Chapter 3

2131 Words
Jasmine Red Cortez-Swift POV* Napamulat ako at nasa isang kwarto ako na di pamilyar saakin. Agad akong napatingin sa damit ko mabuti yun pa din. At napatingin ako sa kamay ko dahil may dextrose na nakatusok. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Ton-Ton na naglalakad habang may hawak na plato.  Naalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Umatake pala ang ulcer ko. Agad akong pumikit at nag tulog tulugan. Narinig ko na inilapag nito ang hawak sa lamesa at inayos niya ang pagkaka ayos ng kumot na nakumot saakin. Biglang tumunog ang cellphone niya na agad niyang kinatayo at nakita ko na pumunta siya sa may bintana at doon sinagot ang tawag. "Oh." Sabi niya. Sino kaya ang katawag niya. Pero naririnig ko ang boses sa katawag niya kaya malaya kong naririnig ang pinag usapan nila. "Baby Kyz! Miss na kita kailan ka ba bibisita dito sa bahay?" Rinig ko ang boses ng isang babae sa katawag ni Ton-Ton at nanikip nanaman ang puso ko dahil baka yun ang babaeng nakita ko limang taon na ang nakalipas. "This Saturday. At dadalhin ko din ang matagal mo ng gustong makita na regalo." Sabi niya. Mahigpit akong humawak sa kumot dahil sa narinig. Di ko maiwasang umupo sa higaan at napatingin naman si Ton-Ton saakin. Napa igik ako nang maramdaman ang sakit sa tyan ko. Pero binaliwala ko iyon ang nasa isipan ko ngayon ay ang makaalis sa kwartong ito at tatanggalin ko sana ang dextrose sa kamay ko nang maramdaman ko ang kamay niya na pumigil saakin. "Anong ginagawa mo?" Kunot noong sabi niya. "K-kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko." Palusot ko pero ang gusto ko ay ang makalabas sa kwartong ito. "Jasmine!" Sigaw niya habang hawak ang magkabilang balikat ko at napatingin naman ako sa kanya at gulat na gulat. "Intindihin mo naman ang kalagayan mo! Ano na bang nangyari sayo!" Natahimik lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "Gusto mo tuluyan kitang paalisin sa kompanya ko?!" Nagulantang ako sa sinabi niya na kinalaki ng mga mata ko at agad akong napailing. "Gagawin ko ang lahat, wag niyo lang akong paalisin. Nagmamakaawa ako." Hindi lang sarili ko ang ginagamitan ko ng pera kundi pati si Lola Ling na nasa hospital. Hindi ko siya kaano ano pero siya lang ang tumulong saakin ng mga panahong walang wala ako, yung mga panahong sira na ang buhay ko dahil sa nangyari noon. Siya lang ang nasa tabi ko umalaga sa akin. At ngayon nasa hospital siya at dalawang taon na siya doon. Baon na baon na ako sa utang para sa pangangailangan niya sa hospital. "Okey, papayag ako pero sa isang kondisyon. Maging asawa kita sa harapan ng mga magulang ko. At sa mansion ka na titira simula ngayon at papayag ako sa gusto mo na walang makakaalam at empleyado na din ang trato ko sayo sa kompanya." Nagulat ako sa sinabi niya. "M-Maging Asawa mo?" Tumango siya sa sinabi ko. "Don't worry, suswelduhan kita. Iba ang sweldo mo dito iba din sa bahay." Malaking tulong na iyon saakin. "Gagawin ko ang lahat." Sabi ko nalang at wala naman akong ibang choice dahil malaking tulong na din iyon saakin. "Pag wala ang mga magulang ko maging kasambahay kita at wag kang mag aalala dadagdagan ko ang sweldo mo. Mas tataasan ko pa ang perang binibigay ng lalaki mo." Napaiwas ako ng tingin. Pero mukhang pera na ang tingin niya saakin. Pero wala akong pakealam ang akin lang maligtas lang ang Lola Ling ko. "Wala akong problema doon." Sabi ko nalang kahit natapakan na ang p********e ko sa ginagawa ko sa sarili ko. "Mamayang gabi ka na lilipat. Sa sasakyan ko nalang isasakay ang mga gamit mo." Sabi niya na kinalaki ng mga mata ko. Mamayang gabi agad? "Di ba pwede bukas nalang?" Tanong ko. "Mamayang gabi." Napayuko ako at tumango nalang. Uwian na at napatingin ako kay Ton-Ton na nasa gilid ko at papunta kami sa elevator na para sa CEO lamang. "Pwede ba akong sumakay diyan?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at lumakad na ako papasok at tahimik lang kami sa loob ng elevator na pinapangarap ko na sana madaliin na ang oras. "How are you?" Basag niya sa tahimik na lugar. "Ayos lang naman. Ikaw mukhang asenso ka na talaga sa buhay mo at mukhang masaya ka na din sa buhay mo." Sabi ko sa kanya. "Hmm.. I'm happy." Sabi nalang niya pero di ko pa din nakikita ang masayahing mukha niya. Nakarating kami sa parking lot at nagpalinga linga ako sa paligid baka may mga tao na makakita saamin. "Are you really that scared that they know we are married, Huh?" Napatingin ako sa kanya. Di ko siya sinagot. Ayoko lang ng mga chismosa at mabuti na yun na wala silang alam hanggang sa ma annul na kaming dalawa, parang walang nangyaring kasalan sa amin nun. Napahinto kami sa isang magandang sasakyan at namamangha ako habang nakatingin sa sasakyan niya. Di katulad saamin noon na nagjejeep lang kami o tricycle pero di ako nagsisisi nun dahil masaya kami. Bubuksan niya sana ang pinto nang inunahan ko na siya at agad akong pumasok sa loob. Tiningnan ko ang loob kung ano ang loob ng isang sasakyan at ibang iba ito sa taxi na sinasakyan ko. Napatingin ako kay Ton-Ton. Ibang iba na siya sa kilala ko noon, ngayon kasi mas lalo lumaki na ang katawan niya baka magjigym siya at mas lalo siyang tumaas at hanggang balikat lang niya ako. At mas lalo siyang nag mature. Napailing iling ako at sumakay na siya sa driver sit.  Ilang babae na kaya ang nasasakay niya dito? Bigla siyang napatingin saakin at nagulat ako nang bigla siyang lumapit at kinuha niya ang sitbelt ko. Eh may ganun pala. Pinatakbo na niya ang sasakyan at itinuro ko sa kanya ang bahay ko hanggang mapunta kami sa kanto at dahan dahan siyang pumasok dahil nasa eskinita ang bahay ko. Makikita mo sa mga tao sa paligid na namamanghang nakatingin sa sasakyan na pumasok hanggang makarating na nga kami sa bahay ko. "Dito na ang bahay ko." Sabi ko sabay turo sa isang kubo. Nang tiningnan ko ang mukha ni Ton-Ton gulat na gulat ang mukha niya. "Diyan ka nakatira?" Tumango naman ako. Napansin ko ang mga kapit bahay ko na nakachismis nanaman kung sino ang nasa loob ng kotse. "Kukunin ko muna ang mga gamit ko." Sabi ko. "Sasamahan na kita." Sabi niya at bumaba din at bumaba na din ako. "Woah, Jasmine, sino siya nobyo mo ba?" Kinikilig na sabi ng mga chismosa. "Nako hindi po." "Ang gwapo oh, sunggaban mo na. Kung ayaw mo ako na ang susunggab." Napakunot ang noo ko. "Wife, let's go." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng isang yun. Seryoso!! Napanganga din ang mga kapitbahay ko. At dinala ko na agad siya sa loob ng bahay ko. "Nakaya mong tumira dito ng limang taon?" Tanong niya. "Ano naman ang pake mo?" Sabi ko nalang at inilagay na ang damit sa maleta ko. "Ipamigay mo na ang mga gamit mo mga damit lang ang dalhin mo." Sabi ng isa sa gilid. "Pinag ipunan ko ang mga iyan." Reklamo ko agad. "I'll pay it." Natahimik naman ako. "Sabi mo eh." "Kahit na mga damit mo ipamigay mo na." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Pinamigay ko nalang ang mga damit na di ko na kinailangan at ang mga importanteng mga papeles at gamit lang ang dinala ko. Isinakay ang lahat ng iyon sa sasakyan at napatingin ako sa mga kapitbahay ko na nakatingin saakin. "Ang swerte mo, Jasmine. Pakikumusta nalang kami sa Lola Ling mo." Sabi nila. Ngumiti naman ako at tumango. At nagpaalam na ako sa kanila. Napangiti akong kumakaway sa kanila at pinatakbo na ni Ton-Ton ang sasakyan hanggang makarating kami sa isang pinakamalaking gate. Bumusina siya at bumukas ang malaking gate at napanganga ako sa di kalayuan makikita mo ang malaking mansion. "Mall ba yun?" Tanong ko sabay turo sa malayo. "That's our mansion." Nanlaki ang mga mata ko. Ang laki ng mansion pero baka mansion iyon ng bagong ka live in niya. "Sayo ang mansion na yan. Mansion ng pares mo." Napaiwas ako ng tingin. At tahimik lang siya habang nagmamaneho papasok. Hanggang mapahinto na ang sasakyan sa harapan ng mansion at nagulat ako nang may makita akong isang babae na dali daling bumaba at mukhang hinihintay si Ton-Ton. "Mukhang kanina ka pa hinihintay niya." Sabi ko at agad naman siyang bumaba at agad namang tumalon ang babae sa kanya at niyakap siya. Di ko marinig ang usapan nila nang napatingin si Ton-Ton sa akin at itinuro niya ako napatingin naman ang babae saakin. Agad namang lumapit si Ton-Ton at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan niya akong bumaba. "Siya ba ang asawa mo?" Tanong nito saakin nun babae. Nakikita ko ang mangha sa mukha niya parang masaya siya na makita ako. Hindi siya ang nakita ko nung five years iba din ito. "Yeah, she is." "Mabuti nakita mo na siya, Baby Kyzler." At nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Teka anong nangyayari? Ganito na ba ang mga kabit ngayon? Masaya na ba siya na makakaperma na ako ng Annulment?! Tiningnan ko si Ton-Ton na nakangiti na sa akin. Masaya pa itong pangit na toh. "By the way Jasmine, this is Kristine... my Mother." Natulala ako at napatingin sa babaeng nakangiti saakin. Mother daw! "Oh my! Bakit di ka nagpakita saakin ng limang taon, Baby Jasmine. By the way call me Mom ha." Baggets na pagkasabi nito. Baby Jasmine... So siya pala ang katawag ni Ton-Ton kanina? "O-Okey po, Mom." Yun nalang ang nasabi ko. "Oh my ngayon may daughter na ako. Matagal ko ng pinapangarap ito akala ko nga bakla itong si Baby Krypton ko pero di pala." "Mom." Bigla nalang akong hinawakan sa braso at pumasok kami sa loob. Umupo kami sa sofa at hinawakan niya ang kamay ko. Nandoon pa sa labas si Krypton at kami pang dalawa ng Mom niya ang nandidito. "Baby Jasmine, wag mo ng iwan ang anak ko, Please. Alam ko na iniwan mo siya noon marunong akong magbasa ng emosyon ng anak ko kahit cold iyon. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. At ang saya ko nung tumawag siya saakin kanina. Naramdaman ko ang saya sa mga salita niya na ang sabi niya may surprise siya saakin." Narinig ko rin iyon kanina. "At alam naman niya na ang pagkaroon ng asawa lang ang gusto ko para sa kanya kaya agad nga akong dumiretso dito." Napayuko ako. Di ako sure di niya alam na may mahal na ang anak niya at ako lang muna ang pinagpalit nita dito. "Nakikita ko sa wedding photos niyo na ang saya ng anak ko na makasal siya sayo." Di ko alam tumulo nalang ang luha ko. Sariwa pa sa isipan ko ang lahat na nangyari noon. Nung unang buhay ko na mahirap pa sa daga. 8 years later... Nandito ako sa labas ng kompanya dala dala ang mga catalogs na ibinibenta ko. "Hello, Kuya Guard!" Bati ko sa Guard sa kompanya. "Ang aga natin, Jasmine ha." Bati nito saakin. "Syempre, araw araw tayong kumakain kaya maaga tayong magbibenta. Kuya, yung arawan natin diyan." Nakangiting sabi ko at natawa naman siya at nagbigay saakin ng 200 pesos. "Ikaw talaga basta pera hindi ka nauuto sa usapan." "Ganyan talaga yan. Kumusta mo ko sa Baby Nicole mo Kuya ha." Sabi ko at anak niya si Nicole. "Yeah, hinahanap ka na nga nun at miss ka na niya." "Miss ko na din ang batang iyon. Sige Kuya, in na ako!" Ngumiti naman ito at pinapasok ako sa loob. Kilala na ako kahit saang kompanya man ako pumapasok dahil sa mala sales lady kong bibig. "Ayan marami pang bago diyan na mga perfumes, damit, sandals, palda at marami pang iba." Sabi ko sa kanila at marami namang namili ng mga bibilhin nila. Wala namang problema dahil rest time nila ngayon. "Ito saakin, Jasmine." Agad ko namang sinulat ang mga gusto nila. Nang napatingin ako sa isang lalaking malamig ang mukha na nagwawalis sa sahig. Napatingin siya saakin at nagwave sa kanya agad naman akong lumapit sa kanya. Di ko naman makita ang mukha niya dahil naka mask siya. "Bagong janitor ka dito? Nice to meet you pala." Nakangiting sabi ko pero siya di man lang ako kinausap. "Ito naman masama ba ang araw mo. Don't worry di ako titigil hanggang di ko makita ang happy awra mo." Napatingin naman siya ulit saakin at nagpaalam muna ako dahil tinawag ako ng mga supporters ko. Napatingin ako sa kanya at nginitian ko muli siya. Yun ang unang kita namin at yun din ang unang tagpo ng mga mata namin. ******* (Not edited yet) LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD