Tumakbo pa si Alex, ng tawagin siya ng dalawang kapatid. Halos hingalin pa siya para makalapit sa mga ito.
"Mukhang excited si kuting manguha ng mangga ah." Bungad agad ni Alex sa dalawa.
"Ate naman, alam mo namang minsan lang ito, lalo na at kasama ka namin pati si Kuya Leopard." Masayang wika ni Xandra.
"Ate bakit mo iniwan doon si Kuya Leopard. Hindi mo ba talaga boyfriend iyon?" Seryosong tanong naman sa kanya ni Alexis.
"Hindi naman. Bakit? Boss ko lang talaga iyon. Mabait lang talaga ang isang yon. Kaya nakaksundo ko minsan." Sagot ni Alex. Pero napabaling din naman siya sa kanyang likuran ng ituro ni Alexis si Leopard.
Nangunot naman ang noo ni Alex ng mapansin ang babaeng palapit kay Leopard. Maganda ito at masasabi niyang Filipina ito. Bukod kasi sa makinis nitong kutis ay ang morena nitong balat. Matangos din ang ilong nito. Pero hindi tulad ng sa banyaga.
Hindi naman malaman ni Alex kung ano ang umuusbong na kakaibang pakiramdam sa puso niya. Nang makalapit kasi ang babae, ay bigla na lang itong yumakap kay Leopard at ganoon din ang ginawa ng boss niya dito. Gumanti rin ito ng yakap.
"Pagseselos bang matatawag itong nararamdaman ko, kung wala naman kaming lebel mula simula?" Tanong pa ni Alex sa sarili.
Pinanood lang niya si Leopard habang nakikipag-usap sa babaeng sa tingin niya ay kakilala nito. Ayon sa kilos ng dalawa. Sa sobrang pagkatitig niya ay hindi niya napansin na humarap na sa kanila ang dalawa, at naglalakad papalapit sa kanila. Kaya naman bigla siyang napatalikod ng magtama ang paningin nila ng kanyang boss.
Habol hiningang kinakalma ni Alex ang sarili. Hindi talaga niya malaman sa sarili bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya para sa kanyang boss. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi malaman ang pakiramdam na iyon. Ang ipinagtataka lang niya, sa dami ng lalaking nakasalamuha niya. Sa boss pa talaga niya naramdaman ang bagay na iyon.
Pilit naman niyang iwinawaksi ang itsura ng nakangiti niyang boss. Iba ang ngiting ipinapakita nito sa babaeng naka-abresyete dito. Narinig din naman niyang papalapit na ang dalawa kaya naman mas pinasigla niya ang sarili.
"Kuting iyong isa ang kunin mo." Turo niya sa kapatid na kumukuha ng mangga. Makulit kasi si Xandra sa halip na si Alexis ang may hawak ng dikin ay ito ang nagpumilit. Minsan lang daw kaya naman gusto nitong maexperience.
"Hi Kuya Leopard. Hello po." Si Alexis.
"Hi, Kuya Leopard. Hello po ate." Bati naman ni Xandra sa bagong dating.
Dahan-dahan namang humarap si Alex sa kanyang boss at pinilit na ngumiti ng napakatamis sa mga ito.
"Hi boss. Hello po miss. Ako po pala si Alex. Sila pong dalawa ang mga kapatid ko. Si Alexandra at Alexis. Secretary po ako ni Mr. Asuncion at katulong na rin." Pakilala ni Alex na napa-O shape naman ang labi ng babae.
"Hi, ako nga pala si Jaime. Sa amin itong manggahan. Dating sekretarya nitong si Boss Leopard. Masaya akong naligaw kayo dito sa farm namin." Magiliw namang bati ni Jaime na nagpasinghap kay Alex.
"Ikaw. As in ikaw po ang dating sekretarya ni boss? Tapos kung matawag ka ni boss na Hermano? Grabe boss ha. Iniisip kong. Never mind. Pero ang ganda mo po Ms. Jaime." May gulat na bulalas ni Alex, sa malaman. Hindi talaga niya akalaing ganoong kaganda si Ms. Jaime. Nasa isip niya kasi pangit itong babae kaya naman aminado sa sariling hindi magugustuhan ng boss niya. Pero sa nakikita niya ngayon. May pinong kurot sa puso niya. Napakaganda nitong tingnan. Kumpara sa naiisip niya.
"By the way, enjoy lang kayo dito sa farm. Mamaya dadagsa na iyong nais maglibot, kukuha ng mangga at mga gustong dito mismo sa farm, kainin ang mangga. Dati kasi ibinabyahe ang mga mangga sa bayan. Pero dahil hindi ko naman kayang asikasuhin lahat, ang palayan at niyugan. Kaya ganito ang ginawa ko. Kumikita pa rin naman. Higit sa lahat. Nag-eenjoy ang mga pumupunta dito." Wika ni Ms. Jaime habang nililibot niya ang lawak ng manggahan.
Napatingin naman si Alex kay Leopard na inaaya ng dalawa niyang kapatid na magtungo, sa isang puno ng mangga na mga hinog na ang madaming bunga. Tumango naman siya ng magpaalam sa kanya ang kanyang boss. Pero bago ito umalis sa tabi niya ay hinalikan ni Leopard ang kanyang noo. Kaya naman sa sabay silang napasinghap ni Jaime. Tinapik naman ni Leopard si Jaime sa balikat.
"Wala akong nakita boss. Promise." Pahayag ni Jaime na ikina-okey sign naman ni Leopard. Tapos ay iniwan na sila para makasunod sa mga kapatid niya.
Nakatingin pa rin siya sa likuran ni Leopard at hindi makapaniwala sa ginawa nito sa harap ni Jaime. Naagaw naman ang kanyang pansin ng tumikhim ang kanyang katabi.
"Alex matanong ko lang. Kayo na ba ni Boss Leopard? Bakit may paghalik? Kinikilig ako." Tanong ni Jaime, na may paghampas pa sa kanyang braso.
"H-ha?" Nauutal pa niyang sagot kaya naman natawa bigla si Jaime.
"Luh? Bakit para kang natetense? Relax hindi naman ako atribida sa buhay ni boss. Tinatanong ko nga kung kayo na ni boss. Natutuwa lang ako kung mahahanap na niya ang babaeng mamahalin niya. Mas masaya kung ikaw na iyon."
"Talaga?" Tanong ni Alex sabay tango ni Jaime.
"Noong bago pa lang ako sa Asuncion Hardware, napaka strikto ni boss. Palagi iyang nakabusangot. Iniisip ko dahil siguro walang love life. Hindi ko naman nakitang lumandi sa iba. Kahit sa mga babaeng anak ng mga customer. Pero na kuha ko din ang kiliti ni boss." Pahayag pa ni Jaime.
Nakikinig lang naman si Alex sa sinasabi nito. Pero hindi niya alam ang dahilan kung bakit ikinukwento ni Jaime sa kanya ang mga bagay na iyon.
"Alam kong may dahilan si boss, kung bakit hindi pa s'ya nagkakagirlfriend buhat ng maging sekretarya niya ako. Ang dahilan na iyon ang hindi ko alam. Nakuha ko lang naman ang kiliti niya, pagbinibiro ko yan na ako na lang ang gawin niyang girlfriend. Kaya ayon tinatawanan lang ako. Ang lame noh? Pero iyon lang ang dahilan kaya nagkasundo kami. Hindi na siya nagsungit tapos parang nagkaroon pa ako ng kaibigan. Tuwing over time hinahatid pa ako n'yan sa apartment ko. Ang sweet ni boss di ba?" Dagdag paliwanag pa ni Jaime kaya napatango na lang siya. Hindi naman niya alam ang isasagot. Alam din naman niya na walang girlfriend ang boss niya. Alam din niyang sweet naman ito.
'Sweet din ang labi niyan Ms. Jaime. Natikman ko na.' Wika pa niya sa isipan.
"Sasagutin mo na ba ang unang tanong ko?"
"Huh?"
"Nakadalawang huh ka na. Tinatanong kita kung kayo na. Kung boyfriend mo na si Boss Leopard." Ulit pa ng huli.
"Hindi ah. Katulong nga lang niya ako sa bahay niya at sekretaryasa opisina niya." Matatag niyang sagot. Pero mukhang hindi bumenta kay Jaime.
"Eh? Pero bakit may paghalik sa noo?"
"Aba ay malay ko. Akala ko wala kang nakita?"
"Iyong kanan walang nakita. Kaso mulat pala ang kaliwa." Biro ni Jaime kaya naman natawa si Alex.
"Pero ito seryoso. Kung sa ngayon ay hindi pa kayo ni boss. Alam kong darating ang araw na aamin din kayo sa isa't isa. Iba kasi ang nakikita ko sa sinasabi ng inyong mga mata. Basta kung mahal mo ipaglaban mo. Lalo na kung pareho, ninyong mahal ang isa't isa." Payo ni Jaime kaya hindi na lang siya nagsalita.
Maya-maya pa ay inaya siya nitong maglakad, para makasunod sa boss niya at sa dalawa niyang kapatid na malayo na ang pagitan sa kanila. Habang naglalakad sila ay nagsalita itong muli.
"Sa nga pala may tsismis ako. Pero sa iyo lang. Mali sa ating dalawa lang pala ito." Saad ni Jaime kaya naman natawa pa siya.
"Alam mo bang hindi nagbabakasyon yang si boss. Ngayon lang. As in ngayon lang. Kaya nakakapagtakang nakita ko yan dito." Pagpapatuloy ni Ms. Jaime sa tsismis kuno daw nito.
"Totoo?" Mangha naman niyang tanong.
"Oo naman. Kaya nga hindi pa rin ako makapaniwala sayo na hindi kayo. Hindi ba talaga kayo?" Pangungulit pa ni Jaime.
"Oo nga Ms. Jaime." Naiiling niyang sagot dito.
"Nakakpagtaka talaga. Torpe pala si boss. Pero may paghalik sa noo. Pero ito na, pinakabakasyon lang kasi ni boss dati ay pag halimbawa na birthday ko. Magtutungo kami ng mga pinsan ko sa isang bar. Naluwas kasi sila ng Maynila. Ayon napipilit kong sumama sa amin. Ganoon lang."
"Baka naman hindi mo lang napapansin. Taga rito din kasi ako. Sa kabilang sitio. Baka naawa si boss kasi ilang taon ko na ring hindi nakakasama ang pamilya ko. Kaya ayon, sabi niya magbakasyon kami dito. Lalo na at nais daw niyang mag-isip at makapagrelax." Sagot ni Alex kaya mas lalo siyang binigyan ng mapanuksong tingin ni Jaime.
"Walang ganoon." Tanggi pa niya.
"Wala akong sinabi. Basta may iba akong nararamdaman. Pero nga pala, wag kang magseselos sa amin ni boss ah. Kung nagselos ka maguilty ka na ngayon pa lang. Kapatid lang ang turing namin ni boss sa isa't isa. Higit sa lahat may boyfriend ako, bago pa lang ako napunta kay boss bilang sekretarya. Higit sa lahat ikakasal na kami next year. So ayan. Sumama ka kay boss Leopard sa kasal ko ha. Invite ko na rin ang family mo. Hmmm." Wika ni Jaime. Wala naman na siyang nasabi ng bigla siyang hilahin ni Jaime, paalis sa pwesto nila. Sumigaw pa ito ng mapansing nakakalayo na sa kanila si Leopard at ang mga kapatid niya.
