Chapter 9

2139 Words
Matapos nilang kumain ay si Alex na ang naghugas ng kanilang pinagkainan at ng kanyang pinaglutuan. Matapos gawain niya sa kusina ay nagtungo siya sa living room kung saan naroon si Leopard. "Boss, okay na ako sa kusina. Nga pala bakit hindi mo ako hinatid sa bahay ko? Dapat ginising mo ako eh." Tanong niya. "Masyadong mahimbing ang tulog mo. Nabuhat na nga kita at lahat, tulog ka pa rin. Isa pa. Kumakain ka pa ba? Ang gaan mo. Kumpara sa height mo." "Yang kumakain ako boss minsan need ko lang talagang magtipid. Pero kumakain ako." Sagot na lang niya. "Boss uwi na ako, nasaan pala ang sapatos ko. Kailangan ko na ring mag-ayos ng sarili, para makapasok na rin ako mamaya sa opisina. Salamat pala sa pagkain." Wika ni Alex na napatingin kay Leopard na wari mo ay may sasabihin pa. "May sasabihin ka ba boss?" "Bakit kailangan mong magsuot ng mga oversized na damit? Nagmumukha ka talagang lalaki. Gwapong lalaki kung titingnan. Wag lang talagang hahawakan ang beywang mo, at doon ka mahahalatang babae talaga." Wika ni Leopard na nagpangisi kay Alex. "Boss mainlove ka niyan sa akin. Bahala ka." Tudyo pa niya dito, na nagpailing kay Leopard. Bago siya nagpatuloy sa sasabihin. "Boss nagtitinda ako, sa kalsada. Alang namang magsuot ako doon ng tube, fitted na spaghetti strap. Doon ako syempre sa komportable ako. Never pa din akong nabastos. Lalaki talaga tingin nila sa akin. Hindi ko na tinama. Mas okay na iyon." Saad naman ni Alex na sinang-ayunan na lang ni Leopard. "So hindi ka na papasok sa darkroom ng bar na sinasabi mo? Tatanggapin mo na ang offer ko?" Paniniguradobpa ni Leopard. "Yes sir. Pero pag maaga ang labas ko sa trabaho sayo. Gagawin ko muna lahat ng gawain ko dito sa bahay mo. Nakakahiya namang pati ang pagkanta sa bar ay iiwan ko. Hindi naman palagi. Minsan lang pag may pagkakataon sa isang linggo." Paalam pa ni Alex. Sabagay wala namang masama sa pagkanta, kaya ayos lang kay Leopard ang lahat basta magawa ni Alex ang trabaho niya. "Ay paano boss, mauna na ako sayo. Nasaan na ba ang sapatos ko? Daan pa ako sa apartment ko eh. Bago tumuloy sa trabaho." Wika ni Alex na nais na ring umalis dahil nais na talaga niyang maligo. "Maligo ka na lang sa kwarto ko. May mga gamit ako doong hindi ko pa nagagamit. Mahilig ka naman sa ganyang suot. Kaya naman kumuha ka na lang sa gamit ko." "Luh paano naman ang mga panloob ko? Ano yon? Kasi kahapon side a ngayon naman side b? Hindi na boss uuwi na ako." Paliwanag pa niya na natawa naman bigla si Leopard dahil na gets nito agad ang ibig niyang sabihin. "Punta ka sa pinaka dulong kwarto. Ginagamit ni mommy ang kwartong iyon pag napunta siya dito minsan. Kaya madaming damit doon na hindi pa niya nagagamit. Kung type mo damit ni mommy. Kumuha ka na lang ng pamalit doon. Lakad na." Utos ni Leopard sa kanya. "Luh, wag na boss nakakahiya. Meron pa rin naman ako nun noh." Wika pa niya. Kaya naman nagsalubong ang kilay ni Leopard "Kung masagot-sagot mo nga ako minsan parang hindi mo ako boss. Tapos mayroon ka palang hiya? Hindi ako nainform Alex. Akala ko ay wala ka noon. Kaya lumakad ka na." Nakangising wika ng boss niya. Kaya naman napasunod na lang din siya. "Oo na lang boss. Salamat po sa kabutihang loob ha." Sarkastikong wika ni Alex. Bago tinalikuran si Leopard. Nais na talaga niyang maligo. "Aba't!" Rinig pa niyang wika nito. Pero hindi na lang niya pinansin. Parang naiinis na rin kasi ito sa kanya. Pagdating niya sa may dulong kwarto ay nakita naman niyang malinis iyon. Hinayon agad niya ang walk in closet at nakita nga niya ang madaming damit na pambabae. Mga bagong undergarments na maliliit ang size. Ang iba ay medyo malaki. "Siguro dahil nagbago ng size ang mommy ni boss kaya napag-iwanan na rin ang ibang undergarments nito." Kumuha siya ng isang pares nito. Nang makita niya ang mga damit ng mommy ni Leopard ay hindi na siya nagtangkang kumuha ng damit nito. Masyadong revealing kasi. Hindi naman siya ganoon. Kaya naman undies and bra na lang ang kinuha niya. Bago nagtuloy sa kwarto ni Leopard. Sinilip naman muna niya ang kanyang boss at nakaupo pa rin ito sa couch at may kinukutingting sa cellphone nito. Nagtungo naman siya sa walk in closet ni Leopard at kumuha siya ng isang black t-shirt at black jogging pants. "Mas okay na ito kaysa naman mag part two." Natatawa pa niyang wika bago nagtungo sa banyo. Mabilis lang naman ang naging pagligo ni Alex. Pagkalabas niya ng banyo ay nandoon na ang boss niya. Wari mo ay hinihintay siya. "Bagay sayo." Wala sa sariling wika ni Leopard habang nakatingin kay Alex. "Eh? Maganda lang akong magdala ng damit boss." Nakangising sagot niya. "Maliligo lang ako. Wait me here. Ihahatid na kita ng maayos mo na rin ang mga gamit mo." Sabay tayò sa pagkakaupo sa kama at tutuloy na sana ng banyo si Leopard ng pigilan siya ni Alex. "Talaga bang need kong mag stay in?" Nag-aalangang tanong pa ni Alex na ikinangisi ni Leopard. "Saan ka nakakita ng katulong na, babayaran ko ng twenty thousand per month, pero stay out. Lugi ako doon ha. Mas mabuti na rin iyon. Para kung may hindi natapos na trabaho sa opisina. Pwedeng ituloy dito." Saad pa ni Leopard ng mapalunok si Alex. 'Luh. Bakit iba ang pumasok sa isipan ko sa sinabi niya?' Wika pa ng kabilang isipan niya. "Basta stay in ka. Okay." "Sige na lang boss. Para sa pamilya ko." Sagot na lang niya, at tumuloy na pagpasok ng banyo si Leopard. Habang siya naman ay lumabas na ng kwarto nito at sa living room na lang siya maghihintay. Tahimik lang sila sa byahe hanggang sa marating nila ang terminal. Nakita naman ni Alex ang mga bumibili sa kanyang mga jeepney driver at ilang tambay, at mga tricycle driver. Nakaupo lang ang mga ito sa upuang kahoy, na nandoon, habang naghihintay ng byahe. Pinatigil muna ni Alex saglit si Leopard. Nagpaalam siyang mangungumusta lang sa mga dati niyang kasamahan sa terminal. Buhat ng maging sekretarya siya nito ay hindi na siyang muli nakapagtinda. Pagkababa niya ng kotse ni Leopard ay nakita agad niya ang ngiti ng mga driver ng jeep at mga tambay na napatingin sa kanya. "Oi. Pareng Alex. Bigtime ka na! Naka tsekot tayo ah." Bati sa kanya ni Mang Jose. "Hindi