Kabanata 5

1905 Words
“IÑAKI, BITIWAN MO ‘KO,” pakiusap ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako papuntang kotse niya. Hindi siya umimik. Pilit kong binabawi ang kamay mula sa kanya pero napakahigpit ng pagkakahawak niya roon. “Iñaki, m-masakit,” reklamo ko at naluluha na nang kaunti. He stopped. Hinarap niya ako pagkatapos ay pinakawalan ang kamay ko. Namumula ang parteng hinawakan niya kaya hinaplos-haplos ko iyon saka itinago sa likuran. “Why are you with that prick?” galit na tanong niya sa akin. “You know him?” I shook my head. “H-hindi. Nagkasalubong lang kami . . .” He pinched the bridge of his nose before settling his eyes on mine. “That guy is a big jerk. Don’t talk to him again.” I knew it. Tumungo ako saka tinitigan ang aking mga kuko. “Iñaki, I’m almost eighteen. Hindi na ‘ko bata na . . . na dapat mong bantayan. This is my life. Kung anuman ang problema niyong dalawa, labas ako ro’n.” Kumunot ang noo niya. “What?” He bit his lower lip. Kitang-kita kong mas nainis siya sa sinabi ko. “He’s a jerk! Who knows what he might do to you when you let him in your life! He’s trouble personified, Addy! I know his kind because I was once like him! Alam ko ang likaw ng bituka ng lalaking ‘yon!” I flinched. Tears started to form in my eyes Noon pa man ay kahinaan ko na ang galit niya. Kapag tumataas ang boses niya sa akin, either I’d run away or cry in front of him. But why was he mad like this? Tama naman ako, hindi ba? Hindi ko naman kaaway iyong tao. Bakit dinadamay niya ako sa gulo nilang dalawa? “I’m serious.” Tinitigan ko siya sa mga mata. “This is my life, not yours. I decide my do’s and don’ts, definitely not you.” Napaawang ang bibig niya. He seemed pretty shocked with my outburst. Yes. This is my life, Iñaki. Stop treating me like I can’t stand for myself. “Ano bang pinagsasabi mo? Why are you like this? I just wanted to protect you! Masama ba ‘yon?” He looked frustrated. “Hindi na kita maintindihan! For the past few days, ilag ka na naman sa’kin. Wala na ‘kong mairason sa sarili ko kung bakit iniiwasan mo na naman ako. Ano ba talagang problema mo, Addy?” Nagsimula na akong humikbi. Nahulog ko ang mga hawak saka tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang mga palad ko. “This is not f*****g game and this is not a funny joke, Anaddy Mouera,” mariing wika niya makaraan ang ilang segundo. “Akala mo ba ‘di ko napapansin? You’re hiding something from me! You keep on avoiding me, you keep on making me miserable! Damn it! Ni hindi ko alam kung anong rason kung ba’t mo ‘ko ginaganito! Napaka-unfair mo!” I have been hiding a lot from you. And I intend to hide it forever. “T-tama na,” umiiyak na pigil ko sa kanya. “Tama na, Iñaki. Tama na. Ayoko na. Tama na . . .” Tama na ang sakit. Tama na ang pag-iyak. Tama na ang lahat. Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa ganitong pakiramdam. They say love is magical. Maganda raw sa pakiramdam ang pag-ibig. That it colors life. Pero bakit ang dilim ng kalangitan ko? Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Addy, I don’t understand. Ano ba ang problema? Tell me. Ayokong nagkakaganito tayo. You’re my best friend. Ayokong may ‘di tayo pagkakaintindihan. May ‘di ka ba nagustuhang ginawa ko? Nasabi? Sabihin mo para alam ko kung anong dapat kong baguhin. Hindi ‘yong ganitong basta-basta mo na lang akong iniiwasan.” Umiling-iling ako saka inalis ang pagkakahawak niya sa akin. I saw fear and guilt crossed his eyes. “Ako ang may problema. And don’t force me to tell you. It will break your heart.” Tinalikuran ko siya saka mabilis na tumakbo. Panay ang pagtawag niya sa akin pero hindi ako nag-abalang lingunin siya. Pumara agad ako ng taxi saka pumasok doon. Nakita kong humahabol siya kaya agad kong sinabihan ang driver na kailangan na naming umalis. Habang nasa daan ay hindi ko na tinikis ang sarili mula sa pag-iyak. Halos hindi na ako makahinga dahil sa bikig sa lalamunan. Alam kong nagtataka na sa akin ang driver pero wala akong pakialam. Umiiyak na naman ako dahil sa kanya. Sa tanang buhay ko, halos siya ang dahilan ng mga pag-iyak ko. How pathetic. Nang nakarating sa tapat ng aming bahay ay tumakbo ako papasok. Naroon sina Mommy at Keiffer sa sala, nanonood. Napalingon silang dalawa sa akin. “Bakit ka umiiyak?” Mommy panicked. Lumapit siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili. Niyakap ko siya nang mahigpit saka umiyak pa nang todo-todo. “Tahan na . . .” bulong niya. “It’s okay, it’s okay . . .” Hindi ba posibleng kapag nagmahal ay hindi masasaktan? Love is not just a magical thing but it’s also license: a license to another to hurt you. After I cried my heart out, I went to my room. Nagkulong ako. I didn’t join them for dinner. Hinatiran na lamang ako ng pagkain ng isa naming kawaksi. No one tried to talk to me. I expected for Mommy or Daddy to come into my room and ask. But it didn’t happen. Tama lamang iyon dahil hindi ko rin naman sila sasagutin. Mabigat ang pakiramdam ko kinaumagahan pagkagising ko. Parang may maliliit na tao na nagmamartilyo sa ulo ko. Namamaga rin ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak kagabi. Basta ang alam ko ay matagal-tagal iyon. Matapos makapag-ayos ay agad akong bumaba sa dining area. Naabutan ko roon ang mga magulang ko. “It seems, they’re having problems recently. Nag-aalala na nga sina Glenda at Red, eh. Malapit na ang debut ni Addy. Hindi magandang magkaaway sila sa araw na ‘yon,” narinig kong sabi ni Mommy habang naglalagay ng mainit na tubig sa tasa. “They’ll make up, Mildrid. Hayaan mo muna silang dalawa. Magbabati at magbabati rin ang mga ‘yan.” “Pero mukhang seryoso na ngayon ang mga away nila!” Tumikhim ako. Napatingin sila sa akin. Agad naman akong nginitian ni Mommy saka inayang kumain na. Alas siete y media ang simula ng performance namin. Last week ay nagbunutan kung anong college ang unang magpe-perform. Mauuna nga kami. Kailangang maaga palang ay nasa pinag-usapang lugar na kami dahil iyon ang napagkasunduan kahapon. “Dinala pala rito ni Iñovyz ‘yong mga dala-dala mo raw kahapon. Pinadala ni Iñaki sa kanya para isauli sa’yo,” ani Mommy saka sinulyapan si Daddy. “Nasa sofa ang mga ‘yon. Pinakialaman ko na ‘yong gown. Maganda, ‘nak. Bagay na bagay ‘yon sa’yo. Pagkauwi mo mamaya, isuot mo ah? I want to see you wearing it.” Tumango ako. Ipinagpatuloy namin ang pagkain. Mayamaya ay lumapit na rin si Keiffer na nakabihis na at handa nang umalis. Nang natapos ay agad kong pinuntahan ang sala. Naroon nga at nakapatong ang box at paper bag sa sofa. Kinuha ko ang mga iyon saka umakyat sa kuwarto. Dahil excuse naman kaming lahat sa iba naming klase ay pinili kong magsibilyan. Isinuot ko ang white t-shirt na nasa ibabaw ng aking kama. I folded the sleeves carefully. It was a habit of mine. Kaunting tupi lamang sa magkabilang balikat. Just half an inch thick. I wore my blue faded jeans and black and white tennis shoes. Sinikop ko lamang ang buhok sa kaliwang parte ng aking leeg. And then a little powder. Nang nakontento ay agad kong kinuha ang paper bag at backpack saka nagmamadaling nilisan ang kuwarto. Pagkarating sa eskwelahan ay agad kong t-in-ext sina Carmela kung nasaan na sila. Nag-reply naman agad siya at sinabing nasa room na sila kung saan dapat ang unang klase namin nang araw na iyon. Nang nakarating na ako ay napansin kong karamihan sa kagrupo ko ay naroon na. Magsi-six forty five na noon. Walo kami sa grupo at anim na ang kasama ko ngayon. Apat na ang na-makeup-an ni Natsy, ang kaklase at kagrupo naming magaling sa makeup at pag-aayos ng buhok. Ang mga na-makeup-an na ay nakasuot na ng kanilang outfit para sa performance. They all looked good! “Ikaw na ang susunod, babae,” ani Carmela nang nakita ako. “Magbihis ka na. Mahirap kung nakaayos na ang buhok tapos saka palang magsusuot. ‘Tsaka anong oras na. Ilang minuto na lang magsisimula na.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang napagmasdan siya. Bagay na bagay sa kanya ang suot! Nalantad ang makikinis at mahahabang hita niya na ngayon ko lang nakita! Sinuyod ko siya ng tingin. Nang nagsalubong ang mga mata namin, bahagya akong napaatras nang nakitang nakangisi siya. “Diyosa na ba?” Saka siya nag-pose sa harap ko. Ngumiti ako. “It suits you.” “I know, right?” mayabang na aniya. “Teka. Anong nangyari d’yan sa mga mata mo?” Iniwas ko ang mukha sa kanya. “W-wala ‘to. Magpapalit na ‘ko.” Mabilis akong lumabas sa klasrum. Sa suwerte ko ay bakante ang CR. Akin na akin ang lugar. Agad akong pumasok sa isang cubicle. Pinagmasdan ko ang susuotin ko. Masyadong maraming balat ang makikita sa akin mamaya. The thought made my cheeks turn red. The outfit was inspired from the clothes worn by a famous Korean girlband in one of its music videos—that maroon army-s***h-navy looking clothes. Meron din kaming cap. Kuhang-kuha ang outfit sa original. I was in the middle of wearing my shorts when the main door opened. “So, inaya ka ni Iñaki na mag-cut para mapanood ang performance ng beloved best friend niya?” A high-pitched female voice echoed in the four corners of the premise. Natigilan ako. Iñaki? Cut? Kung hindi ako nagkakamali, nandito sa restroom si Janette at ang kasama niya ang babaeng nagsalita. “Oo. Ayos lang naman kasi ‘di papasok ang professor natin ngayon sa first subject. ‘Tsaka gusto ko ring makitang mag-perform si Addy.” Confirmed. It was indeed Janette. “May tanong ako pero ‘wag mo sanang mamasamain. Kahit kailan ba ‘di mo pinagselosan ‘yon? Magkababata sila. Kilalang-kilala nila ang isa’t isa. Iñaki adores her so much! Ni katiting ba ‘di ka nakakaramdam ng selos sa kanya?” Matagal bago nagsalita si Janette. Hindi ko namalayan na pati ang paghinga ko ay natigil nang panandalian dahil sa paghihintay. “Well, minsan. Hindi naman ‘yon maiiwasan. Pero kailangan kong intindihin ‘yon, eh. Before I came into his life, nand’yan na si Addy. I know how he loves her dearly as his best friend. ‘Tsaka alam ko naman na walang nararamdaman si Iñaki sa kanya.” She paused and I could tell she smiled. “Iñaki loves me. I trust them both.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD