Madilim pa ang paligid ng magising si Alex. Pero masasabi niyang napakasarap ng tulog niya. Kahit malamig sa bahay nila tuwing madaling araw. Hindi na niya kailangan ng kumot. Sapat na ang init ng katawan ni Leopard na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi naman siya naiilang gaano. Lalo na at nakapajama naman talaga ito kung matulog. Hindi tulad ng ibang lalaki na boxer shorts lang ang suot kung matulog.
Akmang iaangat niya ang braso nito na nakayakap ka kanyan ng pabigatin nito ang braso kaya lalo siyang hindi nakabangon.
"Boss babangon na ako." Reklamo ni Alex pero wala pa rin yatang balak si Leopard na pakawalan siya.
"Masyado pang maagap. Mamaya ka na bumangon inaantok pa ako." Sagot naman ni Leopard na mas lalong isiniksik sa leeg ni Alex ang mukha nito.
"Boss! Baka mamaya magising na sina itay. Tulog ka pa. Hmm. Ako lang naman ang babangon. Hindi ko sinabing bumangon ka na rin." Wika ni Alex, at naramdaman na lang niya ang pagluwag ng pagkakayakap ni Leopard sa kanya. Napangiti naman si Alex, lalo na at ayaw din naman pala talaga ng boss niya, na makita sila ng mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.
Pero bago pa siya nakatayo ay bigla siyang kinabig ni Leopard. Hindi niya napigilan ang paghila nito kaya naman, mabilis siyang napahiga ulit. Akala niya ay babagsak siya sa boss niya, pero heto si Leopard at mulat na mulat at nasa ibabaw na niya.
"B-boss." Ani Alex, habang hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mga mata nito.
"Good morning babe." Paos ang boses, pero napakasarap pakinggan ng boses ni Leopard sa umaga. Bedroom voice kung baga.
"A-anong babe?" Nauutal pa niyang tanong ng hindi na napigilan ni Alex ang mapapikit ng unti-unting lumapit ang mukha ni Leopard sa kanya. Naramdaman na lang niya ang malambot nitong labi na dumampi sa labi niya. Naramdaman din niya ang paggalaw ng labi ni Leopard. Hindi siya marunong humalik. Pero nagawa niyang sabayan ang masarap na halik na pinaparanas nito sa kanya.
Ilang sandali pa, ay dahan-dahan naman itong huminto at iniangat ang mukha. Nakatingin si Leopard sa kanya. Pero wala siyang maapuhap na salita. Kaya natahimik na lang siya, habang hindi pa rin napuputol ang titig nila sa isa't isa.
Gusto sana niyang sapakin ang kanyang boss. Nakuha na nga nito ang first kiss niya noon ng hindi sinasadya. Pati ba naman ang kakaibang kiss na iyon. Sa boss din niya naranasan? Higit sa lahat, nasarapan talaga s'ya, kaya wala siyang mabitawan na kahit na anong salita.
"Kung babangon ka na, ikaw ang bahala. Dito na lang muna ako. Hmm." Malambing na wika ni Leopard, at binigyan siyang muli ng isang mabilis na halik sa labi. Umalis naman sa ibabaw niya si Leopard at medyo tumalikod pa sa pwesto niya.
Napatingin na lang si Alex sa likod ni Leopard, na sa tingin niya ay nakakatulog na ulit. Napahawak pa siya sa kanyang labi. 'Hinalikan ako ni boss di ba?' Hindi makapaniwalang tanong ni Alex sa isipan.
"Oh my gosh! Hinalikan talaga ako ni boss. Nalalasahan ko pa ang fresh niyang bibig. Wala naman akong nalasahan na hindi fresh. So ibig sabihin hindi naman siguro ako bad breath di ba? Haist! Bakit ba kasi bigla niya akong hinalikan?" Mahinang bulong ni Alex sabay harap sa kanya ni Leopard.
"Hindi ka bad breath okay. You taste like a sweet mint. Pag hindi ka pa tumahimik at nawala antok ko. Hahalikan ulit kita." Banta ni Leopard. Kaya naman mabilis na tumayo si Alex, at hinayon ang pintuan para makalabas.
Nangiti na lang si Leopard, sa pagmamadaling ginawa ni Alex. "Ngayon ko lang naramdaman ito. Wala naman sigurong masama kung ipaglaban ko itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi masamang magmahal. Lalo na kung tapat naman ako sa nararamdaman ko. Maliban sa nakaraan ko." Wika pa ni Leopard at muling ipinikit ang mga mata. Masaya siya sa nararamdaman niya ngayon para kay Alex. Kaya naman hindi na nga niya hawak ang kamay ni Alex o hindi na niya yakap-yakap. Pero heto siya at hinihila na naman ng antok.
Nagkakape na si Alex ng madatnan siya ng kanyang inay sa kusina. "Ang aga naman ng gising mo anak? Nasaan si Leopard?" Bati ng kanyang inay.
"Tulog pa po si boss. Medyo napaaga lang po. Gusto ko pong tumulong sa pagluluto ng pang-umagahan. Ipapasyal ko po si boss dito sa atin. Hindi ko na po nagawa kahapon eh." Sagot niya.
"Ganoon ba? Sige at ng malibot naman ninyo ang probinsya natin. Naku anak, maalala ko. Magandang mamasyal doon, sa kabilang sitio. May farm kasi doon ng mangga at anihan na ngayon. May entrance fee. Pero maliit lang. Pwede kayong mamitas ng mangga at kumain doon hanggang gusto ninyo. Sure na mag-eenjoy kayo sa lawak ng manggahan na iyon." Wika ng kanyang inay kaya naman naexcite siya.
Naisip niya bigla si Leopard. 'Para na ba kaming nagdadate noon ni boss?' Tanong pa niya sa isipan ng maalalang isasama ng pala nila ang dalawang kapatid, kaya naman napakibit balikat na lang siya.
"Sige po inay. Sasabihin ko po kay boss mamaya. Isasama ko din po si Alexis at si kuting." Sumang-ayon naman ang kanyang inay sa sinabi niya. Tumulong na rin siya sa pagluluto. Habang hinihintay magising ang kanyang itay at dalawang kapatid. Ang boss naman niya ay gigisingin na lang niya, pag tapos na silang magluto.
Matatapos na silang magluto, ng dumating naman ang order na gulay na ititinda ng kanyang inay. Kaya naman siya na ang nagtuloy ng niluluto nila. Nakatapos na siyang magluto ng pumasok sa kusina ang kanyang inay, kasunod na rin ang kanyang itay. Matapos niyang maghayin ay tinawag na rin niya ang kanyang dalawang kapatid. Mamaya pa dapat ang gising ng dalawa. Pero dahil isasama nga nila sa may kabilang sitio ay ginising na rin niya para makakain sila bago umalis.
Tinungo naman niya ang kwarto niya, para naman puntahan ang kanyang boss. Hindi tuloy malaman ni Alex kung kakatok ba muna siya o papasok na sa loob. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya, ng maalala ang naging tagpo nila pagkagising niya. Hindi ganoon ang nakilala niyang Leopard. Pero ang nakasama niya ngayon sa kwarto napaka-clingy Leopard hindi ang masungit niyang boss.
Bubuksan na niya ang pintuan ng kwarto niya ng bigla itong bumukas. Nagkagulatan pa sila, pero nakabawi agad si Leopard kaya naman, binigyan na naman siya nito ng isang matamis na ngiti.
"Gigisingin na sana kita boss. Kakain na tayo. Tapos mamaya ipapasyal kita sa kabilang sitio. Ginawa na daw kasing farm iyong malawak na manggahan, may entrance fee. Pero eat all you can naman daw. Sabi ni inay. Sure na mag-eenjoy ka doon. Lalo na at madaming puno. Higit sa lahat. Sobrang fresh ng mangga." Mahabang wika ni Alex kay Leopard.
"Okay sige susunod na ako sa kusina. Maghilamos lang ako at magtoothbrush."
"Hindi ka naman bad brea--."
"I know. Pero kung hahalikan mo ulit ako. Mamaya na talaga ako maghihilamos at magtoothbrush." Putol ni Leopard sa sasabihin ni Alex ng itulak siya nito patungong banyo.
"Pumunta ka na doon. Sumunod ka na lang sa kusina." Inis na wika ni Alex. Pero sumunod na lang si Leopard sa sinabi nito. Hindi naman mawala ang mga ngiti ni Leopard, habang papasok ng banyo.
Naglalakad lang sila ngayon patungong kabilang sitio. Wala naman silang imikan na dalawa. Nais daw kasi ni Leopard na maranasang maglakad lalo na at napakaganda ng paligid na kanyang nakikita. Nasa unahan nila ang dalawa niyang kapatid. Nadaanan pa nila ang ilang babaeng nakapila kahapon sa kanilang tindahan. Napangiti naman si Leopard at ginamit ang pagkakataon para alalayan si Alex.
"Boss hindi mo naman ako need alalayan. Ay dito ako lumaki. Ikaw pa nga ang dapat alalayan ko. Baka madapa ka. Problema ko pa."
"Nakatingin sa atin iyong mga bumili ng gulay sa inyo. Natatandaan ko sila. Ano na lang iisipin nila kung ang buntis kong girlfriend ay pinababayaan ko lang." May tukso sa boses ni Leopard habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Ay hindi naman kasi totoo iyon. Higit sa lahat. Hindi mo ako girlfriend at isa pa. Hindi naman ako buntis. Kaya wala namang problema. Hindi ko naman problema kung itsismis nila ako sa buong probinsya. Wala silang ambag sa buhay ko." Confident na wika ni Alex kaya napailing na lang si Leopard.
Hindi ang tulad ni Alex ang basta na lang iiyak sa isang tabi pagnasaktan. Bagay na lalo niyang ikinahanga sa dalaga. Mas lalo niya ngayong nararamdaman na tama lang ang nararamdaman ng puso niya. Kahit mali sa tingin ng nakakaalam ng sitwasyon niya.
Nakarating na sila sa tapat ng tarangkahan ng farm ng mangga. Napakalawak nga noon at talagang mag-eenjoy ang lahat ng papasok doon. Nakita pa niya ang isang note sa may gate.
"Pasok lang. Wala pong bayad ang entrance. Exit po ang may bayad. One hundred pesos lamang. Eat all you can po ng aming fresh mangga. Fresh from the tree. Meron din pong dikin. Kayo na po ang kukuha. Hinog o hilaw kayo na ang bahala. Kahit puno ay pwede, kung inyong makukuha. By the one and only cute na management. Yours truly, Jaime."
Basa ni Leopard sa note na nasa gate. Napangiti siyang bigla na maalala ang sekretarya niyang si Jaime bago dumating sa buhay niya si Alex. Nang makapasok na sila sa gate ay napansin ni Alex ang pagngiti ni Leopard.
"Anong ngini-ngiti mo boss?" Curious na tanong ni Alex.
"Nabasa mo ba iyong note sa labas ng gate? Naalala ko si Jaime. Remember her? Kahit hindi mo pa nakikilala?"
"Hala iyong dati mong sekretarya? Oo naman boss. Mukha namang mabait si Ms. Jaime kaya ang hinahanap mo tulad ni Ms. Jaime. Pero bakit ako tinanggap mo?" Wika ni Alex at kibit balikat lang ang sagot ni Leopard dito.
"Magaling ka namang empleyado ah. Bakit naman kita hindi tatanggapin. Basta naalala ko lang si Jaime sa note doon sa may gate. Palagi kasi niyang ipinagpipilitan na cute daw s'ya. At babae daw s'ya. Pero hanggang sa umalis sa akin. Hindi man lang nagka-boyfriend." Paliwanag pa ni Leopard.
"Baka naaawa sayo. Kawawa daw naman kasi boss niya, kung siya may lovelife ikaw zero." Pagbibiro pa ni Alex ng iwan niya si Leopard at tinakbo ang dalawang kapatid na kanina pang kumakaway sa kanila. Nanginguha na kasi ang mga ito ng mga mangga.
"Ang kulit talaga." Natatawang wika ni Leopard habang nakatingin sa tumatakbong si Alex patungo sa mga kapatid nito.
Susunod na sana si Leopard kay Alex ng may tumawag sa kanya. Wala naman siyang balak pansinin. Pero binanggit nito ang buong pangalan niya. Kaya naman hinarap niya ito. Nagulat din naman siya ng malingunan niya ang tumawag sa kanya. Malawak ang ngiti at sinalubong siya ng nakabukas nitong mga kamay. Hindi niya talaga akalaing makikita niya ngayon ang babaeng kanina lang ay naiisip niya.
"Boss. Sabi ko na nga ba na ikaw iyan. Hindi talaga ako nagkamali. Sobra namiss kita, boss. Anong ginagawa mo dito?" Masiglang bati ni Jaime at hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Leopard.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito. Wag mong sabihin na." Hindi natapos ni Leopard ang sasabihin ng sunod-sunod na pagtango ang isinagot ni Jaime.
"Yes boss. Ito ang lupain na minamanage ng akin ama. Kita mo naman di ba? Sayang kung mapapabayaan. Doon sa kabilang dulo ang mga puno ng niyog. Habang sa kabilang parte ang palayan." Masayang pagkukwento ni Jaime.
"Tama lang ang desisyong ginawa mo. Napakaganda dito. Taga rito ka rin pala sa San Raphael. Bakit hindi ko nalaman?" Takang tanong ni Leopard.
"Nagtanong ka ba boss. Hindi naman eh. By the way boss. Nakita kong may kasama kang babae. Girlfriend mo? Tama talaga ako. Sinabi ko na nga ba eh. Hindi man sinasadya, pero sabi ko sayo di ba? Pagpupunta ka dito sa probinsya namin, kasama mo na ang girlfriend mo. Hindi talaga ako nagkamali." Halos hindi makapaniwalang bulalas ni Jaime kaya napailing na lang si Leopard.
"Hindi ganoon."
"Wag kang tumanggi boss. Hindi mo man nasasabi kung hindi mo talaga siya girlfriend. Di hindi. Pero special siya sayo." Pilit pa ni Jaime sa nakita niya.
"Hindi kasi. Bali ganito ang hirap kasing ipaliwanag. Sa totoo, may isang lihim talaga sa buhay ko, na hindi ko alam kung paano ko maiitama." Ani pa ni Leopard sa malungkot na boses. Kaya nakatanggap siya ng isang mabining tapik sa balikat mula kay Jaime.
"Kung hindi mo girlfriend ako na lang boss." Nakangising wika ni Jaime. Kaya naman naitulak agad siya ni Leopard.
"Grabe sa pagtulak. Joke lang naman. Pero boss, ikakasal na ako next year. Babalik ako ng Maynila. Invited ka ha. Sana makapunta ka. Seryoso na ito. May boyfriend talaga ako bago ako napasok sa hardware mo. Long distance relationship. Uuwi na siya next year para mag settle down. Kaya babae talaga ako. Hindi tulad ng iniisip mo." Paliwanag pa ni Jaime. Kaya naman mas lalong natuwa si Leopard para dito.
"Congrats and makakarating ako. Basta puntahan mo akong Maynila para abutan ng invitation ha. Hindi ko talaga akalaing babae ka talaga Hermano." Biro pa niya dito. Kaya nakatanggap siya ng isang suntok sa braso.
"Grabe ka naman boss, sa akin. Pero palalampasin ko ang panglalait mo sa akin. Malakas ka naman sa akin eh. Ikaw pa. Puntahan kitang Maynila ha. Isama mo girlfriend mo ha." Sagot ni Jaime ng higitin siya nito at umabresete pa ito sa braso niya. Hindi na lang siya nakasagot sa kakulitan niyo. Nagpatianod na lang siya sa paghila nito, lalo na at ang hinahayon naman nilang daan ay patungo sa pwesto nina Alex. Na isang beses niyang nahuli na nakatingin sa kanila. Pero agad ding nagbawi ng tingin.