Chapter 5

2025 Words
Nagmamadaling lumabas si Alex sa opisina ng kanyang boss, ng mapansin nitong sa suot na sapatos niya ito nakatingin. "May mali ba talaga sa suot ko? Hindi naman ako sanay magsuot ng heels eh. Pag nagsuot ako nun. It feels like hell. Hello. Basta tama naman ang uniform ko, kahit sablay sa paa ko." Wika pa ni Alex, bago tuluyang naupo sa swivel chair niya. Nagsimula na lang siyang mag-encode ng mga data, na binigay ni Ms. Marie noong dumaan siya doon kanina. Napangiti naman si Leopard ng makalabas ang bago niyang sekretarya. May kakaiba dito na hindi niya maipaliwanag. Natawa pa siya ng isipin ang dahilan kung bakit ito nagmamadaling lumabas. Medyo napatagal kasi ang pagtitig niya sa sapatos nito. Wala namang problema sa kanya, lalo na at kung doon ito komportable. Hindi naman required ang sapatos na nais mong isuot mahalaga ay komportable ka, at magagawa mo ang trabaho mo ng maayos. Napatingin si Leopard sa kapeng nakapatong sa table niya. "Masarap siyang magtimpla ng kape ah." Puri pa niya sa timpla nito. Matapos maubos ang kape ay naisipan niyang lumabas. Parang nabitin siya sa timpla ni Alex. Alerto naman si Alex dahil pagbukas pa lang niya ng pintuan ay bigla na lang itong tumayo at tumingin sa pwesto niya. "Yes boss may kailangan ka?" Nag-aalangang tanong nito kaya naman napangisi siya. "Tungkol sana Alex sa----." Hindi natapos ni Leopard ang sasabihin ng unahan siya ni Alex. "Boss hindi mo naman siguro ako tatanggalin dahil sa suot ko di ba? Hindi lang kasi talaga ako komportable magsuot ng heels. Isa pa ito lang talaga ang mga sinusuot ko na komportable ako. Kaya ko namang gawin ang trabaho ko ng maayos lalo na at itinuro na sa akin ni Ms. Marie. Alam ko ding madami ng sekretarya na bagong pasok pa lang ay pinatalsik mo na kaagad. Pero boss promise gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Para maging maayos ang trabaho ko. Need talaga ng pamilya ko ang pantustos sa araw-araw. Nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Walang trabaho si itay at nagtitinda lang ng gulay si inay. Kaya boss. Wag mo naman sana akong alisin sa trabaho." Pakiusap ni Alex. Napayuko na lang siya sa titig ng boss niya. "Sino bang may sabi sayo na paaalisin kita? Sino ding may sabi sayo na bawal magsuot ng rubber shoes dito? Kung saan ka komportable isuot mo. Wag lang iyong. Halos pang toddlers ang sukat at talagang nakakairita sa mata. Nandito ako para sabihing masarap kang magtimpla ng kape. Kaya magpapatimpla ulit ako. Ang dami-dami mong sinasabi. Wala naman sa akin ang lahat ng iyon. Nga pala welcome sa Asuncion Hardware. Ito iyong mug." Wika ni Leopard sabay abot ng mug na hawak niya kay Alex. "Pakipasok na lang ulit sa loob, pag naipagtimpla mo na ulit ako ng kape." Pahabol pang wika ni Leopard, bago nagtuloy na ulit sa opisina nito. Napaawang naman ang labi ni Alex sa narinig mula sa boss. Akala talaga niya ay isa din siya sa hindi makakatagal at unang araw pa lang sisante na. Pero sa tingin naman niya ay, magiging maayos ang unang araw niya. Lalo na at sabi naman sa kanya ni Ms. Marie na mabait naman ang kanilang boss. Minsan lang talaga ay may pagkabugnutin lalo na pag nakakaproblema sa trabaho. Nagtungo na ulit sinAlex sa pantry para hugasan ang mug, tapos ay nagtimpla ulit siya. "Paanong ang timpla ako ang masarap, ay sinunod ko lang naman ang bilin niya." Natatawa pang wika ni Alex. Bago mabilis na dinala ang kape ng boss niya, na busy na rin kaagad sa trabaho nito. Lunch na pero, nasa loob pa rin ng opisina ni Leopard. Hinihintay niyang tawagin siya ng sekretarya niya for lunch. Ganoon naman kasi si Jaime sa kanya kaya naman nasanay na rin siya. Sa buong five years na naging sekretarya niyi ito. Ilang beses lang siyang nawalan ng kasabay sa pagkain. Nakababa ang wall blind niya kaya hindi niya nakikita sa ang sekretarya niya. Wall glass lang kasi ang pinaka pader ng opisina niya sa labas. Hindi niya alam kung busy pa talaga ito sa ginagawa. O kaya naman ay hindi niyo napansin ang oras. Kaya naman kinuha niya ang remote noon at itinaas. Nakita niyang wala na sa pwesto nito ang sekretarya niya. Mabilis namang tumayo si Leopard at lumabas. Wala talaga sa pwesto nito ang sekretarya niya, o kahit saan mang sulok ng opisinang iyon. Napatingin naman si Leopard sa wrist watch niya at labing limang minuto na ang nakakalipas sa alas dose. Akmang babalik na siya sa loob ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang sekretarya niyang mukhang pagod na pagod mula sa pagtakbo. "Sir!" Habol hiningang wika nito habang naglalakad palapit sa kanya. Napakunot noo naman si Leopard dahil mukha talagang tumakbo ito. Ayon na rin sa paghahabol nito ng hininga. "Boss, hindi ako nainform na paimportante ka pala." Wika ni Alex na kaya napatitig si Leopard dito. "What!?" May diing tanong ni Leopard. "Nasa resto na ako ng company mo boss, at nakapila. Kung hindi ko lang nakakwentuhan iyong serbidora, at naulit na ako ang bago mong sekretarya ay hindi kita babalikan dito." Hinihingal pang wika ni Alex, at inabot muna ang swivel chair nito bago naupo at nagpaypay ng kamay. "What did you say?" Naiiritang tanong ni Leopard na parang naging baliwala lang kay Alex dahil sa pagod niya sa pagtakbo. Lalo na at hindi naman siya gumamit ng elevator at busy iyon. Kaya sa hagdan siya dumaan. "Sabi ko boss, paimportante ka pala." "What!" Sigaw ni Leopard, na bigla namang natauhan si Alex sa sinabi niya. Kaya naman bigla siyang napatayo, mula sa pagkakaupo. "Sabi ko po, binalikan kita dito boss kasi kumakain ka pala na kasabay mo ang sekretarya mo. Hindi ako na inform ni Ms. Marie kaya binalikan kita. Happy? Tara na. Gutom na ako boss. Wag kang magmumura. Gutom na ako. Napagod pa ako pagtakbo. Mabuti na lang talaga hindi ako nakaheels. Aba ay yanong parusa na iyon pagnagkataon." Walang preno pang wika ni Alex "Anong sabi mo?" Tanong ni Leopard kahit dinig naman niya talaga ang reklamo ng pagod niyang sekretarya. "Wala boss, sabi, ngarag na ang kagandahan ko. Dahil sa pagtakbo, para masundo lamang kita dito. Happy?" Sagot sa kanya ni Alex, kaya naman napailing na lang si Leopard. Nakikita niya ang ugali ni Jaime, kay Alex. Pero ang hindi niya maipaliwanag ay ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso habang kaharap ang dalaga. Ayaw naman niyang isipin ang bagay na iyon. Dahil una sa lahat hindi dapat. Nauna ng maglakad si Leopard at sumunod naman si Alex sa boss niya. Sila na lang ang nasa elevator lalo na at lahat halos ng empleyado ay nasa resto na ng company. Pagdating nila ng resto, ay hindi na nagtaka si Alex, na hindi man lang sila binigyan ng pansin ng ibang empleyado na nandoroon. "Siguro nga ganoon talaga. Kasabay palagi ni boss ang sekretarya niya pagkumakain. Pati na rin ang ibang empleyado." Wika pa ni Alex sa sarili. Nagbalik sa pila si Alex, pero ang boss niya ay naupo na sa isang bakanteng table. Hindi man lang ito sumunod sa kanya. "Luh, pati pagkain n'ya ako din ang oorder? Ay iba. Hindi ko naman alam kung anong gusto niya." Wika ni Alex at muling lumakad ng umusad na ang pila. Sinabi ni Alex ang order niya at pero nag-aalangan siya sa order ng boss niya. Hindi naman kasi niya alam ang nais nito. "May gusto ka pa ba?" Tanong ng isang nagbibigay ng pagkain. Dahil hindi pa siya umaalis sa harap nito. "Wala na naman kaso. Hindi ba talaga napila si boss? Hinayaan lang akong magtungo dito eh. Naupo na lang basta doon. Hindi ko naman alam kung ano ang gusto niya. First day ko pa lang kasi ngayon." Tanong ni Alex sabay turo sa boss niyang prenteng nakaupo. "Ah, ikaw pala ang bagong sekretarya ni boss. Hindi naman naulit ng kasamahan ko. Nakita na lang kita kanina na umalis at biglang tumakbo." Wika nito at naghanda din ng pagkain na katulad ng sa kanya. "Ako na magdadala, kung anong kinakain dati ni Ms. Jaime iyon din ang pagkain ni boss. Kaya hindi mo na kailangang isipin palagi ang kakainin niya. Kung ano ang gusto mo. Iyon din ang kanya. Ako na magdadala." Wika pa ng serbedora at ito na ang nagdala ng pagkain ng boss nila. Pagkarating nila sa table ng boss nila ay ipinatong lang nito ang tray na naglalaman ng pagkain. "Boss kape?" Tanong nito na umiling naman si Leopard. "No thanks, nakadalawa na ako kanina." Sagot ni Leopard na ikinatango na lang nito at nagpaalam na babalik na ulit sa pwesto nito. Tahimik lang silang kumakain hanggang sa makatapos. Nagpalipas lang muna sila ng ilang minuto, para medyo bumaba ang kinain nila bago tuluyang lumabas doon. Sabay na rin naman sila ng kanyang boss na bumalik ng opisina. Pagdating ng opisina ay kinuha naman ni Alex ang gamit niya at tumuloy sa banyo. Mayroon kasing cr doon para sa hindi na daw lalabas pa. Ganoon din sa mismong opisina ng kanyang boss. Matapos makapag-ayos ng sarili ay bumalik na si Alex sa table niya. Kahit hindi pa oras ng trabaho ay sinimulan na ulit ni Alex ang hindi niya natapos kanina. Para matapos kaagad. Kauupo lang muli ni Leopard sa harap ng table niya ng mag pop up sa laptop niya ang email mula kay Alex. Mga data iyon ng trabaho na naiwan ni Jaime. Alam niyang madami iyon kaya naman namangha siya na natapos na kaagad iyon ni Alex, ay hindi pa tapos ang isang buong araw nito. "Mabilis s'ya ha. Unang araw pa lang nakakaempress. Medyo may pagkamatalas lang magsalita. Nakakalimot yatang boss niya ako, minsan." Naiiling na lang wika ni Leopard. Matapos na check ang pinasa ni Jaime ay pinadala naman niya ito sa finance. Mabilis namang natapos ang trabaho. Wala namang naging problema. Lalabas na siya sa opisina ng mapansing nag-aayos na rin ng gamit si Alex. Napansin niyang naghihintay lang ito ng oras at ready na rin sa pag-alis. Isang tikhim ang kanyang ginawa para maagaw ang atensyon nito. "Sir may ipapagawa ka pa?" Tanong ni Alex sa boss niya. Sa tingin naman niya ay nagawa niya ang trabaho niya sa first day niya ng maayos. "Parang aalis ka na Alex? Nagmamadali ka?" "Ahmm. Hindi naman boss, di ba? Hanggang six lang naman talaga ang trabaho natin?" Nag-aalangan niyang tanong. "Yeah. Pero parang nagmamadali ka? May date?" Seryosong tanong ni Leopard na sunod-sunod naman ang pag-iling ni Alex. "Luh. Wala boss. May trabaho kasi ako sa gabi. Hanggang eleven tapos nun may isang shift pa ako ng eleven to twelve to one. Depende kung anong oras makakatapos." Wika ni Alex na ikinakunot ng noo ni Leopard. "Ganoon mo kakailangan ng trabaho?" Manghang tanong ng kanyang boss. "Yes boss. Kaya kung makakalabas ako ng six sure na aabot ako sa trabaho ko." Paliwanag ni Alex. "What if kailangan nating mag-over time? Kasi minsan talaga inaabot kami ng mahabang oras dito. Hindi naman kasi masasabi ang biglaang orders ng mga foreman ng construction. Dapat magpaalam ka na sa dalawa mo pang trabaho." Saad naman ni Leopard. Ang kailangan niyang sekretarya ay iyong pwedeng tawagin anytime. Sa kaso ni Alex. Parang hindi ito pwede sa mga ganoong bagay. Kung may iba pa itong trabaho. "Hindi pwede boss. Una sa lahat, nagagawa ko ang trabaho ko kahit first day ko pa lang. Wala ka ngang naging nireklamo. Sa overtime. Magagawan ko ng paraan. Pwede akong mag-absent kung kinakailangan pero hindi ko kailangan na magresign. Okay. Wag kang oa boss. Wala pa nga pinoproblema mo na. Kung ako sayo. Relax ka lang okay." Mahabang paliwanag ni Alex. Habang si Leopard ay nawalan ng sasabihin. "Boss six na. Kung hindi ka pa gagalaw sa pwesto mo. Ay sisibat na ako. See you tomorrow. Wala namang overtime ngayon kaya dyan ka na. Okay. Bye boss." Paalam ni Alex kay Leopard. Natauhan na lang si Leopard ng maglapat ang pintuan ng opisina sa pagsara ni Alex. Napangiwi na lang si Leopard sa mga sinasabi ng bagong sekretarya niya. "What the fvck!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD