Pagkalapit ni Alex sa kotse ni Leopard ay bigla niyang kinatok ang bintana ng driver seat sa halip na pumasok sa passenger seat.
"What!" Inis na tanong ni Leopard kay Alex.
"Maka-what? What ka boss. Nagpapaalam nga lang sabi eh. Tsk. Kung hindi lang malaki ang sahod ko sayo aalis na ako sa poder mo!" Wala sa sariling sagot ni Alex, at nagtungo na sa may passenger seat.
"Anong sabi mo? May balak kang umalis!?" Pasigaw na tanong ni Leopard habang inilalagay ni Alex ang seatbelt niya.
"Wala. Malaki pasahod mo eh." Nakangising sagot ni Alex at hindi na nagkomento pa si Leopard at tuluyan ng pinaadar ang kotse niya.
Pagkarating sa apartment ni Alex ay kasunod namang pumasok sa loob si Leopard. Pinagmasdan niya ang apartment nito. May isang pinto sa may dulo. Iyon ang kwarto ni Alex. May maliit namang pintuan sa pinaka kusina dahil nandoon ang lababo, at lutuan. Iyong pintuan na iyon ang pinaka banyo. Maliit lang ang apartment nito at medyo may sira na rin sa ilang parte. Pero matibay pa naman. May kalumaan na rin ang sofa na na nandoon pero mapapagtyagaan pa. May isang electric fan, may maliit na ref isang pangdalawahang table, at dalawang mono block chair.
"Tinitingin-tingin mo boss? Naliliitan ka sa apartment ko?" Tanong ni Alex habang hawak ang isang pitchel at baso.
"Napatingin lang. Masama? Bakit ba ang init ng ulo mo? Galit ka na n'yan? Dahil hindi ka masyadong nakapag-usap doon sa jeepney driver na parang binabad sa suka?" Tanong ni Leopard kaya naman napatawa na lang si Alex.
"Boss red days mo? Kanina ka pa. Tropa ko lang si Tisoy noh. Oh malamig na tubig, uminom ka muna ng mahimasmasan ka. Daig mo pang babaeng may buwanang dalaw eh." Saad ni Alex at iniwan na si Leopard. Nagtungo naman siya sa kwarto niya para magready ng mga damit niya at mahahalagang gamit na dapat niyang dalahin. Kahit naman stay in siya sa bahay ng boss niya. Gusto pa rin naman niyang mayroon siyang bahay na mauuwian pag day off niya.
"Bakit hindi mo nilalahat ilagay sa bag ang gamit mo?" Takang tanong ni Leopard. Hindi ito napansin ni Alex na nasa kwarto na pala niya. Busy kasi siya sa pag-aayos ng gamit.
"Boss mahirap namang kahit day off ko sa bahay mo ako mag stay. Isa pa wag mong sabihing wala akong day off?" Tanong niya dito.
"Meron syempre. Kaso ayaw mo bang ipunin para makauwi ka sa inyo? Makita mo ang pamilya mo. Kung sa isang linggo magkaroon ka ng isang araw na day off sa isang buwan ay four days. Sa two months ay eight days. Pwede mo na iyong ibakasyon sa inyo. You're choice. Kung kada day off mo. Aalis ka pa ng bahay. Or mag-iipon ng ilang araw para makauwi ng probinsya. Pabor sayo ang offer ko. What do you think? Hmmm?" Wika ni Leopard. Kaya naman ngayon palang napapaisip ding mabuti si Alex.
"One week. After one week mag day off ka. Umuwi ka dito at pag-isipan mo ang option na binibigay ka sayo." Dagdag pang saad ni Leopard.
"Thanks boss. Pag-iisipan kong mabuti. Although maganda ang offer mo. Namimiss ko din ang pamilya ko sa probinsya. Kaya sulitin ko muna ang one week work with you at ang day off na babalik ako dito. Magpapaalam pa rin ako sa landlady ko dito. Baka mabigla sa pag-alis ko." Sagot na lang ni Alex at ipinagpatuloy ang pag-eempakeng ginawa.
Matapos maayos ang mga gamit ay umalis na silang muli, matapos maayos ang pagkakalock ng pintuan. Habang nasa byahe ay tahimik lang silang dalawa hanggang sa putulin ni Leopard ang katahimikang meron sila.
"Alex, bakit mo naisipang magtakatak, at maging waitress sa darkroom? Hindi ko itatanong ang sa pagkanta mo. Kase maganda ang boses mo. Nakakapagtaka lang, iba ang boses mo pagnagsasalita at pagkumakanta." Tanong ni Leopard habang nakatutok pa rin ang tingin sa daan.
"Issue sayo? Ang boses ko? Kantahan kita ngayon eh?" Paghahamon pa ni Alex. Napalunok naman si Leopard sa sinabi nito.
"Wag na, parang iba ang dating sa akin ng alok mo. Sagutin mo na lang ang tanong ko. Kung bakit napasok ka sa pagtatakatak at pagiging waitress sa darkroom?" Wika ni Leopard at hindi na pinansin pa ni Alex ang una nitong sinabi.
"Napakadami ko na kayang in-apply-an na company mula ng tumuntong ako dito sa Maynila. Ang problema lang palagi na lang akong tatawagan. Ang masakit walang tumatawag." Sagot ni Alex at napabuntong hininga naman si Leopard.
"Bakit walang tumatawag sayo?"
"Aba ay malay ko? HR ba ako sa company nila para malaman kung bakit hindi nila ako tinatawagan?" May pagkasarkastikong sagot ni Alex, kaya naman napailing na lang si Leopard.
"Nagtatanong lang eh. Alam mo wala sa itsura mo na ang tapang mo. Boss mo pa ako ng lagay na iyan ha." Mahinahong wika ni Leopard kaya napatikhim naman si Alex.
"Sorry na boss. Medyo na-adopt ko yata ang pagiging tambay. Hehe." Paliwanag na lang ni Alex at napatango na lang si Leopard.
"Isang tanong pa. Gaanong katagal ka na dito sa Maynila na naghahanap ng trabaho?" Pagkuwan ay tanong pa nito.
"Taon na rin ang inabot ko dito, na ang alam ng mga magulang ko may maganda na akong trabaho. Pero lahat ng perang pinapadala ko galing sa pagtatakatak. Hanggang sa makilala ko si Nico kaya nagkatrabaho ako sa bar, bilang singer. Pero kulang la rin boss kaya pinasok ko na rin ang pagiging waitress sa darkroom. Akala nila ay office girl ako. Kaya hanap pa rin ako ng hanap hanggang sa makita ko sa internet ang paghahanap mo boss ng sekretarya. Kahit suntok sa buwan na matanggap. Sumugal pa rin ako. Mas mabuti ng magbaka sakali. Kay sa maghintay ng patak ng ulan sa tag-araw. Kita mo naman. May dalawa na akong trabaho sayo. Sekretarya at katulong mo. Kaya thank you boss ha." Mahabang paliwanag pa niya.
"Welcome at masaya akong magaling ka sa trabaho mo. Pero tanong lang ulit. Bakit hindi na lang sa bar ka nagwaitress? At sa darkroom mo pa talaga napili?" Tanong pang muli ni Leopard. Curious talaga siya kay Alex. Bagay na hindi niya maunawaan sa sarili, kaya dinadaan na lang niya sa pagtatanong.
"Bawal ang naka maskara sa bar. Pansin mo naman siguro iyon boss di ba? Wala namang nakamaskara sa bar. Di nalaman ng mga bumibili at mga tambay na babae ako. Minsan, okay madalas nandoon sina Tisoy at Tolits kasama ang mga driver at ilang tambay. Nasa bar sila para mag relax. Hindi naman mamahaling bar iyon eh. Pangmasa. Kaya kahit sino pwedeng pumasok doon. Mahirap ka man o mayaman. Basta magrerelax ka lang. Isa pa. Natatandaan mo ba suot ng waitress doon? Mga naka mini skirt ay wag na oi. Samantalang sa darkroom, naka black pants lang at high cut na converse shoes. Mas madaling kumilos." Paliwanag niya. Kaya naman napatango na lang si Leopard.
Tama naman talaga si Alex. Mga mini skirt nga ang suot ng mga babaeng waitress doon sa bar. Napadiin naman ang hawak ni Leopard sa manibela ng maisip na ganoong klase ang suot ni Alex, ay parang gusto niya itong balutan ng kumot para hindi makita ng ibang kalalakihan. Lalo na ng mga kakilala nito noong nagtitinda pa ito ng kung anu-ano sa may terminal.
Naisip na na naman niya ang pagyakap noong Tisoy na sinasabi ni Alex kaya naman hindi mawala ang inis na kanyang nararamdaman. Hindi na lang siya muling nagtanong at nanahimik na lang sa byahe. Hindi talaga niya malaman kung saan nagmumula ang inis na nararamdaman niya. Gayong wala naman siyang ibang relasyon kay Alex maliban sa sekretarya niya ito, at ngayon ay kinuha niyang katulong sa bahay niya.
Kalmado na si Leopard makarating sila sa bahay niya. Sa halip na sa maids room ay sa guestroom niya dinala si Alex. Hindi talaga niya malaman sa sarili kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Pero kusa na lang lumalabas sa kanya. Napakunot noo naman si Alex ng sa isa sa mga guestroom siya dinala ng kanyang boss. Kaya naman labis-labis ang pagtanggi niya dito.
"Boss nakita ko kaninang umaga ang maids room. Tatlo ang maids room mo dito malapit sa kusina, tapos dadalhin mo akong guestroom? Wag na boss. Maayos na ako sa maids room. Sayang kung hindi magagamit ay maid mo naman ako. Kaya salamat na lang." Saad ni Alex at nagtungo sa maids room. Siya na lang ang namili kung saang kwarto siya magstay. Mas pinili niya ang pinakadulong kwarto lalo na at medyo madilim ang parteng iyon ng bahay. May part pa doon na pwede kang magstay sa labas kung ayaw mo pang pumasok sa kwarto mo.
Matapos maayos ang gamit niya ay pinuntahan niya si Leopard na nasa library nito. Nang hindi na kasi siya mapilit nito na sa isang guestroom na lang ang kwartong gamitin ay magtutungo na lang daw ito sa library. Kumatok lang muna siya bago buksan ang pintuan. Nakita niyang nagbabasa ito ng ilang mga files na nakafolder.
"Yes?" Tanong ni Leopard at napaangat naman ng tingin niya kay Alex na nakasilip lang sa may pintuan.
"Boss paano pala ang araw ko ngayon bilang sekretarya mo? Tanghali na, hindi naman ako nakapasok?" Nag-aalangang tanong ni Alex sa boss niya.
"As long as you're here with me. Hindi mababawasan ang sweldo mo sa isang buwan. Nandito lang naman ako sa bahay, nandito din ang trabaho ko. Kaya naman, gumawa ka ng pwede mong gawin." Saad ni Leopard na ikinatango na lang ni Alex at lumabas ng library.
Pagaksarado ng pintuan, ay napahawak naman si Alex sa dibdib niya sa tapat ng kanyang puso.
"Anong nangyari? Bakit ka nagrereact sa sinabi niyang, as long as you're here with me. Literal na sabihin niya iyon, katulong at sekretarya niya ako. Pero bakit iba ang nararamdaman ng puso ko." Wika ni Alex ng bigla siyang magulat ng magsalita si Leopard sa likuran niya.
"Ano bang nararamdaman ng puso mo?" Biglang tanong ni Leopard.
"Ay kabayong nadulas ka!" Bulalas ni Alex at napatingin kay Leopard.
"Sorry boss nagulat lang./ Hindi kaya ako kabayong nadulas." Halos panabay nilang wika, kaya naman natawa sila sa isa't isa.
"Anong kailangan mo boss? Isa pa bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong ni Alex. Kahit natawa na s'ya. Talagang parang hinahabol pa rin ng kabayo ang puso niya.
"Hindi ako nanggugulat. Malay ko bang nandyan ka pa sa tapat ng pintuan? Magpapatimpla lang ako ng kape. Magluto ka din ng pang lunch nating dalawa. Lalo na malapit ng magtanghalian." Wika ni Leopard at sumunod na lang si Alex.
Matapos magtimpla ng kape at madala sa kanyang boss ay naghanap na lang si Alex ng pwedeng maluto. Wala namang gulay kaya naman, nagluto na lang siya ng adobo. Mabuti na lang at may sibuyas at bawang siyang nakita sa kusina.
Matapos magluto ay napatingin naman siya sa wall clock na nandoon. Halos kalalampas lang ng alas dose kaya pwede na niyang tawagin si Leopard. Matapos makapaghayin ay pinuntahan na niya ito para tawagin at kakain na.
Napangiti naman si Leopard ng makita ang pagkain na nakahayin sa hapag. Napangiti pa siya dahil sa amoy nitong, aroma pa lang ng pagkain, alam niyang masarap na.
"Salamat sa pagkain." Wika ni Leopard at kumuha na ng kanin at ulam.
"Masarap kang magluto ha. Pwede ka ng mag-asawa." Wala sa sariling komento ni Leopard kaya naman napatingin dito si Alex at pinaningkitan ang kanyang boss.
"Bakit hindi kaya ikaw boss ang mag-asawa? Total naman, mukha kang hindi nakakakain ng lutong bahay. Nasarapan ka na dyan sa luto ko. Simpleng adobo lang yang oh." Sagot niya.
"Sa masarap eh. Isa pa hindi ko need ng asawa kung kasama naman kita." Sagot ni Leopard na nagpatigil kay Alex sa pagsubo.
"A-anong sabi mo boss?" Nauutal na tanong niya dito.
"Hindi ko need mag-asawa kung kasama naman kita. Di ba? Bakit pa ako maghahanap ng asawa kung ang sekretarya ko katulong ko pa dito sa bahay. Masarap kang magluto kaya ano pang gagawin ng asawa na hahanapin ko. Hindi na lang." Walang prenong sagot ni Leopard at nagpatuloy na lang ito sa pagkain.
Napatitig na lang si Alex sa kanyang boss na patuloy sa pagkain. Medyo iba ang dating sa kanya ng sinabi nito. Kaya naman napailing na lang din siya sa paliwanag nito. 'Sa nga naman. Kung naiipagluto ko naman nga siya. Aanhin pa ni boss ang asawa.' Natatawang wika na lamg ni Alex sa sarili. Habang nakatingin sa boss niyang maganang kumakain.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako ako maiinis sa mga nangyayari. Pero bakit ganito ang boss ko? Habang tumatakbo ang oras, nararamdaman ko ang bagay na iyon. Gusto kong baliwalain at hayaan pero paano ko naman pipigilan." Mahinang saad ni Alex sa sarili habang nakatingin kay Leopard na ngayon ay nasa living room habang nakatutok ang mga mata sa laptop.