Maagang nagising si Alex ng araw na iyon. Kaya naman matapos gawin ang mga ritwal niya sa umaga ay nagtungo na siya kaagad sa kusina. Naghanap siya ng pwedeng maluto. Naging agaw pansin sa kanya ang luya, na sa tingin niya ay ilang araw na lang mag-aagaw buhay na. Kaya naman naisipan niyang talupan para makapagluto naman siya ng lugaw. Nakakita din siya ng itlog naman naman inilaga na rin niya ito, para sa kanila ng kanyang boss.
Alas sais y media na rin naman kaya pinuntahan niya si Leopard sa kwarto, para gisingin na ito. Naka ilang katok na rin naman siya pero hindi pa rin ito sumasagot. Hindi naman nakalock ang pintuan kaya pinihit nila ang seladura para mabuksan ang pintuan.
Napailing na lang si Alex ng makitang tulog na tulog pa rin ang boss niya. "Mahinang nilalang talaga. Isang basong wine lang at bigla lang niyang nainom. Daig pang nakainom ng isang boteng wine ah." Natatawang wika ni Alex, habang nilalapitan ang natutulog niyang boss.
Tinapik naman ni Alex ang braso ni Leopard, para magising ito. "Boss gising na. Para makakain ka. Nakapagluto na ako. Para naman, mawala ang hang-over mo." Wika pa niya dito, ng akmang tatalikod na si Alex ng biglang hawakan ni Leopard ang braso niya kaya naman nawalan siya ng balanse. Huli na ng mapagtanto ni Alex na nasa ibabaw na niya si Leopard, at titig na titig ito sa kanya.
Nawalan naman ng sasabihin si Alex. Dahil parang napapaso siya sa mga titig ng boss niya. "B-boss." Nauutal pang wika ni Alex, pero hindi pa rin inaalis ni Leopard ang titig sa kanya. Hindi din maipaliwanag ni Alex kung bakit, parang naaakit siya sa pagtitig nito. Nais mang itulak ni Alex ang boss niya ay hindi niya magawa dahil ang mga kamay niya ay hawak nito. Naiipit naman ni Leopard ang dalawang hita ni Alex kaya hindi rin nito maigalaw ang mga paa.
"B-boss!" Nauutal na sigaw ni Alex na parang bigla namang natauhan si Leopard sa malakas niyang sigaw. Napansin naman ang pagkunot ng noo ng boss niya na labis niyang ipinagtaka.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandyan sa ila----." Hindi natapos ni Leopard ang sasabihin ng biglang na lang siyang tumayo. Napansin kasi niyang hindi maganda ang pwesto nila. Na kung makikita ng iba ay talagang napaka awkward ng pwesto nilang dalawa ni Alex.
"Bakit ganoon ang pwesto natin?" Takang tanong ni Leopard na ipinagtaka din namang lalo ni Alex.
Eh? Bakit ako ang tatanungin niya? Ay sya itong bigla na lang akong hinila at ikinulong sa ilalim n'ya. Tapos kung makatanong parang kasalanan ko pa ah. Tss. Saad ni Alex sa isipan, habang nakatingin sa boss niya.
"Aba ay malay ko? Ginigising lang kita boss kasi kakain na, dahil nakaluto na ako. Tapos ako naman ay taka din sayo. At bigla mo na lang akong hinigit, ng paalis na ako sa tabi mo. Kaya napunta ako sa ilalim mo. Higit sa lahat nakahawak ka sa pupulsuhan ko. Kaya paano kita matutulak. Wag mong sabihing hindi mo iyon alam? Ano ka? Nananaginip ng mulat ang mata?" Paliwanag ni Alex sabay iling ni Leopard.
"Hindi ko talaga alam. So nananaginip nga lang ako? Tanong pa ni Leopard.
"Aba ay malay ko. Napasok ko ba iyang isipan mo at sa akin mo pa itinanong?" Wika ni Alex kaya naman napailing na lang si Leopard, bago siya tuluyang nagsalita muli.
"May humampas kasi sa akin, sa braso. Sa inis ko, hinigit ko. Tapos kinubabawan. Tinitigan kong mabuti iyong humampas sa akin. Kaso nagtataka ako bakit ikaw ang nakikita ko." Paliwanag ni Leopard kaya naman napailing na lang si Alex.
"Kaya pala ang lalim ng pagkakatitig mo, boss. Mabuti na lang at hindi mo inuna ang manuntok. Kasi baka makapanapak din ako ng boss. Kumilos ka na dyan at kakain na. Naghalo na ang panaginip mo at tunay na buhay. Gutom lang yan. Bilisan mo na at baka lumamig pa iyong lugaw." Wika ni Alex kaya napatango na lang si Leopard.
