Chapter 8

2117 Words
Alas kwatro y media na ng madaling araw ng magising si Alex, ayon sa wall clock na nakikita niya na nakaharap sa kanya. Hindi niya malaman kung naninibago bang talaga siya sa kinalalagyan niya, o kaya naman ay nananaginip pa siya. Pero naging mabilis ang ginawa niyang pagbagon dahil naalala niyang hinatid nga pala siya ng boss niya, ng makalabas siya ng bar. Pero natigilan din siya dahil wala naman siyang natatandaan, kung paano siya nakauwi, at nakapasok ng bahay. "Hala, paano ako nakauwi! Hindi naman alam ni boss ang ba-hay ko. Ang natatan-da-an ko lang ay. Si boss! Hala nakauwi na kaya iyon? Lagot na!. Bakit kasi nakatulog ako." Wika ni Alex ng mapagtanto ang kwartong kinalalagyan niya. Pagbangon pa niya ng tuluyan ay doon lang nagsink in sa isipan at pang-amoy niya na napakabango ng kwartong kinalalagyan niya. Higit sa lahat napakalambot ng kama. "Oh wait! Nasaan ako?" Gulat niyang tanong sa sarili. Mayroon kasing buhay na lampshade na nakapatong sa bedside table kaya naman napagmasdan niyang mabuti ang loob ng kwartong kinalalagyan niya ngayon. Malawak iyon, simple pero masasabi niyang maganda ang taste kung sino man ang may-ari ng kwartong iyon. Kulay puti, black at gray lang ang combination ng kulay na nadoon. Kulay wall, tiles, at mga gamit. Walang ibang kulay na makikita bukod sa tatlong iyon. Napangiti pa si Alex lalo na at bet na bet niya ang ganoong kulay. "Kanino bang kwarto ito? O dapat itanong ko. Nasaan bang bahay ba ako?" Nang bababa na sana siya ng kama ng maalala si Leopard. "Si boss nga pala ang kasama ko, at nawalan na ako ng naaalala mula ng makasakay ako ng kotse niya. Pero nasaan naman ang isang iyon?" Wika pa ni Alex ng bigla siyang magulat sa isang lalaking nakahalukipkip ang mga braso, at nakasandal sa pader malapit sa couch. "Bakit ba ang ingay mo? Masyado pang maagap, matulog ka na muna. Inaatok pa ako." Reklamo ni Leopard sabay higa muli sa couch. "Hindi ko nakita si boss kanina." Bulong ni Alex sa sarili. "Bakit ba hindi mo ako ginising boss? Di sana ay nasa bahay na ako at hindi kita naaabala ngayon. Ganda ng kwarto mo ha." Wika ni Alex at bigla namang naupo sa couch si Leopard. "Thank you sa compliment. Pero matulog na muna tayo. Hindi ako sanay matulog sa couch. Pero pinipilit kong matulog. Wag kang maingay. Ipagpamamaya mo na iyang mga tanong mo. Okay?" Sagot ni Leopard at nahiga muli. "Pero boss. Sanay na akong magising ng ganitong oras. Hindi na ako mag-iingay. Dito ka na sa kama mo. Payagan mo akong makialam sa kusina mo. Doon na lang ako." Wika ni Alex sabay bangon ni Leopard. "Okay, bahala ka na. Doon ka na." Pupungas pungas na tumayo si Leopard mula sa pagkakahiga sa couch at nakapikit na naglalakad. Hindi naman nagawang umalis ni Alex sa kinatatayuan kaya naman, nabangga siya ni Leopard. At dahil nakatungo ito, ay siyang paglapat ng labi ni Leopard sa labi ni Alex, na siyang ikinagulat nila pareho. Pero pagmulat ni Leopard ay nakasalampak na si Alex sa sahig. "Okay ka lang?" Tanong ni Leopard dahil nakatingin lang sa kanya si Alex. "Y-yes b-boss. Tama ayos lang ako." Sabay tayo, kahit nadoblehan siya ng sakit ng pang-upo dahil sa pagbagsak. Pero mabilis din siyang tumayo para itulak si Leopard, patungong kama. "Tulog ka na muna boss. Makikialam na ako sa kusina." Pinipilit naman binabalewala ni Alex ang naganap sa kanila. Lalo na at sa tingin naman niya ay hindi iyon alam ng kanyang boss dahil nakapikit nga ito ng naglalakad. "Okay, feel free. Bahala ka na sa kusina ko. Antok pa talaga ako." Wika ni Leopard at muli namang pumikit at niyakap ang unan na ginamit ni Alex kani-kanina lang. Napatingin na lang si Alex sa boss niyang tulog na tulog na talaga ulit, dahil sa paghinga nito. "Hindi ba niya talaga iyon naramdaman?" Bulong pa ni Alex sa sarili, bago tuluyang lumabas ng kwarto ng kanyang boss. Pagkalapat naman ng pintuan ng kwarto ni Leopard, ay napapikit naman bigla si Alex. "Hindi talaga niya iyon naramdaman? First kiss ko iyon eh. Tapos nakuha lang sa aksidenteng paraan? Bakit ang unfair naman. Hay dapat sa lalaking mamahalin ko iyon eh. Hindi sa boss kong naglalakad ng tulog. Haist!" Inis na wika ni Alex ng mapatingin sa dahan-dahan na pagliwanag ng paligid dahil sa kanyang paggalaw. Napakasimple ng buong bahay ng kanyang boss. Pero talagang mahahalata mong pinag-isipan ang disenyo. Kitang-kita ang kasimplehang ng bahay. Hindi mo makikita ang pagyayabang. Pero sa tulad niyang, ngayon lang nakita ang bahay ng boss niya. Talagang pwede itong ipagmalaki. Liwanag mula sa mga solar light ang nagbibigay ng ilaw sa mga oras na iyon sa parte kung nasaan siya. Kaya nakikita niya ang buong paligid na nahahagip ng ilaw. Kaya hindi mo na need buhayin ang mga ilaw, kung wala ka naman talagang gagawin at maglalakad ka lang. Nasa second floor siya ng bahay ng kanyang boss. Pagbaba niya sa may hagdanan ay nakita niya ang napakalawak ng living room. Wala pa naman talagang gaanong gamit na makikita sa bahay na iyon. Kundi isang malaking couch, tapos apat na single couch, center table, at isang malaking tv. Kung tutuusin mas madami pang gamit ang laman ng kwarto ng boss niya. Matapos mapagmasdan ang living room. Hinanap na niya ang kusina. Hindi naman siya nahirapan at may solar light naman na nabubuhay. Nang makarating siya ng kusina ay pinatay na muna niya ang solar light na nandoon at binuhay ang pinakailaw sa kusina. "Wow ha. Kung gaano kawalang dating ang living room. Ganoon naman kasosyal ng kusina. Kompleto ang gamit." Masayang bulalas ni Alex. Nagtingin naman siya sa ref ng pwedeng lutuin. Nilabas niya para ma thaw ang bacon, at tocino. Kumuha din siya ng itlog. Nagsaing na rin siya, lalo na at nakakita siya ng rice dispenser. "Ang dami namang pagkain dito. Pero hindi naman kumakain ng maayos si boss. Mabuti na lang talaga at wala siyang mga gulay. Kung hindi. Masasayang lang palagi. Mga mayayaman talaga." Wika ni Alex habang hinuhugasan ang bigas. Nang maisalang naman niya ay tinungo niya ang coffee maker para sana magtimpla ng kape. Pero nagbago ang isip niya kaya naman, nilagyan na lang niya ng tubig ang electric kettle at nagpakulo ng tubig. Kinuha na lang niya ang ground coffee at naglagay sa kanyang tasa, kaunting asukal, habang hinihintay na kumulo ang tubig. Habang nagpiprito ng bacon ay iniisip pa rin niya ang offer sa kanya ng kanyang boss. Kung tatanggapin niya ang pagiging katulong. Hindi na niya need magmadali, kung papasok siya sa trabaho. Lalo na at nakapagpaalam na siya sa manager niya sa bar. Magagawan na naman niya ang pagkanta dahil kahit anong oras, pwede siyang magtungo doon. Patapos na rin siya sa pagluluto at napatingin siya sa mga natapos na niyang lutuin. Naalala na naman ni Alex ang kanyang pamilya sa probinsya. Simpleng hayin lang iyon para sa isang may kaya sa buhay. Pero kung ang pagkain na iyon ang nakahayin sa kanilang hapag, parang fiesta na iyon sa kanila. Samantala, makalipas ang isang oras mula ng bumalik siya sa kama ay nagising na rin si Leopard. Napangiti pa siya ng maalala ang nangyari kagabi. Nang mapansin niyang tulog na tulog talaga si Alex ay hindi na niya ito ginising pa. Nais man niyang ihatid ito sa apartment nito ay hindi na lang niya ginawa. Dinala na lang niya ito sa bahay niya. Si Alex ang kaisa-isahang babae na dinala niya sa bahay niya, maliban sa mommy niya. Nakarating na sila sa bahay niya pero tulog na tulog pa rin ito. Kaya naman binuhat na lang niya ito. Napakunot pa siya ng noo ng mapagtantong napakagaan ni Alex. Hindi ito maliit na babae kung titingnan. Matangkad lang siya ng nasa anim na pulgada dito. Pero masyado talaga itong magaan, kung titingnan. "Kumakain pa ba ang babaeng ito? mukha namang hindi payat. Pero para namang bulak sa gaan." Puna ni Leopard at nagtuloy na sa pagpasok sa bahay niya. Pagkababa niya dito sa kama, ay napangiti pa siya dahil hindi man lang talaga ito nagising. Inalis niya ang sapatos nito. Natawa pa siya, ng mapansin ang converse na palagi nitong suot. Pare-pareho, ang design maliban sa kulay. Na kahit sa opisina ay hindi man lang nagsuot ng stiletto or mga high heels sandals. Hindi na naman niya pinakialaman ang suot nitong damit. Lalo na at sure siyang komportable ito sa suot nito dahil oversized t-shirt iyon. Pinagmasdan niya ang mukha ni Alex. Maganda ito at para sa kanya, napakasarap titigan. Nakakapagtaka lang na hindi niya malaman sa sarili, na kung bakit. Kahit sinasagot sagot siya nito. Hindi man lang niya magawang magalit dito. Napabuntong hininga na lang si Leopard, bago tuluyang magtungo ng banyo para mag half bath at makapagpalit ng pajama. Hindi siya sanay matulog sa couch. Pero ngayon, parang wala lang sa kanya, dahil si Alex naman ang ang nakahiga sa kama niya. Siguro dahil na rin sa pagod kaya naman nakatulog din siya kaagad. Pero parang wala pang ilang oras ang tulog niya. Naririnig niya ang alingawngaw ng boses ni Alex na nagtataka, at puro tanong. Wala sana siyang balak kausapin ito. Pero panay ang tanong sa sarili. Kaya naman sinita na niya ito kasi matutulog pa siya. Pero ng sabihin nito na magluluto ito sa kusina niya. Bigla naman siyang natuwa. Lalo na at matagal na rin ng huli siyang nakakain ng umagahan sa bahay niya. Naglalakad siya, patungong kama. Pero dahil sa antok, napapikit siya. Hindi naman niya alam na hindi pa pala kumikilos si Alex sa pwesto nito. Pero ng mabangga siya dito ay laking gulat niya sa kakaibang pakiramdam ng lumapat ang labi niya sa malambot na parte ng katawan ni Alex. Gusto man niyang malaman kung saan tumama ang mga labi niya, pero nakita na lang niyang nakasalampak ito sa sahig. Hindi na naman niya magawang magtanong pa, lalo na at parang ang awkward naman para magtanong. Kaya naman ng igaya siya ni Alex patungo sa kama niya ay nagpadala na lang siya dito. Ang amoy ni Alex na naiwan sa kanyang kama ang una niyang naamoy. Hindi niya alam kung bakit parang nahumaling siya sa amoy nito kaya naman mabilis siyang dinalaw ulit ng antok. Bumangon na si Leopard sa kama at naghilamos. Mabilis siyang nagtungo sa kusina. Excited siyang kumain. Dahil ngayon lang ulit siya makakakain ng breakfast ng may kasabay. Pero nawala ang ngiti niya ng pagdating niya sa kusina, ay napansin niya ang malungkot na mukha ni Alex, habang nakatitig sa mga pagkaing nakahayin sa harapan nito. "Alex?" Tawag niya dito, at agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Alam niyang malungkot ito tapos biglang pinasaya ang mukha. "Boss!" Untag nito sa kanya. "Good morning boss. Nga pala nag-enjoy akong magluto dito sa kusina mo. Ang daming pagkain. Sa apartment ko kasi, magtitimpla lang ako ng kape at pandesal doon sa katabi kong bakery. Tapos hindi na ako nakakapagkanin. Lalo na at kailangan kong magtipid." Wika ni Alex, kaya naman napabuntong hininga na lang si Leopard. Hindi na rin siya nagtanong kung ano man ang problema nito. Lalo na at wala naman siyang karapatan na panghimasukan ang nasa isipan nito. "Yang tatanggapin mo na ba ang offer ko. Free meal ka na niyan. Pumapayag ka na?" Saad ni Leopard na nakatingin kay Alex. "Hindi ba kalabisan iyon sir?" Tanong ni Alex na ikinailing naman niya. "Nope, higit sa lahat malaking benefits sa akin ang pagkain sa umaga ng may kasabay. Buhat ng tumira ako ditong mag-isa hindi ko na naranasan iyon. Kaya naman kung makikinabang ka sa pagkuha ko sayo bilang katulong. Ganoon din ako. Kain na tayo. Medyo nagutom ako sa nakikita kong pagkain." Wika ni Leopard at naupo na sa harap ni Alex. "Pwede ba akong magpatimpla ng kape?" Tanong ni Leopard na ikinatingin naman ni Alex dito. "Start na ba ng trabaho ko? May coffee maker ka naman boss bakit kaya hindi na lang ikaw ang magtimpla?" Wika ni Alex ng matigilan si Leopard sa pagsubo ng bacon. "Mas masarap kasi ang timpla mo." Amin niya. "Sus, wala namang espesyal sa timpla ko. Maliban na lang sa gamay ko ang ganoong timpla kasi, ganoon din ang timpla na gusto ko." Sagot ni Alex at tumayo na rin para mapapagtimpla ulit ng kape para sa kanya at para sa boss niya. Para kay Leopard ay masaya ang naging gising niya lalo na at may kasabay siyang kumain ng umagang iyon. Habang si Alex naman ay naging masaya ng mga oras na iyon, dahil alam niyang darating ang araw na mabibigyan din niya ng magandang buhay ang pamilya niya na nasa probinsya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD