"Ay Gago!" gulat na gulat na wika ni Patrish Jhane, pagbukas niya ng pinto galing banyo at saktong bumulaga ang Nana Osang niya na dumaan patungo ng lababo. May dala-dala itong mangkok at iwan ni Patrish Jhane kung anong pinaggamitan at hindi naman niya napansin na umakyat ito kanina na may dalang pagkain. Bago kasi matulog si Patrish bumaba pa ito upang tingnan siya kung naka uwi na ang dalawa nilang bisita, bukod do'n patay lahat ang sindi ng kanilang ilaw sa buong kabahayan. "Nana Osang naman, anong nakalagay d'yan sa mukha mo?" Kunot noo na kuryosong titig ni Patrish sa puting cream na nakalagay sa buong mukha ng Nana Osang niya. Iba rin ang trip ng Nana Osang niya kung kailan hating-gabi maraming seremonyas na naisipan. "Ito ba?" ani nito at pahapyaw na hinawakan ang mukha nito n