Nagmamaneho si Leopard paluwas, patungong probinsya nina Alex. Medyo malayo din ang San Raphael sa Maynila. Kung magcommute ka sa bus ay aabutin ka ng nasa walong oras. Dahil sakay sila sa kotse, malamang ay aabutin lang sila ng mga anim na oras sa byahe. Napilit din niya si Lander na ito ang tumingin muna sa mga hardware niya. Sa main at sa iba pang branch. Sinabi din naman niya na kahit nasa probinsya siya ay imonitor pa rin naman niya mga ito. Nagbilin din si Leopard kay Ms. Marie na isa sa pinagkakatiwalaan niya. At sa pinakahead ng finance.
Napatingin naman si Leopard kay Alex na nakatingin lang sa daan. Bago niya muling ibinaling ang mga mata sa daan. Napangiti pa sa siya ng maalala ang dahilan kung paano napapayag si Lander sa pakiusap niya.
Tinawagan ni Leopard si Lander kinaumagahan, pagkarating nila ni Alex ng opisina. Nagsabi naman ito ng baka medyo tanghali ng makarating dahil aabutan na ito ng traffic. Ayos lang naman kay Leopard dahil siya naman ang may kailangan dito.
Pagkarating ni Lander ay napansin kaagad ni Alex na may dala itong bouquet of roses. Nakita na rin naman ni Lander na nakatingin si Alex kaya naman binati na rin niya ito.
"Good morning sir. Kanina ka pa hinihintay ni boss." Nakangiting wika pa niya dito. Nawala naman ang ngiti ni Lander pagkarinig ng salitang sir.
"Good morning Alex. Di ba sabi ko naman sayo wag mo na akong tawaging sir. Lander na lang. Total naman hindi mo naman ako boss di ba?" Ani Lander.
"Okay Lander." Maikling sagot niya at nagkibit balikan na lang.
"Flowers for you." Sabay lapag sa table ni Alex ng bouquet ng roses.
"Para saan?" Tanong ni Alex. Na ngiti lang ang isinagot ni Lander sa kanya. Hanggang sa mahagip ng mata ni Alex ang maliit na card na nakasangat sa pagitan ng mga bulaklak, kaya kinuha niya ito.
"A thornless red rose means love at first sight." Basa ni Alex sa nakasulat sa card. Napatingin pa siya sa red roses na hawak niya. Napangiti pa siya dahil wala ngang tinik iyon. Napailing na lang din siya dahil sa nabasa niya.
"Baliw." Wika niyang muli bago, tuluyang inilapag ang bulaklak, at naglakad patungong pantry, para ipagtimpla ng kape ang boss niya at si Lander.
Nagtimpla siya ng isang kape ayon sa nais ng boss niya at sa tingin niya ay hilig ni Lander. Dahil sa napaitan ito sa timpla ng boss niya. Hindi niya gaanong dinamihan ang kape. Tapos ay nilagyan niya ng asukal na triple ang dami kaysa sa boss niya at nilagyan na rin lang niya ng cream. Bet lang niyang lagyan.
Matapos makapagtimpla ay naglakad na siya patungo sa opisina ng boss niya. Kumatok muna siya ng tatlong beses. Bago niya narinig ang signal na pinapapasok na siya ng boss niya.
Pagpasok pa lang ni Lander sa loob ng opisina ni Leopard ay, nakita na niya kaagad ang nakasimangot na mukha ng pinsan niya. Nakita din niya kung saan ito nakatingin. Sa glass wall kung saan kitang-kita ang pwesto ni Alex, na wari mo ay curious sa binigay niyang bulaklak. Napangiti pa siya, lalo na at ngayon lang niya nakita ang pinsan na maging seryoso sa ganoong bagay. Na babae pa ang dahilan. Isang tikhim ang kanyang pinakawalan, para lang makuha ang atensyon ni Leopard.
"What the hell are your doing? Sinong may sabi sayong magbigay ka ng bulaklak sa sekretarya ko?" May inis na singhal kaagad ni Leopard pagkakita kay Lander na ikinatawa lang nito.
"Anong nakakatawa?" May inis pa rin niyang wika.
"Ikaw, pinsan. Wag mong sabihing nagkakagusto ka na dyan sa sekretarya mo. Di ba, kaya tumagal si Jaime sayo. Kasi hindi mo naramdamang may gusto ito sayo. Na parang kapatid lang ang turing ninyo sa isa't isa. Tapos alam kong ayaw mo ng sekretarya na flirt, pagpapaganda lang ang alam. Ayaw mo sa relasyon kasi bawal at hindi naman talaga pwede. Pero bakit parang nakikita kong nagigiba ka na ngayon." Paliwanag ni Lander na hindi naman nagawang sumagot pa ni Leopard. Napatungo na lang ito na parang nasukol sa isang bagay. Nilapitan naman ito ni Lander at tinapik sa balikat.
"Alam ko namang nakulong ka lang sa isang sitwasyon dahil sa nais nina tita, at gusto niya si Eloisa para sayo. Pero alam kong makakalaya ka din sa sitwasyon na iyan. Kung ano man ang kalabasan. Nasa tabi mo pa rin ako. Si Alex na ba? Alam ba n'ya?" Tanong ni Lander na iling lang ang sinagot ni Leopard bago muling tumingin sa kanya.
"Rules ko iyon di ba? Bawal ang flirt, gusto ko sa oras ng trabaho, trabaho lang. Pero unti-unti ko siyang nakikilala. Kahit napakapalasagot, mas nahuhulog ako. Pero hindi niya alam. Wala pa akong balak sabihin. Alam mo naman sitwasyon ko di ba?"
"Basta pinsan nandito lang ako para sayo. Wag mong pansinin ang bulaklak na bigay ko kay Alex. Nakakalove at first sight naman kasing talaga. Pero wala iyon. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng pagsasamahan natin. By the way, bakit mo ako pinapunta dito?" Usisa pa ni Lander na napahawak pa sa batok si Leopard.
"Ganito kasi bro. Nakausap ko si mommy. Nais niyang ayusin ang buhay ko at ng babaeng iyon. Pero paano ko gagawin kung ni pagmumukha ng babaeng iyon ayaw kong makita. Gusto ko sana munang magpakalayu-layo kahit kaunting panahon lang makapagbakasyon." Wika ni Leopard habang nakikinig pa rin si Lander.
"Goods yan pinsan. Need mo nga ng break. Halos dito ka na tumanda sa hardware mo eh. Ang company ni tito hindi mo man lang magawang hawakan. Oh ngayon, ano namang kinalaman ko dito?"
"Ipapakiusap ko sanang, ikaw naman ang bumisita sa mga branch ng hardware, pag may oras ka." Sagot agad ni Leopard.
"Hindi pwede pinsan. Alam mo namang kung saan-saan ako nagtutungo. Ma-stack lang ako sa isang lugar pag sa akin mo pinagkatiwala ang mga hardware mo." Pangtangi nito.
"Hindi mo naman need na magstay habang wala ako. Pagminsan lang naman bro." Pakiusap pa ni Leopard na puro iling naman ang sagot ni Lander.
"Binabawi ko na ang suporta sayo pinsan. Parang ang hirap pa naman ng trabaho dito sa hardware mo. Pati sukat ng mga bakal, pako dapat alam mo." Malaking pagkaayaw ni Lander ng makarinig sila ng pagkatok. Pinapasok naman kaagad ni Leopard ang kumakatok.
Pagbukas ng pintuan ay lumukob agad sa buong opisina ang aroma ng masarap na kape na timpla ni Alex.
"Coffee boss. Oh Lander kape mo. Hindi na yan tulad ng kape ni boss ah. Makareklamo ka pa." Wika ni Alex. Agad namang napatingin si Lander, sa kapeng kabababa lang ni Alex sa table. Natakam din naman siya sa aroma noon.
Akmang kukunin niya ang kape, ng iharang ni Leopard ang kamay niya.
"Bakit?" Takang tanong ni Lander, at inilayo na nga ni Leopard ang kape dito at dinala sa tabi niya. Nagtataka naman si Alex sa inasal ng boss niya.
"Wala kang karapatang tikman ang kape ni Alex. Ayaw mo naman sa pakiusap ko. Ako pa rin naman ang magmomonintor, bibisita ka lang. Para lang hindi magmukhang pinabayaan ko na ang mga empleyado ko. Magbabakasyon lang naman ako, at babalik din. Need ko lang ng kapayapaan." Sambit pa ni Leopard.
Napatingin naman si Alex kay Lander. Ramdam niyang pinapagaan lang ni Leopard ang sarili pero bigo pala ito sa pakiusap sa pinsan.
"Alam mo Lander, para kang hindi lalaki. Minsan lang makiusap si boss hindi mo pa mapagbigyan. Bading ka ba?" Tanong ni Alex na biglang nagulat si Lander pati na rin si Leopard.
"Wait lang. Ano namang kinalaman noon sa p*********i ko? Gusto mo bang subukan ng malaman mong nagkakamali ka sa sinasabi mo?" Inis na wika ni Lander at lumapit naman si Alex dito.
"Kung hindi naman pala di hindi. Pero pagbigyan mo ng magbakasyon si boss. Hindi ko alam kung anong problema. Pero alam kong mayroon. Payag ka na o ipagkakalat kong bading ka. By the way, thank you sa bouquet. Pero hindi ka ba talaga bading?" Bulong ni Alex na narinig din naman ni Leopard, kaya bigla na lang itong natawa.
"Hindi ko alam bakit nate-threat ako sa sinasabi mo. Para ka ngang tomboy sa kilos mo. Tapos akong pinsan ng boss mo kung mapagbantaan mo." Reklamo pa ni Lander.
"Ikaw ang nagsabi just Lander at hindi kita boss. So hindi kita boss." Nakangising wika ni Alex na napailing na lang si Lander. Hindi niya talaga malaman kung bakit magaan ang loob niya kay Alex kaya naman sa loob loob niya ay pumapayag na siya dito.
"Oo na ako ng bahala dito sa hardware mo. Pati sa ibang branch. Please lang pakialalayan ako. Ako pa din ang nag-aasikaso ng company ni daddy. Ano Alex? Happy? Pinsan? Happy? Akin na nga ang kape ko. Baka magbago pa ang isip ko." Ani na lang ni Lander at inabot ang kape na dapat sa kanya.
Napangiti naman si Lander dahil masarap nga ang kape na timpla ni Alex. Mabilis naman itong naubos ni Lander, kaya napahingi pa ito ng isang tasa pang muli ng kape. Nagkatawanan naman ang magpinsan ng sabihin ni Leopard na noong unang beses niyang matikman ang timplang kape ni Alex ay nakahingi pa din talaga siya ulit dito ng isa pa ulit na timpla.
"Boss nagugutom ka na?" Tanong ni Alex ng medyo bumalik si Leopard sa sarili. Medyo napalalim pala ang pag-iisip niya kung paano nila napapayag si Lander. Wala namang gaanongmpilitan. Natawa lang talaga siya, dahil napapasunod din ito sa charm ni Alex.
"Hindi pa naman. Malayo ba ang bahay ninyo? Probinsya na ninyo ito di ba? Nadaanan na kasi natin ang arko ng San Raphael. Ikaw baka nagugutom ka na? May makakainan ba tayo dito?" Balik tanong naman ni Leopard at iniuli sa paligid ang mga mata. Wala naman silang nadadaanang mga kainan. Mangilang-ngilan lang na bahay ang nadadaanan nila. Magkakalayo pa ang pagitan.
"Malapit na boss, siguro mga isang oras o kulang-kulang makakarating na tayo sa bahay. Sana naman ay magustuhan mo sa lugar namin. Sana ay marelax ka nga. Kaya pinagdala kita ng makapal na komporter iyon na lang ang ilatag mo doon sa kama ko. May foam naman kaso, baka hindi ka makatulog, kaya pinagdala kita. Doon ka na lang. Bahala na ako sa buhay ko." Natatawang wika pa ni Alex, kaya napailing na lang din si Leopard.
"Sa bahay na lang ninyo tayo kumain. Alam naman nila na uuwi ka at kasama mo ako di ba?" Ani Leopard na ikinatango naman ni Alex.
Naging tahimik lang ulit ang kanilang byahe. Kahit sabihin na busy sa pagmamaneho si Leopard ay busog na busog naman ang kanyang mga mata sa berdeng-berdeng mga palayan na kanilang nadaraanan. Idagdag pa ang napakalinis na lupain na may mga iba't ibang puno na namumunga. Alam niyang iba ang siyudad sa probinsya. Pero hindi akalain ni Leopard na ang probinsya nina Alex ay ganoong kaganda. Sino ang hindi marerelax sa lugar na iyon.
Mula pa sa mga nadaanan na nila kanila, ay namangha na siya. Lalo na ngayon sa pagpasok nila ng San Raphael. Mas lalo na siyang namangha. Kaliwa at kanan na kasi ang palayan. Na nagbibigay ng preskong hangin. Pinatay na kasi niya ang aircon ng kotse niya at binuksan ang mga bintana. Para maramdaman naman niya ang pagdami ng sariwang hangin sa kanyang balat. Wala na ring gaanong sasakyan. Nakikita niya ang ilang mga tao na naglalakd, o di kaya ay bisikleta. May roon ding padyak ang gamit. Pero may ilan na ring tricycle. Kaya sure na walang gaanong polusyon. May nakita din naman silang sasakyan, tulad ng mga truck ng gulay. Pero hindi kasing dami ng sa Maynila. Mabibilang lang ni Leopard sa daliri ng kanyang kamay ang sasakyang nakita niya, mula ng pumasok sila ng San Raphael.
Ang terminal ng bus kung papunta ka ng Maynila ay bago pa pumasok ng San Raphael.
Ala una na ng hapon ng makarating sina Leopard sa bahay nina Alex. Nakita niya kaagad ang isang dalaga na medyo hawig ni Alex at isang binata na lalaking version naman ni Alex. Kaya nasisigurado niyang kapatid ito ni Alex. Mabilis namang bumaba si Alex ng sasakyan ay sinalubong ang dalawang kapatid at niyakap. Narinig pa niya ang sigaw ng kapatid ni Alex.
Nakita din niya ang paglabas ng dalawang matanda na sa tingin niya ay ang mga magulang ni Alex. Nasa pintuan lang ang matandang lalaki. Alam naman niya ang sitwasyon ng tatay nito, hindi gaanong nagkikilos dahil sa sakit. Pero nakikita niya ang saya sa pamilya ni Alex, ng makita ang anak at kapatid. Bagay na hindi niya muling naranasan mula ng dumating sa buhay nila ang ampon ng kanyang mga magulang.