Prologue

2051 Words
Sumasakit ang ulo, habang nakatingin si Leopard, sa isang tambak ng resume sa kanyang mesa. Wala naman talaga siyang balak humanap ng bagong sekretarya, iyon nga lamang ay biglang nagresign ang pinagkakatiwalaan niyang sekretarya. Sa loob ng limang taon nitong pagtatrabaho sa kanya, ay hindi man lang siya nagkaproblema dito. Masipag ito, at sobrang dedicated sa trabaho. Walang overtime na tinatanggihan. Pagod na pero nakangiti pa rin. On call din pag meron kang nakalimutang itanong, or kung may kailangan ka sa kanya ng biglaan. Nanghihinayang siya sa biglaang pagreresign ni Jaime, pero wala naman siyang magagawa. Nagkasakit kasi ang ama nito, na siyang namamahala ng lupang ipinamana ng kanyang lolo doon sa probinsya. Kaya naman kahit papaano ay kailangang alagaan ni Jaime ang lupang sakahan na iyon. Kahit papaano ay medyo malaki ang lupang iyon. Sayang din naman kung mapapabayaan lang. Bukod sa palayan, ay madami kasi iyong mga puno ng niyog at mga puno ng mangga, na talaga namang, kumikita. Kaya naman nagpasya itong umuwi, para ito na ang mamahala at magpatakbo ng sakahang inaasikaso ng ama. Hindi malaman ni Leopard kung paano niya sisimulan ang pagpili, sa ipapalit niyang sekretarya. I-interview-hin ba niya isa-isa? O huhugot na lang ng isa at sekretarya na niya. Wala ng pili. Iyon na kaagad. HR kasi dapat ang pipili ng sekretarya niya. Pero hindi niya ipinamahala sa mga ito lalo na at siya naman ang boss, gusto niya ay siya na ang pumili. Pero sa nakikita niya ngayon, parang gusto na niya ulit ibalik sa HR, ang pagpili ng kanyang magiging sekretarya. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya sa dami ng papel na iyon sa harapan niya. Napabuntong hininga na lang si Leopard, dahil hindi niya alam kung paano siya makakapili ng sekretarya na tulad ni Jaime, na masipag. Higit sa lahat, mapagkakatiwalaan. Kung katulad ni Jaime ang hahanapin niya siguro ay wala talaga siyang makikita. Halos karamihan ng mga nag-aapply na sekretarya niya ay parang hindi naman sekretarya ang inaaplayan. Dahil sa litraro pa lang ng mga ito, ay halos maubos na yata ang isang pallet ng make-up ang inilagay sa mukha. Mayroon namang, walang gaanong make-up pero para namang need dalahin sa feeding program. May iba naman na, sobrang taas ng credentials. Pwede na ring maging boss. Kaya naman, kahit kalahati pa lang ng resume ang natitingnan niya. Tumigil na muna siya. Dahil talagang pinapasakit ang ulo niya ng paghahanap lang ng sekretarya. Sa isang buong araw na tinitigan niya ang mga resume binalik na niya ito sa HR. "Sir. Bakit po ninyo binalik lahat dito ang mga resume. Akala ko po ay kayo po ang pipili ng magiging sekretarya ninyo?" Nababahalang tanong ni Marie. "Wala pa akong makita na pwedeng pumalit kay Jaime. Kaya kayo na lang ang bahala. Pero sana lang ay maayos ang mapili ninyo. Kasi pag hindi, pababalikin ko dito. Para paalisin ninyo." Mariing utos ni Leopard na ikinatango na lang ni Marie, at napalunok na lang ang ibang mga kasama nila doon sa department na iyon. Napailing na lang si Leopard pag-alis niya ng HR. "Bahala na talaga silang pumili, dahil iyon naman ang trabaho nila. Paaalisin ko lang mapipili nila, pag hindi ko gusto." Saad ni Leopard sa isipan. Ilang araw din na walang sekretarya si Leopard, dahil na rin sa naghahanap talaga ang HR ng maayos na sekretarya. "Good morning Sir." Bati sa kanya ng kanyang mga empleyado pagpasok pa lang niya ng opisina. Hindi naman siya bumati pagbalik at sanay na rin ang mga ito, sa kanya. Naiinis siya ng umagang iyon, lalo na at tumawag ang manager ng isang branch ng Asuncion Hardware, na nagkamali ng deliver ang mga tauhan nila ng yero. Makapal na yero ang order ng customer, pero manipis ang naipadala ng mga tauhan nila sa branch na iyon. Wala naman sanang magiging problema, kung napansin agad. Kaso ay huli na ng makita iyon ng engineer na namamahal ang pagkakamaling iyon. Halos kalahati na ng mga yerong nadeliver ay nagamit na. Ipinapakalas tuloy iyon ng nagpapagawa, at humihingi ng panibagong yero. Dahil tama ang bayad ng mga ito. Ngunit sila nga ang nagkamali. Pagkapasok ni Leopard ng opisina ay nandoon na ang kanyang bagong sekretarya, na pinadala ng HR. Nakaupo lang ito at nakatitig sa kanya. Hindi niya malaman kung, natutulala ba ito o kung ano. Pero kita naman niyang nakatingin sa kanya. "Hindi man lang bumati. Tss. Ako pa ba ang dapat babati muna sa empleyado ko? Sumasakit talaga ang ulo ko sa mga ito." Wika ni Leopard sa sarili, kaya naman tumigil siya sa harap nito bago nagsalita. "Ms. Santos, black coffee please." Sambit ni Leopard dito, na siya naman nitong ikinagulat. "Ay palaka ka! Sir nandyan na po pala kayo? May sinasabi ka po ba?" Sagot ng babae na wari mo ay nananaginip pa. Napahilot na lang si Leopard ng sintindo. Lalo na at agang-aga, ay problema na kaagad ang bumungad sa kanya. Tapos ang madadatnan niyang sekretarya, mukhang nananaginip pa. "I said, get me a coffee!" Sigaw ni Leopard na ikinagulat ng babae. "Sir magtatanong lang po ako. Hot or cold po?" Tanong pa nito na ikinahampas ni Leopard sa noo. "Hot coffee Ms. Santos." Inis pero kinakalma ni Leopard ang sarili. "Sir last na po, bibili po ba ako sa labas? O ipagtitimpla ko na lang po kayo?" tanong pang muli ng bago niyang sekretarya. Na hindi na kinaya ni Leopard, at nagawa na niyang sigawan ito. "Ms. Santos get out! Habang nagtitimpi pa ako. Get another job and never come back." Mariing wika ni Leopard, habang itinuturo ang pintuan. "Hala, wala na po ba akong trabaho? Ok po sir. Pero paano naman po ang mga ginastos ko sa pag-aapply dito? Aalis n'yo rin po pala ako. Tinanggihan ko po iyong isang offer sa akin eh." Reklamo pa nito na ikinahawak na ni Leopard sa sentido. "Go to HR! Get your one month salary! And never come back! Your fired! Get it? Get out!" Pasigaw na wika ni Leopard, na ikinasaludo pa ng babae. "Yes! Sir!" Wika pa nito sabay takbo, palabas ng opisina niya. Pumasok na ng tuluyan sa kanyang opisina si Leopard at naupo sa kanyang swivel chair. Hawak pa rin ang noo na hindi malaman kung ano ang gagawin. Naiinis siya sa balitang natanggap niya. Tapos ngayon, ang sekretarya pa niya. Hindi niya malaman kung ano ang tinira ng babae, at daig pa nito ang lutang, at wala sa sarili. Hindi man lang tumagal ng isang oras ang sekretarya niya. Paano ba siya makakahanap ng matinong sekretarya. Pasado naman sa credentials, pero sa oras ng trabaho. Bagsak na. Nawawala na sa sarili. Tumawag siya kaagad sa HR para ipaalam ang nangyari. Kaya mabilis nilang ibinigay ang dapat makuha ni Ms. Santos para hindi na ito makabalik pa ng kanyang kompanya. Nagpahanap na siyang muli ng sekretarya, humiling siyang iyong, sana maayos naman. Hindi iyong parang wala sa sarili. Nang sumunod na araw, ay naging maayos naman ang lahat. Lalo na at napag-alaman na ang may pagkakamali pala sa mga order ay ang mismong engineer dahil hindi nito na check ng maayos ang mga lista ng materyales na bibilhin kaya naman nagkaroon ng pagkakamali. Pagpasok ni Leopard ay nakita niya ang bago niyang sekretarya. Napangiwi pa siya ng makita ang itsura nito. Maganda naman ang babae kaya nga lang, nagkamali yata ito ng pinasukan. Sa halip na sa bar ay sa opisina niya napunta. Nakasuot ito ng red fitted dress, na humahakab sa katawan nito. Iyon nga lamang halos lumuwa na ang dibdib nito. Nagulat pa siya sa pagtayo nito dahil nakita pa niya ang pisngi ng puwetan nito. Napailing na lang si Leopard. "Good morning Sir." Nang-aakit na wika nito sabay kindat sa kanya. Hindi naman nakapagsalita si Leopard dahil sa gulat. "Sir, do you want coffee? Tea? Or me?" Dagdag pa nito na hinawi pa ang tumatabing na buhok kaya naman, mas lalo niyang nakita ang pisngi ng dibdib nito na halos ang matabunan nalang ng damit nito ay ang pinaka nipz nito. "No, thank you." Wika ni Leopard. "Sir masarap po akong magtimpla ng kape. Parang ako lang din po. Masarap." Wika pa ng bago niyang sekretarya. Pero wala siyang balak makipagflirt. Kaya naman nilampasan niya lang ito. "Sir naman. Ayaw po ba talaga ninyong ipagtimpla ko kayo ng kape?" Nagpapacute pang tanong nito. Kaya naman napahilot na talaga si Leopard ng sentido. "No thank you Ms. Flor. At isa pa ang kailangan ko ay sekretarya. Hindi iyong mukhang kalalabas lang ng bar, para mag-alok ng sarili. Get out! This is your first and last day." Mariing wika ni Leopard. "Sir hindi mo pa nga nararanasan ang serbisyo ko!" Pagmamaktol pa ni Ms. Flor. "I want at service of a secretary. Hindi pakikipagflirt ang hanap ko. Ang nais ko trabaho ang ipinunta dito. Hindi ako." Inis na wika ni Leopard. Bago tuluyan ng tinalikuran ang babae na nagmamaktol. Para makapasok na sa loob ng kanyang opisina. Pero bago pa niya maisara ang pintuan, ay narinig pa niya ang pag-aalboroto ng babae 'Ako tinanggihan ni Sir? Ako talaga? Ang dami kayang nais makasama ako. Tapos ako na nga ang lumalapit. Inayawan pa ako. I'm single and ready to mingle kaya. Tapos sinupladuhan lang ako? Higit sa lahat, first and last day ko na rin ito. Kainis!' Wika ng babae at mabilis ng isinara ni Leopard ang pinto. Tumawag siyang muli sa HR at sinabing, paalisin na ang bago niyang sekretarya. Hindi niya kailangan ng sekretarya na puro pang-aakit lang ang alam. Hindi nito magagawa ng maayos ang trabaho kung puro pagpapacute lang ang gagawin nito. Ang nais sana ni Leopard ay iyong, kahit hindi kasing galing ni Jaime, sana naman ay maayos magtrabaho, at dedicated. Hindi iyong kita na ang dibdib. Na puro lang pagpapaganda ang gagawin kahit hindi naman maganda. Sumasakit na talaga ang ulo niya. Minsan gusto na talaga niyang tawagan si Jaime at pabalikin. Halos isang linggo na ang lumilipas para sa pagpili ng sekretarya si Leopard, pero wala pa rin siyang makita na matino. Hanggang sa pagpasok niya ay natigilan siya ng makita ang isang napakagandang babae na nakangiti sa kanya. Hindi malaman ni Leopard kung bakit parang pamilyar sa kanya ang babae. Pero hindi niya maalala kung saan niya nakita. Hindi naman mapigilan ni Leopard, ang sarili na mapalunok dahil, wala siyang maapuhap na salita na sasabihin para sa babae. Sa tingin niya ay sa lahat ng sekretarya na nakita niya noong nagdaang linggo ito na ang pinakamatino sa lahat. Sa tingin pa lang niya sa pananamit ay masasabi niyang maayos pati pagkakabotones ng polo nito. Hindi din sobrang ikli ng skirt nito. kung baga tama lang sa isang nag-oopisina. "Good morning Mr. Asuncion. I'm Alexa Dimagiba. Your new secretary. You can call me Alex Sir." Wika nito na ikinatikhim ni Leopard. "Okey Alex. Bring me black coffee, less sugar, more coffee, just a little bit more bitter. Pakidala na lang sa loob ng opisina ko." Wika niya na ikinatango naman ni Alex. "Yes Sir, just wait a minute." Wika nito na ikinatalikod na ni Leopard at pumasok na sa loob ng opisina. Si Alex naman at tumuloy na sa pantry para ipagtimpla ng kape ang kanyang boss. Habang nakaupo sa kanyang swivel chair, ay napangiti naman si Leopard ng maisip ang bago niyang sekretarya. Maganda ito, at napakasimple. Wala ding makapal na make-up tulad ng sa iba. Sa tingin niya ay matino ito, hindi tulad ng ibang sekretarya na nauna dito. Wala din siyang nababakas na pag-aakit mula dito. Ang ngiti nito ay halata lamang ang paggalang sa boss. Pakiramdam niya ay trabaho lang talaga ang nais nito, na ikinangiti niya. Ilang sandali pa at nakarinig siya ng pagkatok. Pinagmukha munang busy ni Leopard ang sarili bago sinabing pinapapasok na niya ang nasa labas. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang mukha ni Alex na nakangiti pa sa kanya. "Your coffee Sir." Masayang wika pa nito na ikinatango niya. Nang tuluyang nakapasok si Alex doon lang biglang napaawang ang labi ni Leopard ng makita niya ang suot nito. Naka black pencil skirt ito na mataas ng dalawang pulgada mula sa tuhod. Suot ang white polo na bagay na bagay naman dito na napansin na nga niya kanina. Ang hindi lang niya mapaniwalaan ay, nakasuot ito ng high cut converse rubber shoes na kulay black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD