Chapter 13

2048 Words
Nakahawak lang si Alex sa braso ni Leopard habang naglalakad sila. Nang makapasok sila sa bukas na gate ay bumungad kaagad sa kanila ang napakaraming bisita. Mga bisita, na masasabi ni Alex na angat at may masasabi sa lipunan. Napansin niya ang paglapit ng lalaking may edad na. Pero masasabi niyang matikas pa rin ito. "Good evening, Mr. Abueva. Bago ko makalimutan. Happy 70th Birthday Mr. Abueva. Pero hindi mahahalata sa inyo. Napakabata ninyong tignan. Parang nasa late forties ka pa lang." Bati naman ni Leopard sa lalaking kaharap nila. Napatitig naman si Alex sa lalaking kaharap nila. Masasabing tama ang boss niya. Hindi mahahalata na nasa seventy years old na ito. Para lang talaga itong nasa late forties lang. Napatingin din naman sa kanya si Mr. Abueva, binigyan naman siya nito ng isang matamis na ngiti. "Good evening sir. Happy Birthday po." Bati ni Alex, kaya naman lalong napangiti si Mr. Abueva. "Girlfriend mo ba ang kasama mo Mr. Asuncion? Masasabi kong magaling kang pumili. Napakaganda mo hija. Bagay na bagay kayo." Masayang wika ni Mr. Abueva na ikinagulat niya. "Naku sir hin--." Hindi natapos ni Alex ang sasabihin ng unahan siyang magsalita ng boss niya. "This beautiful lady beside me sir, is Alexa Dimagiba my----." Hindi naman pinatapos ni Mr. Abueva ang sasabihin ng boss niya ng pigilan ito mismo ni Mr. Romano. "I know, I know. Bagay na bagay kayong dalawa. Kaya tara na sa loob. Para makakain kayong dalawa. Hindi masama na minsan, magkaroon kayong dalawa ng cheat day para kumain. Enjoy lang kayo. Wag mong gugutomin ang girlfriend mo Leopard. Kaya ipapahatid ko kayo sa buffet. Wag kayong mahihiya." Wika ni Mr. Abueva. Kaya naman hindi na nila naitama ang pagkakaalam nito sa kanila. Nilapitan naman sila ng dalawang kasambahay at ito na ang nagdala ng kahon ng regalo ng kanyang boss para kay Mr. Romano. Habang ang isa ay sinusundan nila patungo sa buffet. Hinawakan na lang ni Leopard si Alex sa kamay, at nakasunod sila sa isang katulong ni Mr. Romano patungong buffet. Iniwan na rin naman silang dalawa ng katulong ng makarating sila sa hayin ng pagkain. Inabutan ni Leopard si Alex ng isang plato. Kumuha naman si Alex ng tigigisang piraso ng mga pagkaing nakahayin. Hindi pamilyar sa kanya ang lahat mga iyon. Mayroong alam niya ang tawag. Pero ang iba, hindi talaga. Kaya naman nais niyang matikman lahat. Nakatingin lang naman si Leopard sa ginagawang paglalagay ng pagkain ni Alex sa plato nito. Napansin pang napanguso si Alex ng puno na ang plato nito. Pero bigla namang napangiti ng makitang ang laman lang ng plato niya ay isang maliit na strawberry shortcake. "Boss pakihawak naman. Gusto kong matikman ang mga pagkain dito. Kaya hawakan mo yan. Sa akin na ang plato mo." Matapos iabot ang plato niya sa kanyang boss ay ang plato naman ni Leopard ang pinuno niya ng kung anu-ano. Napailing na lang si Leopard sa dami ng inilagay na pagkain ni Alex sa plato nilang dalawa. Nakahanap ng pwesto si Leopard na wala gaanong dumaraan na tao. Medyo malayo din sa mga bisita. May bush kasi sa unahan ng table na napili nila bago pa ang isa pang table. Kaya naman iyong ilang na nararamdaman niya sa dami ng pagkain na laman ng plato nila, ay biglang nawala. Wala kasing gaanong makakapansin sa kanila. Pagkaupo nila sa napiling pwesto ay nagsimula na rin ang pinaka program. Kaya naman busy sa pakikinig ang mga bisita. Napuno ng palakpakan, at minsan ay tawanan ang buong lugar. Napakasaya ng nagaganap na program. Napatingin naman si Leopard kay Alex na walang pakialam sa paligid. Mabagal lang itong kumakain at ninanamnam bawat pagkain sa plato nito. Busy lang pagkain si Alex ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Kaya naman. Pagbaling niya sa kanyang boss ay hindi ng siya nagkamali at nakatingin nga ito sa kanya. "What?" Tanong ni Alex kaya naman napailing na lang si Leopard. "Wala. Ang sarap mo kasing kumain." Ani Leopard. "Tsk. Mas masarap ako." Walang prenong saad ni Alex. Kaya naman kahit walang iniinom o kinakain ay nasamid bigla si Leopard. "Mahinang nilalang wala naman akong sinabing masama nasamid na." Wika pa ni Alex at tinawag ang waiter na dumaan para kumuha ng dalawang wine at humingi na rin ng tubig. Pagkakuha ng wine ay mabilis naman niyang inabot kay Leopard, at walang prenong ininom. Nawala naman ang pagkasamid ni Leopard. Mabuti talaga at busy ang mga bisita kaya hindi nakikita ng mga ito ang nangyayari sa kanila. "Bakit wine ang inabot mo? Nainom ko ng bigla! Alam mong iba ang epekto ng wine pag-iinomin mo yan ng bottoms up?" Inis na tanong ni Leopard na wala lang kay Alex ang inis nito. "Ay wine lang dala noong waiter eh. Nahingi nga akong tubig. Oh ayan na pala. See humingi talaga ako ng tubig." Wika ni Alex ng ibaba ng waiter ang dalawang baso ng malamig na tubig. Bago nagpasalamat sa waiter. "Tsk." "Bakit ba kasi nasamid ka?" Inosenteng tanong ni Alex. "Wala. Pag ako talaga hindi nakapagdrive mamaya. Hindi ka naman marunong magmaneho." Saad pa ni Leopard. "Sus para kaunting wine lang. Madali na iyan. Kung hindi ka talaga makakapagdrive. Trust me." Wika ni Alex, bago tinikman ang wine na para sa kanya. "What the fvck! Bakit ganito ang lasa boss? Akala ko ba masarap ang wine. Bakit parang nakakasuka at ang tapang naman?" Wika ni Alex na sa kaunting tikim niya ay medyo nahihilo na siya. "Yan ang sinasabi ko sayo. Matapang na wine kasi ang gusto ni Ms. Abueva. Kaso nainom ko na. Malakas pa naman ang tama ng alak na iyan. Tapos nainom ko pa ng bigla." Reklamo ni Leopard. "Yaan mo boss. Relax ka lang dyan. Mamaya mawawala na epekto ng alak na iyan sa sistema mo. Kain ka na lang oh. Tapos mag tubig ka na lang." Wika pa ni Alex ng wala sa sarili niyang inilapit sa bibig ni Leopard ang kalahating sushi. Nakain na niya ang kalahati noon. Pero hindi masarap. Kaso bawal magsayang ng pagkain, kaya sa boss na lang niya ipapakain. Nagulat naman si Leopard sa kalahating sushi na nasa tapat ng bibig niya. Ayaw niya sanang kainin. Pero hindi naman alisin ni Alex sa harapan ng bibig niya. Kaya naman ibinuka na lang niya ang bibig. Pagkabuka pa lang ay isinubo agad sa kanya ni Alex ang sushi. Ninamnam naman niya, ang lasa noon at masasabi niyang masarap ang salmon sushi. Nang malunok niya saka naman nagsalita si Alex. "Hindi masarap, ayaw ko ng hilaw. Sayo na lang din itong isa pa. Ang sosyal kasi. Pero ayaw ko pala ng ganyan." Paliwanag ni Alex kaya naman napaawang ang labi niya. Sinamantala naman iyon ni Alex para isubo ulit ang isa pang sushi. "Akala ko naman concern ka na sa akin kasi ikaw lang ang kumakain. Kaya sinubuan mo ako. Ayaw mo lang pala ng lasa. Tss." Reklamo ni Leopard na hindi naman pinansin ni Alex at nginitian lang ang boss niya. Tig dalawa naman ang kinuha ni Alex na tinidor at chop stick ang kinuha niya. Kaya inabot niya kay Leopard ang isang pares. Para makakain din ito ng ayos. Ayaw pa sana ni Leopard, pero sa huli. Tinanggap na rin nito ang tinidor na hawak. Sa huli ay sabay nilang kinain ang pagkaing kinuha nila. Nilapitan pa sila ng waiter para maglapag sa table nila ng iba pang pagkain. Nakikinig lang sila sa emcee ng program, habang isinasalaysay kung paano narating ni Mr. Abueva ang tinatamong yaman. Mula sa pagiging isang mahirap hanggang sa maging isang tanyag na inhinyero. Kumakain lang si Alex habang nakatingin sa unahan. Hindi na sila muli pang nagkausap dahil nagfocus na lang sila sa pakikinig. Hanggang sa natapos ang selebrasyon ng birthday party ni Mr. Abueva. Napatingin naman si Alex sa boss niyang medyo hinihilot ang noo. Gusto sana niyang magtanong kung okay lang ba ito. Pero hindi na niya nagawa ng lumapit na sa kanila si Mr. Abueva. "Nag-enjoy ba kayo love birds?" Masayang wika nito na nais sana ni Alex na ituwid ang maling alam nito, pero nahiya na rin siyang magsalita ng sumagot si Leopard. "Yes Mr. Abueva. Sobra kaming nag-enjoy at mas lalo akong humanga sayo, nang marinig ko ang ang kwento ng mga pinagdaanan mo. Isa kang inspiration lalo na ibang nagsisimula pa lang na, may pangarap sa buhay." Papuri naman ni Leopard sa huli. Nakilala din nila ang may bahay ni Mr. Abueva. Sobrang busy kasi nito noong una. Kaya naman hindi nila nakita. Pero ng sila na lang dalawa ni Alex ang natitirang bisita ay naglapit ito sa kanila. Matapos ang ilang kumustahan at pag-uusap. Bago sila tuluyang nagpaalam sa mga ito. Nakahawak naman si Alex kay Leopard habang naglalakad. Nararamdaman niya ang pagpikit ng boss niya, pero hindi na lang niya muna pinagtuunan ng pansin. Hanggang sa makarating sila ng parking lot. Nasa sasakyan na sila ng hindi na napigilan ni Alex na pansinin na medyo napapapikit ng boss niya at paghawak nito sa sentido. Sa tingin talaga niya ay sumasakit ang ulo nito. "Boss okay ka lang? Masakit ba ang ulo mo?" Medyo nag-aalalang tanong ni Alex. "Yes! Medyo nahihilo lang ako. Ganoon kasi ang epekto ng wine sa akin. Malakas akong uminom ng hard drinks pero mahina ako sa wine." Paliwanag nito sa kanya. "Eh? Mahinang nilalang, talaga." Bulong ni Alex sa sarili. "Tatawag na lang ako ng tow truck, para ipahila itong kotse mo." Wika ni Alex na napabaling si Leopard ng tingin kay Alex dahil sa sinabi nito. "What!? Bakit naman tow truck? Hindi naman sira ang kotse ko?" Biglang tanong ni Leopard at napahawak naman siya sa kanyang noo, dahil medyo pumitik na naman ito. "Ayaw ko ngang magdrive. Kotse yan eh. Kung jeep. Pwede pa. Isa pa, ipahila na lang natin sa tow truck. Para naman safe na makauwi ang kotse mo. Safe pa ding makauwi tayo. Okay?" Paliwanag ni Alex dito. Pero hindi iyon tinanggap ni Leopard. "Pwede kong iwan ang kotse ko dito magpabooked ka na lang ng taxi. Babalikan ko na lang bukas. Ipapaalam ko na lang kay Mr. Romano. Okay." Wika ni Leopard na ikinatango naman ni Alex. "Areglado boss." Pagsang-ayon ni Alex kay Leopard kaya naman iniabot nito ang cellphone sa kanya. Kinuha naman ni Alex ang cellphone ng kanyang boss. Isinubsob muna ni Leopard ang mukha sa manibela para kahit papaano ay maipahinga ang sumasakita na ulo. Habang hawak ang cellphone ng kanyang boss ay nakangisi namang humanap ng towing service si Alex na malapit lang doon sa lugar. Matapos makausap ang may-ari ng tow truck ay hinintay na lang nila ang pagdating nito. Nagulat na lang si Leopard ng dumating ang isang tow truck. "Pasaway kang talaga Alexa Dimagiba. Napakatigas din ng ulo mo!" Singhal niya dito habang si Alex ay sobrang nangingiti pagtigil ng tow truck sa harapan ng kotse ng kanyang boss. Napailing na lang si Leopard sa kung anong meron sa pag-iisip ng sekretarya niya, kung bakit, napaka pasaway nito. Pagbaba ng driver ng tow truck ay ipinaliwanag ni Alex ang nangyari. Confident pa ito sa pagpapaliwanag sa hihila ng kotse ng boss niya. Hindi naman malaman nga driver kung tatawa o talagang tatawanan na lang si Alex, sa paliwanag nito. Dahil sa pagpapahila nito ng kotse ng boss niya. Dahil lang sa medyo nahihilo ito. Wala din namang nagawa ang driver kaya inayos na lang nito ang pagkakakabit ng tali na siyang maghihila sa kotse ng customer niya. Sakay si Alex at Leopard sa tow truck. Habang si Alex naman ang nagtuturo ng daan sa driver patungo sa bahay ng boss niya. Si Leopard naman ay nakapikit lang. Pagdating ng bahay ay inalalayan na lang ni Alex ang boss niya patungong kwarto nito. Matapos matulungang magpalit ng damit at masiguradong maayos na ang pagkakahiga ng boss niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nito. Para makapagpahinga na rin. Nais na rin niyang matulog. Pagdating niya sa sariling kwarto ay napansin na naman niya ang suot niyang converse shoes. "Sabi ko na nga bang walang makakapansin sayo eh. Si boss lang ang maarte. Oh di ba? Nakaraos na ako sa party ni Mr. Abueva ng buhay ang paa ko. Komportable pa ako." Nakangising wika ni Alex sa sarili, habang hinuhubad ang sapatos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD