Chapter 3

2055 Words
Maganda ang gising ni Leopard, pero hindi naman niya masabi na si Lexa talaga ang dahilan. Basta masaya siya ng araw na iyon. Good mood din siya habang binabati ng mga empleyado niya. Nagtaka pa ang mga ito, dahil bumati din siya pabalik sa mga ito. Paglapit niya sa pwesto ni Jaime ay bigla na lang siyang natigilan dahil parang maiiyak na ito. "Hey Hermano? Anong nangyari sayo? May problema ka?" Nag-aalalang tanong ni Leopard sa sekretarya niya. "Boss, pwede bang umalis na ako?" Tanong ni Jaime na tila naguguluhan naman si Leopard sa sinasabi nito. "Ano bang sinasabi mo?" Tanong na sagot ni Leopard. "Magreresign na ako boss. Gusto ko mang samahan ka dito ng matagal, pero kailangan ako ng pamilya ko sa probinsya." Saad ni naman ni Jaime na naiiyak na. "Wait, wait lang ano bang problema?" Tanong ni Leopard na puno ng pagtataka. "Boss, nagkasakit kasi ang tatay ko. Dahil sa sobrang kasipagan napabayaan na ang sarili. Payo ng doktor ay labis na pahinga. Bawal na rin ang mabibigat na gawain. Nagkaroon siya ng malaking sugat sa paa. Halos nasa dalawang linggo na pala ay hindi pa rin gumagaling. Tapos noong hinimatay si tatay sa bukid. Noon lang dinala sa ospital. Iyon pala may diabetes din si tatay. Kung hindi naagapan, baka maputulan pa ng paa. Siya ang namamahala sa sakahang ipinamana ni lolo, boss. Kaso dahil nagkasakit nga ang tatay ko. Wala ng mamamahala doon. Hindi naman iyon kaya ng nanay. Sayang naman kung mapapabayaan. Madami ding pamilya ang umaasa sa sakahang iyon." Paliwanag ni Jaime na nakukuha na ni Leopard ang nais nitong sabihin. "Iiwan mo na talaga ako? Ikaw na ang nakasama ko, mula ng nagsisimula pa lang ako sa isang maliit na hardware. Hanggang sa napalago ko at napadami. Hanggang sa nakapagpatayo ako ng opisina. Tapos aalis ka na." Tanong ni Leopard na hindi malaman ni Jaime kung matatawa ba o maaawa siya sa boss niya. "Boss hindi mo ako kasosyo sa negosyo. Remember sekretarya mo lang ako. Isa pa hindi mo ako girlfriend. Ang drama mo. Maka-iiwan mo talaga ako ka naman." Natatawang wika ni Jaime. "Hindi naman sa ganoon. Mahirap ng makahanap ng papalit sayo. Iyong masipag at hindi pakikipagflirt lang ang alam. Alam mo namang ayaw ko ng ganoon." Sagot ni Leopard. "Boss nilalandi kita pero hindi mo naman ako pinapansin. Tsk." Sagot pa ni Jaime, na talagang nawawala na ang magandang mood ni Leopard. "Hindi ka naman kasi seryoso sa ginagawa mo. Ramdam ko naman kung talagang pakikipagflirt ang nais ng isang babae. Pero iba ka. Pilay ang hardware ko pag wala ka. Mag hired na lang tayo ng nurse na mag-aalaga sa tatay mo. At isang agricultural engineer para sa eksperto sa sakahan. Dito ka na lang." Hindi na talaga malaman ni Jaime kung paano magpapaliwanag sa boss niyang hindi naman nakadepende sa kanya. Pero kung umasta parang siya ang nagpapatakbo ng kompanya. "Madami kang mahahanap na pwedeng pumalit sa akin boss. Kaya payagan mo na ako. Iyon din ang nais ng nanay. Doon na lang ako sa amin. Mahihindian ko ba sila? Boss limang taon din ako dito sayo. Dumalaw ka na lang sa probinsya namin pag may free time ka. Tapos isama mo ang girlfriend mo." Pakiusap pa ni Jaime. "Wala akong girlfriend. Hay kung hindi lang talaga gawa ng magulang mo. Hindi ko tatanggapin ang resignation letter mo." Saad pa ni Leopard na sa huli wala na ring nagawa kundi payagang magresign si Jaime. Habang nakaupo si Leopard sa harap ng table niya ay tumawag siya sa HR para ipaalam ang pagreresign ng sekretarya niya. Kaya kailangan niya ng panibagong sekretarya. Mabilis namang kumilos ang HR, kay nakapagpalabas na agad sila ng announcement para sa paghahanap ng bagong sekretarya ng CEO ng Asuncion Hardware. Isang linggo lang ang inilagi pa ni Jaime bilang sekretarya ni Leopard bago tuluyang umuwi ng probinsya. Sa isang linggong iyon ay isang tambak na resume ang nakapatong sa lamesa ni Leopard. Ayaw man niyang papiliin ng magiging sekretarya niya ang HR, dahil siya ang makakasama at mag-uutos sa sekretarya niya kaya nais niyang siya ang pipili. Pero sa sobrang dami ng nakatambak na papel sa lamesa niya. Parang ayaw na niyang tingnan pa sana isa-isa. Inabot na ng hapon pero, nangangalahati pa lang si Leopard ng nababasa at natitingnan na resume. Sa daming iyon ay wala man lang ni isa na pumukaw sa atensyon niya. Bago matapos ang oras ng trabaho ay nagtungo si Leopard sa HR, bitbit ang napakaraming resume, para maging sekretarya niya. Dahil wala siyang mapili ang mga ito na ang hinayaan niyang pumili sekretarya na para sa kanya. Hapon na at medyo pagod na rin si Alex dahil sa pagtitinda niya sa terminal pero masyadong matumal ang pagtitinda niya ng araw na iyon. Nakaupo siya sa isang tabi at medyo kinakalkal ang mga social media accounts niya, ng madaanan niya ang isang page na naghahanap ng bagong sekretarya. Binasa niya ang dahilan kung bakit naghahanap. "Nagresign ang limang taong sekretarya ng CEO ng Asuncion Hardware, dahil sa pamilya na nasa probinsya ay pinauuwi na ito. Hindi na masamang dahilan iyon. Baka naman totoo. Nakalimang taon eh." Wika ni Alex sa sarili. Agad naman siyang nagcomment ng interested siya. Mabilis namang nagreply sa kanya ang nagpost. Doon ay nagkausap pa sila, dahil tinawagan siya ng pinakaHR. Pinagpapasa din siya nito ng resume kaya naman. Ng oras din iyon ay mabilis siyang umalis ng lugar at bumalik sa bahay para ipasa sa HR ng Asuncion Hardware ang kanyang resume. Nasa tapat siya ng building ng Asuncion Hardware. Nagtanong naman siya sa gwardiya kung saang parte ang HR. Nakasuot naman siya ng white high cut converse, naka black slacks, at white long sleeved polo. Pagdating niya sa may HR ay napansin niya ang nasa mahigit sixty applicants. Napabuntong hininga na lang si Alex. Dahil ngayon pa lang nawawalan na siya ng pag-asa. Nang siya na ang pumasok sa loob ay halos tatlo na lang silang aplikante. Sinabi sa kanya ng pinakahead ng HR na si Ms. Marie, ay ang pinakaboss nila ang pipili sa kanila at mag-interview. Kaya naman tatawagan na lang siya. Nakita din niya na sa pinakahuli inilagay ang papel nila. Paliwanag ng mga ito na first come first serve. Nanghinayang din siya kasi hapon na ng makita niya ang announcement na iyon. Umuwing walang pag-asa si Alex. Alam naman niyang hindi pa rin naman siya matatanggap doon. Nanghinayang pa siya lalo na at sana ay mababawasan ang pag exposed niya sa tabing kalsada. Hindi pa rin pala. Kinagabihan ay nagready na si Alex para sa pagiging waitress niya sa darkroom. Kahit papaano ay malaking tulong sa kanya ang trabaho niya doon. Ang sweldo niya sa darkroom ay nagagamit niyang pambayad ng renta sa apartment at pambili ng mga pangangailangan niya at pagkain. Ang perang kinikita niya sa pagtatakatak at sa pagkanta ay naiipadala niya sa probinsya, pati na rin pamasahe niya. Kaya hindi pwedeng sumuko. Walang mangyayari pag may absent siya, kahit isa sa mga trabaho niya. Pagpasok pa lang ni Alex sa darkroom ay samot saring amoy na kaagad ang bumungad sa kanya. Sanay na rin naman siya. Kasi kailangan. Suot ang maikling palda at halos parang body bra lang ang suot ng waitress doon. Wala naman siyang choice. Mahalaga, bawal silang hawakan. Isa pa, naka maskara din na mata lang ang natatakipan, ang lahat ng waitress sa darkroom kaya naman kampante siya na walang makakakilala sa kanya. Sobrang pagod ni Alex ng mga oras na iyon. Dagsa kasi ang mga parokyano ng darkroom kaya naman talagang pagod na pagod siya. After ng shift niya sa darkroom ay tumuloy na siya sa backstage para makapagpalit ng damit. Siya naman ang kasunod na kakanta. Nakapagpalit na siya ng fitted black pants. Dinoblehan lang niya ng black tube ang suot niyang uniform sa darkroom. Bago sinuot naman ang kanyang maskara pagkumakanta. Nasa ten minutes pa naman bago siya pumasok sa stage kaya naman naupo muna siya at ipinikit ang mga mata. Hanggang na marinig niya ang boses ni Nico. "Bakit?" Tanong niya dito. "Thirty minutes ka nang late, nagrereklamo na iyong mga customer, at hindi pa lumalabas ang singer na ipinunta nila. Alam kung pagod ka. Kaya mo pa ba?" Nag-aalalang tanong ni Nico sa kanya. "Hindi pwedeng sumuko sa pamilya ko ito. Kaya ko pa." Masiglang tugon ni Alex. Kahit talagang pagod na ang katawan niya. Paglabas niya ng stage ay natawq naman si Alex dahil hindi naman siya sikat, pero kung abangan siya ng mga taong nais lang magchill ay parang sikat na singer siya. "Magandang gabi po sa inyong lahat. Pagpasensyahan na po ninyo na medyo, as in na late ako. Para po sa inyong lahat ang kantang ito." Malakas na wika ni Alex na nagbigay ingay para sa mga taong nandoon. Isang love song ang kanyang sinimulang kantahin na talaga namang nakakakalma sa mga pagod na isipan at katawan. Nakailang love song na siya pero mukhang hindi pa rin nagsasawa ang mga tao sa boses niya. Kaya naman sinimulan niyang kumanta ng isang pop song. Sinasabayan pa siya ng ilang customer nila na talaga namang dumadayo lang doon para makinig sa pagkanta niya. Matapos ang pagkanta niyang iyon, ay may nagtaas naman ang kamay na may hawak na papel. Kinuha iyon ni Nico at iniabot sa kanya. Nagulat pa si Alex ng mabasa ang nakasulat. 'Ms. Singer, pwede mo ba akong alayan ng isang kanta para sa isang taong nabigo sa pag-ibig. Mahal ko siya at mahal niya ako. Pero hindi kami pwede.' Basa ni Alex sa sulat, na siya namang nagbigay kalungkutan sa kanya. Para sa taong nagrerequest ng kanta. Ibinigay naman ni Alex ang papel sa mga kasama niya. Bumulong muna si Alex at sinabi ang kanta na nababagay doon sa sulat at sinimulang tugtugin ang isang malamyos na musika. "This song is for the requester. Para sa kanyang minamahal pero hindi sila nagkatuluyan. Masakit iyong ganun, pero sir/maam alam naman natin na may taong nakalaan lang para sayo sa ating lahat. Kung hindi s'ya iyong kasama mo ngayon. Darating at darating iyong para sa iyo. Hindi mo namamalayan na nasa tabi mo lang pala ang binigay sayo ng tadhana. Hindi masama ang masaktan. Tuturuan ka lang niyang maging matatag. Pero ang kantang ito ay iaalay ko para sayo, at sa minamahal mo. Hindi para malungkot ka. Kundi para mapasaya kita, naming lahat." Saad ni Alex at sinimulan ng kumanta. I'm sorry didn't meant to call you but I couldn't fight it I guess I was weak, I couldn't even hide it And so I surrender, just to hear your voice (Just to hear your voice) Kahit si Alex ay naluluha habang kumakanta. Nararamdaman niya iyong sakit ng, mahal ninyo ang isa't isa pero hindi kayo pwede. Hindi man niya alam ang dahilan kung bakit hindi nagkatuluyan iyong nag-request ng kanta, at iyong minamahal nito. Hiling niyang sana ay dumating ang tamang pag-ibig para dito. Tahimik namang nakikinig ang mga tao na bar na iyon. Habang dinadama ang magandang boses ni Alex. Give me back my fantasy The courage that I need to learn The air that I breathe (Living without you) My worlds become so ending The days are so cold and lonely Each night I taste, the purest of pain I'm sorry didn't meant to call you but I couldn't fight it I guess I was weak, I couldnt even hide it And so I surrender, just to hear your voice Ramdam ang sakit sa pag-awit ni Alex. Damang-dama ang nais iparating ng kanta. Hanggang sa matapos itong umawit. Wala namang nakapagsalita kaagad at parang nakikisimpatya sa nag-request ng kanta. Ang biglang may isang customer na sumigaw. "Thank you Ms. Lexa, ang ganda talaga ng boses mo! Mahal na kita!" Sigaw ng isang customer na nagbalik ingay sa lahat. Kahit pagod na pagod si Lexa sa maghapon. Naging masaya pa rin naman siya, habang masayang nakikinig sa kanyang pagkanta ang mga customer nila. Tinapos naman ni Alex ang pagkanta niya, ng isang rock song na nagbigay ingay at buhay sa bar na iyon. "Parang nakakaalis din ng pagod kung may mga tao kang napapasaya, kahit ikaw ay may sariling problema." Makahulugang wika ni Alex sa sarili bago tuluyang bumaba ng stage. CTTO of the song. Purest Of Pain (A Puro Dolor) (Martinee's radio Spanish)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD