Kabanata 8

2733 Words
ITINALI KO ang aking buhok saka kinapa ang sarili. Sinulyapan ko mula sa salamin ang gagamiting black midriff at ripped jeans na nasa kama. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susuotin ba ang mga iyon o hindi. I had been living in this conservative fashion and wearing such revealing clothes gave me uneasiness. Kinapa ko ang cell phone mula sa bulsa nang nag-vibrate iyon. Nang buksan ko ay si Beatriz ang nag-text. She was asking if where I was. Agad akong nag-type ng reply at sinabing papunta na ako kahit ang totoo ay hindi pa ako handa. Pupunta ako ngayon sa bistro na kanyang pinagtatrabahuhan. I was her band’s new vocalist. Umalis kasi ang dati nilang bokalista at umuwi sa probinsya. Wala naman talaga akong balak na sumali. But I needed diversion and this was a good one. Actually, before she started her band, it was me whom she persuaded to be their vocalist. But I declined the offer. Nag-a-adjust pa kasi ako noon sa college life at napaka-busy. And I wasn’t really confident in front of a crowd. Plus the fact that I wasn’t so passionate about it. Kumbaga ay hobby lang talaga. Matapos maligo ay inabala ko na ang sarili sa pag-aayos. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. It was Tita Glenda. Ngumiti siya sa akin saka isinara ang pinto. “Sorry for barging in, my dear,” she apologized and raked my body. “What’s with the midriff, love? That looks good on you!” “Salamat po, Tita. Nagkasundo po kasi kami ng mga kabanda ko na ganito ang susuotin namin.” “Oh, narinig ko nga kay Mildrid na bumabanda ka na. Iñigo will be thrilled if he learns about this.” Napangiti na lamang ako. Lumawak ang ngiti niya. “You know how much I like you for my son, right? We, your Tito Red and I, want you to be our future daughter-in-law.” Nag-init ang mga pisngi ko kaya napayuko ako. I didn’t expect her to say such thing! Tita Glenda chuckled. Hinila niya ako paupo sa kama. Kinuha niya ang suklay sa akin saka ako sinimulang suklayan. “Girlfriend ni Iñaki ‘yong Janette na ‘yon, tama ba?” she asked after a while. I bit my lower lip. “Si Iñaki na lang po ang tanungin niyo, Tita. Wala po ako sa posisyong magsalita.” And here I thought she forgot all about it. Hindi na ako nagtatakang alam nga niya. “No need to deny it, sweetheart. Alam ko ang mga nangyayari sa buhay ng mga anak ko, kay Iñaki . . .” Nahinto siya sa pagsusuklay. “Hija, sa tingin mo ba ay seryoso siya sa babaeng ‘yon?” Naalala ko ang balak ni Iñaki na pagpo-propose kay Janette. Napalunok ako. “S-siguro po.” Huminga siya nang malalim saka hinaplos-haplos ang aking buhok. “Someone told me that she’s turning twenty yet she’s only in her first year. Nakatira sila ng pamilya niya sa mga lolo’t lola nila. Apat silang magkakapatid at siya ang ikalawa.” Napanganga ako. Ni hindi ko nga alam ang mga iyon tungkol kay Janette! Did she get her investigated? Tita Glenda just gave me a mischievous smile. That didn’t feel right. “Hija, alam ko na ang tungkol sa babaeng ‘yon kahit ‘di pa sa’min binabanggit ni Iñaki ang tungkol sa kanya.” She continued brushing my hair. “To be frank, dear, I don’t like her. I want her out of Iñaki’s life. I know her type. A social climber.” Napatikhim ako. “Tita, ‘di naman po gano’ng tao si Janette. She’s a nice girl and smart, too. Huwag niyo po sanang sabihin ang mga bagay na ‘yan tungkol sa kanya. Mabuti po siyang tao.” “Then, you want Iñaki to be with that girl? Gusto mo bang magkatuluyan sila?” sunod-sunod na tanong niya dahilan para matigilan ako. Bahagya akong napayuko. Ayoko, sobra. Ayoko silang magkatuluyan. Pero hawak ko ba ang mga desisyon nila? Hindi. Kaya ko bang palitan si Janette sa buhay ni Iñaki? Hindi. Kahit ayoko, wala naman akong magagawa. At kung meron man, hindi ko alam kung magagawa ko silang sirain. Hindi ko sila kayang saktan, lalo na si Iñaki. “Bibigyan ka namin ng pagkakataon para maipakita mo kay Iñaki na ikaw ang dapat niyang pagtuunan ng pansin. Do everything to make him yours, sweetie. Everything. I will not let that woman ruin my son. And you’re the weapon we have to lead him again to the path he left for that girl,” makahulugang pahayag niya. “I’m counting on you, sweetie.” Matapos niya akong halikan sa pisngi ay nagpaalam na siya. Naiwan akong naguguluhan. Anong ibig niyang sabihin? For some reason, I felt weird and nervous. Napatingin ako sa cell phone nang nag-vibrate iyong muli. Napangiti ako nang nakitang text iyon galing kay Brett. Napangisi ako sa smileys niya. Ilang araw na rin kaming nagte-text sa isa’t isa. Mula noong umiyak ako sa harapan niya ay hindi na kami nagkita pang muli. Abala ako sa pag-aaral at abala rin siya dahil katulad ni Iñaki ay graduating na rin siya. But he promised we would meet once our schedule permitted us to. Matapos siyang reply-an ay agad kong binasa ang dalawang bagong mensahe. Isa mula kay Beatriz at isa mula kay Iñaki. Beatriz was just asking what she asked earlier. Habang si Iñaki naman ay gino-goodluck ako. I guessed we were okay. But we were not the ‘okay’ we used to be. I drew a line between us and I intended to never cross it nor let him. Nang naayos na ang lahat ay nagmamadaling bumaba na ako sa sala. Naabutan ko si Mommy at si Iñovyz na nakikipaglaro kay Keiffer. Their eyes went to me. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata pagkakita sa akin. Bigla akong nailang. “Oh, my God. You’re so hot and sexy, Addy,” puri ni Mommy saka hinawakan ang mga kamay ko. Nag-init ang aking mga pisngi. “Mom, aalis na po ‘ko.” She smiled. “Okay. You take care. Wait, ayos na ba ‘yong mga dadalhin mo bukas?” Oo nga pala. Bukas na ang tulak namin papuntang Catanduanes, probinsya ni Janette. It was somewhere in Bicol. Dahil wala naman akong pasok kada Miyerkules at tapos na ako sa mga requirement ko sa mga subject ko kada Lunes at Huwebes, ito nga ako at sasama. Noong una ay hindi pumayag ang mga magulang ko. Pero nang si Iñaki na ang kumausap ay pumayag agad sila. Ganoon naman palagi. Tiwalang-tiwala sila sa best friend kong iyon. “Tapos na po akong mag-impake, Mom. Mauna na po muna ako,” paalam ko saka siya hinalikan sa magkabilang pisngi. Pagkalabas ay agad kong kinampayan ang driver na ilabas na ang kotseng gagamitin ko. Agad naman itong tumalima. Pagkarating na pagkarating sa bistro ay magiliw akong sinalubong nina Carmela, Beatriz, Cathryn, at Ynna. Masayang-masaya sila pagkakita sa akin. Napangiwi na lamang ako nang yakapin nila ako. “Welcome to the band, Addy!” “Salamat.” Ngumisi si Carmela. “Akala namin ‘di ka na darating. The midriff looks good on you, by the way.” And they started teasing me. Si Carmela ay kasali rin sa banda ni Beatriz. She had been part of Luna, the band, since it started. Hinila nila ako papunta sa isang kuwarto kung saan madalas daw silang tumatambay. Nagsisilbing dressing room na rin daw iyon sa kanila. Nang nakapasok kami, hindi na ako nagtaka nang nakitang makalat ang lugar. It was a complete mess! Clothes hanging everywhere, plastics and paper bags scattering around, and their instruments in not-so-good positions. Napahinga na lamang ako nang malalim. I guessed I should get accustomed to this messy environment. “REALLY? SA BICOL? Puwede bang sumama?” excited na reaksyon ni Carmela habang nasa counter kami at umiinom. Juice sa akin at alak naman sa kanila. “I’ve never been there!” I told them about my escapade with Iñaki and Janette. They were thrilled on my stead. Natapos namin ang unang parte ng aming performance nang matiwasay. Kabadong-kabado ako noong una pero mayamaya rin ay nawala. Pinakilala ako nina Beatriz bilang bagong bokalista nila at mainit ang pagtanggap sa akin ng mga tao. Tumango-tango naman ako saka in-stir ang aking juice sa pamamagitan ng straw. “Oo.” Napaisip ako. “Akala ko ba busy ka bukas? Magti-take ka ng mga missing quiz mo, ‘di ba?” Umismid siya saka nangalumbaba. “Oo nga, ‘no? Pinapatawag din ako ni Prof. Almacen. May problema yata sa pinasa kong project sa kanya. What a life. Mabuti ka pa . . .” “Ikaw kasi! Huwag kang mag-alala. Dadalhan kita ng pasalubong.” Carmela squealed and gave me a tight hug. “You’re the best, my friend! I want sweetened pili nuts, ah?” I chuckled. “Oo na, oo na.” Carmela was acting like a child sometimes. I found it adorable. Bigla kong naalala ang ex-boyfriend niya. “Oo nga pala,” napatingin ako sa kanya. “next week na ang debut mo. Excited na ‘ko! Inimbita mo si Rex sa party, ‘di ba? Oh, my God! Kailangang nando’n siya para makita niya ang alindog ko!” Napaikot ako ng mga mata. “I thought you forgot all about him.” Tumaas naman ang kilay niya. “Are you joking? Hindi, ah! Walang araw, oras, minuto, at segundo na ‘di ko siya naiisip!” Napanguso ako. “Imbitado siya . . . at isasama niya raw ang girlfriend niya, Car.” Lumatay ang sakit sa mukha niya. Agad niyang tinungga ang nasa wineglass saka muling nagpalagay sa bartender. I suddenly felt guilty. “Girls, tara na! Pinapatawag na tayo ng may-ari! Oh, anong nangyari sa’yo, Car?” nakakunot-noong tanong ni Beatriz nang nakalapit sa amin. Binalingan niya ako. “Anong ipinaglalaban ng babaeng ‘to?” Hindi ako umimik. Sakto namang pagpihit ko ay nahagip ng mga mata ko sina Iñaki at Janette na papasok sa bistro. They were talking and laughing, in love and happy. I felt a pang of pain inside my chest. Hindi pa rin masanay-sanay ang mga mata, utak, at puso ko kapag nakikita ko silang magkasama. Iignorahin ko na lamang sana sila nang nakita ako ni Iñaki. Ngumiti siya sa akin saka ako kinawayan. Napatingin din sa akin si Janette. Nginitian din niya ako at kinawayan pagkatapos ay nag-flying kiss pa sabay kindat. “Sila pa?” Napalingon ako kay Beatriz na ngayon ay nakatitig sa dalawa. I let out a sigh. “Oo, eh.” Hindi ko na hinintay pang magsalita si Beatriz. Iniwan ko na siya saka nagdire-diretso sa kuwarto. Wala ako sa mood para maging masokista ngayon. Wala ako sa mood na magsalita tungkol sa dalawa. Wala ako sa mood damhin ang sakit. Nang narating ang kuwarto ay nakita kong kausap ni Cathryn at Ynna ang may-ari ng bistro, si Sir Dan. Napalingon sila sa akin. “Nasa’n sina Beatriz at Carmela, Addy?” bungad sa akin ni Sir Dan. “Kakanta na ulit kayo. Tapos na ang break niyo.” Sakto namang pumasok na sina Beatriz at Carmela. Muli akong nakonsensya nang nakitang malungkot si Carmela. Bakit ba kasi sinabi ko pa iyon? Pero kunsabagay, iyon naman ang totoo. Habang kinakausap kami ni Sir Dan ay biglang nag-vibrate ang cell phone ko. It was Iñaki. He said they came to watch my first night as a performer. And he wanted me to sing a song for Janette. A very romantic one. Napahinga ako nang malalim. Pagkatapos ng pag-uusap ay nilapitan ko agad ang mga kasama ko. Kailangan kong sabihin na may idadagdag kaming kanta. “Oh, sige,” sang-ayon ni Ynna. “Pero pang-last na ‘yan, ah? Iyong iba kasi requested ng mga naunang customer.” Tumango naman si Cathryn. “Natatandaan ko pa naman ang keys no’n. Car, kuha mo pa naman ang chords no’n, ‘di ba?” Napagdesisyunan ngang apat na kanta ang gagawin namin. Umakyat na kami sa platform. Agad naming inayos ang mga instrumento. May mga pumalakpak sa audience. Ako naman ay ipinokus ang sarili sa pag-aayos ng gagamiting mic at pagpapakalma sa sarili. “Hello again, people!” bati ni Ynna sa mga customer. “So, we’ll be singing our last four songs tonight. These songs were requested by some of you. Pasensya na po ro’n sa mga nag-request na ‘di namin mapagbibigyan ngayon . . .” Panay pa ang salita ni Ynna. Hindi naman ako nakikinig sa kanya dahil ang atensyon ko ay nasa kina Iñaki at Janette. Nag-uusap sila habang magkaharap. They looked . . . in love, so in love. I bit my lower lip with the thought. Carmela tapped my shoulder. Doon ko lang napansin na magsisimula na pala kami. Bakit ba pagdating kina Iñaki ay nawawala ako sa huwisyo? Habang kumakanta ay ginawa ko ang lahat para hindi mabaling ang atensyon ko sa dalawa. Ramdam na ramdam ko ang mga mata ni Iñaki sa akin. I just knew how it felt when his eyes were on me. After some minutes, it was already our last song. The one Iñaki requested. Napalunok ako at napahigpit ang hawak sa stand. Pagkatapos ay nilingon ko si Carmela nang tapikin niya ako. I nodded in return. Huminga ako nang malalim. “Hi, everyone. So the next song is very special. This was requested by my best friend, Iñaki Villaraza. He dedicates this song to his beloved girlfriend.” I paused. “I wish you all the best, Iñaki . . . Janette. Stay strong.” And I forcefully smiled, fighting the urge to cry. Iñaki smiled at me. Nakatingin lang sa akin si Janette at hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. The music started. Janette was the missing piece of Iñaki’s heart. And now that he found her, he wouldn’t ever let her go. Alam ko iyon. Alam ko kung gaano kalalim ang pagmamahal sa kanya ni Iñaki. Saksi ako roon. At ang isipang iyon ang mas lalong nagpasakit sa puso ko. Matapos ang kanta ay nagsipalakpakan ang mga tao. Pilit akong ngumiti. Sa aming lima, ako ang pinakaunang umalis sa stage. Napatingin sa akin si Beatriz na noon ay abala sa pagsasalita. Kailangan kong umalis at alisin ang mabigat na bagay sa dibdib ko. Tumakbo ko papuntang banyo. Napatingin sa akin ang mga taong nadaraanan ko pero wala akong pakialam. Nang narating ang lugar ay agad akong pumasok sa isa sa mga cubicle. Naupo ako nang ilang segundo sa toilet bowl bago kusang kumawala ang mga luha ko. Bakit hindi na lang ako? Bakit si Janette pa? Ako ang matagal nang nasa tabi niya. Kararating lang ni Janette sa buhay niya. Napansin niya agad ang babaeng iyon pero ako, ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin niya napapansin! Matagal-tagal na rin nang huli kong tanungin ang sarili kung bakit hindi na lang ako ang mahal ni Iñaki. Bakit ba hindi na lang kasi ako? Mas kilala namin ang isa’t isa. Gusto ng mga magulang namin na kami ang magkatuluyan. Bakit hindi niya iyon makita? Sadya ba siyang manhid, o alam niya ang nararamdaman ko at pinipilit lamang niyang isantabi? The thought was killing me. Akala ko hindi na ako magiging makasarili pagdating sa kasiyahan niya kahit sa isip ko. But look at what I was doing . . . Nang sa wakas ay nahimasmasan ay lumabas na ako mula sa cubicle. I was taken aback when I saw Janette standing before me. She was misty-eyed. “Mahal mo nga siya,” she concluded with her rancid smile. Hindi ako nakaimik. Niyakap niya ako nang mahigpit. Nagulat ako. The next thing I knew, my eyes brimmed with tears . . . and they fell. “I-I’m sorry, Addy. I’m sorry,” she whispered repeatedly in my ear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD