Tahimik lang si Patrish na nakaupo sa sasakyan ni Theo. Paminsan-minsan sinusulyapan niya ito kahit naka side view ang binata kita parin ang ka-guwapuhan nito. Lihim n'yang pinag-aaralan ang kubuuan nito sa binatang naka sideview, kahit ang muscle nito ay mabato mas nakadagdag ito ng kagandahan sa katawan nito dahil mahahalata na alaga sa ehersisyo. Nag ply-flex ang muscle nito at ugat, tila ba sumusunod ito habang nakahawak sa manibela at naggagalawan ang ugat nito animo nagagalit. Biglang pinamulahan ng mukha si Patrish ng maisip kung anong pakiramdam ng mayakap nito sa gitna ng kama. Hindi niya maalala no'n at nagdedeliryo siya ng lagnat. Sa laki ng katawan nito kahit isang braso kaya siyang buhatin nito sa kama. Nahuli siya nito ng pagmamasid at akmang ibabaling niya ang tingin sa i