Kabanata 10

2241 Words
HAPON NA NOON. Mag-aalas seis na nga. Kanina pa ako narito sa kuwartong ito. Hindi na ako lumabas-labas magmula noong pananghalian. Nag-aalala sa akin si Luigi at panay ang tanong sa akin kung ayos lang daw ba ako. Palagi ko namang sinasagot na ayos lang ako kahit hindi. Panaka-naka rin ang pagtatanong sa akin ni Janette. Hindi naman ako nagsabi ng kung ano tungkol sa nararamdaman ko dahil ayokong makaabala. Abala na kasi ang lahat sa bahay. Pati si Iñaki ay abala rin dahil tumutulong na sa ibaba. I was suffering from dysmenorrhea. Palagi naman iyon nangyayari sa akin tuwing malapit na akong magkaroon o tuwing first day ko. It was unbearable. Hindi ako makakilos nang maayos. Nakahiga lang ako ngayon sa kuwarto. Nakakainis. Kung kailan wala ako sa bahay ay saka naman ito nangyari. Nahihiya na nga ako dahil ang mga kasama ko ay nakikipagbayanihan samantalang ako ay narito at nakahilata sa kama. Alam kong pinag-iisipan na naman ako nang masama ni Irish. Nang pumasok siya kanina sa kwarto kasama si Luigi ay  pinaringgan niya ako. Alam kong ako iyon. Kailangan daw makisama ang mayayaman hindi iyong kikilos pa na parang prinsesa sa ibang bahay. Wala akong ibang nagawa kundi ang manahimik at ignorahin siya. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-text kay Brett nang biglang tumawag sa akin si Carmela. Agad ko iyong sinagot. Kinabahan ako bigla. Kuripot siya sa load lalo na sa pang-call! “A-Addy, ang sakit-sakit. Addy . . .” bungad niya sa akin nang sagutin ko ang tawag niya. She was crying. Napahigpit ang hawak ko sa cell phone. “Ano ‘yon, Car? Bakit ka umiiyak? May problema ba?” Hindi siya agad sumagot. Rinig na rinig ko ang mga hikbi niya. Napakagat-labi ako. Ano kaya ang problema niya? “Jennifer found it out,” sagot niya sa pagitan ng mga hikbi. Napakunot-noo ako. “H-ha? Jennifer? Si . . . si Jennifer, ‘yong p-pinsan mo? A-anong nangyari, Car?” Kahit hirap na hirap ay ikinuwento niya ang nangyari. Wala akong ibang naramdaman kundi awa para sa kanya. How I wished I was there to comfort her. Carmela kept her ex-boyfriend’s loveletters to her when he was courting her. Marami-rami iyon. Nakatago ang mga iyon sa kanyang kwarto. And those letters were seen by Jennifer, her cousin and the new girlfriend of his ex. Hindi alam ni Jennifer na ex-boyfriend niya si Rex. Rex cheated on her and Jennifer was the reason. Jennifer knew Rex had a girlfriend that time but that fact didn’t stop her from flirting Rex. Wala siyang kaalam-alam na ang inagawan niya ng boyfriend ay ang pinsan niya. Malapit silang magpinsan. Nakatira si Jennifer sa bahay nila. She was from Davao City. When she graduated from high school, pinili ng mga magulang niya na rito na siya sa lungsod mag-aral at makituloy nga sa kamag-anak nila—kina Carmela. Rex asked Carmela not to tell anything to her cousin. Wala rin kasi itong ideya na pinsan niya ang bagong girlfriend nito. He was the dumbest ass I ever knew. “At alam mo ba ang sinabi niya sa’kin?” Carmela continued while sobbing. “Kaya raw pala panay ang dikit ko sa boyfriend niya, because I want him back! Siya pa ang galit, Addy! Siya ‘tong nang-ahas, siya pa ang may ganang magalit sa’kin! Yes! I want Rex back! Dahil sa una palang, akin ‘yong lalaking ‘yon, Addy! Sinulot niya lang!” Awang-awa ako sa kanya. Pero ano ba ang iba ko pang puwedeng gawin para gumaan ang pakiramdam niya liban sa pakikinig ko? Wala. Naisip kong tawagan si Michelle pagkatapos ng pag-uusap namin pero bigla ring nagbago ang isip ko nang naalala ang ugali nito. She wouldn’t comfort Carmela. Sisermunan at sisermunan lang niya ang kawawa naming kaibigan. Lalo niyang ipamumukha ang pagkakamali ni Carmela. At iyon ang kahuli-hulihang kailangan niya ngayon. I didn’t like what Rex did to her. At mas lalong ayokong gusto niyang agawin ito pabalik sa kanya. I understood her feelings but that was just that. I would never tolerate cheating whatever situation it was. Gusto ko siyang pagsabihan. But as I had said, iyon ang kahuli-hulihang kailangan niya ngayon. Wala siyang kakampi. “Car, maging malakas ka, okay? Don’t worry. Pagdating ko, usap tayo. Kaya mo ‘yan, ‘di ba? It’s not the end of the world. Marami pang lalaki d’yan.” Ang lakas ng loob kong magsabing marami pang lalaki na puwedeng pagtuunan niya ng pansin. Ako nga, hanggang ngayon ay stuck pa rin kay Iñaki. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkapahiya. Ang galing kong magpayo, hindi ko naman ina-apply sa sarili. Ilang minuto pa ang lumipas bago ibinaba ni Carmela ang tawag. Napabuntong-hininga ko. I felt sad for her. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala niya ngayon. Been there, done that. Parehas kami. Parehas kaming mali – parehas na maling tao ang minahal. Hawak-hawak ko ang puson ko habang hinahagilap ang mga tsinelas nang biglang bumukas ang pinto. It was Luigi. He smiled at me and I did the same. “How are you feeling? Okay ka na ba?” tanong niya habang palapit. Isinuot ko muna ang mga tsinelas bago siya sinagot. “O-oo naman. I’m okay.” Tinitigan niya ako nang mataman bago nagsalita. “You’re lying. Bakit ka ba nagsisinungaling? Ayos lang naman kung sasabihin mong ‘di ka okay, eh. Kita mo, oh. Namumutla ka na!” Napangiwi ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone at ginawa iyong salamin. Oo nga. Namumutla ako. Dati na akong maputla pero kapansin-pansin ngayon na may dinaramdam ako. Tuyo ang ang labi ko na unti-unting nagkakaroon ng mga bitak. “Oh, ano? Sa tingin mo okay ka pa sa lagay na ‘yan?” Luigi inquired in an annoying tone. “Ano bang masakit sa’yo?” But I was determined to keep my burden hidden. “Wala nga, Luigi. ‘Wag mo na ‘kong pansinin. Noon pa ‘ko maputla. Natural na ‘yan.” “Sigurado ka, ah?” “O-oo naman. Ba’t naman hindi?” Ngumuso siya. “Pasensya ka na pala kanina kay Irish, ah? Gano’n talaga ‘yon minsan. Moody. Pero ‘wag kang mag-alala. Mabait naman ‘yon, eh. Masama lang talaga ang timpla kanina.” Tumango ako. I didn’t think it that way. Alam kong ayaw talaga sa akin ni Irish. Hindi ko alam kung bakit at wala naman akong magagawa tungkol doon. “Tara na sa baba. Kakain na tayo,” aya niya sa akin. Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit kong magmukhang maayos. Nang bumaba kami ay marami-rami na ang tao. Napansin ko ang isang videoke sa sala na binubuhat ng ilang kalalakihan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Nakakatuwa ang mga tao. Halatang masasaya! Nang narating namin ang kusina ay agad akong kinawayan nina Janette at Iñaki. Nakaupo na sila at handa nang kumain. Mukhang kami na lamang ni Luigi ang hinihintay. “Princess, dito ka!” tawag sa akin ni Iñaki habang itinuturo ang upuan sa kanan niya. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Irish. Sinulyapan niya si Janette na ngayon ay nakangiti lamang sa akin. Nasa kaliwa naman ni Iñaki ang nobya. Bigla akong napalunok. Napansin ko ring napatingin sa akin sina Peter at Rhea na naglalagay ng mga pagkain sa mesa. Baka nag-iisip ang mga ito nang hindi maganda. “Sabi sa’kin ni Luigi masama ang pakiramdam mo. May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Iñaki nang naupo ako sa tabi niya. Umiling-iling ako. “W-wala naman.” Tumango-tango siya. “Kumain ka nang marami para magkalaman-laman ka kahit kaunti. Oh, heto. Gulay.” Hiyang-hiya ako habang nilalagyan niya ng mga pagkain ang aking plato. Naroon na rin kasi ang mga magulang, kapatid, at lolo’t lola ni Janette. Gusto ko na lang maupos na parang kandila sa kahihiyan. “Magkababata pala kayo ni Iñaki, hija?” nakangiting tanong sa akin ni Aling Meding. Nahihiyang tumango-tango ako. “Opo. Magkaibigan po kasi ang parents namin at magkapit-bahay kami kaya lumaki kaming magkasama.” “Naku, Ma! Alam niyo bang running for c*m laude ‘tong si Addy? Matalino ‘yan! Dean’s lister din ‘tong si Iñaki. Parehas silang matalino,” pagbibida sa amin ni Janette. Mas lalo akong nahiya. The dinner was filled with stories and laughter. Masayang kasama ang pamilya ni Janette. Wala akong maipipintas sa kanila. Hindi man sila mayaman sa materyal na bagay pero mayaman naman sila sa pagmamahal sa isa’t isa. Nang natapos ang dinner ay nag-volunteer akong maghugas. Aling Meding declined, though. Mas mabuti raw na i-enjoy ko ang pista rito at bisita niya ako. Siya na lamang daw ang maghuhugas. “Darating ‘yong mga pinsan ko ngayon, Addy. Magkakantahan tayo!” excited na balita sa akin ni Janette. Janette was such a sweet girl. Mapagmahal siyang anak at kapatid. Alam kong mahal na mahal din niya si Iñaki. Sa pagkakaalam ko ay hindi siya masyadong vocal sa damdamin niya pagdating sa best friend ko. But as they say, actions are better than words. Sa tuwing naiisip ko na, paano kung ipaglaban ko ang nararamdaman ko para kay Iñaki? Paano kung maging makasarili ako at agawin sa kanya ang best friend ko? Ano kaya ang mangyayari? Mabait si Janette. Kahit kailan ay hindi niya ako pinakitaan ng masamang ugali. Hindi siya plastik na tao. Alam na alam ko iyon. Kung maging makasarili ako, magpaparaya ba siya o ipaglalaban din niya ang pag-ibig sa matalik kong kaibigan? Hindi ko alam. Pero ang sabi nga, huwag na huwag abusuhin ang kabaitan ng isang tao dahil oras na masagad ito, asahan ang pinakamalalang pangyayari. Mayamaya nga ay nagsidatingan na ang mga pinsan ni Janette. Nakipag-mingle naman agad sila sa mga ito. Si Luigi ay tahimik lamang na nakamasid sa kanila habang nakaupo kasama si Iñaki. “Guys, mga pinsan ko,” nakangiting pakilala ni Janette. “Si Charles, Jenny, Gerald, Gether, Franco and . . . ito naman si Jared, neighbor namin na bagong dating from Australia.” Nakipagkamay kami sa kanila. Napansin ko agad iyong huling ipinakilala sa amin ni Janette. Si Jared. Guwapo ito. Kapansin-pansin ang mga kilay nitong mas mahaba sa pangkaraniwan. Mamula-mula ang balat nito at medyo malago ang balahibo sa mga braso. He got a pointed nose. His chinky, fierce-looking eyes were captivating and beautiful. Papuso rin ang labi nitong mamula-mula. Pahaba ang makinis na mukha nito at makapal ang itim na itim na buhok. For the first time again in my life, a guy captured my attention. Guwapo talaga ito, mga kapantayan na ng kategorya ng gandang-lalaki ni Iñaki. He was emitting this foreign aura around him. “Hala, may natulala,” Janette teased before I heard a laughter breaking. Nag-init ang mukha ko. Natulala pala ako kay Jared nang hindi ko namamalayan. Nakakahiya! Pero sino ba naman kasi ang hindi matutulala? He was really handsome and manly! “Taga-Australia ‘yan. Kararating lang nila kahapon. Taga-kabilang kalsada sila at barkada ‘yan ni Gether,” Janette informed us about Jared who was now busy talking to Gether outside the house. “Crush mo siya, Ate Addy?” inosenteng tanong sa akin ni Lily na ikinatawa ng mga kasama ko. Mas lalo akong nahiya dahil sa panunukso nila. Ano na lang ang iisipin ni Jared sa akin? Mukha pa namang suplado at seryoso. Ni hindi nga ako tinatapunan ng tingin mula pa kanina. “Addy, you think, ‘pag nanligaw sa’yo ang Jared na ‘yon, papayag ka?” nakangiting tanong sa akin ni Iñaki. Bigla akong natauhan mula sa pagkakalunod sa kaguwapuhan ni Jared. Bakit parang may mali? Iñaki was smiling at me genuinely. Noon ay ayaw na ayaw niyang may tinutukso sa aking lalaki. Pero ngayon, bakit parang iba? “Ewan,” sagot ko. Tinapik ako ni Janette. “Naku, Addy. Kapag nanligaw ‘yan sa’yo, ‘wag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Catch ‘yan, Addy!” “Teka lang. B-bakit parang pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo ako?” Tumingin muna si Iñaki kay Janette bago ako binalingang muli. Nakangiti siya. And the next thing he said broke my already bruised heart. “Well, you’re turning eighteen next week. And I think, we think, Jared could pass to be your first boyfriend.” Napanganga ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? They were pairing me up with this guy I barely knew? Bakit kailangan pa niyang gawin ang bagay na ito? Bakit kailangan pa niya akong ipamigay? Tears started to form in my eyes. I was hurting, damn hurting! Pinilit kong tumayo. “S-sa kuwarto muna ‘ko.” Tinawag pa ako ni Iñaki pero hindi ako lumingon. Paakyat pa lamang ako ay tumulo na ang mga luhang pinipilit kong ikubli sa lahat. Bakit ang sama-sama niya? Bakit kailangan pa niyang gawin ito sa akin? Ang sakit-sakit pala kapag ipinamimigay ka ng taong mahal na mahal mo sa iba. Jared was an interesting guy. He was too gorgeous to be true. But not too interesting to make my knees wobble or make my heart pound like crazy like how Iñaki was doing to me. I couldn’t believe him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD