Kabanata 9

1874 Words
HALOS ISANG ORAS lamang ang ibinuno namin sa himpapawid at agad naming narating ang provincial airport. Sinalubong kami ng ilang tauhan doon pagkababa namin sa eroplano at sinuotan ng mga kuwintas na bulaklak. Apat kaming kasama ngayon ni Janette. Ako, si Iñaki, si Irish, at si Luigi. Si Irish ay best friend ni Janette. Katulad ni Janette at Iñaki, Business Management din ang kinukuha nito at nasa ikaunang taon. Si Luigi naman ay barkada ng dalawang babae. Ang alam ko ay Civil Engineering ang kinukuha nito. I knew him by name and face. Isa ito sa mga pinagkakaguluhan sa university. Guwapo rin kasi ito at malakas ang dating katulad ng best friend ko. “Welcome to my province, guys!” nakangising sigaw ni Janette habang nakataas ang mga kamay. “This may not be as industrialized as Metro Manila but we also have unique places and stuff to be proud of here!” “Let’s see, then!” narinig kong turan ni Iñaki bago inakbayan ang nobya. I smiled bitterly. Naalala ko ang nangyari kahapon. Janette, crying while comforting me. Natatandaan ko pa kung ilang beses siyang nag-sorry sa akin. She was sorry for many things. Dahil nasasaktan ako nang dahil sa kanya. Dahil wala siyang magagawa para sa akin. Dahil siya ang dahilan ng paghihirap ko. Iyon lang naman ang magagawa niya para sa akin: ang ipakita kung paanong nalulungkot siya para sa akin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong magpasalamat? I didn’t want her pity. I didn’t need her sorry. Pinili kong masaktan para sa kanila. Hindi niya kailangang maawa sa akin dahil para naman ito sa kanilang dalawa ni Iñaki. I brought this to myself so I needed to face the consequences. Nahagip ng tingin ko si Luigi na matamang nakatitig sa akin. Napakunot-noo ako. Agad naman siyang napaiwas sa akin ng mga mata. Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. What was he thinking? “Nagugutom na kayo?” tanong sa amin ni Janette habang naglalakad. “Medyo. Ano? Pasa’n na tayo?” It was Irish. “Hay, grabe. Fresh air! Puwede bang magbaon ng hangin mula rito pauwi?” We laughed. Kumpara sa Metro Manila, malinis ang hangin dito. Berdeng-berde pa ang kabundukan. Marami ring nakatanim na puno sa paligid. Probinsyang-probinsya. Kumpara sa kinagisnan namin ay hindi ganoon kadami ang mga sasakyan dito. Mukhang hindi rito uso ang traffic. Malinis din ang kalsada. “Maghintay lang tayo. May van na susundo sa’tin dito,” ani Janette habang nakatutok sa cellphone niya. “Oh, nag-reply na. Papunta na raw sila.” Habang naghihintay ay may mga nakita akong ilang kabataan na mukhang abala sa enrolment dahil na rin sa mga dala nitong envelope at kung ano-ano pa. Napanguso ako. Malapit na ang start of classes dito samantalang patapos pa lamang kami. Inaya kami ni Janette mayamaya sa isang tindahan para bumili ng makakain habang naghihintay. Mabuti na lang dahil medyo gutom na rin ako. “Tama na ang titig, Luigi. Baka matunaw,” narinig kong bulong ni Irish malapit sa akin. I didn’t dare look at them. Malakas ang hinala ko na ako ang tinititigan ni Luigi. Ilang beses ko na siyang nahuling nakatitig at pasulyap-sulyap sa akin kahit noong nasa himpapawid pa lamang kami. This was making me uncomfortable. Ano bang kailangan niya? Mayamaya pa ay may tumigil na isang puting van sa amin. Agad naman lumabas ang isang lalaki at tinulungan kaming ipasok ang mga bagahe namin sa loob. Si Janette naman ay nakikipagtawanan na kasama ang driver. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil dialekto yata nila ang ginagamit nila. “You talk like some aliens,” Iñaki reacted with his one eyebrow raised. Tumawa lamang si Janette at ang lalaki. Napailing-iling na lamang ako saka pumasok sa loob. May ilang tao nang nakasakay doon. Ramdam na ramdam ko ang titig ng mga ito sa akin kaya nang nakaupo malapit sa bintana ay nag-slouch ako at isinuot ang shades. Ilang segundo pa ay pumasok na rin sina Irish at Luigi. Naupo sa tabi ko si Luigi at sa tabi naman niya ay si Irish na busy sa cell phone. Huling pumasok sina Iñaki at Janette. Nagtatawanan pa ang mga ito hanggang sa naupo sa unahan namin. Iniwas ko ang mga mata sa kanila at binalingan ang bintana. “May pagka-Tagalog din ang salita namin kaya madaling maintindihan. ‘Tsaka alam mo, marami pang diakleto dito sa’min,” narinig kong wika ni Janette. “I see. Teka nga. Eh di anong ibig sabihin no’ng lagi mong sinasabi sa’kin?” “Ha? ‘Yong ano?” “I forgot. Ano na nga ba ‘yon?” Hindi umimik si Janette. Nakita kong inilapit ni Janette ang bibig sa tainga ni Iñaki at may ibinulong. Then, the latter smiled widely and pinched her cheeks. Dapat pala talaga hindi na lang ako sumama. “Nakaharap sa Pacific Ocean ‘tong probinsy kaya ‘pag may nabubuong bagyo ay madalas ito ang tinatamaan.” Napalingon ako sa katabi ko. “Dahil nga nasa harap lamang nito ang Pacific Ocean, malakas ang hangin dito. May ilang dagat dito na perfect for surfing dahil ang matataas ang alon.” Sinulyapan ko si Irish at baka ito ang kausap niya. Naka-headset ito at nakapikit. So he was talking to me. “Have you been here? Para kasing ang dami mong alam sa lugar na ‘to,” mahinang tanong ko. He smiled. “My grandmother stayed here. Tagarito siya bago siya napunta sa Maynila. Minsan, sinasama niya ‘ko t’wing bakasyon dito. We stay at Bagamanoc. Medyo malayo rito at sa lugar nina Janette.” Napatango-tango ako. Luigi actually talked to me! Kapag nalaman ito nina Carmela at Michelle, paniguradong kikiligin ang mga iyon. As I had said, Luigi was one of the hottest and most admired persons in the university. Guwapo talaga siya. If I were not just madly inlove with Iñaki, I thought I would like him. “Friends mo pala sina Irish at Janette.” Sinulyapan niya ako bago sumandal sa inuupuan niya. “Unfortunately, yeah. Naging friends ko sila dahil sa isang party. That was second week after the start of classes last semester.” Tumango-tango na lamang ako. He was intimidating. Malaki siyang tao. Kung tutuusin, mas matangkad siya nang ilang pulgada kay Iñaki. Katamtaman ang kaputian nito at maganda ang pangangatawan. He reminded me of a Korean actor. I heard him chuckle. Namula naman ang mga pisngi ko. Did he find me checking him out? Oh, God. This was embarrassing. “Alam ko iniisip mo,” he teased. “Na kahawig ko ‘yong bida sa sikat na Korean drama ngayon. I get that a lot.” Napataas naman nang kaunti ang kilay ko. Sabagay, totoo naman. Hawig nga niya. “By the way, we haven’t introduced ourselves properly. I’m Luigi. Luigi Aries Sy. Call me Luigi or Aries. Your choice.” Inilahad niya ang kamay sa akin. Nag-aalangang tinanggap ko iyon. “A-Anaddy Mouera. Just call me ‘Addy’.” Tumango-tango siya at ngumiti. “Addy . . . I like your name.” I smiled genuinely this time. “Salamat.” I never thought of Luigi being funny. May kadaldalan siya. Mahilig tumawa at palabiro. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya. Halos dalawang oras din ang lumipas bago namin narating ang barrio nina Janette. Katulad ng tipikal na pista ay puno ng mga banderitas ang gilid ng kalsada. Malinis ang kapaligiran at abala ang mga tao. Bigla akong na-excite. Tumigil ang aming sasakyan sa isang Spanish-inspired house. Dalawang palapag iyon at gawa sa kahoy. Sa paligid noon ay sari-saring halaman at puno. Nakita kong lumabas mula sa pinto ang isang ginang kasama ang dalawang maliliit na bata. Naunang lumabas mula sa van si Janette. Nagmano siya sa ginang at niyakap naman ang dalawang bata. “Guys, siya si Medina Ocampo. She’s my mother,” pakilala ni Janette sa ginang. “Ma, sila naman ang mga kaibigan ko. Si Irish, Luigi, Addy at si ano, si Iñaki. Boyfriend ko.” Agad naman kaming nagmano. Kamukhang-kamukha ni Janette si Aling Meding, ang tawag ng mga tagarito rito. Maamo ang mukha at singkit ang mga mata, tama at sapat ang tangos ng ilong, at maganda ang labi. The aura inside the house was very festive. Simple lang ang bahay. May sala set at isang TV, gawa sa kahoy ang sahig sa taas, at may mga kurtina ang bawat pinto sa itaas at pati na rin sa ibaba. Malinis din ang lugar at maliwanag. Ipinakilala kami sa mga taong naroon. Nakilala ko si Mang Isko, ang tatay ni Janette. Mukhang mabait ito at hindi palakibo. Nakilala rin namin ang mga kapatid ni Janette na sina Lily, Rhea, at Peter. Si Lily ay nasa ikalimang baitang na sa elementarya at si Peter naman ay nasa highschool na. Maiitsura ito. Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata ni Irish nang ipakilala ni Janette si Peter sa amin. He was good-looking, really. Si Rhea naman, ang pinakamatanda ay may anak na at asawa. Ang mga anak nito ang kasama ni Aling Meding sa pagsalubong sa amin kanina. Ipinakilala rin kami ni Janette sa lolo at lola niya. Pati na rin sa mga tito at tita niya na nagkataong naroon din. May mga nakilala rin akong mga pinsan niya. Karamihan sa mga pinsan niya ay umuwi lang din dito para sa pista. “Doesn’t she own a great family?” bulong sa akin ni Iñaki habang nakatingin sa mga kamag-anak ng nobya niya. Napatango-tango ako. “You’re right.” Napabuntong-hininga naman siya sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. “Kinakabahan ako. Gusto akong makausap ng mga magulang ni Janette.” “Oh, tapos? Para ka namang kakainin kung makaasta ka. ‘Wag kang kabahan. Halata namang gusto ka nila para sa kanya, eh.” He smiled. “You think so?” Tumango-tango ako. Kinurot ni Iñaki ang kaliwang pisngi ko saka lumapit sa nobya. I inhaled deeply. Hindi pa rin ako masanay-sanay sa sakit. Balak ko sanang lumabas para magpahangin nang bigla akong natigilan. Oh, my God. Huwag naman sana ngayon! “Addy, may problema ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Luigi nang nakita akong nakahawak sa puson. I bit my lower lip. “I-I’m okay. Punta muna ako ng banyo.” Bago pa man ako makapagtanong kung nasaan ang banyo, nahagip ng mga mata ko si Irish. Nakita kong masama ang tinging ipinupukol niya sa akin. Alam kong ayaw niya sa akin. Ramdam ko iyon. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Ewan. Bahala siya. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Tinanong ko ang isa sa mga tita ni Janette kung nasaan ang banyo. Sinabi naman agad nito. Bago ko siya iwan ay binilinan niya akong magmadali dahil kakain na raw. I just nodded and gave the woman a smile. Nang nakarating sa banyo ay agad kong kinumpirma ang hinala ko. And, yes. It was this day. I bit my lower lip hard in annoyance. Bakit ngayon pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD