Chapter 7

3038 Words
Nasa byahe si Alex patungong apartment niya. Dahil papasok pa rin siya ng bar. Need lang niyang mag-ayos ng sarili, bago tumungo sa bar. Gustuhin man niyang tanggapin kaagad ang alok ng kanyang boss, hindi naman siya pwedeng basta na lang umalis ng bar. Lalo na at iilan na lang silang natitirang waitress sa darkroom. Ang iba kasi niyang kasamahan ay na-enganyo sa malaking kitaan, na ibinibigay ng mga parokyano ng darkroom. Kaya naman, karamihan sa kasama niyang waitress ay nagbago ng landas. Mas okay lang na mahirap at maliit ang kita sa trabaho niya. Mahalaga ay marangal. Oo nga at hindi naman niya tinitingnan na madumi ang trabaho ng isang babaeng nagbibigay ng panandaliang aliw. Pero para kay Alex, hindi niya kaya ang trabahong iyon. Kaya sa halip na mandiri, awa, at paghanga ang kanyang nararamdaman sa mga ito. Naaawa siya, kasi kung hindi kakapit sa patalim hindi malalamnan ang kumakalam nilang mga sikmura. At paghanga dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan, nandoon pa rin sila at patuloy na lumalaban at sumusunod sa agos ng buhay. Ang mga katulad ng mga babaeng mababa ang lipad ay isa sa naging inspirasyon ni Alex, para patuloy na magtrabaho ng tatlong trabaho sa loob ng isang araw. Bagay na hindi kaya ng iba, kaya mas piniling kumapit sa mga nagtatawag ng laman. Pagdating ni Alex ng apartment niya, ay nagpakulo muna si Alex ng tubig. Magluluto muna siya ng noodles para makakain, bago pumasok sa ikalawa niyang trabaho. Nakatingin lang siya sa kaserolang may lamang tubig at hinihintay na kumulo, ng maalala niya ang usapan nila ng kanyang boss. Flashback "Seryoso?" Tanong ni Alex na ikinatango nito. "Yes. So payag ka na. Doble ang magiging sahod mo. Hindi ka mahihirapang maglaba, kasi hindi mo naman gagawing manu-mano ang paglalaba. Sa pagluluto, syempre good for two lang naman ang lulutuin mo palagi. Breakfast and dinner lang, nandito naman tayo sa opisina pag lunch. Sa paglilinis ng bahay, pag may time ka lang, hindi naman ako makalat." Paliwanag pa ni Leopard sa mga magiging trabaho niya bilang katulong. "Boss nakaka-attempt yang offer mo ha. Sa isang buwan kikita ako ng nasa forty thousand. Malaking tulong yan sa pamilya ko sa probinsya. Iyong trabaho ko dati bago mo ako naging sekretarya. Kumikita ako ng nasa one thousand less puhunan, sa ikalawa kong trabao, nasa five thousand din iyon. Sa last naman ay four thousands para sa one to two hours na performance. Kaya sobrang thankful ako, na tinanggap mo ako dito bilang sekretarya mo. Kaya lang boss, paano ko naman iiwan ng biglaan ang dalawa ko pang trabaho. Wala pa naman agad pwedeng makapalit sa akin doon." Wika ni Alex na talagang nanghihinayang siya sa offer ni Leopard. "My offer is open anytime. Kung makakapagpaalam ka na ngayon sa trabaho mo pang dalawa, much better. Pag-isipan mong mabuti. Hindi mo na kailangang mag rent ng apartment. May maids room ako sa bahay sure na magiging komportable ka naman doon." Saad pa ni Leopard na hindi niya malaman sa sarili kung bakit, siya nag-offer ng ganoon kay Alex. "Tanong lang boss. Bakit wala kang katulong sa bahay mo?" "Ayaw ko lang na may ibang tao sa bahay. Mayroon naman kaso hindi sila stay-in. Every week may dumarating na maglalaba at maglinis ng bahay. Mga katulong nina mommy sa bahay nila. Sa pagkain naman, minsan kumakain na ako bago umuwi sa bahay. Madalas kape lang dito sa opisina." Pahayag ni Leopard na medyo ikinakunot ng noo ni Alex. "Eh bakit gusto mong magstay-in ako sa bahay mo? Kung ayaw mo namang may ibang tao pala sa bahay mo? Hindi ba ibang tao din ako?" Tanong naman ni Alex kasi nagtataka talaga siya. "I don't know, siguro komportable lang ako sayo. And you're my secretary. Wala ka namang criminal records kaya, nag-offer na ako sayo dahil paano mo nagagawa ang tatlong trabaho sa isang araw? May naiipahinga ka pa ba?" Wika ni Leopard na ipinagkibit balikat lang ni Alex. "Siguro boss dahil laki ako sa hirap, kay kahit anong trabaho papasukin ko, basta kaya ko. Magpapaalam ako boss sa dalawa ko pang trabaho. Pag okay na at pumayag sila. Saka ko tatanggapin ang offer mo. Sayang kasi. Pero sa ngayon aalis na ako boss. Para mabilis akong makauwi. Kakain pa ako ng hapunan bago magtungo ng bar." Paalam ni Alex na hindi na naintindihan ni Leopard ang huling sinabi nito. Dahil pagtungtong pa lang ng alas sais ay tinakbo na ni Alex ang pintuan. End of flashback Napailing na lang si Leopard, sa nasaksihang pagmamadali ni Alex patungong pintuan. Hindi niya malaman sa sarili kung ano ang dahilan, at nag-offer siya dito na maging katulong na lang ito sa bahay niya. Kahit hindi siya sanay na may kasama siya sa bahay. Higit sa lahat ang pag-offer dito ng sahod na katulad ng pagiging sekretarya nito. Wala siyang balak na magkaroon ng stay-in na katulong. Pero kay Alex, buong puso pa siyang nag-offer. "Anong nangyayari sayo Leopard?" Tanong ni Leopard sa sarili ng muli siyang bumalik sa loob ng opisina niya, para kunin ang susi ng kotse niya. Gusto muna niyang magrelax. Dahil sa mga gumugulo sa isipan niya. Kaya naman, nais niya muling tumuloy ng bar, na iyon para marinig muli ang boses ng babaeng nagngangalang Lexa. Para sa kanya misteryosa ito. Dahil sa paglalagay nito ng maskara. Ang nakakapagtaka lang. Hindi pa niya nalalapitan ang babaeng iyon pero may pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag. Tulad na lang ng unang beses na makita niya si Alex. Nang matitigan niya ang mata nito, pakiramdam niya nakita na niya ang mga matang iyon. Pero hindi niya maalala kung saan niya nakita. Or kung nakita na nga ba niya. Basta naguguluhan siya sa presensya ni Alex at sa babaeng hindi pa niya nakakasalamuha ng malapitan pero sobra siyang pinasasaya ng boses nito pagkumakanta. Sakto namang pasok ng madaming customer sa darkroom ng biglang dumating si Alex. "Lexa akala ko hindi ka papasok, ang dami pa namang customer ngayon." Wika ng manager nila sa darkroom. "Medyo na late lang po talaga, at mabagal ang jeep na nasakyan ko." Sagot ni Alex. "Ganoon ba? Ay s'ya ayos lang iyon. Magsimula ka na. Kasi madami ng omoorder." Wika ng manager nila kaya naman nagsimula na siyang lapitan ang mga table na inuukupa ng mga customer. Halos walang kapaguran ang pagpapabalik-balik ni Alex sa counter sa table ng customer. Dahil sa pagkakaalis ng ibang customer na may kasama ng mga babae at may papalit namang iba, na mag-ooder ng alak habang naghihintay na lapitan ng mga suki nila. Ganoon ang kalakaran ng darkroom. Kaya pasalamat pa rin na alam ng customer ang trabaho lang ng waitress ay kumuha ng order, magdala ng order at maglinis ng lamesa. Halos patapos na ang shift ni Alex, dahil nagdadatingan na rin ang kapalitan niya ng lapitan niya ang manager niya. "Maam gusto ko po sanang magpaalam, na magreresign na po ako bilang waitress dito sa darkroom." Pagpapaalam ni Alex na medyo napakunot ang noo ng manager niya. "Bakit naman Lexa? Akala ko ba kailangang kailangan mo ng trabaho, kaya naman kinuha kita dito? May nahanap ka na bang magandang trabaho?" Tanong nito na ikinatango ni Alex. "May nag-offer po sa akin na maging katulong, sa bahay niya at nasa twenty thousand po ang offer. Kaya po sana maintindihan po ninyo. Kailangan po ng pamilya ko ang pera." Malungkot na wika ni Alex, ng bigla siyang yakapin ng manager niya. "Don't worry Lexa. I'm happy for you na may nahanap ka ng ibang trabaho. Malayo dito sa darkroom. Sa totoo ayaw kong nandito ka. Dahil alam kung nakakatakot ang trabaho dito. Pasalamat pa rin ako dahil, walang customer na hindi sumusunod sa patakaran namin dito. Kaya masaya akong may maayos ka ng trabaho. Pero paano ang pagkanta sa bar? Titigil ka na rin ba?" Tanong ng manager niya na hindi niya masagot kaagad. "Hindi ko pa alam maam. Pero kung kakayanin ko pong kumanta, pipilitin ko pong kumanta. Utang na loob ko po sa inyo ang lahat. Kaya nakatagal ako dito sa Maynila. Kaya po basta may pagkakataon. Kakanta pa rin po ako sa bar." Masayang tugon naman ni Alex, at hinawakan pa siya sa kamay ng kanyang manager. "Thank you Lexa, alam mo naman na tuwing oras na ng performance mo. Dumadagsa talaga ang mga tao. Pero ngayon naman. Hindi na kita bibigyan ng oras para kumanta. Kung kailan ka dumating, ikaw na kaagad ang sasalang sa stage. Wag mong iiwan ang bar ha. Okay lang na madalang. Basta may Lexa na dumating kahit isa o kaya ay dalawang beses sa isang linggo. Mas okay kong hihigit pa." Saad naman ng manager niya na ikinasang-ayon niya. "Walang problema maam. Basta po may pagkakataon magtutungo po ako dito para kumanta." Nakangiting wika ni Alex na ipinagpasalamat din ng manager niya. Paglabas ni Alex ng darkroom ay, mabilis namang nagsuklot ng black jacket si Alex at nagsuot ng fitted jeans. Tapos na kasi ang oras ng pagkanta ng isang singer ng bar. Kaya siya na ang kasunod. Nang maisuot niya ang maskara niya ay tumakbo na agad siya ng stage, at masiglang bumati sa mga tao sa loob ng bar. Hindi malaman ni Alex kung bakit sobrang energetic siya ng mga oras na iyon kaya naman, unang una niyang kinanta ang awitin ng isang sikat na banda na Mayonaise ang Jopay. Malakas na sigawan at sinasabayan pa siya ng mga tao sa bar. Parang naging mini concert pa ang nangyari kaya naman natuwa talaga si Alex sa mga nangyayari. Sinundan pa niya ito ng isa pang masiglang awitin ng Kamikazee ang Martyr Nyebera. Kaya naman halos mapatalon pa ang mga taong nakikinig sa pagkanta niya. Lalo pa at sinasabayam siya ng mga ito. Nakatitig lang naman si Leopard sa babaeng kumakanta sa stage. Si Lexa. Hindi talaga niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya pag naririnig ang boses nito. Kaya naman tuwing nais niyang magrelax sa bar na iyon talaga siya nagtutungo. Mula noong isang beses na maisipan niyang dumaan dito, matapos niyang maihatid si Jaime sa apartment nito noon. Sobrang nag-eenjoy lang si Leopard sa pakikinig, hanggang sa matapos ang performance ni Lexa sa pagkanta. Nagbigay muna ito ng isang speech na mababawasan ang pagkanta nito sa bar, dahil sa nakahanap na daw ito ng ibang trabaho. Kaya naman medyo nalugkot ang mga taong dumadayo sa bar na iyon marinig lang itong kumanta. Kahit naman siya kung tutuusin ay nalungkot sa pahayag nito. Pero natuwa din naman siya ng sabihin ni Lexa, na aayusin niya ang schedule niya para malaman kung anong araw siya nadoon sa bar at kung anong oras. Kaya kahit papaano ay ayos na rin. Nang umalis si Lexa ng stage ay tinawag na rin ni Leopard ang isang waiter para magbayad ng mga naorder niya. Pagkalabas niya ng bar ay dumiretso na siya ng parking lot, kung saan doon ang daanan ng mga empleyado ng bar na lumalabas at pumapasok. Hanggang sa mahagip ng mata niya ang isang bulto na naglalakad sa medyo madilim na parte ng parking lot. "Lexa?" Wika pa ni Leopard dahil hindi talaga siya pwedeng magkamali. Oo nga at oversized t-shirt na ang suot nito ngayon. Pero ang suot nitong fitted jeans at ang converse shoes na suot nito ay iyon pa rin. Nagmamadali namang tinungo ni Leopard ang ang daang tinatahak ni Lexa ng maabutan niya ito sa may parte ng poste ng ilaw. Naramdaman niya ang gulat nito dahil sa biglaang paghawak niya sa kamay nito. Gusto na sana niyang bitawang ang kamay nito ng mapagtantong, hindi mahaba ang buhok nito at nakacap ng pabaliktad. "Lalaki ba ito?" Tanong ni Leopard sa sarili dahil ang katawan nito ay parang babae, pero sa ayos ng pananamit nito para itong lalaki. "Sorry, napagkamalan kasi kitang si Le---." Nabitin sa ere ang sasabihin ni Leopard ng humarap sa kanya ang kausap niya. Napasinghap naman si Alex ng makilala ang lalaking nakahawak sa kamay niya. Anong ginagawa ni boss dito? Aba ay gabing-gabi na ah. Di yata at mahilig din pala na bar si boss. "Hi boss anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alex na ikinakunot ng noo ni Leopard. Nagtaka naman si Alex kung bakit nakakunot ang noo ng boss niya. Ay wala naman siyang ginagawang masama at higit sa lahat, hindi oras ng trabaho. Wala namang emergency text para sabihin hinahanap sina nito para sa trabaho kaya naman, sobra talagang nagtataka si Alex kung bakit nandoon ang boss niya. "Okay ka lang boss? May kailangan ka ba? Pero wala naman akong natatanggap na tawag or text na galing sayo. O kung sino man sa mga empleyado mo at mga customer natin? So anong ginagawa mo dito?" Mahabang tanong ni Alex ng mapasinghap na naman siya ng maalalang ngayon lang siya nakita ng boss niya sa ganoong ayos. Dahil hindi naman makilala ni Leopard ang kaharap niya ay binitawan niya ang kamay nito, dahilan para bumagsak ito sa sahig, kaya nalaglag ang cap nitong nakasuot pabaliktad. "Aray! Naman boss! Nakakakapa t*ngna lang ah! Manghahawak kang bigla. Tapos bibitawan mo din ng bigla! Nakakasakit ka na boss ah!" Reklamo ni Alex habang nakasimangot. "Alex?" Takang tanong ni Leopard habang si Alex naman ay masama ang tingin sa boss niya. "Nakakasakit ka boss! Alam mo ba iyon? Bakit mo ako binitawan!? Nanggugulat! Nanghahawak ng kamay. Tapos bibitawan ako sa alanganing sitwasyon. Aba! Nakakapagod kayang magpakawaitress at kumanta ng ilang kanta, tapos manggugulat ka dyan. Tapos manghahawak ng kamay sabay bitaw! Ang sakit na lalo ng katawan ko!" May inis na wika ni Alex sa boss niya. Nang magawang tumayo ni Alex ay akmang iiwan na niya ang boss niya sa pwesto nito ng hawakan muli nito ang kanyang kamay. "May problema ba boss? Kung wala kang sasabihin. Bitawan mo ako baka hindi kita matantya ay masapak kita. Nakakapagod magtrabaho ha. Tapos babagsak pa ako sa semento ng ganun. Ang sakit tuloy ng pang-upo ko!" Reklamo ni Alex dahil sa inis. Ngayon ay masakit pa ang kanyang pang-upo. "Anong sabi mo? Waitress ka? Dyan sa bar? Pero hindi naman kita nakita ah." Tanong ni Leopard, na hindi pinansin ang mga reklamo ni Alex at pagmumura nito. Napaayos naman si Alex ng tayo habang hawak ang balakang niya, malapit sa nasaktang pang-upo. "Nakapasok ka na ba sa darkroom? Kung customer ka ng bar. Siguro naman narinig mo na ang darkroom. Waitress ako doon." Pahayag ni Alex na ikinagulat ni Leopard. "What!?" "Wag mo akong ma-what. What? Boss. Dinig mo naman ang sinabi ko, na waitress ako sa darkroom." Inis na paliwanag niya dito. "Waitress ka doon at kalalabas mo lang? Sure kang waitress ka lang doon?" May pagdududang tanong ni Leopard. "Kanina pa akong labas doon ah. Pero customer ka talaga ng bar? Bakit hindi man lang kita nakita noong kumakanta ako? Kung hindi sa customer ng darkroom. " Wika ni Alex na ikinamangha naman ni Leopard. "Wait, ikaw si Lexa? Ikaw iyong kumakanta?" Manghang tanong ni Leopard na sunod-sunod naman ang pagtango ni Alex. "Bakit ka nagtatago sa pangalang Lexa?" Dagdag tanong pa ni Leopard. "Boss interview ba ito? Mas madami ka pang tanong ngayon kay sa noong pumasok ako bilang sekretarya mo ah. Nga pala si Ms. Marie pala nag-interview sa akin noon. Pero para mapaikli ko ang kwento. Hindi ako nagtatago sa pangalan na Lexa. Boss Alexa Dimagiba ang pangalan ko ha. Baka nakakalimot ka lang. Alex, Lex, Lexa. Iyan po nickname ko boss. So hindi ako nagtatago. Nakamaskara ako kasi iyong mga driver ng jeep doon sa terminal noong nagtatakatak pa ako, ay minsan na customer ng bar. Akala nilang lahat lalaki ako. Para naman hindi magbago pakikitungo nila sa akin. Nagmaskara na lang ako para hindi nila makilala." Paliwanag ni Alex na ikinagulat naman ni Leopard. "Nagtakatak ka. Street vendor ng cigarettes, candies sa mga terminal or kung saan saan, iyong nakalagay sa isang kahon na kahoy ganoon?" Tanong pa ni Leopard. "Yes boss? Masama ba?" Sagot ni Alex at umiling naman si Leopard. "Noong hindi pa kita sekretarya, ibig sabihin vendor ka sa umaga. Waitress ka sa darkroom at singer ka sa bar? Iyong tatlong iyon ang sinasabi mong tatlong trabaho mo?" Manghang tanong ni Leopard na napatango naman si Alex. "Oh Alex. Saka na tayo mag-usap. Tungkol sa mga trabaho mo na iyan. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo mo nakuha ang sipag, determinasyon at lakas ng loob na meron ka. Para kahit panglalaking trabaho pinasok mo na. Pero sa ngayon hindi ka na naman nagtitinda, umalis ka na rin sa pagiging waitress mo. Pakiusap Alex, makinig ka sa akin. Tapos ngayon naman ay, ihahatid na muna kita sa tinutuluyan mo." Wika na lang ni Leopard dahil hindi pa gaanong nagsisink-in sa isipan niya ang mga trabahong pinasok ni Alex noong hindi pa niya ito nagiging sekretarya. Wala namang nagawa si Alex, ng hilahin siya ng kanyang boss sa may kotse nito. "Boss kaya ko ng umuwing mag-isa. Maabala pa kita." Pigil ni Alex ng akmang ipagbubukas siya nito ng pintuan ng kotse nito. "Pumasok ka sa loob ng kotse ko at ihahatid na kita ngayon. Madalang na ang sasakyan ngayon. Delikado para sa isang babaeng tulad mo ang magbyahe ng mag-isa. Kahit nakaayos lalaki ka pa. Babae ka pa rin. Kaya naman wag ng matigas ang ulo Alex. Alam kong pagod na pagod ka na rin kaya naman sakay na." Wala namang nagawa si Alex kundi ang sumunod sa nais ng boss niya. Naupo naman siya sa passenger seat. Hawak niya ang seatbelt para maikabit sana. Pero pagkaupong pagkaupo pa lang niya ay napalapat na agad ang likod niya sa malambot na upuan, ay parang dinuduyan na siya, at hinihila ng antok. Pagpasok ni Leopard sa driver seat ay akmang sisitahin sana niya si Alex na magsuot ng seatbelt ng marinig niya ang pantay na paghinga nito, indikasyon na nakatulog na ito ng ganoon kabilis. Napailing na lang si Leopard, at siya na ang nagsuot ng seatbelt dito. "Hindi ko alam kung anong meron sayo. Pero ngayon palang, pinapahanga mo talaga ako." Bulong ni Leopard kay Alex habang natutulog ito. Siya na ang nagsuot ng seatbelt dito. Bago niya binuhay ang makina ng kotse niya at tuluyang umalis sa parking lot ng bar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD