Kabanata 4

2376 Words
“DUMATING NA ‘YONG GOWN GALING FRANCE, HIJA. Tumawag na sa’kin si Tita Liz mo. Daanan mo raw sa boutique niya,” Mommy informed me as we ate breakfast. Tumango-tango ako. “Opo.” Ibinaba ko ang hawak kong mga kubyertos. “Mom, Dad, baka ‘di po ‘ko rito mag-lunch mamaya. Doon kami sa bahay nina Carmela magpa-practice. Siya na raw bahala sa pagkain namin.” Tumango-tango naman si Daddy. “Oh, sige. Ipapasundo ka na lang namin sa hapon. Mag-text ka.” Nakangiting tumango ako saka ipinagpatuloy ang pagkain. Bukas na ang performance namin sa minor subject kaya puspusan ang paghahanda namin ngayon. Wala kaming pasok kaya buong araw ang rehearsal sa bahay nina Carmela. “Ilang araw mo nang ‘di kinakausap si Iñaki,” basag ni Daddy sa katahimikan. “May pinag-awayan na naman ba kayo, Addy? Pabalik-balik iyon dito pero lagi kang nagdadahilan na busy ka. That poor kid.” Natigil ako sa pagkain. Unti-unting bumalik sa akin ang nangyari at napag-usapan namin ni Iñaki noong Linggo. That marriage proposal that I had been bawling my eyes out for . . . I cleared my throat. “I-I’m busy, Dad. Alam niya naman ‘yon.” Bumuntong-hininga si Mommy. “The boy seems down. Hanggang kailan mo na naman ba titiisin ‘yon? Ano ka ba! Para ka namang bata kung umasta. Mag-usap na kayo, okay?” “Oo nga naman, Ate. Malungkot na malungkot na ‘ata ‘yon kasi ‘di mo kinakausap,” sabat ni Keiffer sa usapan. “Maawa ka naman.” Tumungo na lang ako saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi. Kailangan kong umiwas. Masyado nang masakit. Hindi ko na kakayanin. I might lose my cool and breakdown. Tama na ang halos labing-isang taong sakit na natamasa ko. Nakapagdesisyon na ako at hangga’t maaari ay paninindigan ko. Ito ang makakabuti sa lahat. Hindi man ngayon pero umaasa akong darating ang panahon na lilipas din ang nararamdaman ko para sa kanya. At kapag nangyari na iyon, magkakaroon na ako ng lakas ng loob na harapin sila ni Janette. Haharapin ko sila na walang bahid ng inggit at sakit. I would wait patiently for that day. “He’s your escort on your big day, hija. Fix what is needed to be fixed. Huwag niyo nang patagalin ‘yan,” dagdag pa ni Mommy. “Bakit nga ba ‘di kayo nagkakaintindihan na naman? Napapadalas na ‘yan. Ano bang problema niyong dalawa?” Umiling-iling ako. “W-wala po. May sinabi lang siyang ‘di ko nagustuhan.” Well, at least, that was true. Alam ko na noon pa na gusto ng mga magulang namin na kami ang magkatuluyan. Ramdam na ramdam ko iyon. Hindi ko lang alam kay Iñaki. Wala akong ideya kung hindi niya ramdam o ayaw lang niyang pansinin, o baka parehas. “Kung gano’n, hayaan mo siyang lumapit sa’yo. Maybe he’s sorry. Ikaw lang naman itong nagmamatigas. Let him explain.” Ayokong marinig ang salitang iyon. ‘Sorry’ had these various meanings for me when it was from him. Sorry for he couldn’t love me back, sorry for the pain he’d cause after my confession, sorry for making me fall for him, sorry for breaking my heart, sorry for everything. I hated that five-letter word. “I don’t want him to be sorry. I should be the one,” I retorted and stood up. Dumiretso ako sa kwarto at nag-lock. Hawak-hawak ko ang bibig habang nakasandal sa likuran ng pinto. Hanggang kailan ba ako iiyak nang dahil sa kanya? Ako ang dapat humingi ng paumanhin dahil hindi sinasadyang napaibig ako sa kanya. Alam kong kung sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman, pagsasakluban siya ng langit at lupa. He’d walk away from me, that was for sure. He’d drift away. “Seryoso? Sinabi niya ‘yon?” bulalas ni Carmela nang sabihin ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko pinapansin si Iñaki. “Oo, Car. Puwede ba pakihinaan ang boses mo? Baka may makarinig sa’yo, eh!” Narito kami ngayon sa bahay nila para i-rehearse nga ang sayaw na ipe-perform namin bukas. Kasalukuyan kaming nagbe-break kaya pumunta kaming dalawa sa garden nila at nagpapalipas ng oras. “Ipinaglihi ba sa anesthesia ‘yang best friend mo? Diyos ko! Sadista pala talaga ang lalaking ‘yan! Kahit ako, madudurog ako ‘pag sinabi sa pagmumukha ko na magpo-propose siya sa babaeng ‘di ako. Naku, naku!” nanggagalaiting litanya ni Carmela. I bit my lower lip. “Kaya nga napagdesisyunan kong iwasan na siya, eh. Ayoko nang masaktan pa. Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko.” Tinitigan ako ni Carmela. Her eyes were full of sympathy. I bowed my head and did everything to suppress my tears. I cried a lot already. Made-dehydrate na ako kapag umiyak na naman ako. “Addy, kaya mo ‘yan. Marami pang ibang lalaki riyan. Kaya natin ‘to. Huwag tayong sumuko sa buhay dahil lang sa kanila,” marahang sabi niya saka hinaplos-haplos ang buhok ko. “May iba Siyang purpose para sa’tin. Maghintay lang tayo. Alam ko may darating na mas maganda para sa’ting dalawa. And we’re still young. Marami pang mangyayari.” Pilit akong ngumiti saka nagpasalamat sa kanya. Paano na lang kaya kung wala akong ibang kaibigan na puwedeng pagsabihan? Ang hirap siguro noon lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Kailangan ko ng isang karamay na nakakaintindi sa akin. Mabuti na lang at may isang taong alam kong puwedeng-puwede kong sandalan. “Hoy, mga babae! Tara na! Ready na ang mga pagkain!” sigaw sa amin ni Michelle ilang metro ang layo mula sa amin. Kasama namin siya ngayon dahil nagkataong narito siya sa bahay nang dumating kami. She was always here so it wasn’t a surprise anymore. Nang nakarating kami sa sala ay naroon na nga ang mga kaklase namin at abala sa pagkain. Habang kumakain ay nanonood din sila. Agad naman kaming nakihalubilo. Kumuha ako ng biscuit saka tahimik na kumain. Maingay ang mga kaklase ko. Mukhang wala namang pakialam si Carmela sa kanila na busy sa chips at nanonood din. “Nanalo pala sina Iñaki sa semi-finals.” Napatingin ako kay Michelle na nasa tabi ko at nakatitig sa akin. “O-oo.” “Makakalaban pala nila sa finals ang team nina Salcedo.” “Oh, my God! Are you referring to Brett Josef Salcedo?” Nawala ang atensyon nila sa pinapanood at ngayon ay nakikiusyuso sa pinag-uusapan namin. “I see.” Nakangising tumango-tango si Michelle. “Hindi lang pala ako ang nahuhumaling sa lalaking ‘yon” Napangiwi ako. “Gusto mo siya?” “Of course! Sinong ‘di magkakagusto sa kanya? He’s hot! Ang galing pang mag-basketball!” “I agree!” tumatawang segunda ni Carmela saka nakipag-high five kay Michelle. “Sa tingin niyo sinong mananalo sa finals?” “Matinding kalaban sina Salcedo. Mahihirapan ang team natin.” “Yeah, yeah . . . I totally agree.” Hindi ko alam pero bigla akong nairita. “Don’t you trust our team? Magaling din ang kupunan natin at mahihirapan din ‘yan sina Salcedo.” All eyes on me. That was when I realized what stunt I just pulled. “We forgot we have her with us. The number one fan of our team.” Sinimulan nila akong tudyuin. Bigla ay gusto ko na lang maupos na parang kandila. “Umamin ka nga sa’min, Addy.” Napatingin ako kay Jarah, isa sa mga kagrupo at kaklase ko. “Wala ka ba talagang gusto kay Iñaki?” Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na nila akong tinanong niyan. But everytime they asked me, it never failed to leave me dumbfounded. “Ang tagal niyo nang magkaibigan. Kahit kailan ba ‘di ka nagkagusto sa kanya?” “H-hindi nga kasi,” kabadong sagot ko. “Bakit niyo ba pinagpipilitan? M-may girlfriend na ‘yong tao, eh.” “Kunsabagay.” Napatingin ako kay Michelle. “May mga tao talagang bini-best friend lang.” She looked at me. I saw mischief in her eyes. “Tama ba ‘ko, Addy?” Her words struck my heart. Baon na baon. Dahan-dahan akong tumango. Tama siya. May mga taong hanggang best friend lang. Isa ako sa mga iyon. “NAKU, HIJA! Tingnan mo nga naman at napakaganda sa’yo ng gown na ‘yan!” Tita Liz complimented while looking at me adoringly. Pilit naman akong ngumiti saka tinitigan ang sarili sa malaking salamin. I was wearing a beautiful pink satin gown. It was a hoopskirt — a tube gown with intricate designs on the hem of the skirt. It was sparkling because of the sequins and glitters. It was beautiful and elegant. I liked it. “Do you like it?” “Opo. Ang ganda . . .” “Kasingganda mo,” puri niyang muli sa akin na lalong nagpailang sa akin. “S-salamat po.” Nilingon niya ang mga babae sa tabi at sinabihan na tulungan na akong hubarin ang gown. May kahirapan kasi ang pagsusuot nito at alam kong ganundin ang paghuhubad. “I heard, ‘yong best friend mo ang escort mo sa debut.” Ngumisi si Tita Liz. “Are you two dating already?” Nag-init ang mga pisngi ko saka umiling-iling. “H-hindi po! Ano kasi, wala naman akong p’wedeng gawing escort kundi siya, eh. Kumbaga po, n-no choice.” “Gano’n ba? Sayang naman kung gano’n. Bagay pa naman kayo,” aniya saka sinimulang isilid ang gown sa malaking parihabang box. Bagay daw kami ni Iñaki. Napangiti ako nang mapakla. Pagkalipas nang isang minuto ay iniabot na sa akin ni Tita Liz ang box na may malapad na ngiti. “Ito na ang gown mo, hija! Mag-iingat ka pag-uwi, ah?” I smiled. “Salamat po, Tita.” Matapos makuha ang box ay kinuha ko na rin ang paper bag na ipinatong ko sa upuan. Laman noon ang gagamitin kong outfit bukas para sa performance. Nang nakalabas ay kinuha ko ang cell phone saka nag-text kay Daddy na magpapasundo na ako. Sa kalapit na mall ang sinabi kong lugar na pagsusunduan sa akin dahil balak kong mag-stroll muna at maaga pa naman. Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko. “Hi, Dad!” “Kumusta ‘yong gown, anak? Maganda ba?” “Yes, Dad. Nasa trabaho pa po ba kayo?” “Nasa bahay ako ng isang kaibigan, hija. Tinawagan ko na ang driver na sunduin ka na. Papunta na ‘yon d’yan. Huwag ka nang masyadong lumayo, okay? Para agad ka niyang makita.” “Opo, Dad.” “You take care. I love you.” I smiled. “I love you, too, Dad.” Hindi mapuknat ang ngiti ko kahit ibinaba ko na ang cell phone. Napakasuwerte ko nga pala. I had a loving father and mother. I had a brother who was always there for me. Nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko. Pero sabi nga, walang perpektong buhay. Merong almost perfect but never perfect. Nasa akin na sana ang lahat, liban sa puso ni Iñaki. Napailing-iling ako. Nandito ako sa mall para magliwaliw. Definitely not to indulge myself in misery. Dapat talaga ay kasama ko sina Carmela at Michelle. Pero dahil sa mga importanteng lakad daw nila ay nag-iisa ako ngayon. Maganda sana kung kasama ko sila habang nagtitingin-tingin dito. Dahil abala ako sa pagmamasid sa kapaligiran liban sa harapan ko ay bigla akong may nakabungguan. Nahulog ang mga dala ko at pati na rin ako. Biglang sumakit ang balakang ko dahil sa pagkakabagsak. “Ay, sorry, Miss! Pasensya na!” nagpa-panic na hinging-paumanhin ng lalaki. Napatingin ako rito. Naka-checkered polo siya na hanggang siko ang mga manggas na f-in-old at bukas ang mga butones. Sa loob noon ay ang puti nitong shirt. He was wearing a black fitted jeans with high-cut shoes. Nang napadako ang mga mata ko sa mukha niya, nanlaki ang mga mata ko. Tinulungan niya akong makatayo. Nagtama ang mga tingin namin. His eyes grew wide. Biglang nag-init ang mukha ko. “Are you Anaddy Mouera Fortalejo? ‘Yong best friend daw ni Iñaki Villaraza?” nakataas ang mga kilay na tanong niya sa akin. Best friend. Iyon nga talaga ang tingin sa akin ni Iñaki at ng karamihan. Napabuga ako ng hangin. “And you’re Brett Josef Salcedo, right?” balik ko sa kanya. Natigilan siya nang ilang segundo bago ngumisi. “I never thought you knew me.” Ngumuso ako saka pinulot ang mga dala ko. Agad naman niya akong sinaklolohan. Kilala ko ang lalaking ito. Isa siya sa mga taong pinakaayaw ni Iñaki. Brett Josef Salcedo, ang team captain ng basketball team ng kalabang university. Ang alam ko ay playboy siya at conceited. Mayabang din daw base sa mga naririnig ko. Kaedad siya ni Iñaki o baka mas matanda pa. Noon pa man ay kinaiinisan na siya ng best friend ko. Dahil sa impluwensya na rin ni Iñaki ay nagalit na rin ako sa kanya kahit hindi pa kami nagkakausap. Pero, teka . . . “Bakit mo ako kilala?” tanong ko. Ngumisi siya. “Are you kidding me? Sikat ka kaya. Sa ganda mo ba namang ‘yan, bakit ‘di ka makikilala?” Nag-init muli ang mga pisngi ko. Totoo ngang playboy siya. Napakalandi. Humigpit ang hawak ko sa mga dala. Gusto ko nang tumakbo! “Ang bobo talaga ni Villaraza. Bakit best friend ka lang niya? Bulag ba siya? Grabe! Sa ganda mong ‘yan, aba! Kung ‘di lang takot ang mga schoolmate ko sa best friend mong ‘yan, niligawan ka na sana!” “S-sorry pero—” Natigil ako sa pagsasalita nang may humila sa kamay ko. Nahagip ng mga mata ko ang kabuuan ni Janette sa tabi. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kung sino ang may hawak sa akin ngayon. “Hitting on my best friend, Salcedo?” Iñaki inquired while gritting his teeth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD