Kabanata 6

2200 Words
I TRUST THEM BOTH. Napahinga ako nang malalim habang nakatitig sa aking repleksyon. Kanina pa ang mga salitang iyon naglalaro sa isip ko at wala yatang balak na umalis para patahimikin ang mundo ko. Mas lalo kong napatunayan kung gaano kabuting babae ni Janette. She was the kind of girl that deserved all the good things. Mas lalong nanaig ang kagustuhan kong isuko na nga nang tuluyan ang pag-ibig kay Iñaki. Ayoko siyang makitang masaktan. At mas lalong ayokong ako ang dahilan. That would be too much to bear. Napalingon ako kay Carmela nang tawagin niya ako. “Addy, tara na! Mag-i-start na, oh! May spare jacket ako d’yan sa bag. Kunin mo saka suotin mo muna kung gusto mo.” Tumango naman ako saka nagpasalamat sa kanya. Naramdaman niya sigurong hindi ako komportable sa suot at sa ayos ko. Mas lalo akong nailang nang punain at puriin ako ng mga kagrupo at ibang kaklase ko. I just gave them an awkward smile and blushing cheeks. Kinuha ko agad ang jacket saka isinuot iyon. Maiingay ang kaklase ko. Hindi sila magkandaugaga sa pagbitbit ng mga gamit na kailangang dalhin. Jarah grinned at me. Katulad ni Carmela ay bumagay din sa kanya ang suot. Nakakorteng bulaklak ang buhok niya. Ikinulot din ang mga patilya niya na mas nagpatingkad sa mukha niya. Nakadagdag din sa ganda niya ang buhok niyang kulay golden brown. She looked like a doll. Ang buhok ko naman ay b-in-raid. Nasa parteng kaliwa ng aking leeg iyon nakasikop. Litaw na litaw ang kompleksyon ko dahil sa kulay ng mga suot. Nude ang lipstick ko at may kaunting makeup sa mukha. The bags under my eyes were concealed. Yukong-yuko ako habang naglalakad kami papuntang gymnasium. Narinig ko ang pagsipol ng mga lalaki sa paligid habang dumaraan kami. Napahigpit ang hawak ko sa jacket na suot. Marami talagang lalaking basura. Nang narating namin ang gymnasium, malapit nang mapuno ang mga bleacher. Ang ilang nakaupo roon ay nakilala ko sa mukha. Sa parteng unahan ay kung saan nakapuwesto ang mga performer. Nakita ko ang iba pa naming kaklase na hindi magkandaugaga sa pag-aayos. Naroon na rin ang mga estudyante ng iba’t ibang college na kasama naming magpe-perform ngayong araw. Mukhang marami ang nakatunog sa performance na mangyayari ngayon. Doon na nagparamdam sa akin nang matindi ang kaba. Hindi ko na namalayan na nauna na pala ang iba naming kagrupo. I was busy scanning the whole place and rating the pulse of my heart that I almost forgot why we were here. “First batch of performers will come from College of Architecture and Fine Arts. Be ready,” paalala ni Prof. Ledesma gamit ang mic. Nakatayo ito sa stage. Mas lalo kaming nagkagulo. Labinlimang grupo ang magpe-perform sa klase namin. At ikalawa kami! God, I was nervous! Baka pumiyok ako! Baka magkamali ako sa steps! Natigil lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang tapikin ni Carmela ang braso ko. She showed me a pair of black stilettos. “Tulala ka na naman d’yan. Backstage na raw tayo.” Tumango ako at sumunod sa kanya. Malapit na ako sa backstage nang nahagip ng mga mata ko sina Iñaki at Janette. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad. Kitang-kita ko kung paano sila sinusundan ng mga tingin. My heart started to beat erratically when I saw Iñaki directly looking at me with a serious face. Wala akong nakitang emosyon sa mga matang iyon. Agad kong iniwas ang mga mata mula sa kanya at dumiretso na sa backstage. “Guys, ah? Ibigay natin lahat! Grades ‘to, guys! Grades!” paalala sa amin ni Carmela habang abala kami sa pagsusuot ng kanya-kanyang stilettos. I smiled. Ipinokus kong muli ang mga mata sa stiletto na nasa kaliwang paa. Mataas ang takong noon. Sana hindi ako matapilok. Narinig ko ang pagsasalita ng dalawang MC mula sa stage. This was it! Kailangan kong tibayan ang loob! Hinawakan ni Carmela ang mga kamay ko. Napangiti ako nang nakita ang tensyonado niyang mukha habang nakapako ang mga mata sa kawalan. Ramdam na ramdam ko ang kaunting panginginig niya. Akala ko ay ako lang nakakaramdam nang ganoon. Hindi naman pala ako nag-iisa. After our professor’s speech, the first performers were called. Nakita ko ang mga kaklase ko na unang sasalang. Ang alam ko ay interpretative dance ang ipe-present nila. “Good luck, guys!” one of my groupmates shouted. Ngumiti naman sila sa amin saka naglaho. Pagkatapos nila ay kami na. My stomach was churning in excitement and tension. Pumailanlang ang isang malamyos na kanta na hindi pamilyar sa akin mayamaya. The audience’s uproar and the sound of palms colliding violently against each other in a certain beat filled the air. Nagkagulo ang mga kasama ko. Gusto nilang panoorin ang performance. Pero dahil hindi na puwedeng lumabas at susunod na kami, nabigo sila sa gustong mangyari. “I’m shitting my panties now, girls.” Nabaling ang atensyon namin kay Jarah na nakangiwi ngayon. “Damn! I’m nervous!” Napatawa naman dito si Carmela. “s**t your panties as long as you want, Jarah. Just don’t ruin the performance, I’m telling you!” Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang naunang grupo sa backstage. And my body was tensed once again. “Kumusta ang performance? Hindi namin napanood,” narinig kong tanong ni Carmela sa isa sa kanila. Hindi ko na narinig ang sagot nito sa tanong nang muling nagsalita ang MCs. At tinatawag na nila kami. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma. Nagkumpulan kaming lahat. Nagpa-panic na ang ilan at panay ang bilin sa isa’t isa tungkol sa mga dapat huwag naming kalimutan habang nagbibigayan ng mga lapel. Muli kaming tinawag kaya lakas-loob akong sumabay sa mga kagrupo ko papasok sa stage. Mabilis na mabilis ang kabog ng puso ko. Nanlalamig rin ang mga kamay at mga paa ko. Ipinagpapasalamat ko na lamang na may kulay ang mga labi ko dahil kung hindi ay mahahalata ang kaba ko. Nang nakita kami ng mga tao ay ganoon na lamang ang gulat ko sa mga sigaw at malakas na palakpakan. May mga sumipol pa nga nang malakas na nagpatindi sa pagkailang ko. Carmela might have noticed it so she tapped my shoulder and winked at me. May mga sinabi pa ang MCs na pang-welcome sa amin bago ang mga ito nanahimik. Pumunta na kami sa kanya-kanyang puwesto. Sa bandang likuran ako. Naglalakad na ako papunta roon nang bigla akong natapilok. Mabuti na lang at nakakapit ako sa balikat ng isa sa mga kagrupo ko. Dinig na dinig ko ang mga singhap nila. Mas lalo akong nahiya. But the show must go on. Ipinatugtog na ang kantang kakantahin at sasayawin namin sa dalawang malaking speakers. Kasabay noon ay ang mga hiyaw at palakpakan. Abot-abot na ang kaba ko. Kailangan kong tatagan ang loob. Marami ang nanonood. Ayokong mapahiya! Habang kumakanta’t sumasayaw ay hindi maalis-alis ang kaba ko, lalo na nang solo part ko na. Mabuti na lamang at nairaos ko nang matiwasay! The crowd was cheering for us. That lessened what I felt. Hanggang sa napangiti na ako, kasabay noon ang sigawan. Aksidenteng tumama ang mga mata ko kung saan naroroon sina Janette at Iñaki. Iñaki was intently staring at me. Muli ay iniwasan ko ang mga mata niya. I felt its intensity and I knew it was up to no good. Matapos ang performance ay halos mabingi kami sa hiyawan at palakpakan. Agad kaming bumalik sa backstage pagkatapos puriin ng mga tagapagsalita. The moment we reached backstage, squeals filled my ears. Hindi nagkamayaw sa pagtatalon ang mga kagrupo ko. Tuwang-tuwa sila sa nangyari lalo na sa pagtanggap sa amin ng mga tao. “We should celebrate! Mabuti naman at natapos na! At ‘di lang basta natapos! It was a great performance!” I smiled. Binalingan ko ang aking mga paa. Dahan-dahan kong tinanggal ang stilettos. Nagulat ako nang lapitan ako ni Carmela. Mas lalo na nang halikan niya ako sa magkabilang pisngi. “You did great, Addy!” She smiled. “Pero mas magaling pa rin akong sumayaw at kumanta kaysa sa’yo.” I chuckled. Cute. “Since wala tayong klase buong maghapon, why don’t we stroll around the mall? What do you think, guys?” “Oo nga! Mabuti pa. To hell with the attendance! We’ll pay the fines!” Nagkasundo nga ang mga kaklase ko na ganoon ang gagawin. Wala akong balak sumama. Gusto kong magpahinga. “Ang KJ-KJ mo talaga!” naka-pout na bulalas ng isa mga kaklase ko nang ipaalam kong hindi ako sasama. “Sumama ka na, oh! Ikaw lang ang wala sa bloc natin kung saka-sakali.” Ngumiti ako saka isinukbit ang bag sa isang balikat. “Hindi talaga p’wede, eh. Magpapahinga ako tapos pupuntahan ko si Keiffer sa school niya. Ako ang pupunta sa meeting kasi busy sina Mom at Dad. Pasensya na talaga.” Fine, I lied. Ayoko lang talagang sumama. Hindi pa natapos ang pangungulit nila. But I wasn’t swayed. Matapos magpalit at magpaalam ay nilisan ko na ang gymnasium. I wasn’t really fond of crowds. After the performance, I felt like half of my life was sucked out me. I needed to recharge as soon as possible. Tahimik akong naglalakad nang may tumawag sa akin. Lalaki. Napalingon-lingon ako. Wala namang tao. I resumed walking just to be halted again. Muling may tumawag sa akin. Nilinga kong muli ang paligid. Just like before, wala akong nakitang tao. Napailing-iling ako saka muling naglakad. Gino-good time yata ako! “Anaddy Mouera Fortalejo! Second Year BS Architecture student! Maganda, sexy, at matalino!” Inis na napatigil ako sa paglalakad. Sino ba iyon? Muli akong luminga-linga. Wala naman. Nagtiim ang mga bagang ko. Malaman ko lang kung sino ang nanti-trip sa akin ay talagang makakatikim! I was about to take a step forward when a motorcycle crossed in front of me. Napasinghap ako. Kamuntikan na akong matumba kung hindi lang ako alerto. Nag-uusok ang ilong at mga tainga na napatingin ako sa motorsiklong ilang hakbang ang layo mula sa akin. Naroon ang driver nito na kasalukuyang inaalis ang helmet. I was about to spit out my litany when the driver turned to me. Napaatras ako nang nakilala ito. “Great performance out there, beautiful.” Saka niya ako kinindatan. My face flushed. “Sa pagkakaalam ko hindi ka rito nag-aaral, Brett.” Clean cut ang buhok niya. He was kind of fair and lean. His brown eyes reflected the rays of the sunlight. His narrow nose was intimadating and his lips were thin which reminded me of Iñaki’s. Magandang lalaki nga talaga siya. Nagkibit-balikat siya. “Wala naman. Nakatunog kasi ako na may nangyayaring maganda rito kaya pumunta ako. Napanood nga kita, eh! You were so pretty with that army outfit!” “F-flirt,” naiilang na sita ko sa kanya. He smirked. “Only to you.” Tumawa siya nang mahina nang nakita ang galit-galitan kong mukha. Sa totoo lang, gusto kong ngumiti. Ayoko lang ipakita sa kanya na natutuwa ako sa pambobola at kalokohan niya. And we didn’t know each other! Bakit ako matutuwa sa pagiging feeling close niya? “Kaya pala tawag ako nang tawag at text nang text sa’yo, hindi ka sumasagot.” An achingly familiar voice echoed inside my ears. Napalingon ako sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang nakumpirmang si Iñaki iyon. May dala siyang paper bag na may logo ng isang sikat na fast-food restaurant. Liban doon, galit na galit ang mga matang ipinupukol niya sa akin. Bigla akong kinabahan. “I-Iñaki!” Nagbukas-sara ang aking bibig. “Nag-text ka? A-ano kasi—” Nilapitan niya si Brett na noon ay pasipol-sipol pa. My eyes grew wide. Oh, no. This could be trouble! “Salcedo,” untag niya kay Brett. “Sa pagkakaalala ko nagkausap na tayo tungkol dito, na hindi mo na lalapitan si Addy.” Arogante namang ngumiti si Brett. “Oo naman. Hindi naman ako ulyanin. Pero nangako ba ako sa’yo? We had a talk. But I didn’t promise anything.” Kitang-kita ko ang pagtiim-bagang ni Iñaki. “Anong plano mo, Salcedo? You’ll flirt my best friend and hurt her just to get back at me? Why don’t you play fair and challenge me on a fight like a man!” Hindi ko napigilan ang sarili. Lumapit ako kay Iñaki saka itinulak siya palayo kay Brett. “Iñaki, please . . . not here!” Tinaasan niya ako ng kilay. “We’re going home!” Kinuha niya ang kamay ko na agad ko namang binawi. Napakunot-noo siya. Napatungo naman ako. Ayokong salubungin ang mga mata niya. “May pupuntahan kami ni Brett, Iñaki. Siya na rin ang maghahatid sa’kin.” Ilang segundo siyang nanahimik bago siya pumalatak. Disappointment was so clear on his face. It was so annoying! “Suit yourself,” malamig na turan niya saka tinapunan ng isang masamang tingin si Brett bago niya kami tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD