarating sila sa tapat ng pintuan ng kanilang klase ay parehas silang nagkatinginan. "Magkita nalang tayo sa canteen dito mamayang break time a." Sabi ni Izack. Tumango nalang si Iziah bilang tugon. Bago tuluyang iwan ni Izack si Iziah ay Tinap muna nito ang ulo ni Iziah tsaka umalis. Nang tuluyang naiwan si Iz