"Boss nga pala, pakitiklop na rin ng kumot mo at pakiayos ng higaan. Kasi kung ako aasahan mo mamaya ko na iyan magagawa. Sinayang mo iyong ilang minuto ko sa paggising sayo eh." Paliwanag ni Alex bago naglakad patungong pintuan.
"Okay." Sagot lang ni Leopard at mabilis na inayos ang sariling kama at tiniklop ang kumot. Narinig naman niya ang paglapat ng pinto. Napatingin pa siya doon sa may pintuan. Matapos ayusin ang higaan.
Pagdating ng banyo, ay naghilamos naman kaagad si Leopard at nagtoothbrush. Lalabas na sana niya ng mapagtanto ang ginawa, kani-kanina lang. "What the fvck! Bakit ako ang inutusan n'ya ay kaya ko nga siya kinuhang katulong. Haist! Pasaway na babae iyon ha!" Reklamo na lang ni Leopard sa sarili dahil wala na rin naman siyang magagawa at naayos na niya ang dapat ayusin.
Lumabas na rin siya ng kwarto niya at nagtungo ng kusina. Nakita niyang nakatalikod si Alex, at may kausap sa cellphone nito.
"Opo. Ay kumusta po ang dalawang pasaway? Mabuti naman po kung ganoon. Ang itay po?" Tumigil ng pagsasalita si Alex, malamang ay nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
"Mabuti po kung ganoon. Kaya nga po nagsisikap ako. Dahil para po iyon sa inyo. Hayaan po muna ninyo na matulog ang itay maaga pa naman po eh. Opo. I love you nay, pasabi na rin po sa itay, pati na rin po sa dalawang pasaway. Baba ko na po ito, opo kakain po ako ng maayos. Salamat po." Pinutol na ni Alex ang tawag. Sakto namang ilalagay ni Alex ang cellphone sa bulsa ng tumikhim si Leopard sa may likuran niya.
"Kanina ka pa boss?" Gulat na tanong niya dito.
"Nope kapapasok ko lang bakit?" Pagtanggi ni Leopard na kahit sa totoo ay narinig niya kung gaano kalambing ni Alex sa pamilya nito. Ramdam niya ang pagmamahal ng pamilya nito at ganoon din ito sa pamilya nito. Kaya naman napatawa na lang siya sa kanyang isipan sa ipinapakitang pananagot nito minsan. Higit sa lahat ang pagiging pasaway.
"Ganoon ba? Boss kain na. Ng mawala hang-over mo sa isang baso ng red wine na hindi masarap ang lasa. Kaya lugaw ang niluto ko." Saad ni Alex kaya naman naupo na si Leopard at sumubo ng lugaw.
Susubo na rin sana si Alex ng maalala ang nilagang itlog na nabalatan na rin niya. Naiwan lang niya sa kitchen ng tumawag ang inay niya.
Mabilis namang nakabalik si Alex, sa dining habang hawak ang mangkok na may lamang nilagang itlog. "Boss ito nga pala. Binalatan ko na rin itong itlog mo." Wika ni Alex ng biglang masamid si Leopard sa narinig. Dali-dali namang ibinaba ni Alex ang mangkok na naglalaman ng nabalatan ng itlog at mabilis na iniabot kay Leopard ang isang basong tubig.
"Boss ayos ka lang? Napaka masamidin mo ngayon. Para kang baby." Wika pa ni Alex ng medyo humupa na ang pagkakasamid nito. Tumayo si Alex at inilapit kay Leopard ang nilabong itlog.
"Boss oh kain ka na. Lagay mo yan sa lugaw para mas masarap ang pagkain mo." Wika ni Alex kaya naman inabot ni Leopard at kumuha ng isa.
"Bakit ang dami mo namang inilagang itlog?" Tanong ni Leopard.
"Luh. Apat nga lang yan para tig dalawa tayo. Kunin mo na rin ang isa, pa. Mas masarap pag madaming nakalagay sa lugaw." Ani Alex na ikinailing na lang ni Leopard.
"Okay na ako sa isa sayo na lang iyang lahat. Para naman tumaba ka. Parang hindi ka na kumakain eh." Wika ni Leopard dito.
"Boss sure kang akin na lang itong itlog mo?" Wala sa sariling tanong ni Alex, kaya naman napatigil si Leopard sa pagsubo ng lugaw na may itlog. Pinagmasdan pa niya si Alex kung nagbibiro ito o kaya naman ay nananadya. Pero wala talaga sa itsura nito. Talagang nagtanong lang ito. Napailing na lang si Leopard sa sarili.
"Oo na lang Alex. Mababaliw yata ako sayo pag ikaw ang kasama ko." Wika ni Leopard na naging pabulong ang huli kaya hindi na narinig ni Alex.
"Boss thank you sa itlog mo. Makakatatlo tuloy ako." Masayang wika ni Alex tapos ay sabay-sabay na inilagay sa mangkong nito ng lugaw ang tatlong itlog.
Natawa na lang si Leopard kay Alex. Hanggang kailan kaya ako makakatagal sa mga kalokohan mo Alexa. Nagkamali yata akong pati katulong kinuha kita. Gayong sekretarya na kita. Wala ka naman talagang sinasabi na masama. Pero minsan, nag-iiba ang dating sa akin ng sinasabi mo. Hay. Naiiling na wika ni Leopard sa sarili habang pinagmamasdan si Alex na masayang kumakain.
Matapos nilang kumain ay gumayak na rin sila patungong opisina. Madami na ring i-encode si Alex na galing sa iba't ibang branch. Kailangang maitally iyong lahat ni Alex, bago ipasa kay Leopard.
Pagdating nila ng opisina ay mabilis namang, ipinagtimpla ni Alex ng kape si Leopard. Nabusog na daw kasi ito sa lugaw na inihanda niya, kaya ngayong pagkarating na lang ng opisina niya ipagtitimpla ng kape. Matapos namang mailagay sa table ni Leopard ang kape ay nagpaalam na rin siya dito, para naman maiprint out ang lahat ng data na galing sa iba't ibang branch ng hardware para mae-encode na niya.
Inayos lang muna ni Alex ang, mga dapat niyang iprit, para sabay-sabay na. Matapos ay nagtungo na siya sa may printer para kuhanin ang lahat ng naiprint niya. Nakaupo lang si Alex at pinag-aaralan ang lahat ng ini-encode niya. Mahirap ng magkamali. Busy lang si Alex sa kanyang itatype ng hindi niya napapansin na may isang lalaking nakatingin sa kanya. Napangiti pa ito, dahil na rin sigiro sa tagal nitong nakatayo malapit kay Alex ay hindi pa rin ito napapansin ng dalaga.
Isang tikhim ang pinakawalan ng lalaki, bago ito tuluyang lumapit sa table ni Alex. Napaangat naman ng tingin si Alex ng marinig niya ang isang tikhim. Medyo hindi inaasahan ni Alex na may ibang tao pala roon at dahil busy siya hindi na niya ito kaagad napansin. Napaayos naman ng upo si Alex. Napalunok pa siya ng laway, dahil napakagawa nito.
"S-sir. M-may kailangan po kayo?" Nauutal pang wika ni Alex, kaya naman napatawa ang lalaking kaharap.
"Why stammering miss? Na star struck ka ba sa kagwapuhan ko?" Tanong nito na ikinataas naman ng kilay ni Alex na s'yang nagpatawa dito.
"Hindi ah! Nagulat kasi ako. Bakit may ibang tao dito ng hindi ko naman namamalayan. May kailangan ka ba kay boss? Anong pangalan mo? Itatawag ko sa kanya." Mataray na wika ni Alex, at narinig na naman niya ang pagtawa ng lalaki na may halong pang-aasar.
"Inis na kaagad. By the way I'm Lander Asuncion. Pinsan ko ang boss mo. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Pakilala nito kay Alex. Kaya naman napatayo kaagad ni Alex ng malamang pinsan ito ng boss niya.
"Sorry sir. Nagulat lang talaga ako na may ibang tao akong kasama dito hindi ko din naman po talaga kayo napansin lalo na po at----." Hindi natapos ni Alex ang sasabihin ng ito na ang nagtuloy ng sasabihin niya.
"Busy ka sa ginagawa mo. Kaya hindi mo ako napansin. Okay lang naman. Nag-enjoy naman ako panoorin ka. Hindi ko akalaing maganda ang bagong sekretarya ng pinsan ko." Wika pa nito kaya naman medyo namula ang pisngi ni Alex.
"Are you blushì---."
"What are you doing here Lander!?" May diing wika ni Leopard na hindi nila napansing lumabas na pala ng opisina nito.
"In my office, now!" May diing wika ni Leopard bago tuluyang bumalik sa opisina nito.
Nagkatinginan naman si Alex at ang pinsan nitong si Lander, bago nagbigay ng maliit na ngiti si Alex dito.
"Ganyan talaga ang boss mo pagnagseselos. Ayos lang naman sa akin. Kasi gwapo ako." Paliwanag nito kaya naman natawa bigla si Alex.
Ang hangin. Saad pa ni Alex sa isipan.
"Pumasok ka na sir, baka mamaya ay sa halip na may trabaho pa ako, ngayong oras na ito ay, mawalan pa ako ng trabaho mamaya. Kay pasok na." Saad ni Alex na natawa naman si Lander.
"Okay miss papasok na ako. Pero may utang ka sa akin ha. Dahil hindi mo pa sinasabi sa akin ang pangalan mo." Wika pa ni Lander, bago siya nito tuluyang iniwan sa pwesto niya.
"Magpinsan nga sila. Tss." Naiiling na wika na lang ni Alex bago muling ipinagpatuloy ang kanyang naudlot na ginagawa.