Mula ng araw na mag-apply si Alex bilang sekretarya sa Asuncion Hardware ay hindi na nga siya nakatanggap ng tawag. Napatingin pa siya sa suot niyang damit noong nag-apply siya. Tuyo na kasi iyon at tinutupi na niya ngayon.
"Ang malas talaga ng polo na ito. Ito din ang suot ko noong last na apply ko ng makakita ako ng hiring pero, umabot na ng dalawang buwan, bigo pa rin. Alam nina itay na isa akong sekretarya sa isang magandang kompanya. Pero heto ako, nagtitinda ng yosi at kendi sa umaga. Pagdating ng hapon, waitress pa. Higit sa lahat singer sa gabi. I'm proud to myself. Dahil hanggang ngayon, buhay pa ako." Natatawang wika ni Alex sa sarili.
Matapos matupi lahat ng kanyang damit ay nagsimula na rin siyang matulog. Hindi pwede ang pahinga. Need talagang kumayod para sa pamilya. Medyo tinanghali pa si Alex sa gising niya ng alas sais ng umaga. Pero madami naman siyang paninda pa na pwedeng itinda sa terminal kaya naman ayos lang na medyo tanghaliin siya. Pagdating niya doon ay maraming pila ng mga estudyante.
"Lunes nga pala." Mahina niyang saad, ng tawagin siya ng ilang pasahero at bumili sa kanya. Natawa pa siya sa mga babaeng estudyante na wari mo ay kinilig pa ng masilayan siya. Natatawa na lang siya sa kanyang isipan, dahil babae ang kinikilig sa kanya. Samantalang lalaki naman ang nais niya.
Paulit-ulit lang ang routine sa buhay ni Alex. Magtitinda, waitress, at singer. Sa araw-araw na lang, tapos pag may malaki na siyang ipon. Ipapadala sa pamilya sa probinsya.
"Nakakapagod, pero kailangang lumaban." Matatag na wika ni Alex, kahit minsan gusto na niyang mamahinga. Nakaupo siya sa may terminal at naghihintay kung may bibili pa ba sa kanya, ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Napakunot noo naman si Alex dahil sa unknown number iyon, at hindi naman landline. Kaya napabuntong hininga na lang siya dahil sure siyang hindi iyon tawag sa trabaho. Pero kahit ganoon ay magalang pa rin naman siyang sumagot.
"Yes! Hello?" Bati niya sa kausap na parang nakahinga ng maluwag dahil sinagot niya ito.
"I just want to talk to Ms. Alexa Dimagiba. Oh I'm sorry. Medyo natataranta na kasi talaga ako. Ilang beses na kasing pinalayas ni boss ang mga sekretarya niya. Sana naman ay tumagal ka. Ayon kasi sa profile mo. Trabaho talaga ang nais mo. Iyong mga nauna kasi, kung hindi wala sa sarili, inaakit si boss. Sana naman Ms. Alexa, ikaw na ang tumagal. By the way this is Marie from HR department of Asuncion Hardware." Mahabang paliwanag nito, at nabigla naman si Alex sa sinabi nito. Sa tagal na hindi siya tinawagan ng mga ito. Ay nagulat naman talaga siya na ngayon hinahanap na siya.
"Yes maam. This is Alexa Dimagiba. Salamat po at napili po ninyo ako. Anytime po pwede akong magreport sa inyo." Sagot naman ni Alex na excited sa sasabihin ng tumawag sa kanya.
"Ms. Alexa sabi mo anytime. Pumunta ka na ngayon. Kahit anong ayos mo. Ituturo ko lang sayo ang mga gagawin mo. Kung sino si boss kung saan ang pwesto mo. Now na as in now na. Pakiramdam ko kasi pag hindi pa ako nakapagbigay sa kanya ng maayos na sekretarya. Katapusan ko na." Paliwanag ni Ms. Marie, na medyo kinabahan din si Alex. Baka mamaya ay hindi pa siya nagsisimula tinatanggal na siya.
"Sige po Ms. Marie. Makakarating naman po siguro ako dyan ng mga ilang minuto. Sasakay lang po ako ng dyip." Sagot niya.
"Okay nakarating ka na naman dito sa may HR. Kaya tumuloy ka na pagkarating mo."
"Okay po. Thank you Ms. Marie." Sagot niya sa kausap bago nila ibinaba ang tawag.
Napatingin naman si Alexa sa suot niya. Naka pure black oversized t-shirt siya. Black pants, black converse shoes at black bull cap. Hindi mahahalata na mahilig s'ya sa black. Pero hindi na siya nagbihis lalo na at parang nagmamadali ang tumawag. Iniwan na lang muna niya ang kanyang paninda sa mga tambay doon. Mababait naman ang mga iyon. Kaya tiwala siya.
Pumara na lang si Alex ng taxi para mabilis siyang makarating sa Asuncion Hardware. Halos nasa kinse minutos lang ang naging byahe niya na kung nag jeep siya, baka abutin ng nasa forty minutes. Mabilis namang bumama si Alex matapos makapagbayad. Bumati muna siya sa gwardiya na nandoroon.
"May kailangan ka boss?" Bati sa kanya ng gwardiya na wari mo ay ayaw siyang papasukin.
"Kuya pinagrereport po ako ni Ms. Marie ng HR. Pwede na bang pumasok?" Tanong ni Alex na kinunutan lang siya ng noo ng gwardiya.
"Wait lang, hindi naman kasi kami na inform ni Ms. Marie na lalaki ang hinihintay niya." Wika ng isang gwardiya na kadarating lang.
"Luh, babae po kaya ko. Ito po I.D. ko." Sabay abot ng kanyang isang i.d., palagi kasing nasa pitaka niya ang mga i.d. niya.
"Tuloy ka na." Wika naman noong isa. Nangiti pa si Alex sa reaksyon ng dalawang gwardiya.
"Akala ko talaga, lalaki ang batang iyon. Ang gwapo eh."
"Kita mo naman, ganoon din ang akala ko." Natatawang wika pa ng dalawang gwardiya. Na narinig ni Alex bago pa siya tuluyang nakalayo sa mga ito.
Pagdating naman ni Alex sa harap ng HR ay napapaisip pa siya kung kakatok na siya dahil sa ayos niya. Napagkamalan nga siyang lalaki ng dalawang gwardiya. Pero sa bandang huli ay kumatok na rin siya. Narinig namang pinapasok siya kaya naman pinihit na niya ang siladura.
Busy si Ms. Marie ng makita niya, kaya naman lumapit na siya sa table nito.
"Ms. Marie nandito na po ako." Bati ni Alex dito.
"Yes may kailangan ka?" Magalang namang tanong nito.
"Ahmm. Ms. Marie si Alexa Dimagiba po. Sabi po kasi ninyo magmadali akong pumunta dito. Nagtitinda po kasi ako sa may terminal ng tumawag po kayo. Hindi ko na po nagawang magpalit ng damit." Nahihiyang wika ni Alex, na ikinalaki ng mata ni Ms. Marie.
"Wooh, hindi kita nakilala, ang gwapo mo kung naging lalaki ka." Biro pa ni Ms. Marie bago tumayo sa table nito, na ikinatawa na lang niya.
Isinama siya ni Ms. Marie sa magiging pwesto niya. Isang simpleng kwarto lang iyon na may isang table. Mayroon ding visitors chair. Sa dulong parte ay may isang couch at table. Nandoon din ang pantry, kung saan pwede siyang maglagay ng pagkain, kumain, uminom at magtimpla ng kape. Mayroon din doong xerox machine para hindi na siya lumabas pa at magtungo sa ibang departmat pag may need siyang i-xerox. Tapos mula sa pwesto ng magiging table niya, ay nakaharap sa isa pang pintuan na siyang pinaka opisina ng boss niya. Ipinakilala din sa kanya ang boss, niya kahit wala naman ito doon.
Gwapo pala si boss. Wika pa ni Alex sa kanyang isipan.
"So ayon nga, ayaw niya ng flirt. Sa ayos mo. Mukhang wala ka namang balak. Tapos, sana maging maayos ang trabaho mo dito. Bukas nga pala pwede ka ng mag start. Please lang Ms. Alexa wag kang papalate. Alas otso ang start ng trabaho, pero dumarating si boss ng seven. Sana ay makapasok ka palagi before seven. Isa pa, hindi palaging fix na maaga ang labas may overtime minsan. Higit sa lahat. Pag need ka ni boss. Dapat ay pwede ka sa on call. Agree ka ba?" Mahabang paliwanag ni Ms. Marie na medyo ipinag-isip ni Alex.
'Paano naman ang mga trabaho ko sa gabi. Kaso sayang ito eh. Bahala na nga.' Saad pa ng kabilang isipan ni Alex.
"No problem Ms. Marie. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging maayos ang trabaho ko dito. Sa oras ng trabaho sa umaga. Sanay na ako. Kasi palagi naman akong mas maaga pa sa alas syete pagnagtitinda ako." Sagot naman niya dito.
"So okay na tayo. Start ka na bukas. Kaya naman sana ay magrelax ka lang ngayon. Mainit ang ulo ni boss dahil sa palpak na sekretarya na nakuha namin
Sana naman ay sayo ay tumagal na. Kung hindi lang kasi need ni Ms. Jaime na umuwi ng probinsya walang problema. Kaya sana ikaw na ang huli." Wika pa ni Ms. Marie, bago sila tuluyang lumabas ng opisinang iyon.
Inilibot naman siya ni Ms. Marie sa buong building para daw maging pamilyar siya kung sakaling may iutos si Mr. Asuncion sa kanya.
Halos alas sais na rin ng hapon ng matapos nilang malibot ang buong building. Lalo na at kada department ay talagang ipinapaliwanag ni Ms. Marie sa kanya at ang mga tauhan naman ay may mga litrato sa bawat bulletin. Kaya naman kahit busy ang mga ito sa mga trabaho nila ay napapamilyar siya sa mga ito.
Sumakay na lang siya ng jeep pauwi. Pero dahil rush hour, inabot siya ng isang oras sa byahe. Mabuti na lang at may nagbantay ng tinda niya. Kahit wala siya ay nakakita pa siya sa loob ng kahon ng benta na five hundred. Sinabi din ng isang tambay doon, na nagkusa na ang iba na bumili, magbayad at magsukli sa sarili. Kaya naman natuwa siyang talaga, sa mga ito.
Pag-uwi ng bahay ay mabilis namang naligo at nagbihis si Alex. Kailangan pa rin naman niyang pumasok sa darkroom at sa bar. Nagtaxi na lang ulit siya papasok sa bar. Kung hindi lang sana malalate na siya ay sasakay na lang sana siya ng jeep para makatipid. Nagtataxi lang kasi siya pagpauwi na siya ng apartment niya sa madaling araw.
Pagdating niya sa locker niya na nasa backstage ng bar, ay mabilis siyang nagbihis ng uniform niya. Halos takbuhin na niya ang pintuan ng darkroom dahil malalate na siya. Kahit hinihingal ay pinilit niyang maging normal ang kanyang paghinga. Naging maayos naman ang trabaho niya. Lalo na at kaunti lamang ang tao sa darkroom ng mga oras na iyon.
Matapos ang shift niya sa darkroom ay nagready na siyang muli para sa pagkanta niya sa bar. Alas dose na ng matapos ang pagkanta niya. Sobra na talaga siyang pagod na pagod kaya naman, isinuklot na lang niya ang oversized t-shirt niya at nagpaalam na siya kay Nico na uuwi na.
Pagod na pagod man sa maghapon iyon hanggang gabi. Kaya naman hindi na nagawang hubarin ni Alex ang kanyang sapatos at nakatulog na siya sa sofa.
Alas singko pa lang ay gising na si Alex, nakaligo na rin siya, para kakain na lang at magready na rin siyang pumasok sa ospisina. Sobrang aga. Pero dahil sa sanay sa ganoong kaaga ang katawan niya, kaya ayos lang sa kanya. Pagod man sa nagdaang araw, pero sanay na ang katawan niya.
Dumaan muna sa HR si Alex, bago nagtungo sa pwesto niya. Maaga pa naman kaya kahit nakapagkape na siya bago umalis ng apartment niya ay nagtimpla na rin siya ng kape.
"First time kong maranasan ito. Masarap din naman pala talagang maging office girl. Matagal ko ng pangarap ito. Hindi ang pagtitinda sa terminal. Iyon nga lang wala akong choice noon eh. Pero pagbubutihin ko na talaga ito." Wika pa ni Alex, at sinimulang buksan ang computer niya.
Matapos buksan ang computer niya. Dahil nagloloading pa iyon ay pumasok muna siya sa opisina ng boss niya. Naglinis ng konti. Kinuha niya ang mga papel na nakatapon sa basurahan. Wala namang gaanong kalat kaya mabilis lang din siyang nakatapos. Pagkabalik niya sa table niya ay medyo nagpractice din muna siya ng pagta-type lalo na at medyo matagal na iyong huli.
Saktong alas syete ng umaga ng may pumasok sa loob ng opisina na iyon. Medyo nagulat pa si Alex, ng mapagmasdan ang mukha nito. Mas gwapo pala ang boss niya sa personal at hindi iyon basta sa litrato lang. Inalis muna ni Alex ang bikig sa kanyang lalamunan bago tuluyan tumayo at humarap sa kanyang boss. Nagbigay muma siya dito ng isang matamis na ngiti, bago nagsalita.
"Good morning Mr. Asuncion. I'm Alexa Dimagiba. Your new secretary. You can call me Alex, sir." Pagbati naman ni Alex sa boss niyang mula pa lang pagpasok sa pintuan ay hindi na siya inalisan pa ng tingin, hanggang sa makalapit sa kanya.
"Okey Alex. Bring me black coffee, less sugar, more coffee, just a little bit more bitter. Pakidala na lang sa loob ng opisina ko." Utos ng boss niya sa kanya habang tumatango.
"Yes sir, just wait a minute." Sagot na lang niya at umalis na sa harapan niya ang kanyang boss. Nakita naman niya itong pumasok na sa opisina nito
Nagtuloy naman siya sa pantry at kinuha ang isang mug na nandoon. Napaisip pa siya sa kape na nais ng boss niya. "Black coffee lang ang dami namang instructions. Hindi ba pwedeng kape, asukal at tubig lang. Or damihan mo ng kape, konti lang ang asukal. Takte naman si boss. Magkasundo kaya kami. Haist!" Reklamo ni Alex sa sarili habang nagtitimpla ng kape.
Matapos timplahin ang kapeng nais ng boss niya ay tinikman niya ito. "Mapait, walang lasang tamis, pero masarap. Parang bet ko nga itong kape niya ha." Wika pa niya bago tumuloy sa harap ng pintuan ng opisina ng kanyang boss. Nakailang katok lang siya bago siya nito pinapasok.
Pagbukas naman ng pintuan ay pinakawalan ulit niya ang kanyang pagngiti. Mahirap na at baka mawalan siya ng trabaho first day pa lang, kung hindi niya ito ngingitian.
"Your coffee sir." Wika pa niya na ikinatango ng boss niya.
Lumakad na siya para sana ilagay ang kape nito sa table, ng mapansin niya ang pagtitig nito sa kanya. Napansin pa niya ang pagpasada nito ng tingin sa kabuoan niya.
'May mali ba sa suot ko? Ang presentable kaya?' Saad pa niya sa isipan ng suriin din ang sarili.
'White polo na maayos naman ang pagkakabotones. Black pencil skirt na hindi naman maikli. Mataas nga lang kaya ng dalawang pulgada mula sa tuhod ko. Ano kayang masama sa suot ko at parang gulat na gulat itong si boss.' Wika pa niya sa isipan ng mapatingin siya sa high cut black converse rubber shoes niyang suot.
"Doon lang." Bulong pa niya sa sarili at mabilis na ipinatong ang kape ng kanyang boss sa table nito at mabilis ding nagpaalam na doon na lang muna siya sa labas.