Ngayon alam na niya kung bakit nakapalagayan ng boss niya si Jaime. Mahinhin ito pero kalog. Seryoso ito pero makulit. Bagay na agad niyang napansin sa ilang minuto niyang kausap ito.
Nagpahanda naman si Jaime ng kanilang pananghalian doon mismo sa farm. Masyado lang talaga daw itong natutuwa na makita ang dating boss. Kaya naman pati sila ng mga kapatid niya ay kasama sa pag-welcome nito kay Leopard.
Masagana silang kumakain sa ilalim ng puno ng mangga. Nagpalagay doon si Jaime ng lamesa para doon ilagay ang mga ipinahanda nitong pagkain. Habang kumakain ay bigla namang tumawag ang fiance ni Jaime. Kahit sa video call lang iyon ay nakikita niyang inlove talaga ang dalawa sa isa't isa.
Matapos namang kumain ay ipinagbalat naman ni Alex si Leopard ng katubalang na mangga.
"Masarap pala ang ganito. Hindi siya sobrang asim pero hindi din naman sobrang tamis katamtaman lang." Puri ni Leopard at patuloy lang sa pagkain ng hiniwang mangga, habang abala pa rin si Alex sa pagbabalat.
"Boss ang sweet ninyo kayo na ba?" Walang prenong tanong ni Jaime kaya naman napatingil sa pagnguya si Leopard.
Nakatingin naman ang dalawa kapatid ni Alex kay Leopard at naghihintay ng sagot.
"Hindi pa eh." Kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Leopard.
"Ang bagal. Parang pagong." Pang-aasar naman ni Jaime.
"Hindi naman nanliligaw si boss." Walang prenong wika ni Alex, ng bigla niyang maitakip sa bibig ang mga kamay ng marealize niya ang sinabi.
"Iyon naman pala eh. Paano nga? Kung hindi ka naman pala gumagawa ng action boss. Ang bagal." Iiling-iling pang sabi ni Alex.
"Alex, what if manligaw sayo si boss may pag-asa ba?" Tanong ni Jaime na tahimik at bumalik lang sa pagkain ng mangga si Leopard.
Nakikinig lang ang dalawa niyang kapatid at hindi nakikisali sa usapan nilang tatlo. Nagkibit balikat na lang si Alex kaya wala silang nakuhang sagot.
"Ikaw boss may balak ka bang ligawan si Alex?" Baling na tanong naman ni Jaime kay Leopard. Napatingin naman si Leopard kay Alex na nakatingin din pala sa kanya.
"Bakit parang nakakapressure kang magtanong?" Sabay na tanong ni Alex at Leopard kaya naman lahat sila ay natawa.
"Kayo kaya ang mga seryoso. Ito na lang. Wag kayong sasagot na dalawa sa tanong ko ha. Kay boss at Alex lang ito okay?" Wika ni Jaime sa dalawang kapatid ni Alex.
"Yes po./ Yes ate." Sabay na sagot ni Alexis at Xandra.
"Ready boss? Alex?"
"Bakit parang nakakakaba naman ang tanong mo?" Sita pa ni Alex.
"Hindi yang simple lang ang tanong ko. Sagutin ninyong pareho ha. So ito na. How do you say a letter Y. E. S.?" Tanong ni Jaime kaya naman napakunot ng noo si Leopard at Alex.
"Ang dali naman." Saad ni Alex.
"Yes?/ Yes!" Sabay pang sagot ni Alex at Leopard.
"Kung liligawan ka ni boss may pag-asa ba?" Tanong ni Jaime na hindi pinansin ang sagot ng dalawa.
"Di ba? Yes ang tamang sagot sa tanong mo?" Inosenteng tanong ni Alex.
"Kaya ikaw boss wag ng babagal bagal sinasagot ka na nga. Dapat pala sa inyo hindi na nagliligawan. Sayang ang panahon. Dapat kayo na agad." Sambit pa ni Jaime na nakatingin kay Leopard.