po yan manong. Sa boss ko po iyan. May offer po kasi sa akin na trabaho. Dumaan lang po ako, dahil namiss ko pong magtinda. Pero sayang po ang opportunity eh. Malaki ang sahod." Saad ni Alex na ikinatuwa naman ng mga taong nandoroon. "Brad wag mo naman kaming kalilimutan!" Sigaw ng isang tricycle driver na tumatambay din doon minsan. "Oo naman mga boss. Sa unang sweldo ko, magpapainom ako dito." Wika ni Alex at naghiyawan pa ang mga nadoon. Tinakbo naman si Alex ng isang gwapong jeepney driver, at niyakap siya. Hindi naman nakakilos agad si Alex dahil sa biglang pagyakap nito. Matapos ang yakap na iyon ay inakbayan naman siya nito. Matagal na rin itong kilala ni Alex. Sa ama nito ang jeep na minamaneho nito. Mula ng tumuntong sa sixty five si Mang Isko ay si Tisoy na ang naghinete ng jeep nito, pagwala itong trabaho. Tapos naman ito ng pag-aaral. Dahil lang sa nais ni Mang Isko na hindi matengga ang pinakamamahal na jeep. Ito na ang nagpresintang, mamasada, basta walang pasok sa trabaho. "Namiss kita brad. Akala namin hindi ka na magpapakita dito? Saan ka ba naglalagi? Tapos pag-inaaya ka naming magbar noon, hindi ka man lang sumasama. Hindi mo tuloy nakikita iyong magaling kumanta doon. At ang sexy n'ya brad. Promise." Pagmamalaki pa ni Tisoy, pero hindi pa rin inaalis ang kamay nito sa kanyang balikat. "Ano ngang pangalan nun Pareng Tolits?" Tanong pa nito sa kasamahan. "Pre. Lexa ang pangalan nung chickz." Sagot ni Tolits na ikinaubo ni Alex. Napakunot noo naman si Leopard dahil sa pagyakap noong isang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran lang din ni Alex. Pero mas lalong nagsalubong ang kilay niya na habang nagkukwentuhan ang mga ito ay hindi man lang inaalis ni Alex ang kamay ng lalaki na nakapatong sa balikat nito. Hindi malaman ni Leopard kung bakit umaahon ang inis sa kanya. Kaya naman kahit sinabihan siya ni Alex na wag ng bumaba at mangungumusta lang ito, ay hindi na niya pinansin. Mabilis na bumaba si Leopard at tinungo ang kinaroroonan ni Alex at ng lalaking nakaakbay dito. Walang sali-salita na inalis ni Leopard ang kamay ni Tisoy na nakapatong sa balikat nito at hinapit naman niya ang beywang ni Alex papalapit sa kanya. "Boss!" Gulat na wika ni Alex na ikinatingin naman nina Tisoy sa kanila. "Bakit mo sila hinahayaan na basta ka na lang akbayan? Akala ko ba kukumustahin mo lang sila? Bakit may pag-akbay pa!" Inis na wika ni Leopard na nagpanganga kay Alex. "Wait lang boss. Galit ka? Bakit? Isa pa. Pakibitawan nga ang beywang ko? Nakakailang ha!" Singhal naman ni Alex. Pero hindi man lang pinansin ni Leopard. "Aba naman boss! Bitaw!" Inis ng wika niya. "Bakit sila inakbayan ka, hindi ka man lang pumalag. Ngayong hawak lang kita, kung mapaalis mo ang kamay ko!" May diing wika naman ni Leopard. Hindi nila napapansin ang mga taong nanonood sa kanila. Nakikita pa ang pagtatagisan nila ng mga tingin. "Oi, Tolits bili ka ng pop corn. May palabas." Nakangising wika ni Tisoy habang sa kanilang dalawa ni Leopard nakatingin. Napatingin din naman si Leopard kay Tisoy na nagsalita, kaya