Maagang nagising ang mga magulang ni Alex pati na rin ang dalawa niyang kapatid. May pasok kasi sa eskwelahan ng araw na iyon. Nagtimpla naman ng kape ang kanilang ama habang nagluluto na ng pang-umagahan ang kanilang ina.
Habang naghihintay, makatapos magluto ang kanilang inay, ay inaaayos naman ni Xandra ang mga gamit niya. Ganoon din si Alexis. Nang magsalita ang kanilang inay. "Xandra, sa banyo ka na magbihis baka magising pa ang ate mo pag nagbukas ka ng ilaw sa kwarto mo." Wika ng kanilang ina.
"Luh, inay hindi naman po doon sa kwarto ko natulog si ate. Baka po doon pa rin sa kwarto niya. Kasama si Kuya Leopard." Sagot ni Xandra, na gulat namang ikinalapit sa kanila ng kanyang ama.
"Ganoon ba? Baka naman sa kwarto ng kuya mo natulog si Leopard. Alexis?" Tawag ng kanilang inay kay Alexis, sabay iling nito.
"Solo lang po ako sa kwarto ko ng matulog. Baka naman nga po magkasama si Kuya Leopard at ate sa kwarto." Kahit college na inosente at parang wala lang kay Alexis ang ganoong bagay, ganoon din kay Alexandra. Sabagay, wala namang masama kung magkasama sa kwarto. Matutulog lang naman.
"Ales, akala ko ba ay boss lang ni Alex ang kasama niya. Bakit nagsasama na sila sa iisang kwarto? Alam kong hindi naman papayag ang panganay natin kung wala silang relasyon. Pero bakit sa iisang kwarto sila natulog? Malaki ang tiwala ko kay Alex. Pero hindi naman ako papayag, kung maaargabyado ang ating anak." Bulalas pa ng kanilang ama.
"Tulad nga ng sabi mo Ale, malaki din ang tiwala ko sa ating anak. Bago tayo magreact, alamin muna natin ang sitwasyon. Baka mamaya, wala naman talagang masama. Nakakahiya sa boss ng ating anak." Mahinahong wika ni Nay Alesandra sa asawa.
Pinuntahan nila ang kwarto ni Alex, hindi naman nakalock iyon. Pagbukas nila ng pintuan ay napansin nila na bukas ang malamlam na ilaw ng lampshade na nagbibigay ng dim light sa buong kwarto ng anak. Hindi naman sila gumagawa ng kahit na anong ingay, kaya kung tulog ang dalawa ay hindi nila magigising ang mga ito.
Nakita nila ang latag ng makapal na comforter sa sahig. Napansin din nila si Leopard na mahimbing na natutulog doon, habang hawak ang kamay ni Alex. Si Alex naman ay nakadapa sa higaan nito at nakalaylay nga ang isang kamay na hawak ng boss nito.
Nagkatinginan naman silang lahat, at tahimik na sumenyas para lumabas. Una namang lumabas ang mag-asawa bago ang mga kapatid ni Alex sa kwarto nito, ng makita ang ayos ng dalawa. Humanga din naman ang magulang ni Alex sa boss nito. Kung may relasyon man ang dalawa o wala. Sapat na ang nakita nila, na iginagalang ni Leopard ang kanilang anak. Siguro ay hindi ito makatulog kaya hawak nito ang kamay ni Alex.
Sanay kasi si Alex noong bata pa ito na tuwing hindi nakakatulog ay hinahawakan nito ang kamay ni Nay Alesandra. Kaya naiintindihan ng mag-asawa kung bakit hawak ni Leopard ang kamay ni Alex. Baka ini-offer iyon ng kanilang anak.
"Sabi ko sayo inay, hindi natulog sa kwarto ko si ate." Wika muli ni Xandra ng makabalik sila ng kusina.
"Oo na. Siguro ayaw mapag-isa ng boss ng ate mo sa kwarto niya. Kaya naman doon na natulog. Pero hayaan mo na. Bilisan mo ng maligo ng makaligo na rin ang kuya mo ng makakain na kayong dalawa bago pumasok sa eskwelaha. Patapos na rin naman akong magluto.
Alas syete y media na ng magising si Alex. Medyo na ngangawit na rin ang kamay niya. Napatingin pa siya sa isang kamay niyang hanggang ngayon hawak pa rin ng boss niya na mahimbing pa rin ang tulog. Hindi niya akalain na ang unang gabi niya sa bahay nila ang unang beses sa loob ng maraming taon na hindi pag-uwi ang makakapagpanatag ng kalooban niya. Late nga silang nakatulog ng boss niya. Pero late din namang nagising. Habang noon kahit dalawang oras lang ang tulog niya. Nagigising pa rin siya bago pumutok ang araw.
Pinagmasdan namang mabuti ni Alex, ang gwapong mukha ng kanyang boss. Nandoon na naman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi naman siya, isang batang paslit para hindi malaman kung ano ang nararamdaman niyang iyon. Pero hindi talaga niya maiwasan, na habang tumatagal. Unti-unti siyang nahuhulog kay Leopard.
"Hay boss bakit ang gwapo mo? Tulog ka nga, nakanganga pa. Pero gwapo ka pa rin? Nasaan ang hustisya?" Mahina niyang bulog, bago medyo hinawakan niya ng maayos ang kamay ni Leopard para makuha niya ang nangangawit na talagang braso. Pero kahit sobrang ngalay ang nararamdaman niya. Worth it naman sa himbing ng tulog ng boss niya.
Nag-unat-unat pa siya ng katawan, ng makuha sa pagkakahawak ni Leopard ang kamay niya. Saktong ibababa niya ang kamay ng mapansing nakaupo na ang boss niya sa higaan nito at nagkukusot ng mata.
"Bakit nagising ka na boss? Pwede ka pa namang matulog eh." Sambit kaagad ni Alex, ng tatayo na si Leopard. Tinitigan pa niya ito at sinipat ng mabuti kung narinig ba nito ang binulong niya. Pero sa tingin naman niya ay hindi at kagigising lang nitong talaga.
"Okay na ako. Nawala na rin naman antok ko, ng maramdaman kong hindi ko na hawak ang kamay mo." Sagot nito na napakamot pa sa ulo.
"Para kang baby. Ano yan, ng umalis ang nanay sa tabi nagising na ang anak?"
"Siguro?" Patanong na sagot ni Leopard. "Ikaw na ba bahala dyan? Pwede bang maligo na muna ako? Wala na kayang gumagamit ng banyo?" Sunod-sunod pang tanong ni Leopard sa kanya.
"Wala na, baka nasa eskwelahan na ang dalawa. Baka si inay ay nasa may tindahan na. Hindi ko lang alam kung nandyan si itay o kasama ni inay."
"Okay, maliligo muna ako." Paalam pa niya kay Alex, at kinuha ang mga gamit niya. Ang mga sabon, toothbrush, toothpaste at iba pa ay naiwan na rin naman sa banyo. Inilagay iyon ni Alex sa isang basket na nasa tabi ng gamit nito. Hindi naman siya pwedeng magreklamo. Lalo na at iisa ang banyo ng bahay nina Alex. Iyong malapit lamang sa may kusina.
Pagbaba niya ng bahay, ay wala na siyang nakitang tao. Pagsilip niya sa may bintana ay natanaw na rin niya ang maliit na parang kubo, na siyang nagsisilbing tindahan ng gulay at kung anu-ano pang itinda ng inay ni Alex. Nang makitang nandoon din ang itay ni Alex ay tumuloy na rin siya ng banyo. Mamaya na lang niya babatiin ang mga ito.
Matapos maligo, ay nakaantabay na rin si Alex para gumamit ng banyo. Siya namang pasok ng kanyang itay, sa bahay kaya naman nagpaalam muna si Leopard sa itay ni Alex na dadalahin lang sa kwarto ni Alex ang kanyang mga pinaggamitang damit.
Pagbaba ni Leopard ay nasa labas na ulit ng bahay ang itay ni Alex. Kaya naman nagtungo din siya doon.
"Tay good morning po. Pasensya na rin po kung doon ko po pinatulog si Alex sa kwarto niya, habang nandoon din po ako. Nahihiya po akong malaman ninyo iyon kaya naman po sinasabi ko sa inyo. Hindi din po kasi ako makatulog kaagad. Siguro po naninibago." Paliwanag ni Leopard kay Tay Alejandro, kaya naman napatapik pa ito ng kamay sa balikat niya.
"Nakita namin iyon Leopard. Dahil sabi ni Xandra hindi daw doon sa kwarto niya, natulog ang ate niya. Pero sa nakita namin kanina. Sapat na sa akin, bilang isang ama na kasama mo man sa isang kwarto ang aking anak. Ramdam ko ang paggalang mo sa kanya. Napakaswerte ng babaeng mamahalin mo, at makakasama mo sa habang buhay." Papuri ni Tay Alejandro, kay Leopard. Pero sa halip na matuwa, mas lalo pa siyang nalungkot sa narinig. Pero kahit papaano ay binigyan niya ng isang ngiti ang ama ni Alex. Nagkwentuhan lang sila, hanggang sa matapos mag-ayos ng sarili si Alex at abutan siya ng kape.
"Itay kumain na po ba kayo pati si inay? Iinitin ko po iyong pagkain sa kusina." Tanong ni Alex pagkaabot ng kape kay Leopard.
"Naku anak, tapos na kami ng inay mo. Nagpunta lang nga ako dito at baka hindi pa kayo kumakain. Ay hindi pa nga pala. Initin mo na nga lang ang pagkain dyan at kumain na kayo. Babalikan ko lang ang inay ninyo at nadami na naman ang nabili. Kaya ko na naman. Minsan lang ay hindi lang maiwasan ng iyong inay at dalawang kapatid na alalayan ako. Kahit kaya ko naman talaga. Minsan ay akay pa." Natatawang wika ng kanyang itay, at naglakad na ito patungong tindahan.
"Boss initin ko lang iyong mga niluto ni inay, ng mapakain na kita. Nagugutom ka na rin siguro." Wika ni Alex at bumalik ng kusina. Si Leopard naman ay sumunod din sa kanya.
Nakaupo lang si Leopard sa monoblock chair na siyang pinaka upuan nina Alex sa kusina. Napatingin pa si Leopard ng mapansing sakto pala sa kanila ang upuan, kasama siya.
"Ang galing no? Para sa akin ba talaga ang isang upuan na ito? Di ba lima lang kayo? Si inay, itay, Alexis at Alexandra tapos ikaw tapos ako." Nakangiting paliwanag ni Leopard sabay tawa ng malakas ni Alex.
Napakunot naman ng noo si Leopard sa inasal ni Alex. 'Wala namang masama sa sinabi ko. Aba sumusobra na talaga itong babae na ito. Kung hindi lang kita ma---.' Napatigil na naman si Leopard sa kanyang iniisip, at nagpakawala na lang ng isang buntong hininga.
"Bakit ka ba tumatawa?" May inis sa tono sa kanyang tanong.
"Boss wag assuming. Pag bumibili kasi ng lamesa minsan. Iyong isang set ba. May kasama ng upuan. Kasi six seater naman itong table, kaya anim na upuan din ang kasama. At isa pa maka inay at itay ka naman. Magulang mo? O gusto mo ding maging magulang ang mga magulang ko? Grabe ka naman boss, hindi ako ready. Ano ba?" Pagbibiro pa ni Alex, kaya naman sa halip na malunok ang kapeng iniinom, lumabas bigla ito sa ilong ni Leopard.
Hindi naman magkamayaw si Leopard kung paano kokontrolin ang pagkasamid. Halos mamula na ang kanyang mukha, dahil ubo siya ng ubo. Pinatay na naman ni Alex ang apoy sa iniinit niyang pagkain. Hindi naman niya intensyong masamid ang boss niya. Nagbibiro lang naman siya. Talaga lang napakamasamidin nito. Inabutan naman kaagad ni Alex si Leopard ng isang basong tubig. Pati malinis na towel, para maipunas sa mukha nito. Lalo na sa ilong kung saan dumaan ang kape.
Halos ilang minuto ding umubo ng umubo si Leopard, bago napahupa ang nararamdaman. Para tuloy siyang tumakbo ng halos isang oras sa pagod na nararamdaman.
"Okay ka na?" Nag-aalala ng tanong ni Alex, habang nakatungo pa rin si Leopard.
"Boss?"
Napayakap namang bigla si Leopard kay Alex. Itinigil pa nito ang mukha sa may parteng tiyan nito. "Ginutom ako sa mga pinagsasasabi mo. Buti na lang nawala din ang samid ko. Ang sakit sa ilong ang init pa naman ng kape." Reklamo pa niya.
"Maghahayin na ako, bitaw na. Para kang baby eh, may pagyakap ka pa."
"Sa nanghina iyong tao eh. Try mo kayang masamid ng ilang minuto."
"Oo na tsansing ka na boss."
"Hindi kaya. Kumain ka ng madami ng magkalaman naman iyang katawan mo, para tumaba ka naman." Wika ni Leopard matapos alisin ang pagkakayakap kay Alex.
"Paano kung tumaba ako. Di wala ng magkakagusto sa akin? Paano pa ako magkakaasawa?" Seryosong tanong ni Alex pero seryoso din namang nakatitig si Leopard sa kanya.
"Kahit naman tumaba ka, maganda ka pa rin. Higit sa lahat hindi magbabago ang pagtingin ko sayo." Wika ni Leopard kaya naman napaatras bigla si Alex, at nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang mabilis kumilos si Leopard kaya naman nasalo siya nito.
Napalunok na lang si Alex ng maramdaman ang pagtama ng mabangong hininga ni Leopard sa kanyang pisngi. "Careful. Palagi mong sinasabi na napakamasamidin ko. Pero ikaw naman walang kaingat ingat. Okay ka lang?" Tango lang ang naisagot ni Alex.
Nang makatayo na siya ng tuwid, ay pinilit niyang alisin sa sistema niya ang narinig mula sa boss niya. Hindi niya malaman kung paniniwalaan ba niya. Lalo na at alam niyang ayaw nito, sa isang relasyon. Kaya naman alam niya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya. Pwede siyang magbiro, kahit totoo sa puso niya. Pero hindi pwedeng magseryoso kahit seryoso ang sinabi niya.
Matapos makapaghayin ay sabay na silang kumain. Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makatapos. Nang magdayag niya ang mga pinggan ay sumama naman si Leopard sa kanya patungong tindahan. Nais niyang siya na muna ang magbantay doon para naman makapahinga kahit saglit ang kanyang inay at itay.
Hinayaan naman si Alex ng mga ito. Inabot naman ni Tay Alejandro kay Leopard ng isang folding chair. Iyon kasi ang ginagamit nito pagnamamahinga. Nakapwesto iyon sa tabihan ng tindahan. Malilim naman sa parteng iyon at may puno. Kitang-kita naman niya si Alex habang nasa loob ng tindahan. Nakatitig lang siya sa likuran nito, habang si Alex naman ay nag-aayos ng mga panindang gulay.