"Tama naman di ba? Ang Y.E.S. ay yes?" Naguguluhan pa ring tanong ni Leopard. Hindi pa rin kasi sinasabi ni Jaime ang sagot sa tanong nito.
"So wala ng ligawan? Dapat paglabas ninyo dito sa farm ko. Kayo na ha." Tukso pa ni Jaime sa dalawa na seryoso pa rin sa pag-iisip.
"Yes, nga." Sagot ni Alex.
"Oo nga yes." Sagot ni Leopard.
Napatingin naman si Jaime sa dalawang kapatid ni Alex kaya naman napangiti ang dalawa. Naguguluhan naman si Alex at Leopard ng makipag high five si Jaime kay Alexis at Xandra.
"So kids, narinig naman ninyo. Hindi na need ng ligawan at sila na. Hindi na nila kailangang pahirapan ang kanilang mga sarili." Masayang wika ni Jaime at pumalakpak pa.
"Congrats boss. Masaya ako para sa inyong dalawa. Boss alagaan mo si Alex ha. Ikaw din Alex alagaan mo si boss. Nag-iisa lang yan sa mundo." Magiliw pang sambit ni Jaime kaya mas lalong naguluhan ang dalawa.
"Congrats po kuya. Masaya po akong ikaw ang boyfriend ni Ate Alex." Ani Xandra.
"Kuya alagaan mo ate namin ha." Segunda naman ni Alexis.
Bago tumayo ang dalawa, ng binilinan ni Jaime na kumuha muli ng mangga para maipasalubong sa mga magulang ng mga ito.
"Wait lang naguguluhan ako." Tanong ni Alex.
Nakaready naman pala ang recordings ng cellphone ni Jaime. Kaya naman nagulat sila ng mag play iyon. Napakalinaw ng tanong at ng sagot nila. Matapos mapakinggan ay nagkatinginan naman ang dalawa.
"Teka." Wika ni Alex na hinawakan naman ni Leopard ang kanyang mga kamay.
"Magtitiwala ka ba sa akin?" Tanong ni Leopard na hindi malaman ni Alex kung bakit ganoong kabilis ang t***k ng kanyang puso sa simpleng tanong lang na iyon. Wala na lang siyang naimik, pero nagawa niyang tumango.
"So ayan. Mag-usap kayo ng maayos. Ang bagal ninyong dalawa. Walang mararating ang basta lang ninyo pagpapakiramdaman. Gumawa din kayo ng action minsan. Nakikita ko naman sa mga mata ninyo na gusto ninyo ang isa't isa. Kaya hayaan ninyo lang ang mga sarili ninyo na mahalin ang isa't isa. Na walang ibang iniisip kundi ang nararamdaman ninyo. Okay." Mahabang payo ni Jaime, na hindi naman mapigilan ni Alex ang mapangiti sa sinabi nito.
Hindi niya malaman kung bakit sa ikli ng panahon na nakilala niya si Leopard. Ganoon naman kabilis ang puso niyang maramdaman ang pagmamahal dito.
Katulad din ni Alex. Hindi malaman ni Leopard sa tagal ng panahon na sinabi sa sarili na hindi siya magmamahal ng kahit na sinong babae pero bakit ng makilala niya si Alex? Ganoon na lang kabilis nagiba ang pader na iniharang niya sa kanyang puso.
Hindi man sila dumaan sa pormal na ligawan. Masasabi ni Leopard na malaki ang pagpapasalamat niya sa kakulitan ni Jaime. Hahayaan na muna niya ang sarili niyang mag-enjoy sa poder ng pamilya ni Alex. At mahalin si Alex ng buong puso. Handa na rin siyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para dito. Ang pagmamahal na hindi niya naramdaman para sa iba. Pagmamahal na para lang talaga kay Alex.
Saka na lang niya haharapin ang nakaambang na problema sa kanya. Pagdumating na talaga ang puntong iyon na magkaharap-harap sila.