Kabanata 7

2700 Words
“SERYOSO, ANADDY. Tigilan mo na ‘yang pag-iyak mo. Babaha na rito,” sabi sa akin ni Brett nang bumalik siyang may dalang dalawang hamburger at dalawang canned softdrink. “I was just joking,” bawi niya rin agad nang hindi ako umimik. Walang kagana-ganang kinuha ko ang mga inaabot niya sa akin. Nang nasa kamay ko na ang mga iyon ay agad siyang naupo sa tabi ko. Silence. No one dared to break the ice. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagtitig sa kalangitan. Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong tumikhim si Brett kaya napatingin ako sa kanya. He smiled. “Gan’to ka pala, ‘no? When you’re sad, it’s contagious.” He pouted his lips a little. “Ngumiti ka na kaya. You’re prettier when you smile.” Napangiti ako hindi dahil pinagbigyan ko siya kundi natutuwa ako sa kanya. I didn’t even know why. Napasipol si Brett kaya bahagya akong napayuko. Bakit ko nga ba siya kasama? Siya, na isa sa mga taong pinakaayaw ni Iñaki? Puwede ko namang puntahan si Carmela o kaya ay si Michelle at sa kanila umiyak nang umiyak. “Nakakainggit si Villaraza. Iniiyakan mo.” He shook his head. “Ang suwerte-suwerte niya at siya ang nagustuhan mo . . .” It was futile if I would deny something that was too strong to conceal. Napailing-iling na lamang ako sa naisip. “Bata palang ako, mahal ko na siya,” I opened up. “Buong buhay ko, siya lang ang lalaking nakikita ko. Wala nang iba.” Hindi umimik si Brett. I cleared my throat before continuing. “Do you know why I took up BS Architecture? It’s because of him. He once told me he likes girls who do some tough stuff, those who aren’t much explored by women. At ako naman ‘tong tanga . . .” I heaved out a sigh. “But I think, nakalimutan niya na ‘yang mga sinabi niya sa’kin.” Pinahid ko ang luhang tumakas sa aking kaliwang mata. “Pinapatay niya ako nang dahan-dahan. At ang mas masakit pa, h-hindi niya alam.” “Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka mahal ka rin niya? You know, like he’s suppressing it because he doesn’t want to ruin the friendship.” Umiling-iling ako. “Matagal ko nang itinigil ang pag-asa na baka mahal niya rin ako . . . o mamahalin niya ako. I see it in his eyes. H-he doesn’t love me the way I love him. So I decided to move on. Sa hinaba-haba ng mga taong iginugol ko sa kanya, ngayon lang ako natauhan na . . . kailangan ko muna siyang layuan hangga’t may nararamdaman pa ako sa kanya na alam kong ikalulungkot niya ‘pag nalaman niya.” And I cried, gain. Brett didn’t know what to do. May mga napapatingin sa amin. Akala siguro ng mga ito ay inaaway niya ako kaya ang sasama ng mga tingin ng mga ito sa kanya. Hindi na ako nagulat nang ipatong ni Brett ang braso niya sa balikat ko. I cried even more. Mukhang hindi naman totoo ang mga naririnig ko tungkol sa kanya. I thought he was really nice. O kung totoo man ang mga iyon, hindi nabanggit ang magaganda niyang katangian. People nowadays . . . “A-ayoko nang masaktan, Brett,” bulong ko sa gitna ng mga hikbi. “Tama na ang ilang taon. Hindi ko na kaya . . .” Naramdaman ko na tumango-tango siya. Magaan niya akong niyakap. He was still putting some space between us. I felt safe and secured. All my life, si Iñaki lamang bukod sa pamilya ko ang lalaking hinayaan kong yakapin ako at hawakan. I thought I wouldn’t feel refuge in anyone’s arms other than his. But I thought wrong. “Tama na, Anaddy. Hayaan mo ang lalaking ‘yon! Malalaman din no’n ang halaga mo, ‘wag kang mag-alala. Nandito lang ako. Mula ngayon, ako na ang knight-in-shining-armor mo. Kahit anong araw, oras o kahit sa’n ka pa! Call me and I’ll run to you.” Napangiti ako. Strange. Komportableng-komportable ako kay Brett ganoong alam ko ang reputasyon niya at kakakilala ko lamang sa kanya. I rejected Iñaki awhile ago but I was the one who was hurt. Ako itong umiiyak ngayon. Ako itong nangangailangan ng masasandalan. Ganoon ba talaga ako karupok pagdating sa kanya? “Talaga?” Umakto siyang nag-iisip saka ako nginitian. “Let me rethink of it.” Umingos ako na ikinatawa niya. Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang problema. Thanks to this crazy guy beside me. He lightened up my mood. Napatingin ako sa bulsa nang nag-vibrate ang cell phone ko roon. It was Mommy. Nag-excuse muna ako kay Brett bago ako tumayo at sinagot ang tawag. “H-hello, Mommy . . .” “Where are you, Anaddy Mouera?” Nagtaka ako nang nahimigan ang kaseryosohan sa boses niya, animo ay nagtitimpi. At ang biglaan niyang pagbanggit sa buong pangalan ko ay nagpakunot sa noo ko. Napatingin ako kay Brett na noon ay may kangitiang babaeng naglalakad sa kalsada. “Nasa park po ako, Mommy.” “And who are you with?” Napapikit ako nang mariin. So Iñaki told Mommy about me going somewhere with Brett. Hindi ko alam kung ano ang uunahin sa puso ko: ang inis ba para sa kanya o ang takot para sa nanay ko. “M-mom, I’m with a friend.” “Who’s that friend of yours, young lady? A boy you barely know? You better come home right now!” “M-mom—” “You want to be grounded? Go home right now! Huwag mo ‘kong susubukan, Anaddy Mouera!” And she hung up. Napabuntong-hininga ako saka ipinasok ang cell phone sa bulsa. Sinumbong ako ni Iñaki. Ano ba ang problema niya? Parang bata! “What happened? Si Iñaki ba ‘yon? Aba, ‘tang ina talaga no’ng lalaking—” Umiling-iling ako. “It was Mommy. She wants me to go home right now.” “Ganoon ba? Oh, sige. Ihahatid na kita.” Hinawakan ko ang braso niya para mapigilan sa balak na paglapit sa motorsiklo niya. “Hindi na, Brett. Galit si Mommy. Nalaman niyang . . . may kasama akong ibang . . . lalaki.” Napangiwi naman siya. “Strict ang parents mo? That sucks! Oh, siya! Ipagpapara na lang kita ng taxi.” Hindi pa ako nakakapagsalita nang iwan na niya ako. Mayamaya pa ay may taxi na sa harapan ko. “Mag-iingat ka, Anaddy. Dalawang beses mo palang nakikita ang kaguwapuhan ko nang malapitan,” biro niya saka binalingan ang driver at inabutan ng pera. “Oh, ‘yan, boss! Keep the change. Pakihatid ang magandang prinsesa sa kanila. Alam mo na kung sa’n ka pupulutin ‘pag kinanti mo ‘yan. Sa morgue.” Nainis naman ang driver sa sinabi niya na ikinatawa lamang niya. He liked teasing people. Nakakatuwa siyang kasama. Masayahin at mabait. Nang natapos na ang pakikipagbati niya sa driver ay nag-wave siya sa akin na agad ko namang sinuklian. And the car started to move. Habang nakatanaw sa labas ay naisipan kong tingnan ang cell phone ko. Twenty one messages and thirteen missed calls. Nang tingnan ko ang mga iyon, karamihan ay galing kay Iñaki. Kanina pa ang mga iyon. Ito siguro ang sinasabi niya na kanina pa niya ako tini-text at tinatawagan. Ibinalik ko ang atensyon sa labas. Naiinis ako sa kanya. Kailangan pa ba talaga niya akong isumbong? That was so childish of him! Bigla kong naalala si Brett. Agad kong binalingan ang cell phone. Kailangan ko palang magpasalamat sa kanya. Nang nai-send ang text, ibabalik ko na sanang muli ang cell phone sa bulsa nang nag-vibrate iyon. It was Iñaki. Walang pag-aatubiling d-in-ecline ko ang tawag na iyon. I didn’t want to talk to him. Ipinatigil ko mismo sa harapan ng bahay ang taxi. Kitang-kita kong nakahalukipkip si Mommy sa may pintuan habang seryosong nakatitig sa akin. Naglalakad na ako papasok ng gate nang nadako ang mga mata ko sa bahay ng mga Villaraza. I saw Iñaki staring intently at me with his serious face while holding his phone. Kahit malayo ay nakita ko pa rin ang pag-igting ng panga niya. Inis na iniwas ko sa kanya ang mga mata at hindi na siya muling nilingon. Katakot-takot na sermon ang natanggap ko kay Mommy. She didn’t want me to hang out with Brett anymore. Hinayaan ko siyang magsalita sa harapan ko. Lumalabas din naman sa kabilang tainga ko. Ayoko nang magpaliwanag o anupaman. Bukod sa pagod ako, wala na akong pakialam. “SO, NEXT WEEK na ang practice para sa debut ni Addy. Kailangang mag-attend lahat sa unang araw. Ayokong may mga proxy, ah?” anunsyo ni Mommy habang abala sa paghihiwa ng steak niya. “Next week din dadating na ang mga pinsan mo, Addy. Mga weekend yata.” Tahimik na tumango-tango ako. Ni hindi ako nag-angat ng tingin. Inabala ko ang sarili sa mga pagkaing nasa aking plato. Katabi ko lang si Iñaki kaya kailangan kong iwasang magawi ang mga mata sa kanya sa kahit anong paraan. Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan. I never tried talking to him so was he to me. Alam kong napapansin na iyon ng mga tao sa paligid namin pero mas pinili nilang huwag mag-usisa. Malungkot ako, oo. Iniiwasan ko siya. Iniiwasan niya rin ako. Kung tutuusin nga ay maganda iyon para sa plano kong pagbura ng pangalan niya sa puso ko. Pero hindi maganda sa pakiramdam ang nangyayari. Gustong-gusto ko nang makipagbati. Ilang beses kong tinangka pero nawawala din naman ang lakas ng loob kong harapin siya kapag naaalala kong mabuti nga ang nangyayari. Missing him was a bull bigtime. But I needed to endure. “Busy kami next week sa requirements at sa review para sa final tests the next, next week. I’m not sure po if I can be present the whole time,” seryosong wika ni Iñaki. Sinulyapan ko siya. He looked stiff. Hindi katulad noon na kapag nagdi-dinner ang mga pamilya namin ay maingay siya. Galit din nga talaga siya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako saka isinubo ang nasa tinidor ko. The food looked palatable yet all were tasteless inside my mouth. “That’s alright, hijo. You can catch up. Si Addy talaga ang kailangang palaging nando’n. Kailangang i-boost ang confidence dahil medyo mahiyain.” It was Daddy. “Daddy naman!” nakangusong reklamo ko. “Hindi naman ‘yon p’wede. Marami rin kaming projects na kailangang gawin at quizzes na kailangang paghandaan.” Tito Redentor chuckled. “Hay naku, hija. Huwag kang makinig d’yan sa ama mo. Walang dapat i-boost sa’yo. You’re a fine, young lady. You’ll be good on your big day.” Napapalakpak naman si Tita Glenda. “I’m so excited! Your debut is just weeks from now! I can’t wait!” Pilit akong ngumiti. Kakaiba talaga ang dinner na ito kumpara sa mga nakaraan. Napatingin kaming lahat kay Iñaki nang tumayo siya habang pinupunasan ang bibig ng table napkin. “Excuse me.” “Where are you going, sweetheart?” tanong ni Tita Glenda “Hindi ka pa tapos kumain, ah? Tsaka, ‘di pa tayo nagde-dessert!” “Tapos na ‘ko, Mom. Sa taas lang po muna ‘ko.” At walang lingong-likod na lumakad siya papunta sa second floor. Alam ko kung bakit siya umalis. Dahil sa akin. I inhaled deeply and stared at my plate. Kailangan ko nang sanayin ang sarili. Nabalik ako sa realidad nang tanungin ako ni Tita Glenda. “Hija, may pinag-awayan ba kayo? Iñaki has been upset with you lately.” Umiling-iling ako. “Wala naman po.” Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa. “Anak, you two should make up. Pangit na lagi kayong nag-aaway.” Sumabad naman si Mommy. “Lagi ko nga ‘tong pinagsasabihan na kung may pinag-awayan man silang dalawa, kailangan nilang pag-usapan at ‘wag nang hintaying lumala. Kayo rin namang dalawa ang magkakasama, dapat ay ‘di kayo nagkakaganyan.” I smiled forcefully and didn’t say anything. “It’s time for our dessert, guys! Stay put and wait for me!” anunsyo ni Tita Glenda bago tumayo at pumunta sa kusina. Tradisyon na ng mga pamilya namin ang pagkain nang sabay kahit dalawang beses sa isang buwan. Last month, sa bahay namin naganap ang salu-salo. Ngayon naman ay sa bahay ng mga Villaraza. Mayamaya pa ay bumalik na si Tita Glenda na may dalang malaking food container. Keiffer and Iñovyz clapped their hands enthusiastically. Pinagsaluhan namin ang specialty ni Tita Glenda: ang kanyang special macaroni salad. Gustong-gusto ko talaga ang mga luto niya. She was the best cook! Well, next to my mother. Nilapitan ako ni Tita Glenda na may hawak na isang maliit na mangkok ng macaroni salad. “Hija, would you mind if you bring this to Iñaki? Alam mo naman na favorite niya ‘to, ‘di ba?” Natigilan ako. Hindi pa ako handang makaharap si Iñaki nang kami lang! Pero nakakahiyang i-reject ang pakiusap ni Tita Glenda. Isa pa, pakiramdam ko ay ginagawa niya ito para magkausap kami ng anak niya. Labag man sa kalooban ay kinuha ko ang baso. “S-sige po.” Ngumiti siya nang malapad. “Great! Nasa balcony lang ‘yon, hija. Salamat!” Saka niya ako iniwan. I inhaled deeply. Well, did I have a choice? Kada hakbang ay lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Paano kung hindi ako pansinin ni Iñaki? Anong gagawin ko? Mapapahiya kaya ako? Napailing-iling ako sa mga naisip. Ibibigay ko lang itong dala ko. Iyon lang at wala na. Dahan-dahan ang paglalakad ko papuntang balcony. Nakikiramdam. Ilang hakbang pa ay nakita ko na siya. Nakatalikod siya sa akin at tila may kausap sa cell phone. I could faintly hear him talking to someone. Who was he talking to? Iyon ang nasa isip ko habang naglalakad palapit sa kanya. Sa bawat hakbang ay naging malinaw ang boses niya. He was talking to Janette on the phone. I felt a familiar pinch inside my chest. “I’ll tell her, Janette. But you know she’s not the outgoing type, right?” He paused, probably listening to his girlfriend. “Fine, fine! You know we’re not in good terms these past few days. But I’ll try, okay?” Nagulat ako nang napatingin siya sa akin. Tila hindi naman siya natinag. Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa nobya, na sana hindi ko na pinakinggan pa. “Just . . . make sure I’ll like the boy, okay? Alright, alright. See you tomorrow. I love you.” He smiled. “No, damn it! I love you more! Jesus! Stop it already, babe!” Nanatili akong nakamasid sa kanya. He was smiling. He was in love. Uminit bigla ang sulok ng mga mata ko. No, no. Hindi ako iiyak! Ibinaba na niya ang cell phone saka ako binalingan. “What is it?” Inabot ko sa kanya ang hawak. “Pinabibigay ni Tita.” Tinitigan muna niya ako bago kinuha iyon. “By the way, Janette invited us to go to her place. Malapit na raw ang fiesta sa lugar nila.” “K-kailangan ko munang magpaalam kina Mommy at Daddy.” Tumango siya. “Sige. Tell me ‘pag ‘di pumayag. Ako ang kakausap sa kanila.” Tumango ako saka siya tinalikuran. Nakakailang hakbang na ako nang tawagin niya ako. Napahinto ako saka siya binalingan. Naglakad siya palapit sa akin. “B-bakit?” tanong ko nang nasa harapan ko na siya. He smiled before enveloping me in his arms. I was caught off guard. “I missed you,” he whispered.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD