Hapon na ng makarating sila ng bahay. Nagkukulitan pa si Alexandra at si Alexis, dahil hindi tinanggihan ni Alexandra ang bigay ni Jaime na dried mangoes. Isa sa produktong sinisimulan ni Jaime, sa dami ng mangga sa farm nito.
"Di ba ate, ang takaw nitong si Xandra. Hindi man lang tumanggi sa alok ni Ate Jaime eh." Pang-aasar ni Alexis.
"Ang ano mo po kuya. Sadya lamang mabait si Ate Jaime sa akin. Sabi niya kasi cute ako. Dahil cute ako reward niya sa akin iyong mga dried mangoes. Isa pa free naman daw iyon at sinisimulan pa lang hanggang sa maperfect nila. Pero para sa akin, ang perfect na ang sarap kaya. Ibibigay ko ito kay inay at itay." Pahayag ni Alexandra at tumakbo papasok sa kusina.
"Inay! Itay! Nandito na po kami!" Rinig pa nilang sigaw ni Alexandra kaya naman natawa sila. Akala mo naman napakalayo ng kusina mula sa pinaka salas ng bahay kung makasigaw. Nagpaalam naman si Alexis sa kanila na susunod sa kusina.
"Napagod ka ba?" Bulong ni Leopard sa kanya.
"Hindi naman. Ikaw ba?" Balik tanong niya, na ikinailing ni Leopard.
"Mas magandang sabihin na nag-enjoy ako. At mas naging masaya. Dahil sayo." Sagot ni Leopard kay Alex, at nagtungo sila sa mahabang upuan para makaupo.
"Magandang hapon po inay." Bati ni Alex ng lumabas ang kanyang ina. Binati din niya ang kanilang ama na kasunod nito.
"Magandang hapon nay, tay." Bati naman ni Leopard sa mga ito.
"Magandang hapon din mga anak. Mukhang nag-enjoy kayo sa may manggahan ah. Napakadami naman ninyong dalang mangga. Tapos may dried mangoes pa. Nakita ba ninyo iyong bagong namamahala doon? Ang sabi nila ay mabait ang batang iyon." Sabi pa ng kanilang inay.
"Opo inay. Kakilala po ni Kuya Leopard. Sa kanya po galing lahat iyon. Tapos hindi naman po pinabayaran. Dating sekretarya po pala iyon ni kuya. Inanyayahan pa po kaming doon na mananghalian kaya po hindi na kami nakauwi kanina." Pagmamalaki pa ni Alexandra.
"Daldal mo kuting." Wika naman ni Alex.
"Si ate, ako daw ay madaldal. Kung hindi ko lang nakita ang malungkot mong mata noong hindi pa natin nakikilala si Ate Jaime. Huling-huli ka doon. Pero hindi ka kulong." Pang-aasar pa ni Alexander sa kanya.
"Aba't itong kuting na ito!" Sita pa niya sa kapatid kaya naman natawa ang mga kasama nila, pati na rin si Leopard sa kulitan ng aso at pusa.
"Aminin na lang kasi ninyong napakahusay ni Ate Jaime." Segway namang bigla ni Xandra sabay, kindat sa kanilang dalawa ni Leopard.
"Nay, tay may sasabihin po si ate at kuya. Mali po pala may aaminin po pala." Nakangising wika ni Alexandra sabay takbo papasok sa kwarto nito.
"Opo nga inay, itay." Segunda naman ni Alexis na pinanlakihan ni Alex ng mga mata. Bago tumakbo ding bigla sa sariling kwarto.
Napailing na kang si Alex sa dalawa niyang kapatid. Palagi din namang magkaaway. Pero sa kalokohan magkasundong-magkasundo.
"Alex, Leopard may problema ba?" Tanong ng kanyang itay.
"Tay, nay." Agaw pansin ni Leopard sa mga magulang ni Alex. Habang unti-unti niyang inaabot ang mga kamay ng huli.
"Sana po hindi po kayo magalit. Alam ko pong mabilis, pero sana po ipagkatiwala po ninyo sa akin ang inyong anak." Mahinahong sambit ni Leopard na gulat na napatayo ang ama ni Alex.
"Bakit? Anong mayroon sa inyong dalawa?" Gulat na tanong ng itay ni Alex.
"Alex?" Ani pa ng kayang inay.
"Girlfriend ko na po si Alex." Matatag na sagot ni Leopard habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Alex.
"Girlfriend lang talaga? Kailan pa? Ang sinabi ninyo ay wala kayong relasyon." Tanong pa ng kanyang itay.
"Kanina lang po. Sorry po." Sagot ni Alex habang nakayuko. Natatakot siyang salubungin ang tingin ng kanyang mga magulang. Hindi kasi niya alam kung matutuwa ba ang mga ito o magagalit sa kanila.
"Ah! Akala ko naman yayayain mo ng magpakasal ang anak namin. Tumatanda pa naman ang isang iyan." Wika ng kanyang inay, habang nakangiti.
"Mabuti naman at nagkaroon din ng kasintahan ang panganay ko. Akala ko ay lalampas at lalampas sa kalendaryo ang edad ay hindi man lang magkakaroon kahit isa. Sayang pa naman ang gandang namana sa kanyang inay." Natatawang sambit naman ng kanyang itay, kaya naman naguguluhan silang dalawa.
"Hindi po kayo galit?" Sabay pa nilang tanong sa mga magulang ni Alex.
"Paano kami magagalit sa inyo, kung nagmamahalan naman kayo. Isa pa. Nakita namin kung paano ka igalang ni Leopard anak. Higit sa lahat nasa tamang edad na kayong pareho. Nandito lang kami para naman suportahan kayo. Nandito din kami kapag kailangan ninyo ng payo. Masaya kami ng inyong inay para sa inyong dalawa. Lalo na at ngayong nagkaroon kayo ng relasyon, ay hindi ninyo nilihim sa amin. Basta wag sana ninyong sasaktan ang isa't isa. Higit sa lahat, maging bukas kayong dalawa sa mga problema." Payo pa ng itay ni Alex.
"Anak, Leopard. Isa sa magpapatibay ng relasyon ay ang tiwala. Pangalawa ang hindi paglilihim sa isa't isa." Dagdag pa ng inay ni Alex. Bago nagpaalam ang mga ito at itutuloy ang naudlot na pagluluto sa kusina. Sumunod din naman ang itay ni Alex at tutulong daw ito sa pagluluto.
Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Leopard sa mga kamay ni Alex. Tinamaan siya sa sinabi ng mga magulang ni Alex. Gusto man niyang sabihin ang mahigpit niyang lihim pero hindi niya kayang biglang magbago si Alex sa kanya, ngayong kasisimula pa lang nila. Hahayaan muna niyang makahanap siya ng pagkakataon, para naman masabi niya kay Alex ang lahat. Higit sa lahat ang maintindihan sana ni Alex ang sitwasyon niya.
"Okay ka lang? Bakit bigla kang nanahimik after ng sinabi ni inay at itay?"
"Paano ay masaya ako. Hindi ko akalaing ganoon ang pagtanggap nila sa relasyon natin. Handa pa naman akong lumuhod para magmakaawa." Birong wika pa ni Leopard kaya naman nakatikim siya ng hampas kay Alex.
"Aray naman! Ang sweet mo talaga. Sa sobrang ka sweetan mo. Nagiging mapanakit ka na." Wika ni Leopard habang hawak-hawak ang brasong hinampas ni Alex.
"Ikaw kasi eh." Reklamo nito, pero niyakap namang bigla ni Leopard ang kasintahan.
"Alex. Babe, sana magtiwala ka sa akin na kahit sobrang bilis ng mga pangyayaring ito sa ating dalawa. Sana maniwala kang mahal na mahal kita. Hindi iyon dahil sa girlfriend kita kaya nasasabi ko. Dahil iyon talaga ang nararamdaman ng puso ko." Pahayag ni Leopard habang nakasiksik si Alex sa may dibdib ni Leopard. Naroon pa rin sila sa sala, at nakaupong magkayakap.
"Boss alam ko din naman na mabilis per-"
"Leopard, Leo, babe, kung anong prepared mong itawag sa akin. Wag namang boss. Boyfriend mo ako at girlfriend kita. Hmmm." Putol ni Leopard sa sasabihin ni Alex.
"Ga. Mas gusto ko iyon." Wika ni Alex.
"Ga? Bakit ga?" Takang tanong ni Leopard kaya naman humarap si Alex dito.
"Ga ay pinaikling salita ng pangga or langga. Na mula naman sa salitang palangga na ang ibig sabihin ay love." Paliwanag naman ni Alex. Hindi naman siya cheesy na tao. Pero ngayon sa harapan ni Leopard lumalabas ang pagka cheesy niya. Napagkamalan pa nga siya sa terminal noong nagtatakatak pa siya na lalaki. Pero sa harap ni Leopard nagiging babaeng babae siya.
"Okay ga." Masayang sambit ni Leopard habang nakatingin sa magandang mukha ng nobya.
"Ga, alam ko din naman na mabilis. Kahit ako sa sarili ko nabibilisan. Pero bigla na lang akong nakaramdam ng ganito para sayo. Pero kung ako lang ililihim ko sayo. Lalo na at kailangan ko ng trabaho. Ayaw mo ng flirt di ba? Pero hindi naman kita inakit." Pahayag ni Alex na nagpangit kay Leopard.
"Hindi nga. Pero wala ka pa ngang ginagawa kahit ang tapang-tapang mong sumagot, napapasunod mo ako. Dahil yata doon kaya nagkagusto ako sayo." Birong totoo ni Leopard.
"Nga pala, wag kang mag-alala. Hindi naman dahil girlfriend na kita mawawalan ka ng trabaho. Syempre ganoon pa rin para hindi ka mailang. Pero syempre. Iba pa rin pag tayo lang dalawa. Hmm." Malambing na wika ni Leopard, na sinang-ayunan naman ni Alex. Iyon naman talaga ang nais niya. Mahirap na rin naman kasing humanap iba pang trabaho.
Hindi na rin naman nagtagal at tinawag na sila ng kanyang inay para maghapunan. Siya na rin naman ang tumawag sa dalawa niyang kapatid para magsabay-sabay na sila sa pagkain.
Hindi man nila inaasahan ni Leopard na ganoong kabilis lang silang matatanggap ng mga magulang niya. Pero masaya siyang masaya ang pamilya niya para sa kanila.
Ang iniisip na lang ni Alex ay ang pamilya ni Leopard. Wala siyang idea kung anong klaseng pamilya mayroon ang pamilya nito. Maliban sa pinsan nitong si Lander ay wala na siyang ibang nakilala. Kaya hindi malaman ni Alex ang mararamdaman niya, once na makaharap ang pamilya nito. Pero sa ngayon, susulitin niya ang oras at pagkakataon para makilala nila ni Leopard ang isat isa.
Tama din naman nga ang kasabihan. Hindi dapat ang ligawan ang pinatatagal kundi ang relasyon. Dahil pwede naman silang magligawan kahit sila ay magkarelasyon.
Maganda na ring pagkakataon na nakilala niya si Jaime. Parang blessings in disguise na rin. Siguro kung hindi dahil dito. Pareho pa rin nilang itatago ni Leopard ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Dahil unang-una takot siyang mawalan ng trabaho. Pero dahil dito, ngayon boyfriend man niya ang boss niya. Hindi naman niya pababayaan ang trabaho niya, habang patuloy itong kinikilala at minamahal.
Kahit naman magkasintahan na sila ay buong pa rin ang tiwala ng mga magulang ni Alex at Leopard sa kanila. Ngayon ay magkasama pa rin sila sa kwarto. Kung noong una ay sa sahig nakahiga si Leopard, ngayon ay magkatabi na sila sa kama ni Alex.
Pero tulad pa rin ng mga naunang araw. Walang ibang nangyari sa kanila kundi ang matulog ng magkayakap. Bilang lalaking nagmamahal kaya ni Leopard maghintay ng tamang panahon para sa bagay na iyon. Hindi naman kasi iyon ang mahalaga. Ang mahalaga mahal nila ang isa't isa. Kungvdarating ang pagkakataon na mangyari ang bagay na iyon. Bonus na lang talaga. Dahil ang tunay na pagmamahal, nararamdaman ng puso, hindi sa init ng katawan.
Hindi na rin naman sila gaanong nakapagtagal ng probinsya, dahil sa biglaan nilang pagtungo doon. Madami pa rin talagang trabaho na naiwan si Lander. Kaya naman matapos ang dalawang linggo sa San Raphael ngayon ay inaayos na ni Alex ang mga gamit nila. Kailangan na nilang bumalik ng Maynila.
"Inay, itay aalis na po kami."
"Salamat po sa pagtanggap po sa akin. Pag may pagkakataon po ulit. Babalik po kami dito para makabisita." Paalam pa ni Leopard sa mag-asawa. Nasa school na kasi ang dalawang kapatid ni Alex. Hinatid muna ni Leopard lalo na at medyo tinanghali ang dalawa ng malamang paalis na sila.
Nagkukwentuhan pa silang dalawa ni Alex habang nagmamaneho si Leopard. Nang makatanggap si Leopard ng tawag. Napatingin pa ito kay Alex, hanggang sa ihinto muna ni Leopard kotseng minamaneho niya sa gilid ng kalsada. Wala pa naman sila sa pinaka highway kaya naman wala pang gaanong sasakyan.
Hindi naman nagsasalita si Leopard, pero napapansin ni Alex ang pagkuyom ng kamao ng kasintahan. Hindi naman ito gaanong nagsasalita, maliban lang sa pagsagot ng yes, oo, sige. Paulit-ulit lang na ganoon na parang sumasang-ayonnlang sasasabihin ng kausap sa kabilang linya.
Tumagal din ng ilang minuto ang pakikipag-usap ni Leopard. Napapansin din niya ang medyo pagdilim ng mukha nito. Hanggang sa marinig niya huling sinabi ni Leopard na pauwi na nga sila. Bago tinapos ang tawag.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Alex kay Leopard pero isang tango lang ang natanggap niyang sagot.
Hindi na rin muling nagsalita pa si Alex. Hindi niya alam ang dahilan ng pananahimik ni Leopard. Pero ramdam niyang may malaki itong problema.
Malapit na sila ng Maynila ng magsalita si Leopard. "Ga." Tawag sa kanya ni Leopard kaya naman napalingon si Alex dito.
"Hmmm."
"Ga, sana sa lahat ng malalaman mo, ako lang ang paniniwalaan mo. Kailangan ko ang tiwala mo. Ga mahal kita. Mahal na mahal. Ngayon ko lang naramdaman ito, at sayo lang. Ikaw lang." Seryosong pahayag ni Leopard. Pero ramdam naman ni Alex ang pagmamahal nito.
"May problema ba?" Tanong ni Alex. Dahil kahit tama naman na kailangan niyang magtiwala kay Leopard. Pero ramdam na niya ngayon na may inililihim talaga ito sa kanya.
"Wala naman. Basta palagi mong tatandaan na mahal kita. At ikaw lang ang babeng gusto kong makasama habang buhay." Naramdaman na lang ni Alex na hinawakan ni Leopard ang kanyang kaliwang kamay, at ramdam niya ang paglapat ng labi nito sa kanyang kamay kaya napatingin siya dito. Pero sa daan pa rin naman nakafocus ang mga mata.
"I love you ga." Wika na lang ni Alex at nakita niya ang genuine na pagngiti nito.
"I love you ga. I love you too Alex." Sagot ni Leopard habang hawak pa rin ang kanyang kamay.
Naging tahimik muli ang kanilang byahe, hanggang sa makarating sila ng bahay ni Leopard. Hindi man niya alam kung ano ang tunay na problema nito. Pero sa ngayon panghahawakan niya ang bagay na meron sila. At ang mga salitang binitawan nito sa kanya.