Maaga pa lang ay nasa byahe na si Alex, papasok ng opisina. Six palang ng mga oras na iyon. Ayaw na rin naman niyang tumambay sa apartment niya, kaya naman nagpasya na siyang pumasok. Pero wala pang limang minuto ang natatakbo ng jeep na sinasakyan niya ay naipit na ito ng trapik. Matagal din silang nakatigil. Pero usad pagong naman. Napuno naman ng bulong-bulungan ang mga pasahero. Nagkaroon daw kasi ng karambola ng apat na sasakyan, five hundred meters ahead. Kaya naman usad pagong talaga. Nakabalandra kasi ang isang ten wheeler truck.
Alas syete y media na, pero nandoon pa rin siya sa loob ng jeep na sinasakyan niya.
"Ang aga ko kanina. Pero nabalewala lang ang lahat." Wika na kang ni Alex sa sarili.
Malayo pa rin ang lalakbayin niya kung maghihintay siya ng usad ng jeep kaya naman, bumaba na lang siya. Wala namang problema dahil nakabayad na siya pagkasakay pa lang niya. Advantage pa rin sa kanya na naka converse shoes siya, lalo na at naisipan pa niyang mag slacks ngayon.
Medyo mainit na, pero nilakad na lang niya ang papuntang opisina. Hanggang ngayon ay trapik pa rin. Nakita niya ang mga sasakyang sangkot sa banggaan kung tutuusin, ay mahihirapan talagang makausad ang mga sasakyan. Lalo na at bumaliktad ang ten wheeler truck.
Limang minuto na lang at malalate na siyang talaga. Kaya naman tinakbo na niya ang patungo sa opisina. Humihingal pa siya ng makarating sa harap ng building pero late pa rin siya ng ilang minuto. Pagtapat niya sa elevator ay under maintenance naman ito. Kaya naman, wala siyang choice kundi ang gumamit ng hagdan.
"Kung sinuswerte ka nga naman oh." Reklamo pa ni Alex habang tinatakbo ang hagdanan papasok sa opisina. Hinihingal at kita naman sa kanyang mukha ang pawis dahil sa pagod sa pagtakbo. Nang akmang bubuksan niya ng pintuan ay siyang pagsalubong ng kanyang boss, na nagbukas din ng pinto. Nakita ito ngayon na nakataas ang kilay sa kanya. Tinitigan naman niya itong mabuti.
'Hindi ko kasalanang nalate ako ah. Kasalanan iyon ng mga walang ingat na driver. Ang aga-aga ko kanina eh.' Wika ni Alex sa isipan habang nakatingin pa rin sa kanyang boss, at hinahabol pa rin niya ang paghinga.
"Why are you late, Ms. Dimagiba!?" May inis sa tono ng pananalita ni Leopard habang nakatingin kay Alex.
"Nice question sir. Una hindi ako malalate kung walang nagkarambolang mga sasakyan sa daang tinatahak ko patungo dito. Pangalawa pwede bang maupo muna. Pagod na pagod ako gawa ng pagkatakbo. Kaya wag mo akong sermunan boss okay." Wika ni Alex at nilampasan ang boss niya at tinungo ang swivel chair niya at naupo. Huminga muna siya ng ilan bago hinarap ang boss niyang, mukhang nagngingitngit na.
"What?" May inis sa tono ng pagtatanong nito.
"Boss pagod ako. Kaya wag mo akong ma what? What? Nagpapaliwanag ako di ba?" Dahil sa pagod ay hindi na makontrol ni Alex ang mga sinasabi niya sa boss niya.
"Ito na boss. Pangalawa alas sais pa lang nasa byahe na ako. Dahil nga sa nagkabanggan na ilang sasakyan natrapik at naipit ng trapik ang jeep na sinasakyan ko. Pero ng makita kong wala talagang pag-asa na umusad. Naglakad na lang ako. Tapos tinakbo ko na hanggang dito. Pangatlo, sorry boss na late ako. Kaso nangangatal ang paa ko. Hindi kita mapapagtimpla ng kape." Paliwanag ni Alex na hindi naman nagawang ikasalita ni Leopard. Napatingin na lang siya dito. Na naghahabol pa rin ng paghinga.
Naiinis siya kasi ayaw niya sa lahat ay late. Pero ng makita niya ang sekretarya na medyo namumutla dahil sa pagod, ay nawala ang pagkainis niya dito. May ilang minuto na itong nakaupo pero naghahabol pa rin ito ng paghinga. Sa halip na kagalitan ay tinungo niya ang pantry at ikinuha niya ito ng bottled water. Nang mapatingin siya sa pwesto ng mga mug ay, hindi din niya malaman kung bakit ngayon nagtitimpla siya ng dalawang kape.
Matapos ang kanyang ginagawa ay binalikan niya si Alex na medyo nakatingala at nakapikit.
"Drink this." Wika ni Leopard kaya naman napamulat si Alex at inabot ang malamig na bottled water at walang kemeng ininom, hanggang sa maubos.
"Thanks boss. Sorry ulit na late ako."
"No worries. Here's your coffee. Ako na lang muna ang nagtimpla. Bumawi ka na lang mamaya." Wika ni Leopard at umalis na sa tabi ni Alex at nagtungo na sa loob ng opisina niya.
"No worries. Tsk. Bakit parang ako ang dapat may ipag-alala? Dapat galit ako. Pero hindi man lang ako nakaimik sa mga reklamo niya. Oh wait! Ako ang boss bakit siya ang nagreklamo! Haist!" Inis na wika ni Leopard sa sarili bago simulan ang mga trabaho niya.
Magkasabay silang kumain ng lunch, at kahit ikalawang araw pa lang ni Alex ay gamay na niya ang mga dapat gawin.
"Boss mamayang two na ang meeting mo doon sa supplier ng mga hallow blocks. Ang daming reklamo ng customer. Mabilis daw mabiyak at mabasag ang mga hallow blocks na dinedeliver natin sa kanila." Wika ni Alex sabay subo ng pagkain niya.
"Good! Mabuti naman at pinagbigyan na nila tayo. Akala ko mahihirapan kang kumbinsihin sila." Saad ni Leopard.
"Tsk. Ako pa!" Sagot ni Alex.
"Anong sinabi mo sa kanila? Bago umalis si Jaime problema na namin yan. Ikaw two days ka pa lang, napapayag mo na kaagad silang makipag-usap sa akin?" Takang tanong ni Leopard na ikinangisi ni Alex.
"Easy. Sinabi kong may isang malaking gawaan ng hallow blocks na nais makipagkontrata sa hardware mo boss. Tapos kung hindi nila aayusin ang gawa nila, at hindi makikipag-usap ang may-ari ng pagawaan sayo. Lilipat na ikaw ng supplier as soon as possible." Nakangising wika ni Alex, habang namamangha naman si Leopard. Hindi nila naisip ang techniques na iyon. Basta nagpapaset lang sila ng meetings pero hindi man lang sila, sinisipot ng may-ari ng pagawaan ng hallow blocks. Tapos ngayon, ito pa mismo ang nagset ng agarang meeting, dahil sa sinabi ni Alex.
Napailing na lang si Leopard dahil, mahusay mag-isip si Alex. Hindi mo basta-basta maiisip ang mga bagay na iyon. Pero para sa kanya, parang natural lang na naiisip nito.
Pagkabalik ni Leopard sa opisina niya ay kinuha lang niya ang susi ng kotse niya, para puntahan ang may-ari ng pagawaan ng hallow blocks. Napatingin pa siya kay Alex na kasalukuyang naglalagay ng polbos sa mukha. Napatigil naman ito sa ginagawa ng tumigil siya sa harapan nito.
"Anong atin boss? May kailangan ka pa? Nabigay ko na sayo iyong mga reklamo ng customer natin di ba?" Wika ni Alex habang inaayos na lang ang makapal na pagkakalagay ng polbos sa mukha.
"Yeah nasa akin na." Sabay taas ng folder na hawak nito sa kanang kamay.
"Ay anong kailangan mo boss. Wala pang time ha. Nagreretouch lang ako. Ngarag na nga kanina. Hanggang ngayon ngarag pa rin." Sagot naman ni Alex, na ngayon ay naglalagay ng lip balm.
"Hindi ka man lang ba nakaramdam ng hiya, na patuloy ka lang sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha mo habang kaharap mo ako?" Tanong ni Leopard habang patuloy pa rin si Alex sa ginagawa.
"Boss, una sa lahat, it's breaktime. So malaya akong gawin ang mga nais kong gawin. Kita mo naman na sa oras ng trabaho. Trabaho lang. Walang halong kaartehan. So ano atin?" Sagot ni Alex na napabuntong hininga na lang si Leopard.
"Tapos ka na sa ginagawa mo. Tara na sa meeting." Wika ni Leopard na ikinataas ng kilay ni Alex.
"Bakit kasama ako?" Takang tanong niya.
"Ano bang trabaho ang pinasok mo dito, at nakapagtanong ka pa nga?"
"Luh, nagtatanong lang eh. Alam mo boss, wala namang batas na ipinagbabawal na nagsasabi na masama ang magtanong. Lahat tayo may kalayaang magtanong. Nadito tayo sa demokrasyang bansa. Malaya nating maipahayag ang ating saloobin." Sagot ni Alex na ikinailing naman ni Leopard.
"Tara na at tapos ka na rin namang maglagay ng kung anu-ano dyan sa mukha mo. Kailangan ko ng sekretarya kasi alam mo naman siguro ang trabaho na pinasok mo. Isa pa, bilisan mo. Bago pa kita bigyan ng exam sa Araling Panlipunan. Baka bumalik ka pa ng grade seven. Madamay pa ang apat na elemento ng estado. Teritoryo, pamahalaan, soberanya at mamamayan." Tugon naman ni Leopard na seryoso lang sa paglalakad papasok sa elevator.
"Hindi ka na mabiro boss, may exam ba tayo mamaya? Parang bagong review ka ah." Natatawang wika ni Alex na ikinailing naman ni Leopard.
Tahimik lang sila sa byahe. Siya na ang may dala ng folder ng mga customer na may reklamo sa mahinang kalidad ng mga hallow blocks. Dala din nila ang data ng araw kung kailan naideliver sa kanila ang hallow blocks na iyon.
Nang makarating sila sa restaurant ay nauna ng bumaba si Alex ng kotse para pagbuksan si Leopard. Nagulat naman si Leopard sa inasal ni Alex kaya naman napatitig siya sa nakangiting dalaga.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong nito.
"Boss anyare sayo? Malamang pinagbubuksan kita ng pinto. Kahit saan daanin, boss kita, kung pwede lang kitang ipagdrive di ako na sana para komportable ka. Kaso, may ilang taon na akong walang pratice pagdadrive. Pati jeep lang na bina-boundary-han ni itay ang nadadrive ko. Kaya hindi kita mapapagdrive." Paliwanag pa ni Alex, na ikinamangha ni Leopard.
"No need to do this. Kahit boss mo ako lalaki pa rin ako. Kaya kayang-kaya ko na ang sarili ko sa mga ganyang bagay. Hindi mo ako kailangang pagsilbihan. Sekretarya kita hindi katulong." Wika ni Leopard na siyang paglawak ng ngiti ni Alex.
"Boss pag ako na-inlove sayo at hindi mo ako nasalo. Naku ka." Pagbibiro pa ni Alex, sabay iling ni Leopard.
"Para ka ding si Hermano eh. Kaya siguro panatag na ako sayo. Mas okay ka kaysa sa mga naunang sekretarya ko na pumalit kay Hermano. Tara na." Pag-aya pa ni Leopard kay Alex ng ma-i-lock ang kotse niya.
Medyo naging matagal din ang kanilang pag-uusap ng may-ari ng pagawaan ng hallow blocks. Naging piwanang nito na maganda at quality ang ginagamit na materyales. Kaya nakakapagtaka na ganoon ang nangyayari. Kaya naman nangako ito na aaksyunan kaagad ang nangyaring aberya. Lalo na at ayaw nitong masira ang pangalan sa isang Leopard Asuncion. Dahil ang Asuncion Hardware ang isa sa pinakamalaki nilang partner sa pagbebenta ng mga hallow blocks.
Malapit ng mag-uwian ng makabalik si Leopard at Alex sa opisina. Nandito na naman si Alex at magmamadali na naman siyang umuwi. Napansin na naman ni Leopard ang paghihintay nito ng oras ng uwian.
"Wag mong sabihin na, magmamadali na naman ng pasok sa trabaho dahil sa isa mo pang trabaho?" Tanong ni Leopard na sunod-sunod naman ang pagtango ni Akex.
"Kailangan sir kumayod para sa future." Nakangiting sagot ni Alex, na ikinailing ni Leopard.
"May narinig na rin akong katulad mo ng kwento. Dalaga ka na parang may sinusustentuhang limang anak." Biro ni Leopard na ikinangiwi naman ni Alex.
"What if, mag-offer ako sayo ng another job, mas hihigitan ko ang sahod mo sa dalawa mo pang trabaho." Tanong ni Leopard at napaayos naman si Alex mula sa pagkakaupo.
"Tunay? Ano namang trabaho yan boss? Baka naman s*x slave yan ha. Iyong taga pagpainit mo ng malamig mong gabi?" Wika ni Alex kaya naman napangiwi naman si Leopard.
"Layo ng imagination mo ha. Hermano number two ka ba?" Tanong ni Leopard.
"Boss kanina ka pa sa Hermano na iyan. Si Ms. Jaime ba yan na dati mong sekretarya? Crush mo o mahal mo. Palagi mo na lang binabanggit eh. Mahal mo nga? Bakit hindi mo niligawan? Tapos pinaalis mo pa. Pag ganoon, dapat kinukulong mo sa mga bisig mo ng hindi makawala." Payo pa ni Alex at tinapik pa ang balikat ni Leopard.
"Pinagsasasabi mo? Ang layo ng narating natin ah. Kanina Araling Panlipunan lang. Ngayon payuhan sa pag-ibig. Tsaka hindi naman iyon ang pinag-uusapan natin eh. Nag-o-offer ako sayo ng isa pang trabaho." Saad ni Leopard.
"Anong trabaho boss? Seryoso na." Tanong pa ni Alex.
"Be my maid. Mag-isa lang ako sa bahay. Magluluto, maglalaba at maglilinis ka ng bahay. Ang sahod mo bilang sekretarya ko. Ay kapareho ng magiging sahod mo bilang katulong sa bahay ko." Wika ni Leopard na ikinamangha naman ni Alex.
"S-seryoso?" Nauutal na tanong ni Alex na ikinatango na lang ni Leopard.