Chapter 11

2225 Words
Busy sa pagtatype si Alex ng biglang tumunog ang telepono sa table niya. Napatingin naman siya sa salamin na pinakawall ng ospisina ni Leopard. Busy pa rin ang kanyang boss, at sobrang tutok sa ginagawa. Napatingin siyang muli sa sa telepono na tumutunog pa rin, bago niya tuluyang sinagot. "Yes! Hello. This is Alex of Asuncion Hardware speaking. How may I help you?" Mabining wika ni Alex sa pagsagot niya ng tawag. "Hi! Can I talk to Mr. Asuncion? Please tell him. I'm Romano Abueva." Wika ng lalaki sa kabilang linya. "Just wait a minute sir. Ipapasa ko po ang tawag kay Mr. Asuncion." Sagot niya sa kausap, at pinindot naman niya ang intercom. "Sir, may tawag po galing kay Mr. Romano Abueva. Nais daw po niya kayong makausap. Ipapasa ko po sa inyo ang tawag." Wika ni Alex. "Sige." Maikling sagot lang ni Leopard sa kanya bago ipinasa ang tawag ni Mr. Abueva, na nakahold sa kanya. Nang makitang nasagot na ng kanyang boss ang tawag ay ibinaba na niya ang telepono na hawak niya. Napatingin pa si Alex kay Leopard na masayang nakikipag-usap sa telepono. Hindi man niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero masasabi niyang, masaya ang boss niya, dahil sa nakangiti ito habang nagsasalita. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtatype. Hindi niya namalayan ang oras na tanghalian na pala. Nag-unat siya ng mga kamay at medyo napahikab din siya. Pero naiwan sa ere ang pagbuka niya ng bibig, dahil nasa harapan na pala niya ang boss niya at nakahalukipkip ang mga kamay. "Hindi mo hinintay ang pagtawag ko sayo? Ang aga mo namang lumabas sa opisina mo boss. Gutom ka na?" Sunod-sunod niyang tanong habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig dito. "Medyo, pero hindi pa naman gaano. Pero ngayon, may pupuntahan tayo mamayang gabi. Iniimbitahan ako ni Mr. Abueva. Birthday niya ngayon kaya kailangan kong pumunta." Wika ni Leopard na napakunot ng noo ni Alex. "Oi. Si Mr. Romano na tumawag. Invited ka boss? Bakit naman nadawit ako? Wala namang tayo?" Sagot ni Alex na si Leopard naman ang napakunot ang noo. "Anong pinagsasasabi mo?" "Sabi mo, invited ka sa birthday ni Mr. Abueva, wag assuming boss. Kaya lang bakit ang may pupuntahan ay tayo? Ikaw lang naman ang inimbita?" Tanong ni Alex habang nakatitig pa rin si Leopard sa kanya. "Anong masamang titig yan?" Dagdag tanong pa niya. "Syempre sekretarya kita. Di malamang isasama kita." Ani Leopard. "Hindi ako mahilig sa ganyan boss. Iyang mga party ng mayayaman nakaformal attire yan. Wala akong ganoon. Magtungo na lang ako sa bar. Kakanta lang ako ng lima, tapos uuwi na." Nakangising wika ni Alex. Pero bigla ding naglaho ng marinig ang sinabi ni Leopard. "Kada isang pagsuway mo sa nais ko. Less five thousand sa sahod mo. Kung hindi ka sasama mamaya. Bawasan natin ng limang libo ang sweldo mo. Deal." Napanguso naman si Alex sa narinig kay Leopard. "Parang ganoon din naman eh. Kung bibili ako ng dress para sa party mamaya kung saan mo ako isasama. Less five thousand din naman sa sweldo ko eh." Reklamo na niya. "Libre ko ang susuotin mo. Tara na. Naging malaking customer ko si Mr. Abueva. Kaya naman hindi ko mahindian. Kaya naman tumayo ka na dyan at pupunta tayo ng mall para sa isusuot mo. Bilisan mo na ang kilos." Ani pa ni Leopard, at bigla na lang siyang hinila patayo mula sa swivel chair niya kaya wala na rin siyang nagawa ng sumakay silang elevator. Wala namang mga empleyado sa paligid dahil ang lahat ay kumakain na. Sila na lang dalawa ni Leopard ang naglalakad. Doon lang niya napagtantong hindi pala binibitawan ng boss niya ang kamay niya. Pagkarating nila ng parking lot ay nagtungo kaagad si Leopard sa may driver seat. Akmang bubuksan na nito ang pintuan ng mapatingin pa sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa sumasakay sa passenger seat?" Kunot noong tanong pa ng kanyang boss. "Eh? Natanong mo pa nga ako ng ganyan boss?" Hindi makapaniwalang balik tanong niya dito. "Yes!" Kompyansang sagot ni Leopard na hindi malaman ni Alex kong matatawa sa sagot ng boss niya. Kaya napangisi na lang din siya. "Anong nakakatawa?" Walang ideang tanong pa ni Leopard. "Kamay ko boss." Sagot ni Alex ng sundan ni Leopard ang kamay nitong mahigpit pala ang pagkakahawak niya. Para namang napasong binitawan ni Leopard ang kamay ni Alex. Kaya naman napailing na lang ang dalaga sa inasal ng kanyang boss bago tinungo ang passenger seat. Tahimik lang sila sa byahe patungong mall, ng basagin ni Alex ang katahimikan. "Boss sasamahan kita di ba? Libre mo ang susuotin ko? Lubusin mo na ha." "Anong nais mo? Hmmmm." Malambing na wika ni Leopard na nagpatuwid ng upo kay Alex. Ano ba yan? Magtatanong lang naglalambing pa ng boses. Pa-fall din itong isang ito eh. Tapos pagnafall ka na. Hindi naman marunong sumalo. Haist. Wrong move. Wika ni Alex sa isipan, bago tinuloy ang nais sabihin. "Pakainin mo ako boss, libre mo na. Gutom na ako eh." Napatawa na lang si Leopard sa sinabi ni Alex. "Akala ko naman kung ano na. Iyon lang naman pala. Syempre naman pakakainin kita. Magback out ka pa. Wala naman akong naiisip na isama sa party ni Mr. Abueva kundi ikaw." Pagdating ng mall ay naghanap muna sila ng makakainan. Nais sana ni Leopard sa isang Chinese Restaurant sa loob ng mall sila kumain. Pero heto sila ngayon sa pinakafood court ng mall. Kumakain ng apat na order ng kanin. Tig dadalawang order ng pork shanghai, siomai, dumplings, isang order ng pork sisig, dalawang iced tea at bottled water. Napatingin naman si Alex kay Leopard na walang kaarte-arteng kumakain ng kung anong nakahayin at order nilang pagkain. "Boss, hindi ka naman napipilitan sa kinakain mo?" Napailing naman si Leopard sa tanong niya bago magsalita. "Hindi naman. Alam kong malinis naman ito, madaming kumakain eh. Hindi ako pamilyar pero masarap. I enjoy the food. Kaya kumain ka lang. Kasi kumakain lang din ako." Satisfied naman si Alex sa sagot ng boss niya. Lalo na at nakikita niyang nag-eenjoy naman talaga ito sa pagkain. "Tanong lang. Bakit bigla kang lumabas doon sa Chinese Restaurant. Namimili na lang tayo ng pwedeng kainin ng bigla mo akong hilahin palabas at magtungo dito?" "Boss, sobrang mahal ng pagkain doon. Hindi naman ako sure kung masarap. Magkano nagastos mo dito sa mga nakahayin na pagkain boss?" Tanong niya at inilibot naman ni Leopard ang tingin sa mga pagkaing nakahayin sa kanila. "Why you asked?" "Sagutin mo na lang boss." "Nasa five hundred lang, wala pa. Ibabalik pa sana ni manang ang sukli hindi ko na lang kinuha." Sagot ni Leopard, sabay subo ng isang siomai. "See, limangdaan lang boss. Iyong nakita kong pinakamurang pagkain doon sa resto na pinasukan natin, soup lang iyon. Bird's Nest Soup tapos one hundred dollar ang isang bowl? Dito sa five hundred pesos mo. Dalawa na tayo. Mabubusog ka pa ng husto." Paliwanag ni Alex, na napailing na lang si Leopard. Madami na rin naman talaga siyang nakasalamuhang babae. Pero kakaiba si Alex sa lahat. Syempre kakaiba din si Jaime, pero parang kapatid lang ang turingan nila. Ang mga babaeng nakilala niya noon. Hindi mo mapapapunta sa ganoong lugar. Mas pipiliing kumain sa mga restuarant, lahat ng pwedeng kainin. Mahal man tapos titikman lang. Habang sa nakikita niya kay Alex ang pagiging masinop. Walang kaarte-arte sa katawan. Nabitin naman sa ere ang pagsubo ni Alex ng dumplings ng mapansing titig na titig sa kanya si Leopard. "Boss nagagandahan ka na sa akin? Wag kang mahiya, tumatanggap ako ng papuri." Agaw pansing wika ni Alex, kaya naman biglang natauhan si Leopard sa pagkatulala niya. "Hindi ah. Nagtataka lang ako, kasi sobrang gaan mo. Pero ang kain mo pangkarpentero." Nakangising wika ni Leopard. Akala niya ay maiinsulto Alex pero tinawanan lang siya nito. "Ang kabilin-bilinan ng mga magulang ko. Kumain na daw ako ng pang karpentero, mahalaga busog ako. Hindi iyong tulad ng mayayamang nag-aaksaya ng pagkain na titikman lang. Tapos aayawan na. Pero pagnag-iisa daig pang patay gutom sa kusina nila." Wika ni Alex at ipinagpatuloy na rin ang pagkain. Nakakaisang kanin pa lang si Leopard pero busog na busog na siya. Ang dami kasing order ni Alex ng kung anu-ano. Hindi siya pamilyar kaya tinikman niyang lahat. Pero pilitin man niya hindi na talaga niya kayang ubusin ang isa pang kanin na para sa kanya. "Boss kain pa." Saad ni Alex na dalawang subo na lang ng kanin at mauubos na nito ang ikalawang cup ng kanin nito. "Hindi ko na kaya. I'm already full Alex. Hindi naman siguro masama kung ititira na lang natin iyan isang rice." Tugon ni Leopard na ikinailing ni Alex. "Hindi goods yan boss. Madaming nagugutom sa bansa. Pangit ang pag-aaksaya ng pagkain." Wika ni Alex sabay kuha sa kain na hindi niya nagalaw. Pinanood lang niya ang pagkain ni Alex. Ang hindi niya mapaniwalaan ay ang naubos lahat ni Alex ang pagkaing nakayahin lang kanina sa kanila. "Saan mo dinala?" Manghang tanong ni Leopard habang inuubos ni Alex ang iced tea sa baso nito. "Sa tiyan ko? Alang naman sa talamapakan ko?" Natatawang sagot ni Alex, na hindi talaga mapaniwalaan ni Leopard na daig pa talagang karpentero at kargador ang kain na iyon ni Alex. Ilang minuto pa ang kanilang itinigil sa food court para magpababa ng kinain. Bago sila tuluyang tumungo sa department store. Naglilibot lang silang dalawa sa loob ng department store ng makita ni Leopard ang isang baby pink dress. Maganda ang ito, at napakasimple. Napatingin siya kay Alex na nasa unahan niya. Kaya naman tinawag niya ito. Nakita naman ni Alex si Leopard na nakatigil sa tapat ng isang dress na baby pink ang kulay. Unang tingin pa lang ni Alex ay napangiwi na siya. Oo maganda ang dress na iyon. Masasabi niyang sakto lang ang sukat noon sa kanya. Pero ang kulay nito ay hindi pasok sa kanyang panlasa. Malawak naman ang ngiti ni Leopard ng makalapit siya dito. "What do you think? Mukha namang bagay sayo." Masayang wika ni Leopard sa kanya, kasabay ng paglapit sa kanila ng sales lady. "Hi, sir, maam. Gusto po ba ninyong tingnan? Sa tingin ko po bagay na bagay kay maam ang dress na ito." Wika ng sales lady na akmang kukunin nito ang dress ng pigilan niya. "Wag na miss. Hindi na kailangan. Hindi ako magsusuot ng ganyan. May black kayo. Sige pwede. Pag baby pink. Salamat na lang sa lahat." Buong pusong pagtanggi ni Alex, na ikinatawa ni Leopard. "Why?" Takang tanong ni Alex. "Daig mo pang may allergy sa pagtanggi mo eh. Sorry miss maghahanap lang ulit kami. Thank you." Saad ni Leopard sa sales lady, at nagpaalam dito. Wala naman sa sariling inakbayan ni Leopard si Alex. Nagulat naman si Alex sa inakto ng boss niya. Naramdaman na lang niya ang tila kuryente dumaloy sa katawan niya ng maglapat ang kanilang mga katawan. Hindi malaman ni Alex kung naramdaman din ba ng kanyang boss ang naramdaman niya. Pero pinilit na lang niyang baliwalain iyon. Hindi naman malaman ni Alex kung bakit napakakomportable ng pakiramdam niya habang nakadikit siya sa boss niya. Naamoy niya ang natural nitong amoy na nahalo sa expensive perfume na ginagamit nito. Napapikit pa si Alex sa hindi malamang kadahilanan, dahil ninanamnam niya ang pagkakataong nasa balikat niya ang bisig ng kanyang boss. Ilang sandali pa ay nagulat na lang si Alex ng bigla siyang bumangga sa isang poste kaya naman bigla siyang napamulat, dahil babagsak siya. Hindi naman siya nasaktan dahil nasalo siya ni Leopard. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Leopard ng mapansin ang medyo mapula niyang noo. "Bakit hindi mo nakita iyong poste?" Takang tanong ni Leopard. "Hinigit na kita eh. Bakit tumuloy ka pa rin?" Sermon pa nito sa kanya. Eh kasi po, akbay ka ng akbay. Ay nag-enjoy ako sa mga bisig mo. Di napapikit ako. Malay ko bang may poste na sa harapan ko. Nais sanang sabihin ni Alex pero sa isip lang niya iyon syempre. "Nangati kasi ang mata ko. Napapikit tuloy ako kaya hindi ko napansin." Wika ni Alex kaya tapos ay medyo kinusot ang mata. "Makati pa ba?" Sabay lapit ni Leopard at tiningnan ang kanyang mata, at hinipan. Napakurap naman ni Alex ng tumama ang mainit na hininga ni Leopard sa kanyang mata. Infairness mabago ang hininga ni boss. Wika niya sa isipan niya ng hawakan naman bigla ni Leopard ang kanyang noo. Doon lang niya napansin na may bukol iyon dahil medyo masakit pa rin. "Nagkabukol ka pa tuloy. Kaya ba yang takpan ng make-up?" Tanong ni Leopard na napatango na lang siya. "Pero hindi ako marunong maglagay noon. Pulbos at lip balm lang ako." Sagot ni Alex. "May nakikita akong parang natural lang. Hindi mo need mag make-up. Maganda ka pa rin ng wala noon. Ihahanap na lang kita ng pwedeng ilagay dyan sa noo mo ng hindi mahalata ang pamumula. Pero sa ngayon humanap na muna tayo ng damit mo. Hmmm." Saad ni Leopard na hindi magawang ikakilos ni Alex ng maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Leopard, sa bukol niya sa noo. Bago siya muli nitong hinawakan sa kamay, at nagtungo sa dulong parte ng department store ng makakita sila ng formal dress na sa tingin niya ay magugustuhan na niya. Lalo na at puro iyon kulay puti at itim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD