Hindi naman pinapansin ni Alex si Leopard, habang nakaupo ito sa may folding chair. Pinilit niyang maging busy sa pag-aayos ng mga gulay, habang wala pang gaanong bumibili. Kung alam lang kasi ng boss niya ang tinatakbo ng isipan niya. Baka mamaya ay mawalan pa siya ng trabaho. Hindi naman niya pinapansin ang nararamdaman niya para dito. Pero palaging may kumakatok na kung ano sa puso niya, kahit isang ngiti lang nito. Bagay na noong una ipinapagdamot nito. Pero ngayon, halos palagi na niyang nakikita.
Tunay din namang talaga na gwapo ang boss niya at hindi niya maiipagkaila iyon. Sinong babae ang hindi mahuhulog dito. Bulag siguro, or else manhid. Madiskarte lang naman siya sa buhay at hindi sumusuko sa hamon ng buhay. Pero babaeng tunay siya at marunong ding humanga. Higit sa lahat ma inlove. Nagmamahal kung may biglang itibok ang puso niya. Masakit lang ang boss niya ang nagpapabilis ng pagtibok ng kanyang puso. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago harapin ang kanyang boss na akala niya ay nakatingin sa kanya iyon naman pala ay natutulog na.
"Tss. Tutulog lang din naman pala, hindi pa sa loob ng bahay. Pati tinanghali na nga ng gising antok pa rin? Nagbabawi lang siguro ng lakas. Kaya lang, gusto pa yatang ibalandra ang kanyang sarili dini sa buong probinsya eh. Oo alam kong gwapo ka. Wag mo ng ipakita sa iba. Baka ibulsa na kita." Wika ni Alex, habang nakatingin kay Leopard na natutulog.
Ilang sandali pa ay naagaw ang kanyang pansin ng may marinig siyang ingay na wari mo ay nagkukwentuhan. Nang mapatingin naman sa ilang kababaihan na patungo sa tindahan nila. Napakunot naman ang noo ni Alex ng makita ang dalawang babae na kabibili lang, kani-kanina. Pero nandoon na ulit at higit sa lahat, may kasama pang ibang mga babae, na sa tingin na niya ay alam na niya ang pakay.
"Tss. Nakakita lang ng gwapo, dinumog na tindahan namin. Pabor naman. Makakaubos yata ako ngayon ng mas maagap." Bulong pa ni Alex at napatingin naman siya sa boss niyang tulog pa rin sa folding chair ng kanyang itay.
"Magkano ang tinda mong ampalaya? Pati na rin ng kahit na ano." Tanong ng isang babaeng nakalapit na sa pwesto niya pero hindi naman sa ampalaya nakatingin kundi sa boss niyang natutulog.
"Sabi ko na nga ba? Hindi talaga ako nagkakamali. Tss." Bulong pa ni Alex sa sarili.
"Sabi ko sayo may gwapo dito eh." Rinig niyang sabi ng isang babae sabay siko sa babaeng katabi.
"Single ba naman?" Bulog noong isa, pero rinig naman niya. Napailing na lang si Alex. Mukhang mauubos ang paninda nila ngayon dahil sa boss niya.
"Iyon ang kailangan nating malaman. Hindi naman siguro papatol iyang si pogi sa anak ni Mang Alejandro." Bulong pa nung isa, na rinig naman niya.
'Ayos ah. Ano tingin ng mga haliparot na ito? Sila kapatol-patol? Tapos ako hindi? Hinga ng malalim Alex, pag hindi bumili palayasin mo. Pag bumili ngiti ka lang kahit ang totoo. Gusto mo ng itaboy ang mga iyan.' Ani pa ni Alex sa isipan bago, muling nagsalita sa mga babaeng nasa kanyang harapan.
"Ano bang mga bibilhin ninyo? Pwede bang isa-isa? Para hindi magulo." 'Kasi ang gulo ninyo. Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo? Sabagay wala namang ibang gwapo dito kundi si Alexis, at itay. Charr.' Gusto sana niyang idugsong pa sana. Hindi lang niya itinuloy. Mabash pa s'ya. Mabilis namang sinang-ayunan ng mga babaeng busog na busog ang mga mata sa tulog na lalaking nakikita ng mga ito, ang kanyang sinabi, na isa-isa ang pagbili at wag magulo.
Naka cargo shorts lang kasi ang boss niya, at white polo. Buti na lang at ipinagdala niya ito ng gladiator sandals nito. Na bagay namang talaga dito. Mas lalo itong gumwapo sa simpleng suot nito. Kung hindi kasi niya nadala gladiator nito. Kahit nasa tabi lang sila ng bahay, nakasapatos pa rin ang boss niya. Medyo malaki kasi ang sukat ng paa nito kumpara sa paa ng itay niya at sa kapatid niya. Kaya hindi niya ito mapapahiram ng gamit ng mga ito. Hindi kasi maiipagkaila, na bagay sa boss niya ang kahit na anong suot nito, kaya naman ngayon, heto at pinagkakaguluhan.
"Miss na nagtanong ng ampalaya. Ampalaya ba talaga ang bibilhin mo?" O boss ko? Dadag pa niya, pero syempre hindi niya iyon sasabihin, sa kanya lang.
"Talong. Oo talong ang bibilhin ko, hindi ampalaya." Napailing na lang si Alex. Sure na siyang hindi talaga paninda nila ang pakay ng mga babaeng iyon kundi ang boss niya.
"Alexa, natatandaan mo pa ba ako? Classmate mo ako noong elementary." Pakilala ng babae na syempre natatandaan niya. Kalapit bahay lang nila ito mga dalawampong metro lang ang layo sa bahay nila.
"Oo naman Sisi. Ano bang bibilhin mo?"
"Yong gwapo. Mali hindi. Magkano ba itong kangkong na tinda mo? Pwede bang malaman kung anong pangalan ng lalaking iyon?" Tanong pa ni Sisi kaya naman napailing na lang si Alex.
"Oo nga pwede ba naming malaman pangalan niya?"
"Ano bang paborito niyang pagkain?"
"May number ba s'ya pwede bang makuha?" Sunod-sunod na tanong ng mga bumibili kay Alex. Oo nga at halos maubos ng mga ito ang paninda nila. Dahil bago magtanong bumibili naman ang mga ito. Pero hindi naman niya ibibigay ang impormasyon ng boss niya ng walang pahintulot nito.
Dahil medyo may kalakasan ang boses ng ibang nagtatanong, ay naalimpungatan si Leopard. Napakunot naman ang kanyang noo ng makita ang may humigit kumulang labinglima na babae na nakangiti sa kanya. Napatingin naman siya kay Alex at nagkibit balikat lang ito.
Napansin din ni Leopard na bumili naman ng mga gulay ang mga ito pero hindi pa rin umaalis sa harap ng tindahan, wari mo ay may hinihintay. Tumayo naman siya at mula sa pagkakaupo. Nakatingin pa rin sa kanya ang mga babae. Pati kay Alex ay parang may hinihintay na sagot.
"Anong meron?" Bulong ni Leopard kay Alex ng makalapit siya dito.
"Nagpapakasawa sila sa pagtitig sayo. Kita mo naman, paubos na ang paninda namin. Iba ang charm mo boss. Sana all." Nailing na lang si Leopard sa sinabi ni Alex. Sabay tingin sa iilan na nga lang gulay na natitira. Napatingin naman si Leopard sa mga babae ng may isang nagsalita.
"Pogi akong pangalan mo? Ako nga pala si Sisi. Magkakilala kami niyang si Alexa. Single ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sisi, kaya naman mas lumapit si Leopard kay Alex.
"Sorry I'm taken na. Baka magselos itong girlfriend ko. Mahirap pa naman itong magalit lalo na at buntis." Paliwanag ni Leopard na ikinagulat naman ng mga babaeng nasa harap ng tindahan nina Alex.
"What the---!" Hindi natapos ni Alex ang sasabihin ng takpan ni Leopard ang bibig ni Alex.
"Sorry girls. Tahimik lang itong girlfriend ko. Pero baka mamaya mang-away na ito." Paliwanag pa ni Leopard. Wala namang naimik na ang mga babae. Kahit si Sisi, at nanghihinayang na lang na tumalikod sa kanila at naglakad paalis.
"Sayang may girlfriend na pala. Akalain mong, akala ko talaga. Pero buntis si Alex. My gosh!" Maarteng wika ni Sisi.
"Ang swerte naman ng anak ni Mang Alejandro. Ang gwapo ng boyfriend. Siguro kung ako din may boyfriend na ganyang kagwapo. Hindi na ako mag-iinarte. Walang masama sa ginawa ni Alexa, oi. Mahirap tanggihan ang may ganoong kagwapong boyfriend. Nakakakilig naman." Wika naman noong isa.
"Ang swerte naman ni Alexa." Rinig nilang wika pa ng mga babae bago tuluyang nakalayo ang mga ito sa kanila.
Sinalubong naman ni Leopard ang mala-lazer na tingin ni Alex. Kung tunay na may lazer ang mata nito. Sure na katapusan na niya.
Inis man ang nakikita niya sa mga mata ni Alex, pero natutuwa talaga siya sa reaksyon nito. "Galit ka ba babe?" Pang-aasar pa ni Leopard kaya naman nakatanggap siya ng isang suntok sa braso, na ikinangiwi naman niya.
"Masakit iyon ha!" Singhal pa ni Leopard.
"Talagang masasaktan ka! Anong pinagsasasabi mo boss? Girlfriend? Buntis? Baka gusto mong ipakain ko sayo ng hilaw itong ampalaya? Hindi nakakatuwa ha!" Inis na wika ni Alex, at napasabunot pa siya.
May part kay Alex na masaya siya sa sinabi ng boss niya, sa harap ng mga babaeng bumibili kanina. Pero syempre ayaw naman niyang palawigin pa ang nararamdaman niya para dito. Sa bawat biro kasi ni Leopard, lalo lang siyang nahuhulog dito. Bagay na hindi naman talaga dapat nangyayari. Pero nararamdaman niya.
"Di ba, kaya tayo nagpunta dito para makapagrelax ako. Paano ako magrerelax kung aabalahin ako ng mga babaeng iyon. Kung malalaman nilang may girlfriend na ako." Natigilan si Leopard sa pagsasalita. Ngayon lang din niya narealize ang sinabi niya sa mga babaeng iyon. Pero wala siyang ibang iniisip ng mga oras na iyon kundi si Alex at wala ng iba. Napahugot naman si Leopard ng isang malalim na paghinga.
"Kaya ko sinabing girlfriend kita ng hindi nila ako guluhin. Pati ikaw. Magiging payapa ang bakasyon ko dito sa inyo." Dagdag na lang ni Leopard sa sinabi niya.
Pumasok naman sa tindahan ang kanyang inay at may dalang, mainit na tsokolate at maruyang kamoteng kahoy. Natatawa pa itong inilapag ang dalang tray.
"Magmeryenda muna kayong dalawa. Anak, Leopard masarap yan. Tablea iyang inihanda ko. Sure akong magugustuhan ninyo iyang dalawa. At tungkol sa sinabi ni Leopard, naiintindihan ko. Kaya wag ka ng magalit anak. Basta wala kayong ginagawang masama, hindi naman minsan masama ang magpalusot sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Minsan nakaktulong din iyon sa matahimik na pamumuhay." Paliwanag pa ng kanyang inay, bago ito nagpaalam na papasok na muli sa loob ng bahay.
Napatingin na lang si Alex sa boss niya na nakaupo na sa isang upuan na nadoon at kumakain na ng maruya, habang hinihipan ang mainit na tsokolate. Naupo na lang din si Alex sa isang upuan pa nanandoon at kinain ang meryenda na para sa kanya.
Mabilis din namang lumipas ang maghapon. Medyo napagod din si Alex, kaya naman mas maagap siyang nahiga ngayon. Nagpaalam na rin naman sila sa mga magulang niya, kung bakit doon natulog sa kwarto ang boss niya. Pinaalalahanan lang sila ng mga ito, na wala namang masama sa kanilang ginagawa. Lalo na at malaki din naman ang tiwala ng mga ito sa kanilang dalawa.
Nakahiga na rin si Leopard sa lapag, pero nandoon pa rin ang pagkakataon na hindi na naman siya makatulog. "Alex?" Tawag ni Leopard dito.
"Hmmm."
"Parang katulad pa rin kagabi. Hindi pa rin ako makatulog."
"Irelax mo lang kasi boss ang isipan mo. Kaya ka nga nandito para makapagrelax. Bukas ipapasyal kita dito sa amin. Walang pasok ang dalawa kong kapatid. Isama natin sila." Masayang wika ni Alex. Matagal na rin naman mula ng hindi siya umuwi, kaya naman naexcite din siyang mamasyal.
"Sige." Maikling sagot lang ni Leopard.
"Boss, kung ano man ang problema mo, nandito naman ako. Naging mabait ka nga sa akin kahit medyo masungit ka. Kaya naman willing akong makinig sayo." Seryoso wika ni Alex habang nakatingin kay Leopard.
"H-hindi ko alam kung paano ko m-matatakasan ang bagay na iyon. N-ngayon lang ulit ako naging m-masaya. Pero may h-hangganan. Alam ko naman iyon." Halos mabasag ang boses ni Leopard habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
Napansin din ni Alex ang pagtalikod ni Leopard sa pwesto niya. Alam niyang may malalim na problema ang boss niya na hindi talaga niya alam kung ano. Hindi niya alam kung paano ito matutulungan sa problemang kinakaharap. Pero kung ano man iyon. Handa siyang maging sandigan ni Leopard. Doon man lang maramdaman ng boss niya na mahalaga talaga ito sa kanya.
"Kung ano man ang problema mo boss, nandito lang ako para sayo. Tandaan mo yan. Hmmm." Wika pa ni Alex at humarap sa kanya si Leopard. Nabigla naman si Alex ng hinigit siya ng kanyang boss kaya naman nahulog siya sa kama. Pero agad din namang nasalo ni Leopard.
"Dito ka na lang sa tabi ko. Lumipat ka na lang pag nagising ka." Wika ni Leopard ng alalayan niya ang ulo ni Alex pahiga sa braso niya, at iyakap ang isang braso sa baywang nito.
Naubusan naman si Alex ng sasabihin at literal na hindi nakapagsalita. Hindi man niya alam ang nangyayari, pero masaya ang puso niya sa mga ipinaparamdam sa kanya ng boss niya. Nararamdaman niya ang isang bagay na gusto niyang marinig sa bibig nito mismo. Pero hindi naman siya nagmamadali. Hahayaan na lang muna niyang sulitin ang mga pagkakataong katulad ngayon.
Sabi nga nila. Sulitin ang bawat pagkakataon, dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari bukas. Ipinikit na lang din ni Alex ang mga mata. Naramdaman niya ang paghalik ni Leopard sa kanyang noo, na lalo namang nagbigay ng kapanatagan sa kanya. Hindi man kaaya-aya para sa mga magulang niya ang pwesto ng pagtulog nila ng boss niya ngayon. Nandoon pa rin naman ang masasabi niyang natulog lang naman talaga sila at walang ginagawang iba.