"Paano ingat Theo Drix, Kuya Esteban ingat ho sa pagmaneho," bilin ni Patrish kay Theo at sa driver nito na si Kuya Esteban nang ihatid niya ang mga ito sa labas ng bahay, nakatayo silang dalawa ni Theo sa tapat ng kotse nito. Naunang pumasok sa loob ng driver seat si Kuya Esteban dahil pumasok na ng bahay ang Nana Osang niya. "Yes madame, I'll be careful, for you." sagot agad ni Theo kay Patrish Jhane na wala pang balak sumakay sa kotse nito. "Problema mo?" may pagtatakang wika ni Patrish sa binata nang hindi ito gumalaw sa pagkakatayo at nakatitig lamang sa kanya. "Ma-miss kita," sabay hawak ng dalawa nitong kamay sa baywang ni Patrish at nagtagal ito ro'n na may kasamang pisil at marahan na paghaplos. Kahit nang sumulpot ang Nana Osang ni Patrish ay hindi naging hadlang kay Theo up