Chapter 15

2346 Words
Pagkapasok ni Leopard ng opisina niya ay kinalma muna niya ang sarili. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang tinamaan ng inis ng makita ang pinsang si Lander na kausap si Alex. Kaya naman bigla siyang lumabas at putulin ang pakikipag-usap nito sa sekretarya niya. Kalma na siya sa inis na nararamdaman ng bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok si Lander na nakangisi. "What are you doing here!?" May diing tanong niya kay Lander, na sinasagot lang siya ng ngisi at malokong titig. "Maganda ang sekretarya mo ha. Pwede ko bang malaman ang pangalan niya?" Tanong ni Lander, na napangisi naman si Leopard dahil, hindi naman pala mabilis magpakilala si Alex. Dahil hindi nito ipinakilala ang sarili sa pinsan. Sa halip nasagutin ang tanong, ay tumawag siya sa intercom. "Ms. Secretary can you bring us black coffee. Same lang ng timpla. Thank you." Wika ni Leopard at nakita pa niyang tumingin sa wall glass si Alex bago tuluyang umalis sa pwesto nito. "Alam mo ang daya mo. Tinatanong ko lang ang pangalan ng sekretarya mo. Pareho kayo. Bagay nga kayong mag-amo. Tinatanong ko din ang pangalan ng sekretarya mo. Hindi man lang ako sinagot. Ano yan. Like boss, like secretary, ang peg ninyong dalawa?" Saad ni Lander kaya naman napailing na lang si Leopard. "Wala akong alam dyan ha. Baka naman hindi mo inayos ang pagtatanong mo kaya hindi ka sinagot. Tinawag kita kasi gusto kong malaman. Kung ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Leopard. "Hindi ba pwedeng napadaan lang. Dapat ba pagpupunta ako dito may dahilan?" Tanong ni Lander, ng marinig nila ang pagkatok mula sa labas. Hindi na naman nagsalita si Leopard at tuluyan ng binuksan ni Alex ang pintuan. Bitbit ang tray na may dalawang tasa ng kape. Pagkalapag ni Alex ng kape sa table, akmang kukunin ni Lander ang kanyang kape ng mapansin ang sapatos na suot ni Alex. "What the fvck!?" Wika ni Lander, habang nakatingin pa rin sa sapatos ni Alex. Nag-angat pa ito ng tingin kay Alex dahil hindi siya makapaniwala sa suot nito habang nakasuot ng pencil skirt na hanggang sa itaas ng tuhod. Naka white polo at naka black converse shoes. Nakataas naman ang kilay ni Alex, habang masamang nakatingin kay Lander. "Wait lang mister. Oo at pinsan ka ni boss. Pero wag mo akong mamura mura ha. Hindi nga ako pinagsasalitaan ng masama ni boss. Di ba boss?" Baling nito kay Leopard kaya naman napatango na lang ang huli. "Tapos, kung maka-what, what the fvck ka dyan! Kala mo naman kung ano ang nakita mo sa akin? Sipain kita dyan eh. Makaka what what the fvck ka nga dyan!" Singhal ni Alex kaya naman nawalan ng imik si Lander. Napangisi naman si Leopard dahil sa pagtahimik ng kanyang pinsan. Bigla na lang nitong ininom ang kape sa hawak niyang tasa. "Bakit ang pait? T*ngna! Kape pa ba ito?" Reklamo na naman ni Lander. "Malamang pinsan ni boss, kape iyan. Kaya mapait. Tss. Magtaka ka kung maasim yan, ay kape yan." Singhal pa ni Alex, kaya naman napangangang lalo si Lander. "Ganyan ka bang sumagot sa boss mo?" May inis naman sagot ni Lander. Pero sa totoo nag-eenjoy siyang kausap ang sekretarya ng pinsan niya. "Nope. Basta hindi siya magtatanong or sasagot ng wala sa hulog di hindi ako sasagot ng mali. Una si Boss Leopard ang boss ko. Pinsan ka lang. Kaya hindi kita boss. Isa pa. Hindi uumbra iyang pa what, what the fvck mo sa akin dahil napansin mo lang at nakita mo ang sapatos na suot ko. Si boss nga hinyaan ako. Makamura ka naman. By the way pinsan ni boss." Wika ni Alex na medyo lumapit kay Lander at ngumiti. "Lander. Just Lander." Putol pang muli ni Lander bago bumulong sa may tainga nito si Alex. "Okay Lander, kung Lander. Fvck you too." Mahinahong bulong ni Alex dito, na ikinatigalgal naman ni Lander. Bago umalis sa tabi niya si Alex at magalang na nagpaalam kay Leopard na lalabas na ito. Pagkalapat ng pintuan ay napatingin naman si Lander kay Leopard na medyo natatawa sa kanya. Hindi naman makapaniwala si Lander sa inasal ni Alex. "Pinsan anong klaseng sekretarya mo iyon? Walang wala man lang sa lambing ni Jaime. Oo medyo may pagkapareho silang astig. Pero what the fvck talaga!" Reklamo ni Lander na natawa naman lalo si Leopard. "Ano bang binulong sayo?" "Fvck you too. Haist malambing nga ang boses. Pero na-man." Dagdag reklamo pa ni Lander. "Fvck you too bro. Bakit ka naman kasi nagsalita ng ganoon. Nakita mo lang sapatos n'ya. Doon s'ya komportable eh. Nakikilala mo ba si Mr. Abueva?" Tanong ni Leopard sa pinsan. "Yes! Ano namang meron kay Mr. Abueva? Invited din ako noong birthday niya. Kaso hindi ako nakapunta. Kaya nagpadala na lang ako ng regalo ko para kay Mr. Abueva. Why you asked?" "Pumunta ako. Kasama ko si Alex. Kaso hindi daw siya sanay magsuot ng my mga heels na sapatos. Kaya naman dahil sa mahaba niyang gown, naka converse shoes." Natatawang pagkukwento ni Leopard habang napangisi naman si Lander. "Seryoso? Grabe ha. Kakaibang babae. Hindinman lang nahulog sa charm ko. Ganoon pala. By the way bro. Thanks for mentioning her name. Alex it is." Inulit pa niya ng may diin ang pangalan nito. "Single naman siguro si Alex di ba? Siguro naman may chance ako kung liligawan ko s'ya. Hindi naman siguro masama di ba?" Dagdag pa ni Lander na medyo nawala ang mga ngiti sa labi ni Leopard. "Hindi ko ipinagdadamot ang pangalan ni Alex. Alexa Dimagiba ang full name niya. Happy? Hindi ko din alam at hindi ko masasagot ang tanong mo, kung single siya o ano." Walang buhay na sagot ni Leopard. "Wag mong idagdag si Alex sa koleksyon mo." Dagdag pa niya. "Stick to one kaya ako. Mapagbiro lang minsan pero loyal ako no. Wala ka naman sigurong gusto kay Alex di ba? Kasi magkakaroon ng problema pagnalaman nina tito at tita di ba?" Paliwanag ni Lander na hindi na lang nagawang ikaimik ni Leopard. Nakatingin lang Lander sa pinsan na hindi na siya inimikan. Alam niyang hindi nito gusto ang lahat ng nangyari seven years ago. Mabuti na rin at after ng bagay na iyon umalis din si Eloisa at mula noon ay hindi na bumalik pa. Kaya kahit papaano ay nakapamuhay ng normal si Leopard. Pero kahit sabihing parang baliwala lang sa pinsan ang lahat. Alam niyang iniisip pa rin nito ang pagdating ng araw ng pagbalik ng babae. Walang ibang nakakaalam ng pangyayaring iyon sa buhay ni Leopard kundi ang mga magulang nito at mga magulang ni Lander. Dahil sa pagkakatahimik ni Leopard ay tinikman din ni Lander ang kape ni Leopard. Napangiwi naman siya dahil sa pareho lang ang lasa ng kape nila. Parehong mapait. Hindi naman napansin ni Leopard ang ginawa ni Lander. Kaya tahimik lang nitong ininom ang kape, habang malalim na nag-iisip. "Masarap ba ang ganyang lasa ng kape?" Pag-iiba ni Lander sa katahimikang meron silang dalawa. "Yeah. Kaya nga natuwa ako kay Alex, ng isang sabi ko pa lang, nakuha na niya kaagad ang timpla ko. Masarap naman di ba?" Paliwanag ni Leopard at napansin naman ni Lander ang ngiti sa mga mata nito. "Tss. Naku pinsan. Basta kung ano man yan. Nakasuporta ako sayo. Pero ang pait ng kape." Reklamo nito bago inubos ang kape sa tasang hawak-hawak. "Paano ay sanay ka sa mga kapeng may cream. Minsan kasi. Subukan mo iyong mga ganyang timpla. Mare-realize mong mas masarap pala." Kahit papaano ay naibalik ang mood ni Leopard bago, nagpaalam si Lander sa kanya. Talagang napadaan lang pala ito kaya naman nagtungo na rin sa opisina niya. Kahit papaano ay medyo muling gumaan ang pakiramdam niya at ipinagpatuloy ng muli ang pagbabasa sa mga documents na dapat niyang pag-aralan. Sabay namang umuwi ng bahay si Leopard at Alex. Pagkatapos magpalit ng damit ni Alex, ay tumuloy na siya ng kusina para magluto ng panghapunan nila ng boss niya. Nasa kwarto lang si Leopard at nakatingin sa kawalan. Pakiramdam niya malapit ng dumating ang panahon na mawawala ang kalayaang tinatamasa niya. Hanggang sa magring ang cellphone niya. "Yes!" Sagot niya sa nasa kabilang linya, pero hindi naman niya tiningnan kung sino ang tumawag. "Honey. How are you?" Bati ng nasa kabilang linya. Kaya naman napaupo si Leopard at pinagmasdan ang pangalan ng tumawag. "Why mom?" "Hindi mo ba ako na miss? Hindi mo ba kami namimiss ng daddy mo? Umaalis at bumabalik kami ng bansa ng daddy mo. Hindi mo man lang kami madalaw sa bahay natin. Kahit ilang beses naming sinabi sayo na mabilis lang ang bakasyon namin. Leopard kailan mo ba aayusin ang buhay mo? Sobrang tagal na noon. Hindi mo man lang ba siya susundan? Ayaw mo bang ayusin ang buhay ninyo?" Tanong ng mommy niya na hindi niya malaman kung paano ito sasagutin. "Mom. Di ba sinabi ko naman sa inyo na hindi ako pabor sa nais ninyo. Pero bakit pa ninyo itinuloy? Isa pa nilinlang ninyo ako. Halos lasing ako noong papirmahan ninyo ang papel na iyon. Kaya kahit bumalik pa s'ya sa buhay ko hindi ko siya matatanggap. Dati tanggap ko siya bilang kapatid, dahil sa pag-ampon ninyo sa kanya, ng mawala ang mga magulang niya. Pero dahil sa ginawa ninyo." Bumuntong hininga muna si Leopard bago ipinagbatuloy ang pagsasalita. "Dahil sa ginawa ninyo, pati ang pagturing kong kapatid sa kanya nawala na. Hindi ko s'ya kilala at kahit kailan hindi ko kikilalanin!" May diing wika ni Leopard sa mommy niya. "Ayaw mo bang talaga? Siguro naman ay sapat na ang pitong taon, para makamit ang kalayaan na hinihiling mo. Ayaw mo man siyang makita. Babalik at babalik siya para sa iyo kasi mahal ka niya." Giit pa ng mommy niya. "May mahal akong iba mom. At kahit kailan hindi ko siya magugustuhan at kahit kailan hindi ko siya mamahalin." Huling sinabi niya sa mommy niya bago tuluyang pinutol ang tawag. Hindi malaman ni Leopard kung bakit nasabi niyang may mahal siyang iba. "Mas mabuti na iyong isipin nila talaga na may iba. Para tumigil na sila sa nais nila." Saad ni Leopard sa sarili. Hihiga naman siyang muli ng marinig niya ang pagkatok mula sa labas kaya naman naupo na lang siya, at pinapasok niya ang kumakatok lalo na at alam niyang si Alex iyon. Pagkalapit ni Alex sa kanya ay hinigit niya ang kamay nito. "Alex tapat ka naman sa akin di ba?" Tanong ni Leopard kaya naman naguluhan si Alex. "Ha? Oo naman tapat ako sayo. Malaki ang pasahod mo. Kahit simple lang ang pagtatrabaho ko dito sa bahay mo. At ganoon din sa opisina mo. Kaya naman, ginagawa ko ang trabaho ko ng maayos at syempre tapat ako sayo. Bakit boss? May problema ka ba? Aba wala akong kinukuha sayo kung iyon naman ang nasa isipan mo." Pagtanggi ni Alex kaya naman natawa si Leopard. "Hindi iyon ang ibig kung sabihin at walang nawawala. Wag kang mawawala sa tabi ko Alex. Umalis na si Jaime. Sana magstay ka. Gusto kong mamahinga. Gusto kong umalis kahit saglit." Malungkot na wika ni Leopard kaya naman lalong naguluhan si Alex. "May problema ka nga boss?" "Wala. Pero gusto kong magbakasyon. Malayo dito." Ani Leopard. "Wait lang boss. Ibig sabihin pag-aalis ka, maiiwan ako sa opisina mo? Kayanin ko kayang mapatakbo iyon. Hindi pa naman ako nagtatagal. Boss naman. Baka bumagsak pa ang hardware mo." Paliwanag ni Alex kaya naman lalong natawa si Leopard. "Pwede ko namang ibilin kay Lander ang lahat. Ako pa rin naman ang mag-aasikaso. Isasama kita kung aalis ako. May alam ka bang lugar na pwede akong magrelax. Malayo dito?" Paliwanag ni Leopard kaya naman napatango na lang si Alex sa ibig nitong sabihin. "Boss hindi ka ba maarte sa lugar? Gusto mong magbakasyon sa lugar namin? Medyo maliit lang ang bahay namin. Pero sa bahay pwede kang magrent sa mga maliliit na apartment." Wika pa ni Alex. "Hindi naman ako maselan. Alam mo yan. Kahit doon lang sa inyo. Gusto ko lang makapag-isip-isip. Gusto kong itama ang dapat kung itama. At ipaglaban ang dapat kung ipaglaban." Saad ni Leopard na kahit papaano ay nawala ang alalahanin niya. "Sige boss, ipagpapaalam ko kina itay at inay. Para naman may matirahan ka habang nadoon sa iniisip mong bakasyon." "Doon na lang ako sa bahay ninyo. Kahit saan ako matulog ayos lang." Wika pa ni Leopard kaya naman nagtaka ng talaga si Alex. "May nais ka bang takasan?" "Wala. Gusto ko lang magbaksyon. Kaya doon na lang ako sa inyo. Gusto ko din makilala ang mga magulang mo. Para naman hindi sila mag-alala sayo dito sa Maynila. Lalo na at matagal ka na palang hindi nakakauwi." Saad pa ni Leopard "Sige na nga. Kung ano man ang dahilan mo boss. Pero sa ngayon, tara na sa kusina at kumain ka na ng dinner. Maaga pa naman boss punta akong bar ha. Kakanta ako." Paalam pa niya kay Leopard na pansin pa ni Alex ang pag ngiti nito. "Tara na. Kakain. Ano bang niluto mo? Masarap ba?" Tanong ni Leopard. "Syempre. Ako pa." May pagmamalaking wika ni Alex kaya naman napailing na lang din si Leopard. Pagdating nila sa hapag ay natuwa naman si Leopard dahil naaalala niya ang kabataan niya pagpinipilit siya ng mommy niya ng kumain ng ginisang ampalaya. Tapos ay mayroong pritong karne. Mga panahong wala pang problema sa pagitan niya at ng mommy niya, sa pamilya nila. Tahimik lang silang kumakain ni Alex, ng magsalitang muli, si Alex. "Boss, after kong mag-ayos dito sa bahay mo. Matapos lahat ng gawain ko. Pasok ako sa bar ha. Nasabi ko naman iyon sayo kanina." Paalalang muli ni Alex. "Sasamahan na rin kita sa bar. Gusto ko ding magrelax. Gusto ko din marinig ang boses mo. Kaya sasama ako sayo sa bar at ng sabay na rin tayong umuwi, after ng performance mo. Wala din naman akong gagawin dito ng mag-isa eh. Call?" Wika ni Leopard na ipinagkibit balikat na lang ni Alex. Lalo na at pabor naman sa kanya na may masasakyan siya patungong bar. Higit sa lahat sa pag-uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD