Chapter 2

2530 Words
Halos ala una na ng madaling araw ng makarating si Alex sa kanyang apartment. Medyo pagod na rin talaga siya. Kaya hindi na niya nagawa pang magbihis pa. Paglapat pa lang ng kanyang katawan sa sofa ay nakatulog na siya kaagad. Hindi na niya nagawa pang makarating ng sariling kwarto, at doon matulog. Pero kahit anong antok at pagod niya sa nagdaang araw ay maagap pa rin siyang nagigising. Alas kwatro y medya pa lang ay gising ng muli si Alex. Naligo at nag-ayos muna siya ng sarili. Ibang iba sa ayos ng babaeng kumakanta sa bar. Suot niya ang isang ripped jeans at oversized na t-shirt. Naka sumbrero ng pabaliktad at naka high cut converse rubber shoes. Ganoon palagi ang ang suot niyang sapatos. Sa kulay lang nagkakatalo. Gray, black and white lang ang kulay na mayroon siya. Pare-pareho din ng design. Depende sa mood niya ang kulay na susuotin niya. Matapos makapagbihis, saka lang siya naghanda ng kanyang pang-umagahan. Kape lang at pandesal, sa kalapit na bakery na bukas na ng mga oras na iyon siya bumibili. Sa tagal niya sa lugar ay talagang nakilala na rin siya ng mga tao roon. Mula kasi ng makatapos siya sa kolehiyo, ay nagtungo na siya sa Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Isang jeepney driver ang kanyang ama at tumatanggap ng labada ang kanyang ina. Kahit hirap sila sa buhay, ay nagawa naman siyang igapang ng mga magulang para makatapos ng pag-aaral. Nasa kolehiyo na rin ang sumunod sa kanya na si Alexis habang nasa highschool naman si Alexandra. Kaya naman ngayon ay gagawin ni Alex ang lahat para lamang makatulong sa mga magulang niya. Ayaw din niyang nag-iisip sa panggastos ang kanyang inay. Lalo na at may sakit ang kanyang itay. Tinamaan kasi ng mild stroke ang kanyang itay, habang namamasada. Patigil na rin noon, at bababa na ang mga pasahero. Nang mapansin ng huling pasahero na may nararamdamang kakaiba ang kanyang itay. Kaya mabilis itong nakahingi ng tulong at nadala sa ospital. Mabuti na lang at naagapan, kaya hindi gaanong lumala. Kaya naman, ngayon kumakayod talaga siyang mabuti, para sa maintenance ng kanyang ama. Mula kasi ng ma-stroke ang kanyang ama. Hindi na niya pinayagang magmaneho pa ito ng jeep. Kaya naman ang kaunting naipon niya sa mga sideline ay ipinadala niyang lahat sa kanyang inay, at ipinangsimula ng negosyo. Namimili ng kaunting gulay ang kanyang inay at itinitinda sa labas ng kanilang bahay. Madami naman silang katabing bahay sa probinsya. Higit sa lahat ang ibang malalayo ay sa kanila na rin bumibili. Mas malayo kasi ang palengke. Marami na ring bukas na mga grocery isang sakay lang ng tricycle mula sa apartment ni Alex. Doon siya bumibili ng mga itinitinda niya. Candy, bubble gum higit sa lahat ay mga lighter at iba't ibang brand ng yosi ang kanyang paninda. Nakalagay iyon sa isang parisukat na kahoy na maraming pitak. May takip itong hinahawi lang. Malimit bumili kay Alex ay mga, driver. May mga pasahero din na sa kanya bumibili, pati mga tambay sa lugar. Minsan naman ay nakakasagupa si Alex ng mabait at sobrang nakakaunawa sa trabaho niya. Iyong tipo na bibili ng yosi at babayaran ka ng five hundred pesos and keep the change. Pero mayroon din naman talaga na kahit piso lang amg sukli, aawayin ka pa pag nakalimutan mong iabot. Mahirap ang buhay niya sa Maynila. Pero para sa pamilya niya sa probinsya. Laban lang. Halos nasa ilang buwan na rin buhat ng dumating siya sa lugar ay nag-apply na siyang sekretarya sa mga kompanya na nakikitaan niya ng hiring. Masakit lang kahit sabihing tatawagan siya hindi naman siya natatawag. Kaya bumagsak siya sa pagtatakatak. Hanggang sa nakilala niya si Nico na naging daan para makapasok siya sa bar, kung saan siya kumakanta ngayon. Sideline din niya ang pagiging waitress. Bumili lang noon sa kanya si Nico ng candy, habang nagtatanggal inip ay nawala sa pag-iisip niyang nasa tabi lang niya ang binata kaya naman, nagawa niyang kumanta. Nagustuhan ni Nico ang boses niya kaya naman, isinama kaagad siya sa bar kung saan ito nagtatrabaho. Tamang tama at need ng mga ito ng singer. Pero kahit kumakanta na siya sa bar hindi pa rin sapat. Kailangan pa rin ni Alex ng maayos na trabaho, na mayroong benepisyo. Tanghali na ng mga oras na iyon ng magpasyang tawagan ni Alex ang mga magulang. Sinabi na rin ni Alex na magpapadala siya ng pera para sa gamot ng kanyang itay at panggastos na rin. Matapos ang tawag ay nagpunta na si Alex sa remittance center. Mabuti na lang at kaibigan na niya ang mga gwardiya doon. Dahil bawal ipasok ang dala niya, nahahabilin niya iyon sa mga gwardiya. Napangiti pa si Alex, ng maalala ang dalawang libo na iniabot sa kanya ni Nico, na galing sa unknown customer. 'Kung sino ka man, sobrang thank you. Malaking tulong ito sa pamilya ko.' Wika pa ni Alex bago iniabot sa teller ang perang ipapadala niya sa pamilya sa probinsya. Bumalik muli si Alex sa pwesto niya. Mas madaming dumadaan na sasakyang ngayon, at madami ding pasahero sa may terminal. Napatingin naman siya sa tinda niyang kakaunti pa lang ang nababawas. "Boss yosi." Tawag sa kanya ng isang jeepney driver. Agad naman siyang lumapit dito. "Boss ilan?" Tanong niya. "Isang kaha. Magkano ba yang lighter mo?" Tanong pa nito. "Sampung piso boss." Sagot niya at iniabot ang isang kahang yosi at isang lighter. Nag-abot ito ng two hundred pesos. Susuklian na sana niya ito ng humingi na lang ng limang piraso ng kendi at ibinigay na sa kanya ang sukli. "Boss twenty pesos din ito." Sambit ni Alex. "Tip ko na sayo. Kung babae lang ako. Maiinlove ako sayo. Ang gwapo mo eh." Pagbibiro sa kanya ng driver ng jeep na narinig ng mga kasamahan nito kaya naman natawa din ang iba. "Alam mo pare wag mong binibiro iyang si Alex. Siya ang baby namin dito sa terminal. Siya lang ang pinakabata at pinakagwapo dito. Mabait na bata din yang si Alex kaya naman mahal na mahal namin iyan dito." Saad naman ni Mang Jose na isa sa pinakamabait na jeepney driver na nakilala niya. "Biro lang iyong sa akin Alex. Kaya ng sabi ko sayo kung naging babae ako. Kaso lalaki ako. Hindi tayo talo." Sagot pa ng lalaki kaya naman napuno ng tawanan ang terminal. Hindi naman naiilang si Alex na kung sinu-sinong mga lalaki ang nakakasalamuha niya. Lalo na at akala ng mga ito na lalaki siya. Kaya naman hindi na niya itinama ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nagmamaskara pag kumakanta. Nakikita niya kasi minsam na nag-iinuman ang mga kakilala niyang driver doon sa bar. Hindi naman kasi mahal ang bar na iyon. Para lang talaga iyon sa mga taong nais magchill. Mahirap ka man o mayaman. Ayaw niyang magbago ang pakikitungo ng mga iyon sa kanya. Masaya na siyang lalaki din ang turing ng mga ito. Pakiramdam niya. Safe siya sa lagay na iyon. Sa opisina naman ni Leopard, ay naabutan siya ng kanyang sekretarya na nakangiti. Hindi naman siya palaging ganoon. Pero hindi talaga mawala ang ngiti niya, sa mga oras na iyon. "Babae ba yan boss?" Tanong ni Jaime ng makapasok ito sa loob. Hindi man lang niya ito napansin. "Tsk. Kabute ka ba? Bigla ka na lang sumusulpot eh." Reklamo niya dito. "Sekretarya mo ako boss at hindi kabute. Kumatok kasi ako. Kaso wala ka yatang balak papasukin ako. Kaya naman nagkusa na ako. Malay ko bang ang ganda ng ngiti natin ngayon?" Saad pa ni Jaime na ikinatikhim niya. "Hindi noh." "Ay makatanggi ka. Boss five years akong naninilbihan sayo. Hindi ka naman pinapangiti ng mga papeles na pinipirmahan mo. Ngayon ka lang ngumiti ng ganyan. So babae nga?" Pangungulit pa ni Jaime. "Naku Jaime, ako'y tigilan mo. Anong problema mo at nandito ka?" Seryosong tanong ni Leopard. "Ay magpapapirma malamang. Alang namang makikipagflirt sayo boss." Natatawang wika ni Jaime ng samaan ito ng tingin ni Leopard. "Boss mo pa rin ako. Bakit ganyan ka kung makipag-usap sa akin?" "Landiin na lang kaya kita boss ng may mapala ako sayo? Single ka na naman ng matagal na. Single din ako. Bakit ba hindi ka naaakit sa akin? Inaakit kaya kita." Wika ni Jaime na ikinaubo ni Leopard. "Akin na ang pipirmahan ko, at tigilan mo ako Hermano." Asik pa ni Leopard, sabay abot sa papeles na kailangan ng prima ni Leopard. "Galit agad. Boss una sa lahat ayaw ko sayo. Masyado kang gwapo para sa probinsyanang beauty ko. Although alam kong maganda ako, sabi ng mga magulang ko. Pero wag mo naman akong tawaging Hermano. Pag talagang babae ang napangasawa ko. Kasalanan mo yan. Sabi ng babae nga ako." Reklamo mi Jaime na siyang nagpatawa kay Leopard. Parang kapatid na talaga ni Leopard si Jaime. Babae naman talaga ito pero sa tagal niyang sekretarya ito. Hindi man lang niya na nabalitaan na nagkaboyfriend ito. Kaya minsan talaga natatawag na ito ni Leopard na Hermano. Dahil baka babae din ang gusto nito. Na palagi naman nitong itinatanggi dahil lalaki pa rin daw ang gusto nito. Pero hindi siya ang tipo nito. Isa din iyon sa dahilan kung bakit naging close niya si Jaime. Maaasahan lang ito sa lahat ng bagay at hindi mo kakikitaan ng kaartehan. Lumipas ang maghapon, at maagap naman silang lumabas sa trabaho. Lalo na at maayos na naman ang takbo ng mga hardware. Lahat ng order nila ay naideliver sa kanilang branch ng maayos. Habang ang mga order naman sa kanila ay naideliver din nila ng maayos sa kanilang mga customers. Hindi naman niya hinatid si Jaime, ng gabing iyon. Lalo na at hindi naman sila overtime. Nais sana niyang magtungo doon sa bar. Upang makitang muli ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung anong nakita niya sa babae. Pero talagang, masaya siyang masilayan ito kahit nakamaskara at marinig ang boses nito na bagay sa kahit na anong kanta. Umuwi na lang muna si Leopard ng bahay niya. Wala naman siyang kasamang katulong. Wala din naman doon ang mga magulang niya. Sariling bahay niya iyon, mula ng maipatayo niya ang unang branch ng Asuncion Hardware. Sa mga kinita niya, doon siya nakapag-ipon para ipagpatayo ng sariling bahay. Mula noon ay bumukod na rin siya sa mga magulang. Pagpasok niya ng bahay ay tumambad sa kanya ang nakabibinging katahimikan. Hindi naman siya gaanong nakikisalamuha sa iba. Nagtutungo din naman siya sa bar, pero solo flight lang talaga. Ilang beses siyang nakapunta ng bar, ng may kasama, noong magcelebrate ng birthday si Jaime at kasama ang mga kaibigan nito na taga probinsya. Isa or dalawang beses lang iyon. Pero hindi na naulit. Habang nakahiga sa kanyang couch ay hindi namalayan ni Leopard na nakatulog siya. Alas nueve na ng gabi ng magising siya. Kaya naman, naligo at nagbihis lang siya. Gusto niyang ituloy ang balak niya na magtungo ng bar na iyon. Halos mag-aalas onse na ng gabi pero wala pa rin ang babaeng inaabangan niyang kumanta. Hanggang sa nakita niyang muli ang waiter noong nagdaang araw. Dahil lumapit ito sa kanya. "Boss ikaw ulit." Bati nito kay Leopard. Kaya naman nakakita siya ng pag-asa. Dumating din ang isa pang waiter na nagdala ng order niya. "Boss thank you sa bigay mo kagabi. Nakabili ako ng gamot ng kapatid ko at pagkain namin para sa ilang araw. At isa pa boss. Dalawang libo lang ang kinuha ni Lexa, sa akin na daw ang tatlo. Sinasabi ko sayo ito dahil nakita ulit kita ngayon." Pahayag ng waiter at namangha naman si Leopard. "Hindi ko inaasahan na matatandaan mo pa ako. At sasabihin mo sa akin ang mga bagay na iyan." Saad ni Leopard. "Boss, malaking pera ang binigay mo. Siguro kasi mayaman kq kaya hindi mo ramdam. Pero sa tulad naming mahirap. Malaking tulong yon. So ayon boss. Hanap mo ba si Lexa. Kanina pa kasi kitang nakita dito. Ngayon lang ako nagka free time na lapitan ka. Waitress si Lexa sa kabilang part, nito bar. Iyong tinatawag na darkroom." Saad ng waiter na medyo naguluhan si Leopard. "Anong darkroom?" Naguguluhang tanong niya dito. "Iyong mga, pinupuntahan ng mga lalaking nais ng panandalian ligaya. Meron kami nun dito sa bar. Pero waitress lang talaga si Lexa doon. Siya lang din ang pinayagang nakamaskara sa darkroom. Pero lalabas na iyon. Apat na oras lang ang trabaho nun sa darkroom." Paliwanag nito. "Hindi ba delikado iyon para sa isang babae na katulad niya?" Hindi malaman ni Leopard ang sarili kung bakit parang nag-aalala siya sa babae. "Hindi naman sir. Ang waitress kasi doon hindi pwedeng hawakan, hindi rin pwedeng i-table. Kung nais ng waitress na magpatable. Aalisin na siya sa pagiging waitress at iyon na ang magiging trabaho niya. Pero si Lexa, hanggang waitress lang talaga iyon. Kailangang kumayod talaga sir. Kaya madaming racket." Paliwanag ng waiter, na hindi malaman ni Leopard kung bakit nakahinga siya ng maluwag. Ilang sandali pa at bumaba na ang unang kumakanta. Umakyat na ngayon ang babaeng kanina pa niya hinihintay. Nang magsimula itong kumanta, hindi na niya napansin ang waiter na kausap lang niya. Napansin na lang niya itong nagkakamot ng ulo, ng medyo malayo na sa kanya. Hindi naman kasi niya maiwasan na hindi titigan ang babaeng kumakanta sa stage. Pakiramdam niya, narerecharge siya sa boses nito. Matapos ang dalawang kanta ay nagsalita ito. "Para sa mga minamahal naming mga customers. May request ba kayong kanta? Kung meron naman. Susubukan po ng iyong lingkod na awitin." Saad nito ng may ilang customer ang lumapit dito at nag-abot ng mga papel. Sinimulan naman nitong kumanta hanggang sa hindi namalayan ni Leopard na maghahating gabi na. Nalaman lang niya ng umalis ng stage ang babaeng nagngangalang Lexa. Ilang kanta lang kasi ito. Dahil si Lexa ang talagang dinarayo sa bar na iyon. Hindi man maihahalintulad sa sobrang galing kumanta. Pero mahuhumaling ka talaga sa boses ni Lexa. Napansin naman niyang dadaan ulit sa tabi niya ang waiter na nakakausap niya kay Lexa. Kaya tinawag niya ito. Akmang mag-aabot ulit si Leopard ng tip para dito pero tumanggi na ito. "Sir, salamat po. Pero hindi ko na po iyan matatanggap. Kahapon sobrang need ko ng pera. Pero nakabili na ako ng gamot at pagkain. Kaya po hindi ko na iyan matatanggap." Pagtanggi nito kaya naman napahanga si Leopard. "Ganoon ba. Sa sunod na may kailangan ka, at makita mo ako wag kang mahiyang magsabi sa akin." Wika ni Leopard. "Thank you sir. Pero nais mo bang makilala si Lexa? Friend ko iyon eh. Pero syempre. Ipapakilala lang kita pag may consent na n'ya. Gusto mo ba sir? Bali ilang beses na pala tayong nagkakausap sir. Hindi ako nagpapakilala ako po si Nico." Pakilala nito sa kanya. "No need Nico. Masaya lang akong marinig ang boses niya. At kontento na ako doon. Umalis na ba s'ya?" Tanong naman ni Leopard. Na ikinatango naman ni Nico. "Aalis na rin ako. Salamat." Saad naman ni Leopard matapos magbayad ng mga inorder niya. Habang nagmamaneho pauwi ng bahay niya ay hindi mapawi ang mga ngiti sa labi ni Leopard. Sulyap lang iyon para sa babaeng estranghera para sa kanya. Pero napapasaya na ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD