Busy si Leopard sa trabaho. Halos hindi na rin nga niya magawang tumayo sa harap ng kanyang table, sa loob ng opisina. Maraming orders ng kung anu-anong materyales sa iba't ibang branch ng Asuncion Hardware kaya naman sobrang busy ni Leopard. Ang sekretarya niyang ni Jaime ay hindi din magkawari sa pagtawag at pagsagot sa iba't ibang branch.
Nagkaroon kasi ng project ang gobyerno para sa pagpapagawa ng maayos na paaralan para sa iba't ibang panig ng bansa. Madami kasing nasirang paaralan gawa ng nagdaang kalamidad. Ang iba naman ay gawa ng sobra ng pagkaluma. Kaya nagsagawa ang gobyerno ng malawakang project para sa pagpapasimula ng pagtatayo ng panibagong paaralan, para sa ilang piling lugar, sa bawat panig ng bansa. Dahil sila ang isa sa pinakamalaking hardware sa Pilipinas na nagsu-supply ng mga gamit sa construction ay sila na ang kinontrata ng mga engineer at architect na magsupply ng mga gamit para sa ipapatayong mga paaralan. Sa iba't ibang lugar. Kaya naman sobrang busy nila.
Si Leopard na rin ang nagcontact sa iba pa nilang mga supplier. Ang mga kahoy, bakal, mga yero ay siya na ang nakikipag-usap sa mga supplier. Habang ang kanyang sekretarya ang namamahala sa mga sako-sakong mga semento, pati na mga supplier ng hallow blocks, buhangin at graba ay ito ang nakikipag-usap.
Bukod sa malakihang order sa kanila, ay may maliliit pang order ang iba pang mga hardware kaya naman, tinutugunan nila iyong lahat sa abot ng kanilang makakaya.
Ang empleyado nila sa ibang department ay nagtutungo na rin sa iba't iba nilang branch, para tumulong sa mga manager doon na namamahala. Wala namang reklamo ang mga ito. Lalo na at bayad naman ang lahat ng oras na ilalaan nila sa labas. Basta related sa trabaho.
Alas dyes na ng gabi, pero nasa opisina pa rin si Leopard. Alam niyang pagod na rin si Jaime, dahil siya ngang boss ay medyo pagod na rin. Pero nais talaga ng katawan niya na magrelax after ng trabaho. Hindi kasi sila makaalis ng opisina, para maisaayos ang lahat. Dahil kulang-kulang pa rin ang supply ng mga naideliver sa mga branches nila. Kaya naman nag-oover time sila ni Jaime tru phone call para makausap ang mga kompanya na supplier nila ng iba't ibang kagamitan.
Halos isang oras pa ang nakalipas ng ma-settled nila ni Jaime ang lahat. Na bago sumikat ang araw ay makakapagdeliver ng mga kailangan nila ang mga kompanya, na kinausap nila. Dahil sa mga bandang alas dyes naman ng umaga ay magdedeliver naman sila sa mga construction site.
Naghihikab pa si Jaime ng maabutan niya sa labas ng kanyang opisina. Alam niyang pagod na rin ito pero hindi man lang nagrereklamo. Iyon talaga ang nagustuhan niya sa sekretarya niya. Madali itong kausap at walang reklamo.
"Jaime." Bati niya dito kaya naman napatayo kaagad ang babae.
"Sir, may kailangan pa po kayo?" Tanong nito na pinipigilan pa rin ang paghikab.
"Wala na. Tayo na lang ang naiwan dito. Ihahatid na kita sa apartment mo. Alam kong pagod ka na. Okay na rin naman ang lahat para bukas. Kaya kahit magpalate ka bukas. Ayos lang." Wika ni Leopard na nagpagulat kay Jaime.
"Kaya, gusto kita boss eh. Salamat ha. Makakatulog ako ang mahaba-haba ngayon. Walang bawian ah. Sabi mo kahit magpalate. Promise papasok ako bukas. Gigising na ako ng mga seven. Baka mga nine na ako makapasok ah." Saad ni Jaime na sumang-ayon naman si Leopard. Lalo na at halos isang oras lang pala ito magpapalate.
Pinatay muna ni Jaime ang kanyang computer bago sumunod sa kanyang boss. Kahit sabihing medyo malapit si Jaime kay Leopard ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkagusto sila sa isa't isa. Mabait si Jaime, pero naging parang kapatid lang ang turing ni Leopard dito. Masyado itong tutok sa trabaho. May kaya ang pamilya ni Jaime. Mayroong sakahan ang mga ito, na pinamamahalaan ng ama ni Jaime. Dahil nakapagtapos ito ng pag-aaral. Nais ni Jaime na magamit ang kanyang pinag-aralan kaya naman ng makita ni Leopard ang credentials nito. Hindi na siya nagdalawang isip at kinuha ito bilang sekretarya, ng mag-aaply ka kanya. Kaya nga ngayon ay nasa limang taon na ito sa poder niya.
"Boss, pwedeng umidlip? Talagang hinihila ng antok ang katawang lupa ko." Tanong ni Jaime ng makasakay sila sa kotse niya.
"Yeah. Gisingin na lang kita pagnandoon na tayo sa apartment mo." Sagot ni Leopard ng mapatingin kay Jaime na tulog na ito, kaya pala hindi na nakasagot.
Halos nasa isang oras naman ang byahe dahil nagkaroon ng trapik. Kaya naman medyo tumagal ang tulog ni Jaime. Nang gisingin niya ito ay medyo nakabawi na ito ng lakas.
"Thanks boss. Halos twelve midnight na. Ingat po pag-uwi." Wika lang ni Jaime at hinintay lang ni Leopard na makapasok ito ng apartment bago tuluyang umalis.
Habang nagmamaneho pauwi ng bahay, ay nawala naman ang pagod at antok na nararamdaman ni Leopard kaya naman. Mas minabuti niyang dumaan muna sa bar na malimit niyang madaanan pag hinahatid niya si Jaime pag may overtime sila.
Pagpasok niya ng bar ay napangiti naman siya at hindi niya inaasahan ang nakita. Ang iniisip niyang bar, ay may mga umiinom at puno ng usok gawa ng sigarilyo, at may mga babaeng sumasayaw. Pero ang bar na ito ay, may umiinom syempre. Pero may space sa bandang dulo na may nakalagay na smoking area. Hindi babaeng sumasayaw ang nasa stage, kundi isang babaeng nakaupo at kumakanta.
Napaupo si Leopard sa may dulong parte dahil masyado ng ukupado ang unahan. Medyo nahalina siya sa babaeng kumakanta. Nais man niyang makita ang mukha nito, pero may takip na maskara ang mga mata. Nang matapos ang isang malamyos na kanta, tumayo ang babae at inabot ang papel na binigay ng isang customer.
Sexy ang babae, dahil hakab ang katawan nito sa fitted black pants na suot nito. Tapos ay naka white tube top, na may black leather jacket. Habang naka white converse rubber shoes.
Hindi naman maalis ni Leopard ang tingin sa babae. Alam niyang sa likod ng maskara na iyon ay isa iyong magandang mukha. Nakakapagtaka lang at mas nais nitong takpan ang mukha. Nang makabalik ang babae sa pwesto nito ay iniabot ng babae ang papel sa lalaking siyang tumutugtog. Tapos ay iniabot din sa ibang kasamahan. Maya-maya lang ay tumindig ang babaeng kumakanta at nagsimulang tumugtog ng rock song ang mga may hawak ng instrumento. Napahanga naman si Leopard sa pagkanta ng babae. Hindi lang pang mild soft love music ang boses ng babae. Dahil pwede ring pang rock.
Nilapitan naman siya ng waiter at kinuha ang order niya. Nang maibigay ng waiter ang kanyang order ay hindi na talaga naalis ni Leopard ang tingin sa babae. Kung sasabihing na love at first sight siya, ay hindi niya masasabi. Basta humanga si Leopard sa magandang boses nito. Matapos ang rock music na iyon at isa pang kanta, ay umalis na sa stage ang babae. Dumaan ito sa backstage at mula doon ay hindi na niya nakita pa.
Tinawag ni Leopard ang waiter na dumaan sa tabi niya. "Pwede ko bang malaman ang pangalan ng mystery singer ninyo?" Mahinanong tanong ni Leopard sa waiter.
"Hala, bago ka lang sir dito? Hindi naman talaga totoong misteryosa ang singer namin dito. Ayaw lang po talaga niya na may makakilala sa kanya. Pero hindi ko pwedeng ibigay ang tunay niyang pangalan. Pero tinatawag namin siyang Lexa dito." Paliwanag naman ng waiter.
"Ah ganoon ba? Natuwa lang talaga ako sa performance niya. Magaling s'yang kumanta. Lalabas pa ba s'ya?" Tanong muli ni Leopard.
"Naku sir mukhang hindi na. Uuwi na iyon. Madaming racket si Lexa. Daig pang may limang anak kung kumayod. Pero 100% single iyon. Need daw kasi talaga ng pera para sa pamilya niya sa probinsya. Ay sir may kailangan ka pa?" Tanong muli sa kanya ng waiter.
"Ah wala naman. Pero dahil sinagot mo ang mga tanong ko. Keep it. Hatian mo sa Lexa. Sabihin mo ay nagandahan ako sa performance n'ya kanina." Wika ni Leopard na ikinagulat ng waiter. Dahil nasa five thousand ang binigay ni Leopard dito.
"Hala sir, thank you. Kailangang kailangan ko talaga ngayon ng pera, pambili ng gamot ng kapatid ko. Tumawag kasi si inay na may lagnat ang bunso namin. Salamat po. At ito pong kalahati. Promise po makakarating kay Lexa." Saad naman ng waiter na nagmamadaling umalis, para maabutan si Lexa sa backstage.
Matapos maubos ang order ni Leopard alak tinawag naman niya ang waiter na siyang nagserve sa kanya. Nang makapagbayad at makapagbigay ng tip ay umalis na rin si Leopard ng bar na iyon. Hindi lang niya maunawaan ang sarili dahil sa magnet na hatid sa kanya ni Lexa. Hindi man niya ito nakilala pero talagang nabighani siya dito.
Samantala sa backstage ay umaalingawngaw ang boses ni Nico, habang isinisigaw ang pangalan ni Lexa.
"Lexa! Lexa! Yohooo!" Tawag pa ni Nico ng bigla na lang itong batukan ni Lexa mula sa likuran.
"Ang mapanakit mo namang babae ka. Pasalamat ka, napakagood mood ko ngayon. Hindi na ako mamumroblema sa pambili ng gamot ng kapatid ko. Hindi ko na kailangang mangutang kay boss." Nakangiting wika ni Nico na wari mo ay nanalo sa lotto.
"Anong meron? Hinanap mo lang ako para lang ipagmalaki yan? Nakapulot ka ba ng wallet ng mayamang customer? Oi masama yan. Ibalik mo!" Sita ni Alex kay Nico.
"Grabe ka talaga sa akin Lexa. Hindi ganoon. Akala ko ba ay magkaibigan tayo. Iyang iniisip mo sa akin ha." Pagtanggi pa nito.
"Kung hindi ganoon? Ay ano? At kaibigan talaga kita, kaya ayaw kong mapapahamak ka." Dagdag tanong pa niya.
"May bago kasing customer na nabighani yata sa performance mo. Bakit kasi masyado mong ginalingan ang pagkanta? So ayon. Hinahanap ka n'ya. Pero wag kang mag-alala. Sinabi ko na kilala ka lang namin sa tawag na Lexa, na totoo naman. Kahit alam kong ikaw si Alexa Dimagiba." Wika ni Nico na nakatanggap na naman ng pambabatok mula kay Alex.
"Nakakasakit ka na ha." Reklamo pa nito.
"Ikaw eh, alam mo namang ikaw lang nakakaalam ng tunay na pangalan ko. Binanggit mo pa. Oh. Tuloy mo nna iyong sinasabi mo." Wika pa ni Alex.
"Ayon na nga. Tapos ayon nga nagustuhan ang pagkanta mo. Dahil sinagot ko ang tanong niya. Binigyan niya ako ng tip na limang libo, tapos hati daw tayo. So ayon. Pahinging five hundred kasi wala akong barya. Heto na ang tatlong libo. Kaya sobrang thank you Lex. Dahil sa performance mo, may pambili na ako ng gamot ni kapatid at pagkain namin ng isang linggo." Masayang paliwanag ni Nico sa kanya.
Labis din namang natuwa si Alex dahil kailangan din niyang magpadala ng pera para sa pagbili ng gamot ng kanyang ama. Ang kanya namang ina ay nagtitinda lang ng gulay sa probinsya. Hindi sapat para sa pambili ng gamot at pagkain sa araw-araw ang kinikita ng mga ito. Bukod pa sa dalawa niyang kapatid na nag-aaral pa. Kaya naman doble kayod talaga siya. Takatak ang trabaho niya sa umaga at isa s'yang singer sa bar na iyon sa gabi. Hindi kasi sasapat ang kinikita niya sa pagtatakatak. Kaya naman ng magkaroon ng opportunity para kumanta sa isang bar. Sinunggaban na niya. Pero dahil hindi pa rin sapat kaya tuloy lang siya sa pagtatakatak. Nag-aaply kasi siyang sekretarya sa kahit na anong kompanya na tatanggap sa kanya. Pero sa tagal ng pag-aapply niya, palaging ang sabi sa kanya ay tatawagan na lang siya. Pero kahit ganoon hindi siya nawawalan ng pag-asa. Kada may marinig siyang hiring ay palagi naman siyang nagpapasa ng resume sa mga kompanya.
"Sayo na lang itong limangdaan, bigay ko na sayo. Lalo na at tip lang naman yan. Okay na ako dito sa dalawang libo. Kumita ako ng malaki sa pagtatakatak, pwede ng pandagdag sa ipapadala ko kina inay." Wika naman ni Alex kaya naman mas lalong natuwa si Nico.
"Yaan mo makakabawi din ako sayo, Lex. Salamat talaga ng marami." Ani pa ni Nico.
"Wag mong isipin iyon. Sinu-sino pa ba ang magtutulungan? Kung hindi tayo-tayo lang din naman. S'ya mauna na ako sayo. Need ng magrest ang katawang lupa ko. Maaga pa akong magtitinda bukas." Pahayag naman ni Alex at tuluyan ng lumabas sa backdoor ng bar.