naman nagawa itong itulak ni Alex. "Sira ulo ka Tisoy!" Sigaw naman ni Alex. "Mukha kasi kayong may relasyon. Don't get me wrong brad. Para kasing hindi naman halata sa kasama mo na binabakuran ka. Kaya lang. Sayang ang lahi neto. Pag sayo nagkagusto." Pang-aasar pa ni Tisoy sa kanila, habang nakatingin kay Leopard. Sabay hagalpak ng tawa. Kaya naman napatawa din ang mga kasama nila doon. Akmang susugurin ni Leopard si Tisoy ng pigilan ito ni Alex. "Boss! Hindi ka ba hihinahon? Aba't! Sinabi ko na sayong wag kang bababa. Mangungumusta lang ako sa mga kakilala ko dito. Sila ang unang maging pamilya ko dito noong unang tungtong ko pa lang dito. Tapos ganyan ka! Tsk! Very wrong boss. Ako ng bahalang kumausap sa kanila. Balik ka na sa kotse mo. Magpapaalam lang ako. Gagawa ka pa ng gulo. Hulong na! Two minutes susunod na ako sayo. Okay?" Singhal ni Alex kay Leopard at wala namang sali-salita na tumalikod si Leopard at nagtuloy-tuloy ng pasok sa kotse niya. Nakatingin naman si Alex sa boss niya hanggang sa makapasok sa kotse nito. "Tisoy naman, dapat hindi na ninyo pinatulan. Mabait lang iyong boss ko. Mukhang nabastos pa ninyo." Pangaral pa ni Alex na ikinatikhim ni Tolits. "Pero wag kang magagalit Alex. Para kasi kayong magkaaway na mag jowa. Kaya pasensya na rin Alex. Mukha pa namang mayaman ang boss mo. Baka mamaya kung anong gawin nun sa amin." Alanganing wika pa ni Tolits. "Pasensya na rin Alex. Baka mawalan ka pa ng trabaho dahil sa pagbibiro ko." Hinging paumanhin naman ni Tisoy. "Don't worry kakausapin ko na lang si boss, sasabihin kong humihingi kayo ng pasensya. Baka hindi pa ako payagang bumalik dito sa sweldo ko, hindi ko pa kayo mailibre. Pero mabait yon. Pagdalaw ko ulit dito. Isasama ko si boss. Wag lang sanang maging ganito ulit ang paghaharap ninyo ha." Pakiusao ni Alex na ikinathumbs up ni Tisoy at Tolits. "Sige na Alex. Pabayaan mo na itong dalawang ito. Alam mo namang maloko talaga si Tisoy at Tolits lalo na at kayo lang tatlo ang pinakabata dito. Tapos mababawasan pa ng isa at aalis ka na. Pagpasensyahan mo na itong dalawa. Basta wag kang makakalimot ha." Saad pa ni Mang Jose na ikinasang-ayon ng lahat. Medyo nagkwentuhan pa silang muli, para mawala ang asaran na naganap kanina. Inis namang pumasok si Leopard sa loob ng kotse niya, hindi dahil sa sinabi ng lalaking umakbay kay Alex kundi sa sinabi ni Alex. "Ako? Ako talaga ang gagawa ng gulo? Habang gusto ko lang namang alisin ang kamay ng lalaking iyon sa balik---." Hindi na tapos ni Leopard ang sasabihin ng bigla niyang pinindot ang busina. Nakita na naman kasi niyang ngumingiti si Alex sa lalaking iyon, na parang nilublob sa glutathione sa kaputian. Hindi bagay maging driver. Ng biglang napatingin naman si Alex sa kanya at magsimulang magpaalam sa mga kausap, at maglakad ng may pagmamadali palapit sa kanya. "Ano bang meron sa babaeng ito. Lahat na lang ng sinasabi napapasunod ako! T*ngna! Alex may sa mangkukulam ka ba?" Tanong na singhal niya sa sarili, bago pa nakalapit sa kotse niya si Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD