Nakatingin lang si Alex sa half body size length mirror habang inaayusan siya ng make-up artist na kinausap ng boss niya para ayusan siya. Hindi sana siya papayag sa nais nito. Kaya lang ay hindi naman siya marunong maglagay ng kung anu-ano sa mukha para matakpan ang pamumula ng bukol niya sa noo.
Matapos nilang bumili ng napili niyang dress ay isinama naman siya ni Leopard para bumili ng kung anong pang paa na babagay sa dress niya. Napili niya ang black sandals na nasa two inches lang ang taas. Pero hindi naman pumayag si Leopard lalo na at kung titingnan ay hindi bagay sa dress niya iyon. Kaya naman wala na rin siyang nagawa ng kunin nito at bayaran ang black stiletto na may four inches high.
Nang makapagbayad na si Leopard ay nagtungo naman sila ni Leopard sa mga skin care products. Naghanap sila ng BB creame foundation. Pero ng sinubukan niya ang sample noon ay kumalat lang sa mukha niya ang creame pero hindi naman natabunan ang bukol sa noo. Ayon at namumula pa rin. Mabuti na lamang at hindi gaanong malaki.
Nagpaturo naman si Alex kung paano gamitin. Kaso ang payo ng sales lady ay hindi lang iyon ang dapat bilhin. Napakarami nitong sinabi na hindi naman niya maintindihan. Kaya naman sa halip na bumili ng kung anu-ano na mastock lang kasi hindi rin naman niya magagamit ay napagpasyahan na lang ni Leopard na mag hired ng isang make-up artist. Ibinili na lang siya ng boss niya ng lip therapy. Para naman may mabili sa store na iyon.
"Hala maam ang ganda n'yo po. Baka akalain ni Papa Leopard na may diwata dito sa bahay niya." Papuri ng bakla na make-up artist na nag-aayos sa kanya.
"Naman ate, walang ganoon, Alex lang sabi eh. Boss ko lang din po iyon. Hindi ko po kasi talaga malaman kung paano tatakpan itong namumula kong bukol sa noo. Kaya po niya ako pinaayusan. Pero kung wala naman po ito. Polbos at lip balm lang ako. Pwede na iyon." Mahabang paliwanag niya na biglang tumawa ang make-up artist na si Eula. Comes from Eusebio.
"Bakit ka ba nagkabukol? Mukhang bago lang eh." Maarteng tanong ni Eula.
"Bumangga ako sa poste sa mall eh." Natatawang pag-amin ni Alex.
"Baka naman napapikit sa kagwapuhan ni Papa Leopard. Kaya naman sa halip na iyong daan ang tinahak mo. Pader na ang binangga mo." Saad nito kaya naman bigla siyang naubo.
"Aminin?" Biro pa nito kaya naman pareho silang natawa.
"Ay s'ya madam, lalabas na ako. Sure kang kaya mo ng magbihis mag-isa? Tulungan na kita?"
"Wag na Ate Eula kaya ko na ito. Thank you sa pag-aayos. Si sir na ang bahala sayo. Nasa labas na naman iyon. For sureness. At isa pa. Wag namang madam Ate Eula. Katulong lang ako dito. Alex na lang." Ani Alex.
"Oo na lang Alex. Pero pag dumating ang time na tama ako sa hinala ko. Ako kunin mong make-up artist ha." Tugon pa nito sabay hagikhik.
"Oo na lang din Ate Eula. Kung anu-ano yang naiisip mo. Sige na lang. Ingat ka pag-uwi." Paalam dito ni Alex bago tuluyang lumabas si Eula sa kwarto niya.
Tumayo naman si Alex mula sa pagkakaupo at kinuha ang damit na binili ni Leopard sa kanya. Matapos isuot ang black dress na binili ng boss niya sa kanya. Ay humarap siyang muli sa harap ng salamin. Inalis muna niya ang nasa harapan nitong upuan para makita ang kalahati ng katawan niya. Mula ulo hanggang sa may beywang.
Hindi naman gaanong ka revealing ang dress na iyon. Medyo labas lang ang likurang parte ng katawan niya. Parang Chinese style ang harapang bahagi ng damit kaya naman tago ang harapan niya hanggang leeg. Mahaba din ito hanggang sa may talampakan niya. May slit lang ito hanggang sa kalahati ng hita niya. Kahit papaano ay ayos na rin. Kay sa doon sa isa na halos lumuwa na ang dibdib niya sa lalim ng pagka-v style noon sa tapat ng dibdib.
Sinuot na rin ni Alex ang four inches black stiletto na binili din ng boss niya sa kanya. Pero sa unang hakbang pa lang bumagsak na siya.
"Sh*t! Ang sakit naman." Reklamo niya, habang inaabot ang tabihang parte ng kama niya para makatayo.
"Ayaw ko na nito. Pag ako bumagsak na naman. Sa cabinet ka ngayong gabi!" Mariing pagkausap ni Alex sa stiletto na suot niya.
Pero sa kabutihang palad, muli na naman siyang bumagsak sa sahig.
"So paano ba yan? Ang mahal ng pagkakabili sayo ni boss pero hindi ako magtitiyaga na isuot ka. Gayong parang mababalian ako ng paa." Wika ni Alex habang hinuhubad ang suot niya.
Napatingin naman si Alex sa mga gamit niya at napangisi naman siya sa kanyang naiisip.
"Wala naman akong no choice di ba? Kay sa naman pabayaan ko si boss na mag-isa. Bawasan pa ang sahod ko. Kaya ikaw na lang talaga. Sure na safe pa ang aking paa." Saad pang muli ni Alex sa sarili. Bago tuluyang isinuot ang napili niyang pang paa.
Nasa living room naman si Leopard at hinihintay ang paglabas ni Alex sa kwarto nito. Hindi naman sila nagmamadali lalo na at maagap pa. Pagkagaling kasi nila ng mall ay hindi na sila bumalik sa opisina. Dumaan sila sa isang salon para maghired ng mag-aayos kay Alex. Ayaw pa sana nito. Pero talagang namumula ang bukol nito sa noo. Kaya wala ring nagawa si Alex sa kagustuhan niya.
Isinama nila doon sa bahay niya ang mag-aayos dito. Na ngayon ay kaaalis lang. Naghihintay na lang siya ngayon, sa paglabas ni Alex dahil nagbibihis na lang ito.
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan sa may maids quarter kaya naman napaayos sa pagkakaupo si Leopard. Napakunok pa siya ng unti-unting lumabas si Alex mula sa may gilid ng kusina, patungo sa kanya.
Halos hindi na maalis ang pagtitig ni Leopard kay Alex. Para tuloy siyang nakakita ng isang diyosa, na nagtatago lang loob ng bahay niya, na ngayong gabi lang nagpakita. Alam niyang maganda si Alex, dahil nakikita niya ito at nakakasama sa araw-araw. Pero iba ang Alex na nakikita niya ngayon. Mas lalo pa itong gumanda. Bumagay din dito ang dress na suot nito. Sa liit ng beywang ni Alex ay mas lalong nakita kung gaano kaganda ang hubog ng katawan nito. Samahan pa ng magandang sukat ng dibdib at pang-upo nito na hindi mo talaga mahahalata sa mga damit na sinusuot nito sa pang-araw-araw. Naka slacks man ito or pencil skirt pagpumapasok sa opisina. Pero ang suot nitong polo ay medyo malaki ang sukat dito. Kaya hindi mo talaga mapapansin ang hubog ng katawan nito.
"Boss baka naman tumulo na laway mo niyan? Na star struck ka ba sa akin?" Tanong ni Alex ng bigla naman itong mapahagikhik ng hawakan ni Leopard ang tapat ng labi nito.
"Pinagsasasabi mo?" Despensa pa ni Leopard.
"Bakit mo pinunasan?" Hindi pa rin mawala ang mabining pagtawa ni Alex, na hindi malaman ni Leopard kung bakit parang inaakit siya ni Alex, kahit sa totoo ay hindi naman.
"Tara na nga." Pag-aaya na lang ni Leopard at nilapitan si Alex. Kinuha naman ni Leopard ang kamay nito at inilagay sa bisig niya.
"Ang gentleman natin ah." Nakangising wika ni Alex at idinampi pa ang mga daliri sa gilid ng labi ng kanyang boss?
"Why?" Takang tanong nito.
"Sinisigurado ko lang na wala ng naiwang laway sa gilid ng labi mo boss." Pang-aasar pa niya dito na hindi naman umobra.
"Well, thank you sa concern. Kasi naalis ko na ang laway na tumulo dyan." Sagot ni Leopard kaya naman napailing na lang si Alex.
Akala ko maaasar. Sakyan ba ang mga pinagsasasabi ko. Saad ni Alex sa isipan habang papalabas na sila ng bahay ng kanyang boss patungo sa kotse nito.
Inalalaya din siya ni Leopard, papasok ng kotse nito. Higit sa lahat ipinagbukas pa siya ng pintuan.
"Nakain mo boss?" Takang tanong niya, ng makaupo si Leopard sa may driver seat. Dahil parang ang gentleman naman talaga ng boss niya sa kanya sa mga oras na iyon.
"Syempre naman, babaeng-babae ka ngayon. Bagay na hindi mahahalata sa kagaspangan mo ng pananalita sa akin. Kaya sulitin mo na. Ngayon lang ito."
"Compliment ba iyan o insulto? Nadoon na eh. Nakabanat ka pa ng ganyan boss?" Nakangusong tanong niya na tinawanan lang ni Leopard.
Nang makarating sila sa venue ng pagdaraosan ng birthday ni Mr. Abueva ay namangha naman si Alex sa lawak ng lugar.
"Hindi din pala pahuhuli sa yaman itong si Mr. Romano." Komento lang ni Alex.
Nasa parking lot pa pang sila. Pero maririnig na ang malakas na musika na umiibabaw sa tahimik na gabi. Napakadaming sasakyan sa parking lot at mamahalin. Kaya naman sigurado si Alex na mayayaman talaga ang mga bisita ni Mr. Abueva.
Bababa na sana siya ng pigilan siya ni Leopard. Mabilis itong bumaba ng sasakyan at umikot patungong passenger seat. Ito na rin ang nagbukas ng pintuan at inaalalayan siyang makababa.
Napangiti naman si Alex sa pinapakitang pagka gentleman ng kanyan boss ng ilahad pa nito ang kamay sa kanya para makababa. Pero pag-angat niya ng kayang paa, para ilapat sana sa semento ay narinig niya ang pagsinghap nito. Kaya naman napatitig siya dito.
Sinundan niya ang mga titig nito na seryoso at nakakunot ang noong nakatingin sa kanyang mga pa.
"What are you wearing!?" May diing tanong ni Leopard sa kanya. Na siya namang dahilan para hindi na mapigilan ang pagtawa.
"Boss relax. I'll try my best para isuot ang binili mong black stiletto. Pero dalawang beses din akong bumagsak sa sahig. Gumapang pa ako, patungo sa kama para makahanap ng suporta para makatayo. Kaso hindi talaga para sa akin ang pagsusuot ng ganoon. Pinilit ko naman. Pero pakiramdam ko. Mababali ang paa ko. Ay ito kahit patakbuhin mo pa ako. Walang problema." Mahabang paliwanag ni Alex na hindi pa rin makapaliwanag si Leopard sa nakikita nitong suot sa paa. Ang black converse shoes kasi nito ang suot nito. Bagay na hindi niya napansin kanina. Dahil nakafocus siya sa magandang mukha ng dalaga.
"Hindi naman yan mahahalata boss. Una gabi na. Pag party di ba dim light lang kasi may sayawan. Isa pa. Doon lang naman ako sa table kung saan tayo nakapwesto. Tapos mahaba itong suot ko. Wala ng makakapansin nito. Kaya relax. Hmm." Dagdag pang wika ni Alex bago tuluyang lumabas ng kotse ng kanyang boss. Tinapik pa niya ang dibdib ni Leopard kaya napailing na lang ito.
Nakatalikod si Alex sa kanya, habang nakatingin sa spot light na wari mo ay nagsasayaw sa kalangitan. Kinuha kasi muna niya ang regalo niya para kay Mr. Abueva. Antique vase kasi iyon, na limang piraso na lang ang natitira sa buong mundo. Biglaan naman kasi ang paanyaya nito. Kaya naman, bumili na lang sila ng presentableng box sa mall kanina. Para doon mismo ilagay ang box ng vase na hindi niya alam kung bakit niya binili noon. Ngayon alam na niya ang dahilan. Para iregalo kay Mr. Abueva.
Napatingin siyang muli sa kabuoan ni Alex sa likod ng maganda nitong katawan, mukha at kasuotan, ay nandoon at nagtatago ang rubber shoes nitong suot kaya napailing na lang talaga siya sa trip ng babaeng kasama niya ngayon.
"Tara na sa loob. Kumapit ka na lang sa braso ko. Hindi kita mahahawakan, gawa nitong box. Baka mamaya may makahila pa sayong iba. Kaya wag kang bibitaw ha." Ani Leopard kaya napaharap sa kanya si Alex.
"Hindi talaga ako bibitaw sayo boss. Ni singkong duling wala akong pera. Hindi ako makakauwi pag nawala ka sa tabi ko. Kahit ang cellphone ko. Naiwan ko din sa bahay mo. Balak ko lang sanang itanong kung ayos lang ang suot ko. Kaso inaya mo na ako. Ayan nakalimutan ko ng lahat. Ngayon ko lang naalala." Paliwanag ni Alex na si Leopard naman ang napatawa.
"Tara na nga. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa mga ginagawa o sinasabi mo. Lalo na sa sapatos na suot mo. Pero don't worry kasi napakaganda mo." Wika ni Leopard, at naglakad na sila ng sabay. Dahil madilim ang paligid. Hindi nakita ni Leopard ang pamumula ng pisngi ni Alex dahil sa pagpuri niya na maganda ito sa paningin niya.